LEIGH’S POV:
“We’re here.” Napatingin ako sa labas at namangha sa aking nakita.
Nandito kami ngayon sa bahay nila Maxine para dalawin siya. Nauna nang bumaba si Maxx ng kotse at sumunod naman ako. Nakakunot naman ang noo niya nang makababa na ako at pinagkrus pa niya ang kaniyang mga braso.
“You shouldn’t get out of the car yet.” Tinaasan ko siya ng kilay at sumilay naman ang ngiti niya sa mga labi.
“Why?”
“I should be the one to open the door for you”
“Ang corny mo.” Inismiran ko siya at kunwa’y umirap ako sa kaniya.
Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop ito at iginiya na niya ako papasok sa loob ng bahay nila. Simple lang ang bahay nila pero napaka eleganteng tingnan. Meron din silang maliit na swimming pool at munting playground sa tabi na alam kong madalas maglaro si Maxine.
Pagkapasok namin sa sala ay pinaupo na muna ako ni Maxx at pinuntahan ang pinsan niya sa kuwarto. Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid at nakita ko ang isang family picture nila na naka-display sa pader. Parang anak na talaga ang turing nila kay Maxx. Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ko ang sinabi niya noong kumain kami nila daddy kasama siya. He’s an illegitimate son and was not considered as his fathers’ son. Alam kong masakit para sa kaniya ang hindi siya kilalanin bilang anak at iniinda lang niya ang sakit na matagal na niyang tinitiis. Even when he was still a child, Maxine's parents were the ones who raised him, and I can say that they treated him like their own.
“Ate Leigh, my darling!” Napalingon ako at nakita ko si Maxine na abot tainga ang ngiti.
Tumakbo siya palapit sa’kin at sinalubong ko siya nang yakap. Ito ang kauna-unahang beses na napalapit ako sa bata. Humiwalay siya sa’kin at kita ko sa mukha niya na masaya siyang makita ako.
“Kumusta ka na? Okay ka na ba?” Hinawi ko pa ang buhok niya na medyo tumakip sa kaniyang mukha at sabay tango naman niya sa’kin.
“Akala ko hindi mo na ako dadalawin eh,” may himig na tampo niyang turan.
“Pwede bang hindi kita dalawin, hindi ba bestie tayo?”
“Really Ate Leigh?!” Bago pa ako makasagot ay mahigpit na niya akong niyakap at napatingin na lang ako kay Maxx na mataman pala kaming pinagmamasdan.
We played with Maxine, and it felt like I went back to my childhood. I never got to have a sibling, and the only playmate I had back then was Yaya Karing. Nagkaroon naman ako noon ng kaibigan pero panandalian lang at hindi ko na alam kung nasaan na siya ngayon. Maybe may sarili na siyang pamilya since mas matanda siya sa’kin.
Nang mapagod kami ay si Maxx na ang nagluto ng hapunan at kami naman ni Maxine ay nasa dining table na at pinapanuod si Maxx magluto. Iyong lalaking akala ko ay walang ginawa kun’di ang guluhin ako at magpapalit-palit ng babae ay siya naman ang kabaligtaran nito. Iba sa inaakala ko na walang pakialam sa mundo pero may madilim na nakaraan pala.
Sabay-sabay na kaming kumain at habang kumakain ako ay nakita ko kung paano niya asikauhin si Maxine. He deserve to be accept by his father pero mas pinili nitong pabayaan siya at iba ang mag-alaga sa kaniya.
Pagkatapos naming maghapunan ay nagyaya naman si Maxine na manuod ng movie. Nang malaman kong horror ang gusto niyang panuorin ay hindi na ako makapag-focus sa pinapanuod ko. Buong movie yata ay nakatakip ang mata ko at tinatawanan naman ako ng dalawa.
Nakahiga si Maxine sa hita ko at nakatulog na ito habang nanunuod. Pinatay na ni Maxx ang T.v at naupo sa kabilang dulo nitong sofa. Hinahaplos ko ang mahabang buhok ni Maxine at hindi ko maiwasang malungkot kapag naiisip ko ang naging sakit niya. Paano na lang tatanggapin ni Maxx kung sakaling dumating ang araw na kinatatakutan niya? Lalong-lalo na rin ang mga magulang ni Maxine na matagal inasam ang pagkakaroon ng anak.
“She’s still breathing right?” Nagulat ako sa tanong ni Maxx habang nakatingin siya kay Maxine habang natutulog.
“Maxx”
“I’m not ready yet, you know that.” Mangiyak-ngiyak siyang napabaling nang tingin sa’kin at pagkuwa’y huminga nang malalim. “Siya na lang ang meron ako, Leigh. Wala na akong pakialam kung iniwan ako at pinabayaan ng sarili kong ama basta huwag lang mawala ang tinuring kong kapatid.” Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya na alam kong kanina niya pa pinipigilan.
Hinawakan ko ang kamay niya at marahan iyong pinisil. Ang munting pagluha niya ay napalitan nang paghagulgol. Mabuti na lang ay mahimbing ang pagtulog ni Maxine at hindi ito nagising at tiyak akong hindi niya gustong makita ang Kuya Maxx niya sa ganitong sitwasyon.
Nang dumating na ang mga magulang ni Maxine ay nagpaalam na rin ako at hinatid naman ako ni Maxx. Bababa na sana ako nang hawakan niya ang aking kamay at masuyo itong hinaplos. Nakatitig lang ako sa kaniya pero ang mga mata niya ay nakatuon sa kamay kong hawak-hawak niya.
“Kung sakali mang dumating ‘yong araw na iwan na ‘ko ni Maxine, mananatili ka pa ba sa tabi ko?” Para akong biglang napipi sa tanong niyang ‘yon.
Nag-angat siya nang tingin at malamlam ang kaniyang mga mata. Hindi ko pa alam kung ano ang tunay na nararamdaman ko para sa kaniya. Magkaiba ang gusto mo lang siya at ang pagmamahal. Pero alam ko sa sarili ko na nagiging masaya na ako kapag kasama siya.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tinitigan siya sa mata. Hinawakan naman niya ang kaliwang kamay ko at hinagkan ang palad ako.
“I want you to remember this, Leigh. Loving you is my choice. Leaving me is your decision.” Nakatingin lang ako sa kaniya at walang anumang salita ang lumabas sa aking bibig.
Mahigpit niya akong niyakap at ako naman ay parang sinasaksak ang puso ko. Bagsak ang balikat kong pumasok sa loob ng bahay at hindi ko alam na kanina pa pala ako tinatawag ni daddy. Mabilis akong napalingon at papalapit naman sa’kin si daddy na may hawak na libro at mukhang kagagaling lang niya sa library nang makita ako.
“Anak, okay ka lang? Something bothering you?” Umiling ako at yumakap na lang sa kaniya.
“Dad,” mahinang tawag ko sa kaniya.
“Hmmn?” Kumalas ako nang pagkakayap sa kaniya at hinarap siya.
“Magagalit ka ba sa’kin kung sabihin kong may boyfriend na ‘ko?” Tila nagulat siya sa sinabi ko at walang kakurap-kurap na napatitig sa’kin.
He didn't expect that I would have a boyfriend because from the very start, I really had no intention to fall in love.
“T-talaga? And who’s the lucky guy?”
“You’ll meet him soon, dad”
“Let me guess. Is he someone you’re talking about that you hate?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa dinami-rami ng lalaki ay siya pa talaga ang hula ni daddy.
“No way dad! He’s not.” Tila may dissappointment sa tingin ni daddy at pinilit na lang niyang ngumiti.
“Anak, my birthday is coming up, I hope you’ll grant my little wish.” Ngumiti ako sa kaniya at sabay angkla sa kaniyng braso.
Ni minsan ay hindi siya humiling ng kahit na ano sa’kin. I’ve been so spoiled to him and whatever I want he still give it to me right away.
“Anything dad, what is it you want anyway?”
“Hmmn, I want it right on my birthday at syempre hindi ko muna sasabihin ‘yon sa’yo.” Pinisil niya ang ilong ko at mabilis akong napahiwalay sa kaniya.
“Paano ko naman malalaman ang gusto mo kung sa mismong birthday mo pa sasabihin ‘yon? I want to buy something special to you, dad,” malambing na sabi ko sa kaniya.
Napangiti naman siya at saka niya ako niyakap. Nakaramdam ako bigla ng kaba pero binalewala ko na lang ‘yon at mukhang naglalambing lang siya.
Maaga akong pumasok at may thirty minute pa bago ang unang klase ko. Syempre bawal ma-late kay Professor Kiefer kaya sinikap ko talagang gumising ng maaga. Bakit naman kasi seven ang unang subject ko ngayon at ang bwisit na ‘yon pa ang unang bubungad ng umaga ko?
Habang naglalakad ako papunta sa klase ko ay nakita ko naman si Maxx sa may hagdan at may hawak na malaking bouquet ng bulaklak. Napatingin ako sa paligid at may ilang estudyante ang nakatingin sa kaniya at ang iba naman ay hindi mapigilang kiligin.
Nang makita niya ako ay malapad siyang ngumiti at kaagad niya akong nilapitan. He handed me the bouquet of flowers and I smiled as I accepted it. We held hands while we walked me to my class. Some girls were giving us the side-eye, with raised eyebrows and I knew those were the ones who were totally crazy about Maxx.
Huminto kami sa tapat ng classroom ko at bago pa ako pumasok sa loob ay hinapit niya ako sa aking baywang at mabilis na hinalikan sa mga labi. Nanlaki na lang ang mga mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya at hindi ko namalayang nakaalis na pala siya.
“Mesherep bang lumaplap si Maxxwell?” Napapitlag ako at kaagad napapihit at nakita kong tatawa-tawang nakatingin sa’kin si Thea. “Sarap na sarap kang gaga ka kaya pala ang tagal mong pumasok sa loob!” Inirapan ko lang siya at pumasok na sa loob ng classroom.
Tumabi sa’kin si Thea at para siyang tangang nakatitig sa’kin. Hindi naman ako makatingin sa kaniya ng deretso dahil may taglay na chismosa ang kaibigan kong ito.
“Hoy Thea! Ano bang ginagawa mo? Natotomboy ka na ba kay Leigh?” saway ni Rein.
“Ito kasing malanding kaibigan natin nakita kong pinakain ‘yong nguso niya.” Napamulagat ako sa sinabi ni Thea at taka namang napatingin sa’kin si Rein.
“Mukhang maga nga ‘yang nguso mo bitch.” Tinikom ko naman ang bibig ko at ngumisi lang si Rein. “Mahirap maglaro ng feelings ng iba kung hindi ka naman sigurado sa kaniya bitch.” Tiningnan lang niya ako ng makahulugan at saka itinuon ang atensyon niya sa kaniyang telepono.
Maya-maya pa ay nagulat kami ng hindi si Professor Kiefer ang pumasok na Prof. kun’di si Professor Raymundo. He told us he will be our Professor for today because Professor Kiefer got sick. Tinatablan din pala ng sakit ang nerdy na ‘yon kala ko kasi wala siyang pakiramdam sa lahat ng bagay.
Natapos ang klase ko sa buong araw at para akong natuyuan ng utak dahil sa dami ng pinagawa sa amin. Graduating na kasi kami kaya normal lang na marami kaming activities at bago pa ang graduation ay dapat matapos na namin ‘yon.
Naunang matapos ang klase ko at ang dalawang b***h kong kaibigan ay hindi pa tapos sa kanilang ginagawa kaya mauuna akong umuwi sa kanila. Naglalakad ako sa kahabaan ng hallway nang tumunog ang telepono ko. Nakita ko sa screen ang message ni Maxx at kaagad ko naman itong binuksan.
“Leigh, my darling, sorry kung hindi kita maihahatid ngayon may research kami at hindi ko alam kung anong oras kami matatapos.”
Napangiti na lang ako at magrereply na sana sa kaniya ng bigla namang magpop-up ang message ng hindi ko inaasahang tao.
“Could you please bring me my laptop? It is on my drawer from the left.”
Napataas na lang ang kilay ko ng mabasa ang message niya.
Ginawa pa ‘kong utusan ng bwisit na gurang na ‘yon! Ba’t hindi niya utusan ang girlfriend niya at ako pa talaga ang magdadala ng gamit niya? Kapal ng mukha ah!
Padabog akong naglakad palabas ng campus at ilang minuto pa ay muli na namang tumunog ang cellphone ko. Inis akong napapikit nang mabasang muli ang pangalan niya sa screen at mariin kong pinindot ang telepono ko.
“It is a favor at hindi kita inuutusan. But if you don’t want to, that’s okay”
“Aba ang bwisit na ‘to nangonsensya pa!” Inis kong sabi sa aking sarili.
Nagtungo ako sa office niya at hinanap ang laptop niya. Naalala ko ang sinabi niya na nasa drawer daw ito sa kaliwa kaya binuksan ko ‘yon at nakita ko naman itong kaagad. Nang makuha ko na ‘yon ay napansin ko ang isang litrato ng bata. Dahil sa kuryosidad ko ay tiningnan ko ‘yon at parang kahawig niya ang bata na nasa picture.
“Since he was a kid guwapo na talaga siya. O baka naman hindi siya ‘to at kapatid niya pala ‘to.” Binalik ko na ang picture sa drawer at mabilis akong lumabas ng opisina niya.
Pagkarating ko sa bahay niya ay nakailang doorbell na ‘ko pero hindi pa rin siya lumalabas. Sinunod-sunod ko naman ang pagdoorbell at halos mapudpod na ang daliri ko ay hindi pa rin talaga siya lumalabas. Sa bwisit ko ay inilapag ko na lang sa may pintuan ang laptop niya at tumalikod. Hahakbang na sana ako palayo nang marinig kong bumukas ang pintuan niya. Padabog akong pumihit paharap at magsasalita na sana ako nang makita ko ang itsura niya. Gulo ang buhok niya at namamawis ang leeg. Nakasuot siya ng white t-shirt at pajama na checkered. Halata talagang may sakit siya at mukhang pinilit lang niyang tumayo.
“Thank you, you may leave.” Akmang isasara na niya ang pintuan nang pigilan ko ito.
Gulat siyang napatitig sa’kin nang hawakan ko ang kaniyang noo. f**k! He’s burning. Pwede nang paglutuan ng itlog ang noo niya dahil sa init nito.
Tinulak ko ang pintuan at hinila siya papasok sa loob. Pinaupo ko siya sa mahabang sofa at muli kong hinawakan ang noo niya. Tatayo na sana ako para kumuha ng gamot nang hawakan niya ang kamay ko.
“Why you’re doing this?”
Kinuha ko ang kamay ko at bumuntong hininga. “May konsensya naman ako Prof. hindi kita puwedeng pabayaan sa ganiyang sitwasyon mo. Papakainin lang kita saka papainumin ng gamot at saka ako aalis.” Tumayo na ako at nagtungo sa kusina niya.
Binuksan ko ang ref at napamaang ako ng wala man lang gaanong laman ‘yon at panay bottled water lang ang nakalagay. Sunod ko namang binuksan ang freezer niya at may ilang mga lulutuin naman ang nandoon. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko alam kung paano lulutuin ang mga ‘yon. I thought of calling my dad anyway to ask him for help on what to cook for a sick person.
“Hello dad, I need your help,” wika ko ng sagutin na niya ang tawag ko.
“What is it mahal na prinsesa? May nangyari ba? Naaksidente ka ba? Where are you? Wait for me there!” Napakamot na lang ako sa aking noo dahil sa pagka-Oa ng daddy ko.
“Dad, don’t be OA, that’s not what I mean. Itatanong ko lang sana kung ano ang dapat lutuin sa taong may sakit sa pag-iisip?”
“What do you mean, anak? Sinong baliw?”
“I’m sorry dad, lagnat pala.” Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil sa pagiging bastos ng bunganga ko.
Sana lang ay hindi narinig ni Pofessor Kiefer ang sinabi ko at baka daanin na naman niya ako sa grades at ibagsak niya pa ako.
“Lutuan mo ng lugaw anak. And wait, sinong may sakit?” Natigilan ako at hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko sa kaniya.
“S-si ano dad, s-si Rein. Yes, si Rein kasi may sakit eh. Alam mo na dad wala siyang kasama rito sa bahay.” Ang lakas ng kaba ko at sana ay patawarin ako ni Rein dahil sa kagagahan ko.
“Oh I see. Okay I’ll send you how nandito lang ako sa office, anak.” Pagkatapos naming mag-usap ay binaba ko na rin ng tawag.
Ilang minuto pa ang lumipas ay binigay nga sa’kin ni daddy kung paano lutuin ang lugaw. Hindi naman ako gaanong nahirapan at ito ang unang beses na nagluto ako at sa isang bwisit na nerdy professor ko pa ito ipapatikim. Napaka-swerte naman niya!
Dinala ko na ang niluto ko sa sala at naabutan ko naman siyang nakasandal sa sofa kung saan ko siya iniwan. Inilapag ko muna sa center table ang pagkain niya at tumabi sa kaniya. Mukhang nakatulog na siya at butil-butil pa rin ang pawis niya sa kaniyang noo. Sinubukan ko itong punasan ng palad ko at muntikan na akong mapamura nang hawakan niya ang kamay ko. Unti-unti siyang dumilat at mapungay ang mga mata niyang napatingin sa’kin. Hinablot ko ito at umiwas sa kaniya nang tingin.
“Pinagluto kita ng lugaw kainin mo na ‘yan habang mainit pa para makainom ka na ng gamot”
“Feed me.” Mabilis akong napalingon sa kaniya at pinigilan ko naman ang sarili kong magalit.
Kahit na inis na inis ako ay sinunod ko pa rin siya dahil may sakit siya. Sinubuan ko naman siya at pagkuwa’y napaubo siya ng sunud-sunod. Kumuha ako ng tubig at inabot ito sa kaniya.
“Maalat ba?” tanong ko pagkatapos niyang uminom ng tubig.
“Hindi, matabang”
Tinikman ko naman ang niluto ko at halos masamid na ‘ko dahil sa sobrang alat nito. Nahihiya naman akong napabaling sa kaniya at napailing na lang siya sa’kin.
Iginiya ko na lang siya sa kuwarto niya para makapagpahinga siya at lalabas na sana ako nang hawakan niya ako sa aking palapulsuhan.
“Could you please stay until I recover?” Wala ako sa sarili kong napatango na lang.
“T-teka ikukuha lang kita ng damit mo basang-basa ka na ng pawis eh.” Tumalikod na ako at nagtungo sa walk-in closet niya.
Nang buksan ko ang cabinet niya ay namangha ako dahil bihira lang sa isang lalaki ang makitang naka-organize ang mga damit niya. Kumuha ako ng isang t-shirt niya at pagbalik ko ay narinig kong may kausap siya sa kaniyang telepono.
“That’s the only way to make her mine.” Dinig kong sabi niya bago niya ibaba ang tawag.
Sino namang babae ang tinutukoy niya? ‘Yong present or ‘yong past? Bakit ba hindi siya makuntento sa isa? Kaya wala akong tiwala sa mga lalaki dahil karamihan sa kanila manloloko at walang kuwenta! Akala yata nitong lalaking ito mahuhulog ako sa patibong niya. No way and hell no! Maging okay lang siya ngayon lalayasan ko na siya at bahala na siya sa buhay niya tutal dalawa naman ang babae niya magpaalaga siya do’n sa dalawa.
Hinagis ko sa kaniya ang t-shirt niya at taka siyang napatingala sa’kin. Nakatayo ako sa gilid ng kama niya at hindi ko pinahalatang kanina pa ‘ko nabubwisit sa kaniya.
“Magpalit ka ng damit mo dahil baka magkapulmonya ka kawawa naman ‘yong dalawang babae mo kung matitigok ka lang,” sarkastikong saad ko sa kaniya.
“What the hell is that?” Inirapan ko lang siya at pinagkrus ang mga braso ko.
Maghuhubad na sana siya ng mabilis akong tumalikod sa kaniya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at parang hindi ako makahinga.
“Don’t tell me hindi ka pa nakakakita ng katawan ng lalaki?” Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil sa inis sa kaniya.
“Wala kang pakialam, saka nakakita na ‘ko niyan maraming beses na ‘no!” Napasinghap ako nang hablutin niya ang isang braso ko kaya naman napadapa ako sa kaniya.
Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa’t-isa at nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Napalunok na lang ako at tila napansin niya ‘yon kaya napangisi na lang din siya.
“Sino ang mas maganda ang katawan sa’min? Sila o ako?” Natigagal ako at ramdam ko ang init ng hininga niya na dumampi sa aking mukha.
Kaagad akong napalayo sa kaniya at pinilit kong makahinga ng maayos para lang hindi niya mapansin na kinakbahan ako. Tumayo ako sa kama at lalabas na sana ng kuwarto niya ng muli siyang magsalita.
“Stay here for a while.” Pareho kaming nakatingin sa isa’t-isa at mahina akong nagpakawala ng buntong hininga.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala akong nakasubsob sa gilid ng kama niya. Binantayan ko siya hanggang sa makatulog siya at hindi ko alam na pati pala ako ay nakatulog na rin. Tumayo ako at hinawakan ang kaniyang noo.
“Bakit hindi pa rin bumababa ‘yong lagnat niya?” Hinawakan ko ang kamay niya at pati ‘yon ay mainit din. “s**t ang taas pa rin ng lagnat niya”
Tiningnan ko ang relo kong pambisig at mag-aalas onse na ng gabi. Tiyak akong hinahanap na ‘ko ni daddy at kapag nalaman niyang nasa bahay ako ng lalaki baka palayasin niya ako ng wala sa oras. Kapag bigla ko naman siyang iniwan baka saksakin naman ako ng konsensya ko at kahit papaano ay may natitira pa naman akong kabutihan sa puso ko.
Tumayo na muna ako para kumuha ng basang bimpo para ipangpunas sa kaniya at para na rin bumaba ang lagnat niya. Tatalikod na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Mainit ang mga palad niya na para bang napaso nito ako.
“Dito ka lang, huwag mo akong iiwan. Dito ka lang sa tabi ko.” Nakapikit siya habang sinasabi niya ang salitang iyon. “Please, stay with me”
Bigla akong naawa sa kaniya dahil kung hindi ko siguro sinunod ang pinag-uutos niya baka kung ano na ang nangyari sa kaniya gayong mag-isa lang siya dito sa bahay.
Nasaan ba kasi ang girlfriend ng lalaking ito at kung kailan siya kailangan saka naman siya hindi sumusulpot? Kukuha lang siya ng mga babae mga walang kuwenta pa!
Tinanggal ko ang kamay niya at nagmamadali naman akong kumuha ng ipangpupunas sa kaniya. Hindi ko siya tinulugan hangga’t hindi pa bumababa ang lagnat niya. Dito na lang din siguro ako magpapalipas ng gabi at bago sumikat ang araw ay aalis na kaagad ako.
Napakunot ang noo ko at marahan ko namang iminulat ang mga mata ko. Napaangat ang mukha ko at sandaling hindi makapagproseso ang utak ko. Nakayakap ako kay Professor Kiefer at hindi ko matandaan kung bakit at paano ako napunta sa ganitong ayos.
Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at marahan din akong tumayo para hindi siya magising. Saktong pagtalikod ko at tatayo na sana ako sa kama nang hilahin niya ako papunta sa kaniya.
“We’re do you think you’re going?” Tatayo sana ako pero inihiga niya ako at pinaibabawan.
Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas. Mukhang magaling na siya at nakarecover na kaya may lakas na siyang bullyhin ako ulit.
“Is that how you thank me?” Casual kong tanong sa kaniya.
“Hindi ako marunong magpasalamat. Pero marunong akong ipahiwatig ang paraan ng pasasalamat ko.” Naguluhan ako sa sinabi niya at mas lalong humigpit ang kapit niya sa mga kamay ko.
Namilog ang mga mata ko at unti-unting lumalapit ang mukha niya sa’kin. Napapikit na lang ako ng mariin at bago niya pa gawin ang balak niya ay nakarinig kami ng isang boses ng babae. Napamulat ako at pareho kaming napatingin sa may pintuan. Papalapit nang papalapit ang boses na ‘yon kaya hindi ako nag-alinlangan na tanggalin ang kamay ko at itulak siya palayo para makabangon ako.
Nagtungo ako sa banyo niya para magtago dahil ayokong maabutan kami ng girlfriend niya sa ganoong ayos. Ayokong mamiss-understood niya kami at isa pa kasalanan ito ng boyfriend niyang hindi makuntento sa isa. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan hudyat na nandito na ang girlfriend ni Prof. Kiefer.
“Love, bakit hindi mo sinabi sa’kin na may sakit ka pala? Kung hindi pa ako tatawag sa university hindi ko pa malalaman.” Dinig ko sa maarteng boses ng girlfriend niya.
“Hindi na kailangan, and besides I’m okay now”
“Kahit na, e ‘di sana naalagaan man lang kita. What do you want to eat love? Gusto mo bang ipagluto kita?”
Sandaling katahimikan ang namutawi at parang bigla akong nabingi. Dahan-dahan akong naglakad at sumilip kung nandoon pa ba sila. Pero pareho silang tahimik lang at nakatingin sa isa’t-isa.
“You don’t have to be concern. Our relationship has been over for a long time, and I've already told you that__” Hindi na naituloy pa ni Prof. Kiefer ang sasabihin niya ng bigla siyang sampalin ng girlfriend niya.
“Ano bang meron sa babaeng ‘yon na wala ako Kiefer?! Bata ka pa no’n at anong alam mo sa pagmamahal? Sa tingin mo ba mahal ka rin niya?”
Hindi ko siya narinig na nagsalita at nagyuko lang ng kaniyang ulo. Lumapit sa kaniya ‘yong girlfriend niya at saka naman siya nito niyakap.
“Mahalin mo lang ako, Kiefer. Kaya kong maging siya. Hindi ka na niya kilala kaya ako na lang ang mahalin mo.”
Inilayo siya ni Kiefer sa kaniya at matamang pinagmasdan.
“She’s one of the kind, Lila. She’s my one and only moonshine at hindi mo kayang maging siya.” Nagulat ako ng muli na naman siya nitong sampalin.
Napatutop na lang ako sa aking bibig at ni hindi man lang natinag si Prof. Kiefer ng pagbabayuhin siya nito sa kaniyang dibdib.
Umalis na luhaan ang girlfriend niya at ako naman ay lumabas sa pinagtataguan ko at hinarap siya ng masama ang titig sa kaniya.
“How dare you talk to her like that? Kung sa una pa lang ay hindi mo na talaga siya mahal bakit jinowa mo pa? Paasa kang manloloko ka eh! Iba naman pala ang mahal mo tapos ginawa mo lang siyang panakip-butas”
“You know nothing, Leigh”
“Oo, wala nga talaga akong alam sa buhay mo at wala akong balak malaman. All I know is, isa kang manloloko,” sabay duro ko sa kaniya.
Napasigaw ako ng bahagya ng isandal niya ako sa pader at itinaas niya ang dalawang kamay ko sa may ulunan. Pansin ko ang pag-igting ng panga niya dahil sa galit at sandali akong nakaramdam ng takot na may gawin siyang hindi maganda.
“Kung alam mo lang, matagal akong naghintay.” Pagkasabi niyang iyon ay doon na niya ako binitawan.
Nagmamadali naman akong lumabas ng kuwarto niya at ng makalabas na ako ng bahay niya ay napahinto ako at inisip ang huli niyang sinabi. Napahawak na lang ako sa aking dibdib at parang nakaramdam ako ng kaunting kirot doon na hindi ko maintindihan.
“Sino ka bang lalaki ka?”