LEIGH’S POV:
Nakasandal ako sa nguso ng sasakyan ni Maxx at pinagmamasdan ang naggagandahang street lights. Dinala niya ako rito sa tinatawag niyang Hilltop kung saan kita ang mga naglalakihang building at kumukislap na mga ilaw tuwing gabi. Hindi ko pa gustong umuwi ngayon at sigurado akong hinahanap na ako ni daddy. Pinatay ko muna ang cellphone ko para makapag-isip muna ako at mawala ang galit na kanina ko pa iniinda.
Tumabi sa’kin si Maxx at sinuotan niya ako ng jacket. Simpleng napangiti ako at hindi ko maalis ang tingin ko sa mga street lights.
Nakakawala ng pagod.
Nakakawala ng pangamba.
Sana isang masamang panaginip lang ang lahat.
Hindi ko akalain na gagawin ni daddy ang isang bagay na pinaka-ayaw ko. Ang ipilit ang isang bagay na hindi ko gusto. Lahat ng bagay nakukuha ko sa isang iglap lang kahit na ano pa ang hilingin ko. Pero isang kahilingan lang ng aking ama ang hindi ko maibigay. Hilingin na niya ang lahat huwag lang ang ipakasal sa lalaking hindi ko gusto and of all people, bakit si Professor Kiefer pa?
“Baka hinahanap ka na ng daddy mo,” wika ni Maxx.
Huminga lang ako ng malalim at saka siya binalingan nang tingin. Nakatingin din siya sa’kin na may halong pag-aalala. Habang papunta kami rito ay tahimik lang kaming bumabyahe at hindi niya ako tinanong sa kung anong nangyari. Alam kong hinihintay lang niya akong magsabi sa kaniya at inintindi na lang niya ako.
“Why you’re so good to me, Maxx? Hindi mo deserve ang isang katulad ko. Bakit hindi mo na lang ibaling sa iba ang pagmamahal mo?”
Hinarap niya ‘ko at hinawakan ang dalawang kamay ko. Marahan niya pa itong pinisil at pagkuwan ay hinagkan ang likod ng palad ko.
“My heart have the right to choose whom I loved and it is you, Leigh. I chased you for a long time kahit na ilang beses mo pa akong nireject ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko.” Umiwas ako sa kaniya nang tingin at kinuha ang kamay ko.
“Hindi ko alam kung kaya kong suklian ‘yang pagmamahal mo para sa’kin.” Nagyuko ako ng ulo pero hinawakan niya ang baba ko at inangat ito.
Matagal niya akong pinagmasdan at nakaramdam naman ako ng pagkailang at iiwas na sana ako sa kaniya pero bigla niya akong niyakap. Natigagal ako at ramdam ko ang bawat t***k ng puso niya.
“Kaya ko namang maghintay kahit na gaano pa katagal. Tulad nang sinabi ko sa’yo kapag hindi umubra ang relasyon natin ako na mismo ang lalayo sa’yo.” Nanikip bigla ang dibdib ko sa sinabi niyang iyon.
Nakokonsenya ako kung bakit pinapasok ko siya ng tuluyan sa buhay ko. Ayoko siyang masaktan. Ayoko siyang umasa at higit sa lahat ayokong magsinungaling sa kaniya.
“M-maxx, I’m sorry.” Doon na pumatak ang mga luha ko at mahigpit ko na lang siyang nayakap.
Ngayon pa lang ay nasasaktan na ‘ko para sa kaniya. He deserve to be loved but not by me. Dahil kapag pinagpatuloy pa namin ito alam kong mas masasaktan lang namin ang isa’t-isa.
I know my dad. He gave me everything I want and he wants something in return. He really do loves me, pero hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa sa’kin ito. Kahit naman wala si Maxx sa buhay ko ay hindi pa rin ako papayag magpakasal sa lalaking hindi ko naman gusto. But my dad is powerful. And I am afraid of what he might do if I refuse.
Hinatid na niya ako sa bahay at nakita ko ang pamilyar na sasakyan sa harap ng malaking gate namin. Bago ako pumasok sa loob ay hinintay ko munang makaalis si Maxx.
Nakahawak na ako sa seradura ng pintuan namin nang marinig ko ang boses ni daddy. Halata sa boses niya ang galit at napalunok na lang ako bago ako nagpasyang pumasok sa loob.
Sabay pa silang napalingon sa’kin at si daddy naman ay nakatayo malapit sa bar counter at nakapamewang. Marahan akong naglakad palapit kay daddy at hindi ko siya matingnan ng deretso.
“Where have you been and who’s with you Faye Everleigh?” Kahit na mahinahon ang pananalita niya ay hindi makapagkakailang may galit sa boses niya.
“I’m with Maxx,” pagsasabi ko ng totoo.
Napapikit ako at dinig ko ang bawat paghakbang ng aking ama palapit sa’kin. Nang magmulat ako ng mga mata ay nakatitig lang siya sa’kin pero hindi mo mababakas ang galit sa kaniyang itsura.
“Be ready on Saturday. We will be having a dinner together with Kiefer’s parents.” Napabuga ako sa hangin at naikuyom ko na lang ang dalawang palad ko.
Napalingon pa ako kay Professor Kiefer na prente lang nakaupo sa sofa at panay lang ang lagok ng kaniyang alak na nasa kopita. Pinahid ko ang luha ko na tumulo sa aking pisngi at muli kong binalingan si daddy.
“Are you going to do this dad?” Tumango lang siya at akmang tatalikuran na ako ng muli akong magsalita. “Dad, ayoko! Hindi ako magpapakasal sa kaniya!” sigaw ko sa aking ama.
Muling naglandas ang mga luha kong nakatitig sa kaniya at ngayon lang ako nagalit ng ganito sa aking ama. Hindi ko akalain na ipagkakanulo niya ako sa lalaking ni minsan ay hindi ko nagustuhan.
Gusto kong magwala at gusto kong sampalin si Professor Kiefer nang paulit-ulit dahil parang ayos lang sa kaniya ang lahat. Ilang milyon ba ang binayad ng ama ko sa kaniya para pakasalan ako? Pera lang pala ang katapat niya para sundin ang gusto ng daddy ko.
“Anak, this is for your own good. Si Kiefer ang gusto kong makasama mo lalo na at parati akong wala rito.” Galit kong naisuklay ang daliri ko sa aking buhok at patuloy ang paglandas ng mga luha ko sa aking pisngi.
“Dad! Ayokong magpakasal. Bakit ba gusto niyo akong ipakasal sa lalaking ‘yan?!” sabay turo ko kay Prof. Kiefer. “I hate him and I don’t want to be with him. Magkano ba ang ibinayad mo sa kaniya para lang pakasalan ako? Kahit ilang milyon pa ang ibayad mo sa kaniya__” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang dumapo ang isang palad niya sa aking pisngi.
Natigagal ako at napahawak na lang ako sa aking pisngi. Ito ang unang beses na nasaktan ako ni daddy at ito rin ang unang beses na nagkasagutan kami.
Maluha-luha akong napatitig sa kaniya at hindi ko nakitaan siya na anumang pagsisisi sa ginawa niya sa’kin. Nakatayo na si Prof. Kiefer sa tabi ni daddy at halatang nagulat din siya sa nangyari at seryosong nakatingin sa’kin.
“Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka sa kaniya, Faye Everleigh. Dahil kung hindi ipapatapon kita sa Amerika at hinding-hindi ka na makakabalik pa rito at higit sa lahat kalimutan mo ng ama mo ako!” Pagkasabi niyang iyon ay saka lang niya ako tinalikuran.
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilan ang paghagulgol. Binalingan ko si Professor Kiefer pero hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. Lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ako sa kaliwang braso ko. Tiningala ko siya at malamig naman niya akong tinitigan. Nagpupumiglas ako pero nasasaktan lang ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
“You’re going to far Professor Kiefer. Ano pa bang gusto mo at ginagawa mo sa’kin ito?!” Hindi siya nagsalita at basta lang siyang nakatingin sa’kin. “Kung hindi kayamanan ang gusto mo, ano? Katawan ko ba?”
Umatras ako palayo sa kaniya at hinubad ko ang jacket na pinasuot sa’kin kanina ni Maxx. Sinimulan kong ibaba ang zipper ng gown ko sa likod pero bago ko pa maibaba ng tuluyan iyon ay hinila niya ako at dinala sa library. Isinandal niya ‘ko sa pader at ang dalawang palad niya ay nakatukod sa magkabilang gilid ko. Pansin ko ang pag-igting ng panga niya at nagulat ako sa inasal niya.
“Gusto mo bang ipaalala ko sa’yo ang hindi mo maalala?” Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. “You’ll soon to be a Mrs. Victorino at iyon lang ang apelyido na nababagay sa’yo wala ng iba. Don’t test my patience Ms. Faye Everleigh or should I call you, Mrs. Victorino instead?” Nakuyom ko ang palad ko at pigil ang aking paghinga.
Lumayo na siya sa’kin at nagkaroon ako ng pagkakataon para sampalin siya. Pero bago pa dumapo ang palad ko sa kaniyang pisngi ay hinawakan niya ang braso ko at napasinghap ako nang hapitin niya ako sa aking baywang at ilapit sa kaniya. Nakakunot ang noo niya at mabilis ang kaniyang paghinga.
“I said don’t test my patience dahil baka hindi mo magustuhan ang susunod kong gagawin sa’yo.” Mabilis ko siyang tinulak palayo at nagmamadali naman akong lumabas ng library.
My life would be hell kapag naikasal na kami at hindi ako basta makakatakas sa impyernong ‘yon.