Chapter 7 - Behind the truth of the Dark Gods

2150 Words
SAMANTALA, sa kwarto naman ng mga kaibigan ni Jona sa Root Valley ay pinag-uusapan agad nila ang tungkol roon. Isa itong mabigat na desisyon na gagawin nila at marami silang dapat isaalang-alang. "Mahirap magdesisyon," wika niya habang nakaupo sa kama nito. "Hindi rin pwedeng sumama agad tayo sa mga boyfriend natin gayong naumpisahan na natin ito. Marami ang umaasa sa atin. Nalulungkot man ako para kay Harris pero habang panahon ko naman dadalhin sa kunsensiya ko ang hindi pagtupad sa tadhana ko," saad ni Jingky. Napabuntong-hininga si Po. "You're right, Jingky. Pakiramdam ko kanina nang makita natin sila ay parang may kakaiba. There's a sudden strange that I can't explain. Iba ang ang inra nila." "Same. Iyan din ang naramdaman ko kanina. Akala ko naroon pa ang pananabik na makita ko si Rovi pero hindi ko na maramdaman. I'm trying to find that kind of sparks from him but—I can't. Patawarin na sana ako ng panginoon pero iyon ang totoo," tila may lungkot ang sinabi ni Anna. "Akala ko ako lang." Sambit naman ni Khale. "Salawahan na ba ang mga puso natin? Sobrang naguguluhan lang siguro tayo sa pangyayari kaya kailangan natin ng solid na desisyon. Magkikita sila bukas upang pag-usapan ito at tayo pa rin dapat ang mamili." "Tama si Khale. Kailangan niyong mamili. I'm sorry, girls. Mananatili ako rito kasama sina Michelle, Jho at Khorie. Isang laban na ito para sa buong lahi ng mga nilalang sa paligid natin. Naumpisahan ko na ito at paninindigan ko na," desidido si Lea na isakatuparan ang tadhana nito. Humugot muna si Sam ng mahinang buntong-hininga bago nagsalita. "Kanina habang kayakap ko ang boyfriend kong si Chester para bang may kung anong hipnotismo itong nawala bigla ang mga iniisip ko tungkol sa tadhana ko at desididong sasama sa kanya. Subalit nang makarating tayo rito sa loob ng mansiyon ay nawala. Naniniwala ako sa sinasabi ni Po na may kakaiba sa kanila. At pabor naman ako kina Jingky at Lea na tuparin ang nasimulan natin dito. Pero pabor din ako kay Jona na mahirap nga magdesisyon. Maganda ang ideya ni Khale na dapat ay may solid tayong desisyon upang masabi sa kanila kinabukasan. And the last thing is, I can't find right now the kind of spark which Anna told us," tulad ng iba ay gulong-gulo na rin ito. "Alright. If you're agree with this, let's have our final decision once and for all. Alang-alang sa lahat. Kung may kailangan tayong isakripisyo marahil ay ang totoo nating damdamin." Napatango ang lahat kasama siya. Anuman ang maging desisyon ng lahat ay paninindigan nila ito kahit pa puso at buhay nila ang nakasalalay.  ALAS-DIYES ng umaga nang magkaharap ang lahat sa Valley Lounge ng Green Valley building. Nagtungo rin ang grupo nina Jona roon at inihanda na nila ang sarili sa mangyayari. Mabigat man sa kalooban nila ito ngunit kailangan nilang harapin at tanggapin ang magiging kahihinatnan. Pagpasok pa lang nila sa malaking sala ay naroon na ang nobyo kasama ng iba pa at ang grupo nina Anchises. Napakasutil ng puso niya dahil doon niya unang ibinaling ang tingin sa binata na sakto namang nagtama ang kanilang paningin ngunit agad din siyang nagbawi at ibinaling sa ibang direksiyon ang mga mata. Curse! Sambit niya sa isipan. Kanya-kanyang puwesto na sila habang tahimik ang binatang naroon at sadyang nakikiramdam lang din. Kasunod naman nila ang dalawang kaibigang sina Jho at Khorie na kakapasok lang din ngunit pumuwesto ang mga ito sa kabilang side na malapit sa balcony. Si Zeus na ang unang nagsalita. "I think everyone are here. Let's begin. Hindi na kami magpapakilala dahil alam kong kilala niyo na rin kami. And we know you already, gentlemen. Alam rin namin na alam niyo na ang tungkol sa kanila at kung bakit sila naririto." "Yes. They told us last night. At hindi kami makakapayag na manatili sila rito sa poder niyo," matatag na tugon ni Rovi. "Well, if that's the case, maybe the women here will decide. Hindi namin sila pipilitin na manatili rito at kung gusto nilang sumama, they can go with you. Hayaan natin sila ang magdesisyon," wika rin ni Persius. "Okay, fine. Hayaan natin sila ang magdesisyon," sabay napatuon ang tingin ni LJ sa direksiyon nila kasunod ng iba. Tumayo si Po at napagkasunduan nilang ito ang magsasalita sa penal nilang desisyon. "Ahm, I'll be the one to tell you guys our final decision. I'm sorry, but we need to stay here." "What?!" umalma agad si Kenshin na nobyo ni Po. "Yes, you heard me. Napagdesisyunan naming manatili muna rito hanggang sa darating na itinakdang araw. Mas lalo lang magiging kumplikado kung tatalikuran namin ito." Paliwanag ng dalagang si Po. "Mahirap ito para sa amin dahil pati ang personal naming buhay ay nadadamay. We need to take the risk or else—" Napasulyap si Po sa gawi nina Zeus saka bumaling sa gawi ng nobyo nito. "Or else we all die." Ilang segundong natahimik ang lahat. Nakiramdam, nag-iisip at naguguluhan. Iyon lang ang hindi mailarawang emosyon ng bawat isa. "Tinuruan ba nila kayo sa dapat niyong isasagot sa amin? Or they use their magic to change your minds?" tanong ni Kenzo sa kanila. Napatayo si Khale. "Kenzo! Enough! We decided it so please give us some respect." "Respect? How? What about us? You'll throw it away just for the sudden fate you have on them? That's bullshit, Khale!" tumaas na ang boses ni Kenzo. Sumingit si Achilles. "Hey! Igalang mo ang babae. Kung makapagsalita ka parang hindi mo nobya ang kaharap mo. Respect their decision and if you can't accept the fact then, the door is wide open." Tumingin ng masama si Kenzo kay Achilles. "May karapatan naman siguro akong magsalita sa girlfriend ko. Apektado kami sa desisyon nila. Lahat na lang ng bagay ay kinukuha niyo. Kapangyarihan at minamahal." "Mali ka." Sabat ni Apollo. "Kayo itong maraming kasalanan sa lipunan natin. Dapat niyo lang bigyan ng respeto ang desisyon nila dahil buhay nila ang nakataya rito. Ligtas sila sa pangangalaga namin." "And you're telling that they are not safe on us?" Chester answered. "Ikaw nagsabi niyan," sarkastikong tugon ni Apollo. "Wala kaming kinalaman sa nangyari nitong mga nakaraang buwan at kung meron man ay nararapat lang siguro dahil kami ang nawalan," tila nag-iinit na rin si Jiro. Jiro! My god! Napahilamos siya aa mukha at napayuko. Ayaw niyang tingnan ang mga itong nagtatalo.  "Are you kidding? Ganyan na ba ang batayan niyo at pati inosenteng tao ay dinadamay niyo? Hindi ako pabor na narito kayo sa lugar namin. Tao namin kayong tinanggap dito, tao rin dapat ang inasal niyo," napakuyom ng Kamao si Ares. "Bro," sabay pinigilan ito ni Anchises at umiling na huwag ng patulan pa. Naguguluhan na pati ang mga kaibigan niya sa pasaring ng magkabilang grupo. Hindi na nila maintindihan ang bawat lumalabas sa mga bibig ng mga ito kaya napatayo na si Sam at nagsalita. "Sandali!" Palipat-lipat siya ng tingin sa mga ito. "Feeling ko may hindi tama." Natuon ang tingin niya sa grupo ng nobyo. "Anong ibig sabihin ng dinadamay niyo ang inosenteng mga tao? Anong kasalanan niyo sa lipunan nila?" Nag-angat siya ng tingin nang marinig niyang nagsalita ang kaibigan niyang si Sam. Iyon pa ang kanina niyang iniisip. Ano nga bang kasalanan nila sa lipunang ng mga diyos? Bakit ganoon na lang ang mga pasaring ng mga ito? "Kung patatagalin niyo pa ang usapan na ito ay wala rin patutunguhan. Sabihin niyo na ang totoo," sabat ni Jho. Muli siyang nahiwagaan. Anong totoo? Jiro? Napatitig siya sa nobyong tila umiiwas din ng tingin sa kanya. "A-anong totoo?" takang tanong ni Sam sa nobyo nito saka bumaling din ito sa kaibigan nang hindi tumugon ito "Anong totoo, Jho?" "Itanong mo sa boyfriend mo. Kung ayaw nilang magsabi, ako ang magsasabi." anito. Hindi na niya napigilan kaya napatayo na rin siya. "Na ano? M-may hindi ba kami alam? Magsalita naman kayo!" gulong-gulo na ang utak niya. "Kung ayaw niyong magsalita ay lalabas na lang kami—" "We are the opposite by them," saad ni LJ sa naputol na sasabihin ni Sam. Mahinahon lang ang boses nitong nakatuon sa kanilang lahat. "What?!" Sam is shocked. Na-shocked din siya at ang mga kaibigan niya sa kung ano ang tinutukoy nito. Nais makasigurado ni Sam sa narinig kaya't tinanong ulit nito si LJ. "D-dark Gods—kayo?" "Sinasabi ko na nga ba." Wika ni Jingky na nasa likuran niya. "Ngayon napagtanto ko ng hindi nga namin kayo kauri." "Jinks, paano ka nakakasiguro?" tanong ni Anna rito. "Nakalimutan niyo atang isang Chemist si Jingky at lingid sa kaalaman niyong lahat ay may special training siya kay Hermes kung paano ma-identify ang mga nilalang kung ito ay white or dark caster." Paliwanag ni Lea sa kanila. "Sorry, pero alam niyo namang kasama sa training natin ang pakiramdaman ang paligid. Dionysus taught me that." Bakit hindi ko naisip iyon? Nakalimutan ko ng pakiramdaman ang paligid nang dahil sa emosyon kong makita si Jiro rito. At isa siyang—miyembro ng Dark Gods? Hindi siya makapaniwala na ang nobyo ay may kapangyarihan din tulad ng mga White Gods. Naalala niya noong unang ipakilala ito ni Jingky sa kanila at tila alam nito ang bawat kilos niya. "She's right." Dugtong ng binatang si Dionysus. "I taught her how to do that." "Hermes taught me everything. Kung paano ang kilos ng mga imortal, kung paano makipag-usap gamit ang isipan, kung paano makihalubilo sa mga mortal, kung paano makita ang dumadaloy na inra sa isang nilalang at ang mga spells. Habang kumakain tayo kagabi, napansin ko ang chopstick mo Harris. Kinuha ko iyon pero alam kong nababasa mo ang kilos ko kaya pasimple pinatungan ko ito ng tissue ko. Nakakuha ako ng sample ng saliva at kaninang madaling araw ay nag-check kami ni Hermes sa lab niya. Hindi ako makapaniwala sa natuklasan ko at si Lea pa lang ang nakakaalam sa bagay na iyon dahil gusto ko munang makasiguro. Isa pa, hindi niyo kayang basahin ang nasa isipan namin dahil protektado kami ng mahika nila," tukoy sa mga binatang White Gods. Noon lang niya nakitang seryoso ang kaibigang si Jingky. Nilapitan naman ni Sam ang nobyo nito. "Aminin mo sa akin, gumamit ka ng spell kagabi?" "Sam," sambit nito. "Sabihin mo sa akin kung gumamit ka ba?" Napabuntong-hininga ito saka tumango. "I don't want to lose you." Mahina nitong wika sa kanya. "I'll use everything I can just to let you stay with me. Sana maintindihan mo rin ang damdamin ko," malungkot nitong sabi sa huli. Napansin niya ang bahagyang pagtulo ng luha ni Sam dahil nagpahid ito sa mukha. "Kung desisyon mong manatili rito, then it's fine with me. Hindi na kita pipigilan," sabay biglang nawala si Chester sa harapan niya. He used his dark vanishing spell. Nagulat siya sa ginawang iyon ni Chester na kaya rin nitong maglaho tulad ng mga kalalakihang kinabibilangan ni Anchises. Sa labis naman na pagkabigla ay tuluyang napaiyak si Sam. Nilapitan naman niya at ng ibang mga kaibigan upang pakalmahin ito. "Aalis na rin kami pero hindi ibig sabihin ay tinanggap namin ang lahat ng ito. Babalik kami," matatag na wika ni LJ saka ito biglang naglaho kasama ng iba pa. Napaiyak na rin siya at ang mga kaibigan niya. Mabuti na lang ay hindi naman sila pinapabayaan ng mga binatang naroon. "Ayokong makakita ng umiiyak na babae," napatalikod si Ares at nagtungo ng balcony. "Ako rin pero ngayon nila tayo kailangan." Lumapit naman si Anchises sa direksiyon niya. "Here," inabutan siya ng panyo. "T-thanks," ginamit niya iyon upang punasan ang nabasa niyang pisngi. Bumaling naman si Anchises sa kaibigan niya. "Sam, give me your hand. Hindi ka dapat pinapaiyak ng boyfriend mo." Kinuha na rin nito ang kamay niya. Pinapagaan ni Anchises ang pakiramdam ng kaibigan niya habang kausap naman ni Po sina Jho at Khorie 'di kalayuan sa kanya. Nag-usisa na agad ang mga ito tungkol sa mga nobyo. "Sina LJ at Rovi ang kabilang sa mga Dark Gods na bumihag sa amin sa Dark Facility. Kasama namin si Michelle noon at nasa panig nila si Zifir. Si Zifir na nanlinlang kay Sam sa Dark Forest. Tinutulungan nila ang halimaw na iyon para maghasik ng kaguluhan. I'm sorry, ngayon lang namin nabanggit ito. Alam ko ang nararamdaman niyo sa ngayon," paliwanag ni Jho. "Wala man lang kaming kaalam-alam," napapailing na wika ni Po. "Hindi ako makahinga," napahawak sa dibdib si Anna. "Magpatingin ka muna kay Hermes," suhestiyon ni Persius sa dalaga. "H-hindi na. Kaya pa naman." "Ladies, much better na magpahinga na muna kayo. Hindi namin sila pagbabawalan na makipagkita sa inyo pero oras na malaman naming may gagawin silang masama sa inyo ay hindi namin sila aatrasan," seryoso wika ni Zeus sa kanilang lahat. Napatango na lamang sila saka marahang kumilos upang bumalik na sa Root Valley. Napakabigat sa kalooban ang pangyayaring iyon kaya minabuti na munang ipahinga ang puso at isipan nila.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD