CHAPTER 17

2299 Words
LEIGH’S POV: Saktong pagbaba ko ng hagdan ay siya namang papasok ng bahay si Prof. Kiefer. Nagkatinginan pa kaming dalawa at pagkuwan ay inirapan ko siya. Deretso akong nagtungo sa dining area at naabutan kong nag-aalmusal na si daddy. Hindi kami madalas nagkakatagpo tuwing umaga dahil maaga siyang umaalis para magpunta sa kumpanya at kung minsan naman ay pumupunta ito ng ibang bansa para sa iba pa naming negosyo. Umupo ako sa katapat ni daddy at binati naman niya ako. Ngumiti lang ako sa kaniya at ininom ko ang gatas ko na alam kong siya ang nagtimpla noon. Umupo naman si Prof. Kiefer sa katabing upuan ko at hindi ko siya sinulyapan pero alam kong nakatingin siya sa’kin. “Hija, simula ngayon kasama na natin siyang mag-aalmusal. At para rin may kasama kang kumain kapag wala ako,” nakangiting saad ni daddy sa’kin. Napahinto ako sa pag-inom ko ng gatas at marahan naman iyon ibinaba. Napahinga ako ng malalim at lihim na napakuyom ng aking palad. “Dad, do you think I’m still a little kid? I’m 22 years old already. At kahit wala pa akong kasama rito sa bahay it’s okay because I’m used to it.” Pagkasabi kong iyon ay tumayo na ako at tumalikod. Pero hindi pa ako nakakalayo nang tawagin ako ni daddy na ikinahinto ko. This time hindi na sa buong pangalan ko kun’di kung ano ang tawag sa’kin ng karamihan. “I want you to break-up with him,” tukoy niya kay Maxx. Mariin kong naikuyom ang aking palad at mabilis na pumihit para harapin siya. Napabaling ang tingin ko kay Prof. Kiefer na tahimik lang at nakaupo. Fuck that Professor! Naging sunud-sunuran siya ng ama ko. Ano bang atraso niya kay daddy at dapat niyang sundin ito? “Iyan din ba dad ang sinabi mo kay Professor Kiefer na hiwalayan niya ang girlfriend niya?” Sarkastikong tanong ko. Napatingin sa’kin si Professor Kiefer at masama ko naman siyang tinitigan. Lumapit sa’kin si daddy at niyaya naman niya ako sa garden. Nauna siyang maglakad at ‘di kalauna’y sumunod na rin ako. Nakaharap siya sa mga halamang paborito ni mommy at siya rin mismo ang nagtanim noon. Gusto ko na sanang ipatanggal ang mga ‘yon dahil kapag nakikita ko ang mga ala-ala niya ay nanunuot ang galit ko sa aking puso. Pero pinigilan ako ni daddy. Kahit na pinagpalit siya ni mommy ay mahal na mahal niya pa rin ito magpasa-hanggang ngayon. “It’s been several years since your mom left us.” Panimula niya. Nasa tabi niya ako at pumukaw ang tingin ko sa isang bulaklak na natutuyot na. Noong bata pa ako ay parati akong naghihintay sa kaniya at umaasa na babalik pa siya. Lagi akong nandito sa garden at pinagmamasdan ang mga bulaklak na tanging siya ang nagtanim. Pero habang tumatagal ay narerealize ko ang isang bagay na imposible ng mangyari. Nasanay na ako na si daddy ang nasa tabi ko at kapag may special occassion ay parati siyang nandiyan kahit na sobrang busy niya. “And now I’m ready to get rid of it,” tukoy niya sa mga halaman. “Bakit ngayon pa?” Humarap ako sa kaniya at pansin ako ang malungkot niyang awra. “Do you still love her?” Mapait siyang ngumiti at saka huminga ng malalim. “She is part of our past, anak. Dati umaasa ako na babalik ang mommy mo kaya pinanatili ko ang mga bulaklak niya. Alam kong matagal mo ng tanggap na kahit kailan ay hindi na siya babalik kaya unti-unti ko na ring tinanggap ‘yon, anak” Alam kong mahirap para sa kaniya ang tanggapin na lang ‘yon. Ang tanggapin na hindi siya minahal ni mommy. Ito rin ang kinakatakot ko ang dumating din ang panahon na hindi namin kayang mahalin ni Professor ang isa’t-isa. May iba siyang mahal at ganoon din ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Maxx ang lahat gayong may pinagdadaanan siya ngayon. “Bakit kailangan kong magpakasal kay Professor Kiefer, dad? Hindi ka ba nag-aalala na baka matulad ako sa inyo ni mommy?” Tumango siya na para bang sigurado na siya. “Anak, he may be cold as an iceberg but I know he’s the one who will take care of you” “Dad, I’m old enough and I don’t need that, ikaw lang sapat na.” Pagsusumamo ko pa sa kaniya. Ito ang unang hiniling sa’kin ni daddy na hindi ko kayang pagbigyan. I don’t want to get married to someone I don’t love. Pero mahal ko si daddy at nangako ako na kapag siya ang humiling ay pagbibigyan ko rin. Pero mahirap ang hinihingi niyang ito. “Anak, Alam kong aalagaan ka niya at hindi ka niya pababayaan. Balang-araw maiintindihan mo rin ang lahat kung bakit ko ginagawa ito at maiintindihan mo rin siya, Faye Everleigh” “Ano ba ang dapat kong maintindihan? Hindi namin mahal ang isa’t-isa” Lumapit siya sa’kin at hinaplos ang aking pisngi. Bahagya siyang ngumiti at pagkuwan ay hinagkan ang aking noo at marahang lumayo sa’kin. “Mamahalin mo rin siya at alam ko ‘yon, anak” “Kailan mo pa nalaman kung ano ang dapat kong maramdaman, dad?” “Malaking kumpanya ang kinabibilangan ng mga Williams at marami silang mga investors.” Napakunot ako ng noo dahil bigla na lang niya ‘yon nabanggit. “Kaya kong bilhin ang lahat ng shares nila kung gugustuhin ko at alam mo ‘yon anak. Dahil isa rin ako sa pinaka malaking investors nila.” Napanganga na lang ako dahil sa narinig mula sa aking ama. He knows how to threatened me and I won’t let that happened. Kapag nangyari ‘yon ay mawawala ang lahat kay Maxx. Kahit pa na hindi siya kinikilalang anak ng daddy niya ay may ari-arian pa rin siya at may shares sa kumpanyang iyon. “You’re too much, dad,” gigil kong saad sa kaniya. “Tulad ng sinabi ko sa’yo, balang-araw maiintindihan mo rin ang lahat.” Iniwan na niya ako at napatulala na lang ako sa kawalan. Wala na akong magagawa kun’di ang sundin ang gusto ng aking ama kapalit ng sarili kong kalayaan at kaligayahan. Palabas na ako ng gate ng mamataan ko si Professor Kiefer doon. Ngayon ko lang siyang nakitang naninigarilyo and besides I never smelled cigarette smoke in his body at all. Nang mapansin niya ako ay doon lang niya tinapon ang sigarilyo niya at nilapitan ako. Lalagpasan ko na sana siya nang marinig ko siyang magsalita. “Do you hate me that much?” Tiningala ko siya at malamig naman ang titig niya sa’kin. “Hmmn, and I forever hate you.” Maglalakad na sana ako palayo nang hawakan niya ako sa aking braso. Sinandal niya ako sa gate at ramdam ko ang isang palad niya sa aking ulo na nakasuporta. Nanlaki ang mata kong napatitig sa kaniya at pansin ko ang pag-alon ng kaniyang lalamunan and his eyes burning like hell. “Hate me as long as you want, Mrs. Victorino dahil sa kama ko pa rin ang bagsak mo.” Akmang sasampalin ko siya ng mabilis niya akong pinigilan at itinaas ang kamay ko. Nagulat na lang ako nang sipsipin niya ang leeg ko at kahit anong magpupumiglas ko ay hindi pa rin siya lumalayo. Ilang sandali pa ay dahan-dahan siyang lumayo at tinitigan pa ako. Sinamaan ko siya nang tingin pero nginisian lang niya ako. “That is your punishment my little wife. Sa susunod hindi lang ‘yan ang gagawin ko sa’yo.” Padabog ko siyang nilayasan at sumakay na sa aking sasakyan. Pagkapasok ko sa loob ay tiningnan ko naman sa salamin ang leeg ko at napamaang ako dahil namumula na ‘yon. Kaagad kong hinagilap ang concealer ko sa bag at tinapalan ‘yon. Mabuti na lang ay hindi masyadong halata kaya nakahinga na ako ng maluwag. “Professor ba talaga siya?! Bwiset!” Sabay hampas ko sa manibela. Pagkarating ko sa school ay kaagad kong nakita si Maxx na nakasandal sa pader at napansin ko ang hawak niyang baunan. Nang makita niya ako ay sumilay ang ngiti niya sa mga labi at kaagad niya akong nilapitan. “May dala akong pagkain para sa’yo alam ko kasing hindi ka kumakain ng almusal mo.” Bahagya pa siyang yumukod para magpantay kami. “P-paano mong__” “Syempre alam ko. Matagal mo na akong admirer kaya alam ko.” Kumindat pa siya at hinila na niya ako. Dinala niya ako soccer field at naupo naman kami sa lilim. Binuksan niya ang dala niyang pagkain at tumambad ang iba’t-ibang putaheng dala niya. They are all my favorite food and I look at him with tears in my eyes. “Hindi ko alam kung masarap ang pagkakaluto ko pero tinikman ko naman at masasabi kong__” Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng kumuha ako sa inihanda niya at tinikman ‘yon. I smiled at him sincerely and then kiss him in his cheek. Gulat siyang napatingin sa’kin at kinain ko na lang ang mga inihanda niya para sa’kin. He didn’t deserve someone like me na sasaktan lang siya. Aaminin kong unti-unti ko na siyang nagugustuhan pero tulad ng sabi ng mga kaibigan ko, magkaiba ang gusto lang kaysa sa mahal mo. “Maxx, may gagawin ka ba mamaya?” tanong ko sa kaniya nang inililigpit na niya ang kinainan namin. “Wala naman bakit?” “Date tayo gusto mo?” Nahinto siya sa ginagawa niya at binalingan ako ng tingin. “H-ha? Ah, Uhhm, s-sige. Kahit may gagawin pa ‘ko basta ikaw, ikaw lagi ang uunahin ko.” Mapait akong napangiti at umiwas na lang sa kaniya nang tingin. As expected hindi ako tinigilan ng mga tanong ng dalawa kong kaibigan tungkol sa nangyari sa party ni daddy. Wala rin akong maisagot sa kanila dahil mismong ako ay hindi ko rin alam ang dahilan. Habang papalapit ang oras ay mas lalo akong nasasaktan dahil makikita kong nakangiti si Maxx sa tuwing makikita niya ‘ko. I don’t want to hurt him pero ayoko ring mawala sa kaniya ang lahat. Nagpunta kami ni Maxx sa mall at katulad nang ginagawa ng magboyfriend-girlfriend ay ganoon din kami. Para kaming bata na naglalaro sa arcade at sinulit namin ang bawat oras na magkasama kami. Pagkatapos naming maglaro ay niyaya ko naman siya sa hilltop kung saan niya ako dinala. Papalubog na ang araw at ang ganda nitong pagmasdan. Nanatili kaming tahimik at maya-maya pa ay humarap ako sa kaniya. “Maxx, let’s end this.” Mabilis siyang napatingin sa’kin na tila nagulat sa sinabi ko. “What did you say?” Napapikit na lang ako at kasabay no’n ang pagtulo ng mga luha ko. Parang ayoko nang ituloy pa kung ano man ang sasabihin ko pa sa kaniya dahil hindi lang siya ang masasaktan. Pero kailangan kong tapusin na ito. “I said, let’s end this.” Sa pagdilat ko ay napansin ko ang pamumuo ng mga luha niya at muling tumingin sa paligid. “What if I don’t?” “It’s up to you. Pero ako, ayoko na” Tila ako ang sinasaksak sa binitawan kong salita sa kaniya. Kasalanan ko kung bakit ako pumayag sa gusto niya at ngayon pareho kaming nasasaktan. Tumango-tango lang siya at hindi na niya ako tinapunan ng tingin. Tumalikod na ako at marahang naglakad palayo sa kaniya. Hindi ko na kaya pang magsalita dahil mas lalo ko lang siyang masasaktan. “Kahit konti man lang ba hindi mo ‘ko nagustuhan?” Napahinto ako at mariin kong naikuyom ang dalawang palad ko. “Hindi. Sinabi ko naman sa’yo ‘di ba noong una pa lang? Kaya tanggapin mo na lang” “I see. Gano’n ba talaga ako kahirap mahalin, Leigh?” Sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko at mas lalong nanikip ang dibdib ko. Gusto kita! Gusto kita, Maxx! Ang salitang gusto kong sabihin sa kaniya pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. “I’m sorry.” Tanging nasabi ko na lang sa kaniya at nagmamadali naman akong umalis. Wala ako sa ulirat simula noong iwan ko si Maxx hanggang sa makarating ako sa bahay. Pagkapasok ko sa loob ay nabungaran ko si Professor Kiefer na nakaupo sa pang-isahang upuan at tila hinihintay ang pagdating ko. Nang marinig niya ang tunog ng sapatos ko ay lumingon siyang kaagad at tumayo sa kaniyang kinauupuan. “Kailan mo gustong magpakasal? Bukas? Sa makalawa ba?” Nakatitig lang siya sa’kin at bahagya pa siyang lumapit. Hinawakan niya ako sa baba ko at inangat ito. Napalunok na lang ako at tulad ng mga titig niya ay malamig pa ito kaysa sa yelo. “After you meet my parents.” Tinanggal ko ang daliri niya na nakahawak sa baba ko at umiwas sa kaniya nang tingin. Sarkastiko akong tumawa at muli ko siyang binalingan nang tingin. “Akala ko ba hindi mo makalimutan ‘yong first love mo kaya ka nga nakipagbreak sa girlfriend mo ‘di ba? Pero bakit ka magpapakasal sa’kin? Ah, alam ko na. May mahal na siyang iba tama?” “Gusto mo bang malaman kung sino siya?” Nakataas ang isang kilay niyang saad. “Ano namang pakialam ko kung sino siya? Payag na akong magpakasal sa’yo pero asahan mong magiging mag-asawa lang tayo sa papel at dahil na rin ‘yon kay daddy” Unti-unti siyang lumalapit sa’kin at umiiwas naman ako paatras sa kaniya. Naramdaman ko na lang na dumikit na ang likod ko sa pader at pabagsak niyang itinukod ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko. “Let’s see, Faye Everleigh kung hanggang saan ‘yang pagmamatigas mo,” mariing sambit niya. “Just f**k you” “Soon my little wife. And I will f**k you harder”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD