CHAPTER 13

2864 Words
LEIGH’S POV: Inunat ko ang dalawang braso ko at bahagya ko namang iminulat ang mga mata ko. Medyo tirik na ang araw at mukhang napasarap yata ang tulog ko. Umikot ako sa kanang bahagi ko at muntikan pa akong mapasigaw ng masilayan ko si Maxx sa tabi ko. Nakatukod ang kamao niya sa gilid ng kaniyang ulo at nakamasid sa’kin. Napaiwas ako nang tingin sa kaniya at akmang tatayo na sana ako nang hilahin niya ako palapit sa kaniya. Napasinghap ako nang maglapat ang katawan namin at amoy na amoy ko naman ang pabango niya. Marahan akong nag-angat nang tingin sa kaniya at napalunok na lang ako dahil sa klase ng mga titig niya. Kasalanan ko kung bakit nandito ako ngayon sa condo niya. Dahil sa lintek na professor na ‘yon ay dito ko pa naisipang magpalipas ng galit. “A-ano bang ginagawa mo?” Nauutal kong tanong sa kaniya. “I can’t believe you’re here.” Hindi ako nakapagsalita at hahawakan niya sana ang pisngi ko ng mabilis akong tumayo sa kama. Dali-dali akong nagtungo sa banyo at kaagad iyon isinara. Sapo ko naman ang dibdib ko habang nakasandal ako sa likod ng pintuan. Ang bilis ng t***k ng puso ko at kahit na tapikin ko pa ito ay ayaw pa ring huminto sa pagdagundong. Napatalon ako gulat ng bigla siyang kumatok. Mas lalong bumilis ang pagpintig ng puso ko nang marinig ko ang boses niya mula sa labas nitong banyo. Fuck! Bakit ganito? Hindi naman ako ganito kapag nasa paligid siya at higit sa lahat inis na inis ako kapag ginugulo niya ‘ko. This can’t be! No, no, no! Hindi puwedeng maramdaman ko ‘to sa kaniya. Unti-unti kong binuksan ang pintuan at konting awang lang ang ibinukas ko. Nakita ko siyang nakakunot ang noo sa pagtataka at pilit na lang akong napangiti sa kaniya. “Is there’s something wrong?” umiling ako sa kaniya. “So, why are you hiding there?” “K-kasi, aahm, ano eh. Mabaho ‘yong hininga ko,” nasabi ko na lang sa kaniya. Mariin pa akong napapikit at mahigpit ang pagkakahawak ko sa seradura ng pintuan. Nang muli ko siyang balingan ay nangingiti siyang nakatingin sa’kin at tinulak niya pa ang pintuan kaya naman napaatras ako sa gulat. Napasandal ako sa sink nang lumapit pa siya sa’kin at itinukod ang dalawang kamay nito sa magkabilang gilid ko. Wala akong nagawa kun’di itiklop ko ang mga labi ko dahil doon nakatuong tingin niya. Oh Lord, please help me mamamatay yata ako ngayon sa sobrang kaba. Bakit ba kasi dito pa ‘ko dumeretso sa condo niya, e may bahay naman ako? “M-maxx, u-uuwi na ‘ko. M-may pasok pa kasi ako,” saad ko at sa ibang direksyon ako nakatingin. “Pero naghanda ako ng breakfast mo. Pinagluto pa nga kita para paggising mo makakain ka na.” Napatingin ako sa kaniya at muntikan na akong matumba ng tumama ang tungki ng ilong ko sa kaniyang ilong. Mabilis niya akong nahagip sa aking baywang at heto na naman ang puso ko mas lalong nagwala nang magdikit ang katawan namin. Nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa kaniya at ang dalawang kamay ko ay nakahawak sa magkabilang braso niya. His face drew closer bit by bit, until all I could sense was the tender meeting of his lips upon mine. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa gumalaw ang labi niya kaya lalong napahigpit ang pagkakakapit ko sa kaniyang mga braso. Marahan siyang lumayo sa’kin at nakatitig sa aking mga labi habang ako naman ay tulala dahil sa bilis ng pangyayari. “Your lips taste like__” Tumingin pa siya sa mga mata ko at hinaplos ang isa kong pisngi. “Taste like wine” Bago pa ako makapagsalita ay muli niyang sinakop ang mga labi ko. I felt the heat of his lips and his one hand cradling the curve of my waist, the other anchoring itself against my cheek. His kisses made my heart beat faster. I didn't want to admit it, but I loved every movement of his lips and I had a slight feeling that I shouldn't feel the way I wanted him. Naitulak ko na lang siya at habol namin pareho ang aming paghinga. Napahawak na lang ako sa aking dibdib at parang malalaglag na yata ang puso ko sa matinding kaba. Lumayo ako sa kaniya at hindi makatingin ng deretso sa kaniya. “Ahhm, a-ano, ‘di ba sabi mo nagluto ka? Tara kain na tayo nagugutom na rin kasi ako eh.” Pagkasabi kong iyon ay mabilis akong lumabas ng banyo at kaagad na nagtungo sa kusina. Sumunod na rin siya at naghain na rin siya ng pagkain. Katabi ko siya sa lamesa at sinasandukan naman niya ako ng pagkain sa plato. Hindi ko siya nilingon at sunud-sunod akong sumubo. Napaubo ako ng masamid ako at tinapik-tapik ko pa ang aking dibdib. Inabutan niya ako ng tubig at kaagad ko ‘yon ininom. Nang lingunin ko siya ay nakahalumbaba siyang nakatitig sa’kin na para bang inaasar ako. “Wala ka bang balak kumain?” Umiling siya at hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig niya sa’kin. “I'm already full just by looking at you” “Naiilang kasi ako eh.” Sabay irap ko sa kaniya. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya at muntikan pa akong mapasigaw nang hilahin niya ang upuan ko palapit sa kaniya. Namilog ang mga mata kong napabaling nang tingin sa kaniya at bumaba naman ang tingin niya sa aking mga labi. “I want to kiss you again.” Muli niya akong tinitigan na para bang hinihingi ang pagpayag ko. Sinalpakan ko ng tinapay ang bibig niya at umikot pa ang mata ko sa ere. “Enough, kung ayaw mong punuin ko ng tinapay ‘yang bibig mo.” Sumilay ang ngiti niya sa mga labi at nagsisimula na namang maghumirintado ang dibdib ko. Wala lang ‘to, kinakabahan lang ako at wala akong pakialam sa nararamdaman ko. Pumayag lang ako sa kagustuhan niya dahil kay Maxine at hanggang do’n lang ‘yon. Pagkatapos naming kumain ay nagpresintang ipagdrive ako ni Maxx. Hindi na ako tumanggi pa dahil sa pagpupumilit niya at baka mamaya ay bigla na naman niya akong halikan. Tahimik lang kami habang nag-aabang ng elevator at nang bumukas ito ay nauna na akong pumasok. Huminto ito sa fourth floor at hindi ko inaasahan na dadagsa ang tao at sabay-sabay silang pumasok sa elevator. Halos magsiksikan na kami sa loob at napapitlag ako nang humarap sa’kin si Maxx. Nag-angat ako nag tingin sa kaniya at ang isang palad niya ay nakatukod sa kaliwang bahagi ko. Pansin ko ang pag-alon ng lalamunan niya kaya napaiwas na lang ako nang tingin sa kaniya. This time I wanted to hug him even though I didn't know why. I felt like I would feel better if I do that. Nang nasa ground floor na kami ay isa-isa nang naglabasan ang mga tao at naiwan naman kami sa ganoong posisyon. Binalingan ko siya at mukhang napako na ang tingin niya sa’kin simula kanina. “Will you just stare at me?” Mahinang sabi ko. “I love staring at you.” Bago pa siya may gawing kabalbalan ay tinulak ko na lang siya palayo at lumabas na ng elevator. Gustong-gusto niyang ginugulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. When I looked at him, he just looked straight ahead as if nothing had happened. Sabay kaming pumasok sa school at hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Maraming mga estudyante ang nakatingin sa amin at pilit ko namang tinatanggal ang kamay ko pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak nito sa’kin. Natigilan kami pareho ng nasa harapan namin ang dalawang kaibigan ko na si Thea at Rein. Bumaba ang tingin nila sa magkahawak naming kamay at kaagad ko itong hinablot. Alam kong napalingon sa’kin si Maxx at may pag-aalinlangan naman akong nakatingin sa dalawang kaibigan ko na tila kanina pa gusto magtanong. “S-sige Maxx mauna na kami baka kasi malate na kami eh.” Dali-dali kong hinila ang dalawang kaibigan ko at hindi ko na nilingon pa si Maxx. Nang makarating kami sa loob ng classroom ay halos malagutan na ako nang hininga at pabagsak naman akong naupo sa aking upuan. Umupo sa harapan ko ang dalawa at si Thea ay pinanliitan pa ako ng mga mata ng nakahalukipkip. “Wala ka bang sasabihin sa’min b***h Leigh?” mataray na wika ni Thea. “Ano bang gusto niyong malaman?” “Kayo na talaga ni Maxx? Seryoso? Walang halong biro? Hindi ba allergic ka sa ganiyan?” sunud-sunod naman niyang tanong. Napahimas na lang ako sa aking leeg at pagkuwan ay napahilot sa aking batok. Gusto kong magtanong sa kanila pero pinangunahan ako ng hiya at alam kong kakantyawan lang nila ako sa itatanong ko. “Hoy b***h, kilala ka namin at hindi mo kami puwedeng paglihiman,” saad naman ni Rein na seryosong nakatingin sa’kin. “Actually, I want to ask you something.” Sabay pang napatango ang dalawa at matamang nakatingin sa’kin. “Magkaiba ba ang gusto mo lang siya kaysa sa mahal mo siya?” Parehong nangunot ang noo nila at tumabi pa sa’kin si Rein. “Oo, malaki ang pinagkaiba,” mabilis na sagot ni Rein. “Kapag gusto mo lang ang isang tao ay mas pang-surface level, nagugustuhan mo ang company niya, nakakatawa siya, o komportable ka sa presence niya. Pero ang pagmamahal, mas malalim 'yan. Kasama rito ang pagtanggap sa kaniya kahit may flaws, pag-aalala sa kaniyang well-being, at handang samahan siya sa hirap at ginhawa,” seryosong paliwanag niya. I don't understand myself and I don't understand my own feelings. There are really things that I never thought I would feel when the time comes. I can't deny that I'm slowly starting to like Maxx. And as time goes by, I'm starting to see more and more of who he really is. “May nararamdaman ka na ba para kay Maxx?” Si Thea naman ang binalingan ko. Sabay pa kaming nagulat nang marinig namin ang pabagsak na pagsara ng pintuan. Kararating lang ni Professor Kiefer at kaagad siyang umupo sa kaniyang desk. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon at hindi ko maiwasang magalit sa kaniya. “Get one whole sheet of paper and we will have a quiz today.” Nakatingin lang ako sa kaniya at ang iba naman ay gulat na gulat sa kanilang narinig at panay naman ang reklamo. “Ano ba ‘yan kaka-quiz lang noong isang araw ah, tapos quiz na naman?” Reklamo ni Rein. Dumako ang tingin sa’kin ni Professor Kiefer at parang nakipagtagisan pa siya nang titig sa’kin. Hindi ako nakatagal kaya naman ako na ang umiwas nang tingin sa kaniya. “Answer the five essays I will give you, and each essay must have five sentences and equivalent to 20 points” “What?! Sir naman! Hindi na yata makatarungan ‘yan. Makabuo nga kami ng isang sentence hirap na kami eh tapos five sentence pa,” reklamo naman ng isang kaklase namin. “One more complaint, I will make it ten.” Nang sabihin niya ‘yon ay sa akin nakatuon ang tingin niya kahit hindi naman ako ang nagreklamo. Padabog kong kinuha ang bag ko at hinugot doon ang aking papel. Dahil ba ito sa nangyari kagabi kaya masyado na niyang pinepersonal? Tahimik lang akong nagsasagot at simula ng mag-umpisa ang klase namin ay hindi ko na siya tinapunan pa nang tingin dahil lalo lang nasisira ang araw ko. Ni ayaw ko siyang makita o marinig man lang ang boses niya. “Leigh, ang dami kong hindi nasagutan apat yata ‘yon baka bumagsak ako. Paano ako makakagraduate nito?” Nagpapadyak pa si Thea habang nililigpit ang gamit niya. Palabas na kami ng classroom nang tawagin ako ni Professor Kiefer. Lumapit pa siya sa amin at masama ko naman siyang tinitigan. Iyong titig na halos durugin ko na siya. “Come to my office and I’ll wait you in five minutes.” Pagkasabi niyang iyon ay lumabas na siya ng silid at naiwan naman kaming nagtataka. “b***h, mukhang mainit ang ulo ni Prof. Kiefer sa’yo. Ano na naman bang ka-engotan ang sinabi mo?” Sinamaan ko nang tingin si Thea at saka ko naman sila tinalikuran. Anong akala ng nerdy professor na ‘yon na basta na lang ako susunod sa gusto niya? Manigas siya! Napahinto ako sa paglalakad ko nang makita ko siya sa labas ng opisina niya na nakasandal sa pader at ang dalawang kamay ay nasa loob ng kaniyang bulsa. Tumingin siya sa’kin at mabilis na naglakad palapit sa’kin. Hindi ko inaasahan ang susunod na mangyayari nang hilahin niya ako papasok sa kaniyang opisina. Binuhat niya ako paupo sa kaniyang lamesa at itinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. Inilayo ko ang sarili ko sa kaniya pero hinawakan niya ako sa aking batok para ilapit pa ng maigi sa kaniya. Napasinghap ko at halos pigil naman ang aking paghinga. “Where have you been last night?” paos niyang turan. “Ano bang pakialam mo kung saan ako magpunta? You’re not my dad or neither my boyfriend. You’re just my professor, you’re a f*****g pervert,” gigil ko namang wika. Pansin ko ang pag-igting ng panga niya at maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga yabag at tinig at papunta rito sa kinaroroonan namin. Sinubukan ko pa siyang itulak palayo sa’kin pero hindi siya nagpatinag at mas lalo niya pang tinigasan ang sarili niya. Papalapit na sila rito at wala akong nagawa kun’di ang bumaba sa lamesa at hilahin siya papunta sa isang sulok para magtago. Saktong pag-alis namin ay bumukas naman ang pintuan at mas lalo pang humigpit ang hawak ko sa suot niyang long sleeve. “Teka, nasaan na si Professor Kiefer? Kanina lang nakita ko siyang pumasok dito eh.” Tinig ng isang may edad na lalaki. “Baka naman po lumabas siya. Sige hihintayin ko na lang siya sa parking baka nando’n na siya.” Napangisi ako dahil parang tila kabit ako na nagtatago at nakagawa ng isang malaking kasalanan. Nang makalabas na sila ay binitawan ko siya at saka ko siya tinulak. Hinawi ko pa ang buhok ko at bumuga ng malakas sa hangin. “From now on, stay away from me and I don’t want to be mistaken by your girlfriend.” Lalagpasan ko na sana siya nang hawakan niya ako sa aking palapulsuhan at isinandal sa pader. Namilog ang mga mata ko lalo na nang ilapit niya pa ang mukha niya sa aking mukha. Mabilis ang paghinga ko at pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya pero sadyang mahigpit ito. “She’s not my girlfriend and she’ll never be.” Napataas bigla ang isang kilay ko dahil sa pagsisinungaling niya. “Don’t tell me you’re jealous?” “Hell no! Why should I? Ni hindi nga pumasok sa isip ko ang magkagusto sa’yo. And besides may boyfriend na ‘ko and it will never be you.” Natigilan siya at lumuwag ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko. “It will not last long.” Lumayo na siya sa’kin at mataman siyang nakatitig. “And how could you say that? Ilang buwan na lang at hindi ko na makikita pa ‘yang nakakainis na pagmumukha mo.” Tinalikuran ko na siya at tuluyan na akong lumabas ng kaniyang opisina. Malalaki ang hakbang ko habang palabas ako ng campus at halos maiyak naman ako dahil sa matinding inis sa bastos na professor na ‘yon. Bakit ba tinanggap pa siya rito gayong napaka gaspang naman ng ugali niya at higit sa lahat bastos pa sa estudyante niya? Nang makarating ako sa parking lot ay nakita ko si Maxx na nakasandal sa pintuan ng kotse niya. Naiwan ko rito ‘yong sasakyan ko at ngayon ko pa lang ito kukunin. Nang makita niya ako ay umayos siya ng kaniyang tindig at tipid na ngumiti. Lumapit naman ako sa kaniya at nakita sa lupa ang ilang sigarilyo na naubos niya at halatang kanina niya pa ako hinihintay. “I’ll take you home,” nakangiti niyang turan. Napadako ang tingin ko sa ‘di kalayuan at nakita kong naglalakad si Professor Kiefer papunta sa kinaroroonan namin. Bago pa niya kami mapansin ay muli kong binalingan si Maxx at hinawakan siya sa kuwelyo. “Maxx, kiss me” “Ha?” Gulat siyang napatitig sa’kin. Bago pa niya gawin ay ako na ang humalik sa kaniya at tulad ng ginawa niya sa’king paghalik ay ganoon din ang ginawa ko sa kaniya ngayon. Ipinulupot ko pa ang braso ko sa kaniyang leeg at naramdaman ko na lang ang palad niya sa aking baywang. I want to open my eyes and see if he had already left and I heard the sound of a car driving away from us. I was sure it was him so I opened my eyes and I couldn't see him around anymore. Lumayo na ako kay Maxx at niyakap naman niya ako. Desidido na ako. I'm going to give him a chance and also to find out what’s my true feelings for him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD