CHAPTER 15

2534 Words
LEIGH’S POV: It’s been a month since Maxx and I started dating. We barely hang-out and mostly we visited Maxine. Masaya akong nakikilala ko unti-unti si Maxx at higit sa lahat masaya akong kasama siya. He always makes me smile, and most of all he gave me enough time just to see me. Meron na akong nararamdaman para sa kaniya pero hindi ko alam kung ano ito o masaya lang talaga akong kasama siya dahil ngayon lang may nangahas sa’kin na pagtyagaan ang ugali ko. Sabi nila lahat naman daw ng tao nagbabago kapag natagpuan mo na ang isang taong magpapabago sa’yo. Papasok na ako sa Cafeteria dahil dito ko hihintayin si Maxx para sabay na kaming dumalaw kay Maxine nang may mabangga naman ako. Nahulog ang dala niyang kape at sunud-sunod naman ang paghingi ko sa kaniya ng pumanhin. “Naku sorry po hindi ko po talaga sinasadya.” Hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso dahil sa sobrang hiya. “It’s okay, hindi rin kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko eh.” Doon lang ako napatingin sa kaniya at laking gulat ko na lang nang makilala siya. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit na dalawang beses ko pa lang siyang nakikita ay alam kong siya ‘yon. At mas ikinagulat ko pa nang makita kong papalapit si Prof. Kiefer. So they've made up after all. I thought he was done with his girlfriend, but why are they together now? Kunot ang noo siyang nakatitig sa’kin at napabaling na lang ang tingin ko sa girlfriend niya. Hinawakan niya ako sa braso at sinuri niya pa ang kabuuan ko. “Okay ka lang ba? Hindi ka ba napaso?” May pag-aalala niyang turan. “O-okay lang. Sige mauna na ‘ko, maiwan ko na kayo ni Prof. Kiefer” “Kilala mo siya?” Natigilan ako at hindi makapagsalita. Nagpakurap-kurap pa ako at muli kong tinuon ang tingin ko sa boyfriend niyang manloloko. Ano bang ginusto niya sa lalaking ito bukod sa itsura niya? Ang dami-dami namang guwapo sa mundo bakit habol pa rin siya ng habol sa nerd na ‘to?! “Aahm, a-ano he’s my___” “She’s my student,” putol niya sa sasabihin ko. Hindi pa rin niya inaalis ang titig niya sa’kin kaya ako na ang umiwas. “Oh, I see. By the way, I’m Lila, Kiefer’s long time girlfriend.” Inilahad niya ang kamay niya sa’kin at napatingin lang ako roon. So, nagkabalikan nga talaga sila? Ang tanga naman nitong girlfriend niya para magpaka-tanga sa isang katulad ni Prof. Kiefer. Kinuha ko ang palad niya at nakipagkamay. Hindi ko sinasadyang mapabaling ang tingin ko kay Prof. Kiefer at pansin ko ang inis sa kaniyang mukha. Anong problema niya? “Leigh,” tipid kong pakilala sa kaniya. “Siya nga pala wala ka bang kasama?” Tanong ni Lila at nagpalinga-linga pa siya. “May hinihintay kasi ako eh” “Halika sama ka muna sa table namin habang hinihintay mo siya.” Hindi na ako nakapagprotesta pa nang hilahin na niya ako. Pumwesto kami sa gitna at kaharap ko naman si Prof. Kiefer. Tila nanlamig ang kamay ko dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang gagawin ang isang ito. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay para bang pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko. “Boyfriend mo ba ang hinihintay mo?” Nakangiting turan ni Lila sa’kin. Pilit akong gumanti nang ngiti sa kaniya at marahang tumango. Kita ko ang mariing pag-inom ni Prof. ng kape niya at kahit na hindi niya sabihin ay mahahalata kong wala siya sa mood. Maganda si Lila at mukha ring mabait. Simple lang siya at maamo ang mukha. Ano pa bang ayaw ni Prof. Kiefer sa kaniya at nagagawa niyang magloko? “I’m sure guwapo ‘yan kasi ang ganda-ganda mo eh. Ang dami sigurong nanliligaw sa’yo ‘no?” Nahihiya naman akong tumungo at nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. “Leigh, my darling!” Napalingon ako at nakita kong papalapit na si Maxx sa kinaroroonan namin at may dalang bouquet ng bulaklak. Inabot niya ito sa’kin at umupo sa tabi ko. “Matagal ka bang naghintay?” Umiling ako sa kaniya at pagkuwan ay hinagkan ako sa aking noo na ikinagulat ko. Napatingin ako sa kanila at pansin ko ang masamang titig ni Prof. Kiefer kay Maxx. Ano ba kasing problema ng lalakng ito? Nagseselos ba siya dahil hindi siya nagtagumpay sa’kin? Hindi lahat ng babae kaya niyang makuha dahil sa guwapo siya. “Ang guwapo naman pala Leigh ng boyfriend mo eh, bagay kayong dalawa.” Halata ang kilig niya sa kaniyang mukha. “You must be?” “Lila, Kiefer’s girlfriend,” sagot niya kay Maxx. “Nice meeting you, kayo rin bagay kayo ni Prof. Kiefer.” Nagulat kaming lahat ng biglang tumayo si Prof. Kiefer at sa akin nakatuon ang tingin niya. Umiwas ako sa kaniya nang tingin at para maibsan ang kaba ko ay hinawakan ko na lang ang kamay ni Maxx na nakapatong sa lamesa. “Let’s go Lila may klase pa ‘ko,” malamig ang tonong sabi niya. Walang nagawa si Lila kun’di ang sumunod. Nagpaalam na rin siya sa amin at samantalang si Prof. Kiefer ay nauna nang lumabas ng Cafeteria. Hindi nagtagal ay sumunod na rin kaming umalis at nagtungo na sa bahay ni Maxine. Konting panahon lang ang lumipas ay nakitaan na ng panghihina si Maxine. Lagi na siyang naka-oxygen dahil madalas ay hindi siya makahinga o madaling mapagod. Her mom remind us that we shouldn’t show her that we’re sad, because Maxine wants to see us happy despite her illness. Si Maxx ang inaalala ko. Sa kabila ng nga pinapakita niyang ngiti ay may itinatago naman itong sakit na hindi kayang pagalingin ng sino man. Tinalikuran na siya ng sariling ama niya at mawawala pa ang mahalagang tao sa buhay niya. Nasa mall kami nila Thea at Rein dahil balak kong bumili ng regalo para kay daddy. Bukas na kasi ang birthday niya at gaganapin ‘yon sa Creighton Hotel. Ito ang unang beses na magcecelebrate siya ng magarbo dahil karaniwan ay nagluluto lang si daddy sa bahay at sabay kaming kakain. “What do you think of this Rein?” Hawak ko ang dalawang kurbata at pinakita ito sa kaniya. “Ano ang mas maganda?” “Hay naku Leigh, hindi na kailangan ni tito niyan ang dami na niyang ganiyan eh. At isa pa halos lahat yata ng gamit meron na siya. Remember b***h, hindi ordinaryo ‘yang tatay mo baka nakakalimutan mo” “Chicks na lang kaya ang iregalo mo sa kaniya?” sabat naman ni Thea. Pareho naming tinitigan ng masama si Thea at naitikom na lang niya ang kaniyang bibig. Sa tatlong oras na pag-iikot ay nakahanap na rin ako ng ibibigay kay daddy. Bumili na rin ako ng isusuot ko at ganoon din ng dalawang kaibigan ko. Pagkauwi ko ng bahay ay kaagad akong dumeretso sa kuwarto ko. Pabagsak akong nahiga at sandaling ipinikit ang mata ko. Maya-maya pa ay tumunog ang telepono ko at kinuha ko naman ito sa bulsa ng pantalon ko. Nakita kong si Rein ang nagmessage at kaagad ko naman itong binasa. “Hoy b***h! Nabasa mo ba ‘yong post ni Professor Kiefer? May God! Mukhang magpopropose na yata siya sa long time jowa niya!” Napairap na lang ako pagkatapos kong basahin ang message ni Rein at inilapag ang telepono ko sa tabi ko. Wala naman akong paki kung kanino pa siya magpropose. Kung totoo man ‘yon well, congrats sa kanila and goodluck. Pero kung may balak siyang magpropose kay Lila, bakit mukhang hindi siya masaya nong makita ko sila sa Cafeteria? Hindi kaya sa iba siya mgpopropose? Doon ba sa sinasabi niyang matagal na niyang gusto? Napabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip ko at hindi ko na dapat pinoproblema ang iba at kung kanino niya pa gustong magpakasal. Kinabukasan ay maaga pa lang ay nagtungo na kami sa Creighton Hotel kung saan gaganapin ang birthday ni daddy. Pumunta na ako sa inokupa kong kuwarto at inilapag ang mga gamit ko roon. Saktong pagtawag naman ni Maxx at kaagad ko naman itong sinagot. “Hmmn?” tipid kong sagot sa tawag niya. “Bakit mukhang wala yata sa mood ang darling ko?” Napaikot na lang ang mata ko sa ere dahil sa ka-kornihan niya. “Pagod lang siguro ako. Oo nga pala 8 P.M mag-uumpisa ang party makakapunta ka ba?” In-invite ko si Maxx dahil balak ko na rin siya ipakilala kay daddy. Alam kong matutuwa siya dahil ito ang kauna-unahang beses na may ipapakilala ako sa kaniya. He already met Maxx and he knows his father also and I know they get well along. “Kaso baka ma-late lang ako ng konti dahil may kailangan lang akong tapusin. But I promise pupunta ako.” Napangiti na lang ako at tumango na para bang nakikita niya. Pagkatapos naming mag-usap ay ibinaba ko na ang tawag at napapitlag ako nang pumihit ako at nakita ko si Thea na nakasandal sa pader at nakangisi sa’kin. Lumapit siya sa kama at umupo sa gilid noon. "Ooh, you're starting to catch feelings for Maxx, aren't ya?" tukso niya pa. Tumabi ako sa kaniya at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Thea’s right. But I really don’t know if it is love or pity. Or maybe I like his company that’s why. “Ano bang feeling kapag gusto mo ang isang tao? Kinikilig ka ba? ‘Yong tipong gusto mo siya palaging nasa tabi mo gano’n ba?” Seryosong tanong ko sa kaniya. Hinarap niya ‘ko at kinuha ang kamay ko at inilagay ito sa aking dibdib. Nagtaka naman ako sa ginawa niyang ‘yon at maya-maya pa ay binitawan na niya ito. “Ramdam mo ‘yong t***k ng puso mo? Mabilis ba?” Kunot ang noo kong napatitig sa kaniya. “What does it mean?” “Minsan kahit walang dahilan pumapasok siya sa isip mo at kapag nasa tabi mo naman siya bumibilis ang t***k ng puso mo ‘yong para kang laging kinakabahan. Gusto mo bumagal ang oras para hindi pa kayo maghiwalay. Ganiyan ba ang nararamdaman mo para kay Maxx?” Sandali akong hindi nakapagsalita dahil sa paliwanag niya. So, that was love feels like? ‘Yong nararamdaman ko para kay Maxx is casual lang. Oo masaya akong kasama siya. Kampante akong nasa tabi ko siya at parati niya akong pinapasaya kahit walang dahilan. Pero alam kong gusto ko siya. Gusto ko siya pero parang may kulang. Dahil sa malalim na iniisip ko ay hindi ko namalayang wala na pala sa tabi ko si Thea. Hindi naman mahirap mahalin si Maxx sadyang nasa akin lang ang deperensya dahil naiisip ko pa rin ang takot ko na baka masaktan ako at iwan din ako. I’m almost ready, and when I step out of my room, Thea and Rein are already outside as well, wearing their gowns. I was wearing an off-shoulder gown showing off my collarbones and have a slit on the right. Pababa na kami ng hagdan ng may isang tao akong namataan sa ‘di kalayuan. Tinitigan ko pa siya dahil baka namamalikmata lang ako. Napalingon lang ako nang tawagin ako ni daddy at naghihintay siya sa dulo nitong mahabang hagdan. Napangiti ako sa kaniya at umangkla naman sa kaniyang braso nang salubungin niya ako. Ipinakilala niya ako sa mga business partners niya at ang iba ay hindi ko na matandaan ang pangalan at posisyon nila sa kumpanya ni daddy dahil sa dami nila. Ilang sandali pa ay umakyat si daddy sa stage para magbigay ng speech niya. Masaya ko siyang pinalakpakan at nakapuwesto naman kami ng mga kaibigan ko malapit sa stage. “First of all, I just want to thank all of you for coming here tonight. This is my special day and I want to announce something important” Habang nagsasalita si daddy ay panay naman ang lingon ko sa likuran dahil baka dumating na si Maxx. Dinial ko naman ang number niya pero panay ring lang ito. Siniko naman ako ni Rein at ininguso niya si daddy na kanina pa pala ako tinatawag na umakyat sa stage. “Faye Everleigh, come here join me.” Tumayo ako sa upuan ko at umakyat naman sa stage. Hinaplos pa ni daddy ang kaliwang pisngi ko at hinagkan ako sa aking noo. Taka man ako sa ikinikilos niya pero ipinagsawalang bahala ko na lang ‘yon dahil alam ko naman na malambing siya sa’kin and I’m proud of it. “This is my only daughter Faye Everleigh Estefan, ang napaka-ganda kong anak,” pakilala niya pa. Malakas na palakpak ang iginawad ng mga bisita at tanging ngiti lang ang ipinukaw ko. Tiningnan pa ako ni daddy at saka siya malapad na ngumiti at hawak pa rin niya ang mic. “Balang araw siya na ang papalit sa posisyon ko, pero dapat meron siyang katuwang.” Nilingon ko si daddy pero nasa harap ang kaniyang atensyon. "Not only my birthday that we should be celebrating today, but also the engagement of my only daughter, Faye." Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kaniya at saka naman ako hinarap ni daddy. “Anak, remember what I told you? Ang pagpayag mo ang magandang regalong matatanggap ko ngayon.” Marahan akong umiling sa kaniya at nilingon ang mga kaibigan ko na tila nagtataka rin sa nasaksihan nila. Akmang hahawakan niya ako pero umatras ako. Ramdam ko ang pagbabadya ng mga luha ko pero pinigilan ko ito. Ayokong mahalata ng mga tao ang nangyayaring ito dahil ayokong masira ang mahalagang araw para sa daddy ko. Muling humarap si daddy sa mga bisita at saka nagsalita. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang tawagin niya ang hindi ko inaasahang tao. Siya ang nakita ko kanina at hindi lang ako namamalikmata. Umakyat siya sa stage at pigil ang hininga kong nakamasid sa kaniya habang papalapit sa kinaroroonan namin. Doon na naglandas ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. “This is my soon to be son-in-law, Kiefer Victorino.” Halos hindi ko na maintindihan pa ang ibang sinabi ni daddy dahil para akong biglang nabingi. Namalayan ko na lang na nakababa na kami ng stage at nakatayo naman ako sa isang tabi. “Anak, I want you to listen to dad first.” Napapikit na lang ako nang marinig ko ang boses ni daddy sa likuran ko. “Please give me some space, dad. I’m sorry.” Hindi ko na siya nilingon pa at naglakad na ako palayo. Nakatungo ako habang tinatahak ang kahabaan nitong hotel palabas hanggang sa may nabunggo ako kaya napahawak ako sa magkabikang braso niya. Tiningala ko siya at nakita ko ang guwapong mukha ni Maxx na takang nakatingin sa’kin. “Hey, my darling. What are you doing here? Tapos na ba ‘yong party? Sobrang late na ba ako?” Tiningnan ko pa ang suot niya at mukhang pinaghandaan niya pa ito. “Can we get out of here, please?” Alam kong gusto niyang magtanong pero mas pinili niyang manahimik at sinunod na lang niya ang gusto ko. I hope this is just a bad dream.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD