Agad na bumalik ang apat sa kalawakan upang ibalik ang kulay ng mga bituin. Alam ni Prinsesa Cassiopeia na ang pagkakaroon ng pantay na kulay ng mga bituin ay hindi magtatagal dahil nawawala ang ang isang palamuti ng singsing kaya mahina ang kapangyarihan nito.
Sa gabing iyon ay naging makulay ang mga bituin ng pantay, kaya tumigil ang alitan sa pagitan ng mga Elf at hindi na ipinagpatuloy ang planong pagsalakay sa mga Elf na kulay itim, nagkasundo ang lahat ng mga Elf ngunit ang iba ay may galit parin sa mga itim na Elf.
Nakapagpahinga si Prinsesa Cassiopeia sa gabing iyon, pero bakas parin sa kaniyang mukha ang pag-aalala na baka humina ang kapangyarihan ng mahiwagang singsing at hindi na niya kayang mapaningning ang mga bituin ng pantay.
Bago pa pinasikat ni Diyosa Lyra ang kaniyang araw ay gising na si Prinsesa Cassiopeia at agad na pumunta sa palasyo ng kaniyang amang hari at inang reyna, upang magpaalam sa kaniyang ama at humingi ng payo kung paano niya maibabalik ang isang palamuti ng mahiwagang singsing.
Sinabihan siya ng kanyang ama. "Tumungo ka sa kaharian ng Quirtanya kung saan naroroon ang mga Buetrez at hanapin mo ang kanilang Reyna na si Aldresa at magpagawa ka ng isang palamuting may kapangyarihan at kasing tulad ng nawawalang palamuti."
Tutungo sana si Prinsesa Cassiopeia sa kaharian ng Quirtanya nang biglang dumating ang Prinsipe ng Quirtanya na si Prinsipe Beroque at binigyan niya ng mga bulaklak na napakaganda si Prinsesa Cassiopeia.
"Magandang umaga, mahal kong Prinsesa Cassiopeia, hawak ko ngayon ang mga rosas na napakaganda, mabango, at makukulay na rosas. Ang rosas na ito ay kasingtulad mo na nakakaakit, ang lahat ng mga ito ay aking iaalay sa iyo, mahal ko. Maari ba kitang ligawan?" Sabi ni Prinsipe Beroque. "Kung ito ay ayos lang sa iyo, hindi kita pipilitin, maghihintay ako, makuha ko lang ang matamis mong 'oo', lahat gagawin ko basta para sa iyo." Nakangiting sabi ni Prinsipe Beroque habang iniaabot ang mga bulaklak na talaga namang nakakaakit.
Binati niya rin si Prinsipe Beroque at nagpasalamat sa mga bulaklak na binigay niya. Napangiti si Prinsesa Cassiopeia, sa sandaling iyon ay napahinto siya at nakalimutan niya ang kaniyang pakay.
Sila ay pumasok sa palasyo, bumukas ang palasyo sa pamamagitan ng pagbigkas sa salitang suzhiqcar, isang salita ng mga immortal na ang ibig sabihin ay 'open the door'. Agad silang pumasok at umupo sa upuan na katulad ng mushroom ang disenyo nito, nagusap sila at dito ipinagtapat ni Prince Beroque ang kanyang pagmamahal kay Prinsesa Cassiopeia. Ngumiti si Prinsesa Cassiopeia kay Prince Beroque at sinabi nya. "Kung maari ay kaibigan muna ang ituring mo sa akin upang mas makilala pa natin ang isat-isa, maraming salamat sa ibinigay mong bulaklak, sa ngayon ay may kailangan pa akong ayusin." Nagmadaling sagot ni Prinsesa Cassiopeia kay Prinsipe Beroque.
Habang sila ay nag-uusap naalala ni Prinsesa Cassiopeia ang kaniyang pakay kaya agad siyang nagtungo sa kaharian ng Quertanya.
Para makarating siya sa Quertanya ay kailangan niyang hanapin ang higanteng paru-paro at dumaan sa dagat ng bahaghari sakay ng isang mabilis at higanteng isda at maglakad sa isang gubat na puno ng hiwaga o mahika at sa hindi kalayuan nito ay matatagpuan na ang kaharian ng Quertanya.
Nagsimula nang maglakbay si Prinsesa Cassiopeia hinanap niya ang higanteng paru-paro sa mga higanteng bulaklak na matatagpuan sa Verthexs ang pangalawang buwan. Nang matagpuan niya ito ay sumakay siya rito at nagsimulang maglakbay patungo sa dagat ng bahaghari. Pagod na ang pakpak ng higanteng paru-paro at hindi na niya kaya pang lumipad ng malayo, kaya hinanap niya ang mabilis at higanteng isda upang tumuwid sa dagat ng bahaghari. Sa kaniyang paghahanap ay nakasalubong niya ang isang alimango at maliit na palaka sa gilid ng dagat, nakita niya ang dalawa na nagaaway kaya nagtanong siya.
"Maari bang malaman kung bakit kayo nag-aaway?"
"Si Alimango kasi gusto niya akong patayin nais ko lang namang pumunta sa tubig," naiinis na sagot ni Palaka.
"Si Palaka kasi ay nais niya akong kainin dahil maliit lamang ako at sa tingin ko gutom na siya," naiiyak na sabi ng Alimango.
Tinulungan ni Prinsesa Cassiopeia ang dalawa upang hindi na mag-away, alimango hayaan mong dumaan si palaka, at ikaw naman palaka pumunta ka na sa tubig at huwag mong kakainin si alimango." Malumanay na sabi ni Prinsesa Cassiopeia.
Sinunod ng dalawa ang sinabi ni Prinsesa Cassiopeia, dito napagtanto nila na nagkamali pala sila ng hinala, humingi sila ng tawad sa isat-isa at muling nagkasundo ang dalawa.
Nagpasalamat sila kay Prinsesa Cassiopeia at nagtanong sila kung bakit siya naroroon, at kung ano ang kaniyang pangalan.
"Ako si Princess Cassiopeia, hinahanap ko ang pinakamabilis lumangoy na higanteng isda."
"Ang hinahanap mong isda ay aming kaibigan." Ang sagot ni alimango at palaka.
"Kailangan ko ang tulong niya. Maaari niyo ba siyang papuntahin rito?"
"Oo naman Prinsesa Cassiopeia, dahil tinulungan mo kami tutulungan ka rin namin," sagot ng dalawa.
Agad nilang hinanap ang mabilis at higanteng isda sa dagat ng bahaghari, dahil sa malawak ang dagat ay tumagal ang kanilang paghahanap hanggang sa malapit dumilim sa oras na iyon ay kailangan ng umuwi ni Prinsesa Cassiopeia kaya nagpaalam siya sa alimango at palaka at saka sabay sinabing, "kung sakaling nahanap niyo na ang mabilis at higanteng isda na nakatira rito sa dagat ng bahaghari, pakisabi sa kaniya na hintayin niya ako dito bukas ng maaga."
Agad namang sumagaot ang dalawa ng 'Oo' at saka umalis at nagpatuloy sila sa paghahanap, agad na nagtungo si Prinsesa Cassiopeia sa lugar kung saan siya ibinaba ng paru-paro at nakita niya roon ang paru-paro na naghihintay agad siyang sumakay at umuwi sa kalawakan sinabihan niya ang paru-paro na sunduin siya bukas ng maaga upang ihatid na naman siya sa dagat.
Nang makauwi na si Prinsesa Cassiopeia ay agad niyang pinagningning ang mga bituin sa kalawakan, tuwang-tuwa naman ang mga Elf na nakatira sa limang buwan habang tinitignan ang mga kumukutitap, at nagnining sa ganda na mga bituin mula sa kalawakan ng Planetang Éarthus, pagkatapos mapaningning ni Prinsesa Cassiopeia ang mga bituin ay nagtungo na naman siya sa taas ng kaniyang Palasyo, mula rito ay matatanaw niya ang buong imahe ng kanyang kaharian at sa hindi na kalayuan ay naroon ang Earth ang mundo ng mga mortal. Agad niyang naalala si Elle Guevarracx at ang kabutihan nitong taglay habang siya ay nakatingin sa kaharian ng mga mortal, iniisip niya na kung hindi dahil kay Elle siguradong nagkagulo na ang limang buwan.