Chapter 1.1 - Their Mission Part 2

1416 Words
DUMIRITSO siya sa BGC upang makipagkita sa iba pang mga kasamahan sa organisasyon. Nagpatawag ang kanilang head para sa isang mahalagang misyon. Tinipon muna ang lahat ng mga kasamahan niyang halos babae rin at naging mga kaibigan na rin niya. Mataman silang nakikinig sa head ng kanilang grupo. "Okay. Let's discuss about Michelle's mission at Green Valley. Ipinapaalam ko sa inyo na aborted ang misyon niya at alam ko ang iba sa inyo ay alam na ang tungkol dito. Naipasana ng head ng organisasyon sa London ang misyon sa ibang grupo sa paghuli sa isang drug syndicate na si Uzik Umerged. Ipinaalam na lang ni Aphrodite na mananatili muna si Michelle roon hanggang sa siya ay payagan ng makabalik dito. Pero hindi ako kumbinsido. Pakiramdan namin ay may kakaibang nangyari doon. Since, katatapos lang ng inyong mga misyon ay ipapadala ko kayo sa London." "Miss Jow, bakit hindi natin direktang tawagan si Michelle? Baka kung ano na nangyari sa kanya," suhestiyon niya. "We already did that, Jona. Ako na mismo ang tumawag kay Michelle pero kahit ako hindi rin kumbinsido na okay siya. Ayon din sa informant ni Miss Jow ay nasa isang mansiyon si Michelle inilipat dahil iyong unang Villa na kung saan siya nag-stay ay may umatake dito," paliwanag ni Po. "Baka naman ay tauhan ni Uzik ang umatake," singit ni Sam. "It's not an ordinary people as our informant said." Dugtong ni Miss Jow. "Hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan pero kakaiba ang mga umatake sa kanya roon. Try to watch this cctv. Saka kayo mag-conclude kung anong klaseng mga tao iyan." Iniharap ni Miss Jow ang laptop sa kanila at nag-play ang video. Mataman siya at ang kasamahan niyang nanonood sa video. Nanlaki ang mga mata nila pare-pareho nang makita si Michelle na nakikipaglaban sa mga taong kulay itim ang kasuotan at nang humandusay ang dalawang ito ay unti-unting sumabog ang mga ito sa kawalan. My god! Alien?! Kahit siya ay nabigla at nagulat rin sa napanood. Hindi nila lubos akalain na makakasagupa ni Michelle ang mga kakaibang nilalang na ito. "Are they vampires? Naisip ko lang. Uso pa man din ang mga may pangil sa UK. At maaaring nasa panganib nga si Michelle. Kailangan na natin siyang puntahan." "Lea, it's only a myth. Wala naman katotohanan ang mga iyan. Milenyal world na ngayon at malamang mga cyborg iyan na pakawala ng grupo ni Uzik," singit ni Jingky. Isang kaibigan niya na bihasa sa science. Napabuntong-hininga si Miss Jow at muling hinarap sa direksiyon niya ang laptop na pinapanood sa kanila kanina. "Anuman ang rason, iyon ang dapat niyong alamin. Bukas na bukas din ay lilipad kayo patungong UK. Magpapanggap kayong bakasyunista at mananatili sa GV Hotel pansamantala. I already prepared your itinerary and your visa. Girls, tandaan niyo bakasyunista kayo at gusto kong alamin niyo rin ang tunay na nangyari sa misyon ni Michelle. Maliwanag?" "Yes, Miss Jow!" sabay-sabay nilang tugon. Pagkatapos ng kanilang meeting ay nagkaniya-kaniya na ang kanilang grupo at umuwi na upang maghanda. Habang nagmamaneho siya ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang biglaang pagsabog ng katawan ng mga taong sumugod sa kaibigan. Kakaiba na talaga ang mundo ngayon. Kung hindi mga sumasabog na katawan ng mga tao ay mga unidentified flying object naman ang mga nakikita. Ang iba naman ay ang pag-aaral sa sensya sa kasalukuyan. Pero—nakakapagtaka talagang sumasabog ang mga iyon. Panibagong misyon na naman ito. Napapailing na lang siya saka nagmamadaling umuwi. HAPON na ng matapos siyang makapagligpit ng mga dadalhin niya sa ibang bansa. Bago pa man niya isara ang closet ay napuna niya ang isang bagay na binigay sa kanya noon ng kaibigan. Marahan niya itong kinuha at pinagmasdan. Naalala pa niya ang huling sinabi nito. Swerte iyan! Kahit saan ka pumunta ay dalhin mo. Swerte nga ba? Napapailing siya. Bahala na. Dalhin ko na lang. Baka makatulong ito sa misyon namin sa bansang iyon. Kung bakit kasi na wala itong talim. Paano ko magagamit ito? Isang handle lang at walang blade. Pambihira talaga siya! Isinama na lang niya ito sa mga gamit na dadalhin at saktong naroon na ang kaniyang ina na pumasok ng diri-diritso sa kwarto. Unang napuna nito ang isang luggage niya at hand carry baggage sa isang sulok. "Aalis ka?" tanong ng ina niya. "Opo." "S-saan ka na naman pupunta? May business trip ulit ang kompanya niyo? Kakarating mo lang galing sa business trip, ah." "Ganoon po talaga. Maraming bubuksan na branches ang boss ko. Baka nga po ay matagalan ako sa misyon ko este sa—sa trabaho ko kaya kayo na muna ang bahala rito. Magpapadala na lang ako ng pera panggastos dito sa bahay." Muntik pa siyang madulas sa ina. Mabuti na lang at bumawi siya kung hindi ay malaking problema pagnagkataon. Ikaw kasi napakadaldal mo, Jona. Hinay-hinay lang. Pinagalitan pa niya ang sarili. "Wala naman akong magagawa. Siyangapala, iyong nangyari kanina sa palengke. Napakagaling mo pala sa karate-karate na iyan! Biruin mo at napatumba mo ang dalawang iyon gamit lang ang kamay. Kailan ka pa natuto?" pag-uusisa ng ina niya. Sinulyapan niya ito matapos ilagay ang tsuka sa bag niya. "Self-defense lang iyon. Kailangan ko iyon dahil lagi akong wala rito sa bahay." "Sabagay. Kailangan mo nga iyon lalo na at babae ka pa naman. Saang lugar ba ang bubuksan niyo ng boss niyo?" "Sa ibang bansa. Sa England. Actually, meeting iyon ng mga principal ng mga leading brand na watches dito sa bansa natin," paliwanag niya sa ina. Kaya ayaw kong manatili rito sa bahay dahil madaming tanong itong maganda kong ina. "Ganoon ba. Sige, bababa na ako sa kusina upang makapaghanda ng hapunan," tumalikod na ito. "Susunod na ako at tutulungan ko na kayo." Sinundan na lamang niya ng tingin ang inang papalabas ng kwarto. Pasensiya na kayo, Mama Jen. Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo ang tunay kong trabaho upang protektahan na rin ang identity niyo sa mga taong involve sa mga bawat misyon namin. Don't worry, kapag nakaipon ako ay titiwalag na ako sa grupo. Muli niyang ipinagpatuloy ang pag-aayos sa kwarto saka siya bumaba ng kusina. KINABUKASAN, saglit lang siyang nagpaalam sa ina at tumulak na agad siya patungong airport kasama pa ng iba. Pagdating naman sa airport ay pumila agad sila sa immigration. Mabuti na lang at walang aberya kaya nakakapagpahinga pa sila sa departure area. Anim na kababaihan silang magkakasama na sinanay na sa ganoong kalakaran ng grupo at tulad niya ay pagod din ang mga ito sa huling misyong ginampanan ng bawat isa. Hanggang sa nag-anunsiyo na ang airline crew na kailangan na nilang mag-on board. Non-stop ang biyahe nila patungong London Hearthrow Airport na may labintatlong oras ang lalakbayin. Iniisip niya habang nasa himpapawid ay matulog na lang muna siya upang makabawi. GABI nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nila sa kanilang destinasyon. Pagkababa nila ay dumiritso muna sila sa immigration ng airport saka sila sa nag-claim baggage. Naghihikab pa siya habang pinapagulong ang hawak na luggage nang makalabas. Nasa arrival area sila at nanunuot ang malamig na hangin sa loob ng makapal na jacket niyang suot. Ayun sa weather forecast, nagsisimula na ang winter sa buwan ng november at saktong buwan silang naroon. December to February naman ang pinaka-coldest point dito. "Girls, let's go! Nariyan na ang shuttle ng GV hotel," tawag sa kanila ni Po. Nandito na pala ang sundo namin. Woah! Ang lamig! Pumarada sa tapat nila ang puting van na may tatak na Green Valley Hotel. Ayon sa itinerary nila ay dadalhin muna sila sa isang magandang hotel sa London City upang doon na muna magpalipas ng gabi at bukas ng umaga tutulak naman sila patungo roon. Sandali lang din ang naging biyahe nila at nakarating agad sila sa isang luxurious hotel na pagmamay-ari ng G&A Corporation. Ang kompanyang nagtalaga sa kanilang organisasyon sa Pilipinas. Hindi niya naiwasang mamangha sa paligid at kagyat na nawala ang antok niya. First time nilang pumasok sa ganito kagarang hotel. May mga magagandang desenyo ang paligid, malawak na reception at ang pinakanakatawag pansin sa mga mata niya ay ang malaking chandelier sa gitna. Kumuha agad siya ng kaniyang cell phone sa bulsa at kumuha rin ng ilang larawan. Instagrammable ang paligid! Undercover ka na, nakagala ka pa! Tuwang-tuwang sambit niya sa isipan. Naglabas din ng cellphone ang iba pa at kumuha ng ilang shots sa paligid. Kailangan nilang magkunwaring turista roon upang itago ang totoong pakay sa lugar. Maya-maya pa ay nagtungo na sila sa kanilang malawak na silid upang makapagpahinga na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD