bc

AKITIN SI MALCOLM

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
HE
arrogant
kickass heroine
bxg
lighthearted
bold
campus
highschool
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Miss Tapia ang tawag kay Liway Dimaunahan. No boyfriend since birth. Actually, mayroon naman nagtangkang manligaw sa kanya noong college siya pero sinawing palad. Namatay sa dengue.

Nasa panic mode na siya dahil ilang buwan na lang ay wala na sa kalendaryo ang edad niya. Ibig sabihin malapit ng ma-expire ang matris at egg cells niya.

Kailangan magpatuloy ang lahi ng mga Dimaunuhan na nasa critical stage na. Endangered na kung baga.

Isa lang ang hangad ni Liway, ang magkaroon ng isang supling kahit walang asawa. Eksakto na hulog ng langit na naging ka-officemate niya ang young and gorgeous OJT student na si Rave Brently.

Ito ang pinili niya dahil pareho silang makikinabang. Solved ang tuition nito. At mabibigyan na ng katuparan ang gusto niya. At isa pa, nunca na magkakagusto siya sa mas bata pa sa kanya.

Hindi daw siya mahuhulog, e ano itong nagmistula siyang sugar mommy na naghahabol kay Rave?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
LIWAY Isang taon na lang ay wala na sa kalendaryo ang edad ko. Hindi naman sana big deal sa akin kung matagurian man akong matandang dalaga pero dahil ako na lang ang natitirang pag-asa upang makapagpatuloy ang lahi namin ay required akong maghanap ng mapapangsawa. Kailangan ko daw magkaanak upang makapagpatuloy ang lahi ng mga Diumanahan na malapit na maging endangered. Ako lang daw makakaputol sa sumpa! Naniniwala ang mga ninuno ko na sinumpa ang lahi ng mga Dimaunahan. Kung hindi nakakapag-asawa, ay namamatay raw ng maaga. Tulad na lang ng aking ama na namatay raw mismo sa araw ng kasal nila ng aking ina. So, heto nga, months before the wedding ay lihim na pala nagju-jugjogan ang parents ko. At kaya nagmadali na magpagkasal ay dahil may laman na ang tiyan ng aking ina. Tinuturing ito na isang malaking himala dahil namamatay raw ang lahi namin na hindi man lang nabibiyaan ng supling. After nine months, ta-da! Isinilang makakapagpatuloy sa lahi ng mga Dimaunahan—yes, ako iyon. Sa totoo lang hindi ako naniniwala sa mga ganyan. Ano iyon, may favoritism ang sumpa? Bakit hindi tinablan ang kapatid ng tatay ko na mama ni Tita Dolores? Aba! Namatay iyon sa edad na eighty two. Wala naman sana problema kung ligawin ako o maraming naghahabol sa akin. Iyong tipong pipili na lang ako. Pero ang problema, sa buong buhay ko ay isang beses lang ako nagkaroon ng manlilligaw at noong college pa iyon. Peter ang pangalan niya. Pero namatay siya bago ang araw na sasagutin ko na sana siya. Severe dengue. O 'di ba ang saklap? Love life na sana pero naunahan pa ako ng lamok. Eksakto na nasa harap na ako ng restaurant kung saan kami magkikita ng ka-blind date ko nang tumunog ang cellphone ko. Si Tita Dolores ang tumatawag. For sure, sinigurado lang niya na sisiputin ko ang nireto niya sa akin. Si Tita Dolores ang nag-alaga sa akin simula nang mamatay ang ina ko noong six years old pa lamang ako. Siya rin ang malakas na maka-demand sa akin na kailangan ko nang mag-asawa. Mabuti sana kung napakadali lang ng lahat. Saan naman ako makakahanap ng lalake na ihaharap ako sa dambana, aber? Buti sana kung nabili lang sa palengke o napu-purchase online ang groom. “Nasaan ka na, Liway?” tanong ni Tita Dolores sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag niya. “Nandito na po sa harap ng restaurant, Tita.” “Bago ka lumapit kay Dennis, mag-retouch ka muna ng makeup.” “Opo, Tita,” ani ko na wala sa sarili na napatintin sa replekisyon ko sa salamin. Napangiwi ako sa aking nakita. Dinala ako kanina ni Tita Dolores sa suki niyang parlor na ang beautician ay kasing tanda na niya. Ayaw ko sana sa kulay violet na eyeshadow pero dahil nagpumilit sila na ito ang bagay sa akin dahil terno sa kulay ng dress ko ay hindi na ako nakatanggi. Puring-puri pa sila sa akin. Naging kamukha ko raw si Angelina Jolie sa makeover ko. Nakangiti lang ako sa kanila pero ang totoo ay gusto ko nang umiyak. Oo, para ako si Angelina Jolie pero “Ninang Edition”. Para akong a-attend ng binyag. “Good luck, Liway! Magpa-impress ka kaagad sa kanya." “Tita, promise, last blind date na ito, a?” “Oo, promise hindi na ako mangingialam sa mga gusto mo, pero Liway, galingan mo. Kung kilangan na akitin mo si Dennis, gawin mo.” “Tita!” naeskandalong bulalas ko. “Sige na! Lumapit ka na sa date mo.” Hindi na ako nagpaalam at agad ko nang tinapos ang tawag. Pinuno ko ng hangin ang aking baga bago pumasok sa loob ng restaurant. Umaasa ako na this time ay hindi na palpak ang date na ito. Sobrang nadala na kasi ako sa mga inirereto sa akin ni Tita Dolores. Tulad na lang ni Jun, na may hitsura sana ngunit sa kabuan ng date namin ay walang ginawa kundi ang kumbisihin ako na mag-invest sa networking business niya. Idagdag pa si Carlo na gwapo sana at may stable na trabaho pero huli ko na lang nalaman na may apat na panganay na pala. Worst, si Jasper. Actually, type ko siya kaya hindi ko na inintindi kung sa second date namin ay ako ang nagbayad ng dinner namin. Naiwan niya raw ang kanyang pitaka tapos umutang pa siya sa akin ng limang libo. Noong pangatlong date namin, oo nga't siya ang nagbayad ng dinner namin pero nangutang na naman sa akin. Nag-withdraw pa ako ng pera noon sa bangko dahil awang-awa ako sa alibi niya na na-hospital daw ang kanyang ina. Niyakap at binuhat pa niya ako noon. Pinaikot-ikot sa ere. Malaking tulong raw ang twenty thousand na bigay ko. Natulala ako at napa-Huh nang wala sa oras. Utang na babayaran sa katapusan ang agreement namin. So, anong pinagsasabi niyang bigay ko? Thankfully, wala nang pang apat na date. Bakit? Well, blessing in disguise naipit ako sa traffic, kasi nakita ko siya na sa sidewalk na naglalakad na may ka-holding hands na macho. Bakla pala ang walang hiya! Ginawa akong gatasan para may ipangtustos sa jowa niya. Worst, hindi ko na nabawi ang pera ko. Anyway, lesson learned na iyong nangyari sa akin. With capital N-O. Nunca! As in never na ako gagastos para sa isang lalake. Muling tumunog ang cellphone ko. Hindi na si Tita Dolores ang tumawag kundi ang ka-blind date kong si Dennis.p Agad ko itong sinagot. "Hello," bati ko. "Nasaan ka na?" "I'm already here. Ikaw, saan ka nakapwesto?" "At the right corner," sagot ni Dennis. Agad na lumipad ang paningin sa sinasabi niyang sulok. May nakita akong lalaki na nag-iisa at may kausap sa cellphone. Nakatalikod siya sa gawi ko. For sure, siya na iyon. "Alright, nakita na kita." "Okay." Isinilid ko na ang cellphone sa aking bag. Bago tunguhin ang kinaroroonan ni Dennis ay inayos ko muna ang choker necklace ko ang pendant ay isang malaking viotlet na bulaklak. Gusto ko sana itong itapon bago pumasok sa restaurant dahil dumagdag lang sa baduy ko na porma. Pero wala naman akong balak magpa-impress sa ka-blind date ko at mas mabuti nang ma-turn off siya sa akin, so carry na! Unti-unti akong humakbang papunta sa kinaroroonan ni Dennis. Nang nasa harapan na niya ako ay babatiin ko na sana siya ngunit naiwan sa ere ang sasabihin ko dahil literal napanganga ako nang makita ang kanyang mukha. Gosh! O-M-G! Ubod ng gwapo. Sa tingin ko hindi siya purong pinoy. May pagkatsinito na meztizo. Pointed nose. Well defined jaw. Tantalizing eyes. Intriguing and mysterious aura. Ugh! Ito talaga ang mga type ko! Yes! Lord, finally nakita ko na ang lalaki na para sa akin! Lord, thank you! But wait, Dennis is four years older than me. Pero bakit mukhang bagets itong kaharap ko. Sa tingin ko ay nasa early twenties lang siya. 'Baka baby face lang, Liway!' sigaw ng utak ko. Nakatingin sa akin na tila amused at nagtataka. Alam kong nagmumukha akong weirdo dahil aside sa ninang outfit ko ay pwede pang pasukan ng langaw ang bibig ko sa laki ng pagnganga. Agad kong binalik ang composure ko at ngumiti ng matamis. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Hi, I'm Liway," sabi kong umakto na may iniipit sa tenga kahit wala naman ligaw na buhok. "H-hi—" "Hindi mo ba ako pauupuin." "But Miss—" "Thank you!" Pag-interrupt ko sa kanya. "Ano'ng gusto mo kainin? Order mo lahat ng gusto, ako ang taya," sabi ko na tinukod ang siko at pinatong ang baba ko sa dalawang kamay ko. Kiber kong kapapangako ko pa lang na hindi ako gagastos para sa lalake. Worth it ang isang ito! Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko. He's the exact definition of drop dead gorgeous! Hindi ko na pakakawalan ito! By hook or by crook! Dapat maging akin siya! "Miss—" "Just call me, Liway." "Alright, Liway. Hindi kita kilala," sabi ng lalaki na bakas na ang inis sa mukha. Natigilan ako. "What" "Liway!" Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses na tumatawag sa pangalan ko. Nakita ko ang lalaki na tugma sa description ni Dennis. Nasa kabilang table lang siya. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa gwapong nilalang na kaharap ko at kay Dennis. Oh no! Hindi ito maari. Ayaw kong maging tragic ending ang gabing ito. Nagmamakaawa na tinitigan ko ang lalake. Gusto ko na pigilan niya ako. Dapat niyang ipaglaban ang karapat an niya sa akin! "Miss, tinatawag ka na ng kasama mo," wika ng lalake na iminuestra pa ang kinaroroonan ni Dennis. "Pero..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook