CHAPTER 12

2742 Words
LEIGH’S POV: Naglalakad ako sa kahabaan ng hallway para sa susunod ko namang subject and it is Literature. As usual kailangan ko pumasok at tapusin na ang taong ito dahil gagraduate na ‘ko. Sa wakas ay hindi ko na makikita ang nakakabwisit na Prof. Kiefer na ‘yon. Sa tuwing makikita ko siya ay kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya. Ewan ko ba pero ako lang yata ang hindi nagkagusto sa nerdy professor na ‘yon. Malapit na ako sa classroom ko nang tumunog ang telepono ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng pantalon ko at nakita kong si Maxx ang tumatawag. I just rolled my eyes first before I answered his call. “Hmmn, I’m on my way to my class, why did you call?” “Hi Ate Leigh, my darling! Sorry kung naistorbo kita, I just want to tell you na lalabas na ako ng ospital.” Nawala ang inis ko nang marinig ko ang boses ni Maxine. Mukhang wala siyang sakit sa tono ng boses niya at sa tingin ko ay masigla na siya ngayon. She’s been suffering in her illness at matapang niyang hinaharap ‘yon sa murang edad pa lang niya. “Hi, Maxine how are you? Sorry kung hindi na kita nadalaw ulit medyo busy lang ang ate pero promise dadalawin kita sa inyo,” nakangiting turan ko. “Promise Ate Leigh?” “Yes, I promise” “Promise mo rin Ate Leigh na hindi mo iiwan si Kuya Maxx?” Natigagal ako at nawala bigla ang ngiti ko sa mga labi. Paano ko ba sasabihin sa kaniya na hindi ko naman talaga boyfriend ang pinsan niya? Ayokong mangako sa kaniya na hindi ko naman kayang tuparin dahil ang totoo ay pagpapanggap lang naman ang ginagawa namin para sa kaligayahan ni Maxine. Maxx told me that Maxine likes me so much at ayoko rin namang sumama ang loob niya kapag nalaman niyang hindi totoo ang lahat ng ito. “Sige na Maxine, busy na si Ate Leigh mo may klase pa siya,” dinig kong boses ni Maxx. Nagpaalam na rin siya at malungkot ko na lang na naibaba ang telepono ko. Madaling magmahal kung gugustuhin ko lang lalo na kung alam mong mahal ka rin ng taong nagugustuhan mo. Pero may takot akong nararamdaman. Takot akong magmahal dahil takot akong iwan at lokohin ng taong pinakatiwala ang puso ko. Pagbukas ko ng pintuan ay muntikan na akong mapaatras dahil unang bumungad kaagad si Prof. Kiefer na nasa harapan ko. Nagpakurap-kurap akong nakatitig sa kaniya at bumaba ang tingin ko sa kaniyang hinaharap. Napalunok ako at mabilis na nag-iwas nang tingin sa kaniya. Bigla kong naalala ang nangyari noong nasa bahay niya ako. Nagpresinta akong ako na ang maghugas ng kinainan namin dahil nakakahiya naman na siya na ang nagluto at siya pa ang maghuhugas. Nauna na siyang umakyat at naiwan naman ako sa kusina. Pumasok ako ng kuwarto niya kung saan ako natulog. Binuksan ko ang banyo niya roon para maligo na sana at hindi ko naman akalain na nandoon pala siya at naliligo na rin. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa maselang bahagi ng katawan niya at imbes na tumalikod akong kaagad ay napanganga ako at titig na titig sa kagubatan niya. What the f**k is that?! Tao pa ba ‘tong kaharap ko o halimaw? Ba’t ang laki? Nagagamit kaya niya ‘yon sa girlfriend niya? Nang mapatingin ako sa kaniya ay nakatitig din siya sa’kin at hindi man lang nagulat ng makita ako. Sa sobrang kahihiyan ay naisara ko ng malakas ang pintuan ng banyo at nagmamadali naman akong lumabas ng kuwarto. Habang pababa ako ng hagdan ay siya ko namang sinuot isa-isa ang damit ko. Mabilis akong lumabas ng bahay niya at hindi ko na siya hinintay pang matapos maligo. Nawala na sa isip ko ang pangyayaring iyon dahil ilang araw na rin ang lumipas at hindi ko rin naman siya nakikita dito sa campus. Ngayon lang ulit kami nagkita at ilang araw din namang cancelled ang klase namin dahil pinadala siya sa ibang university para sa upcoming event na gaganapin at siya ang naatasang magmanage noon. “What are you still doing there? Aren't you coming in?” sarkastikong tanong niya. Napatikhim ako at tumingin sa malayo. Akmang lalagpasan ko na siya ng muli siyang magsalita. “Do you recall anything?” Biglang lumakas ang dagundong ng dibdib ko at alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Hindi ako makatingin sa kaniya at humigpit ang pagkakahawak ko sa shoulder bag ko. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko sa sobrang hiya at ramdam ko na rin mapapawis ng isang palad ko. “See you after class, I just have something to give you.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay tumalikod na siya at pumunta na sa unahan. Ano naman kaya ang ibibigay niya sa’kin? Wala naman siguro akong nakalimutan sa bahay niya at nakapagsuot naman ako ng bra at panty ko bago ako umalis. Umupo na ako sa puwesto ko at katabi ko naman ang dalawang kaibigan ko na tila nagtataka. Siniko pa ako ni Rein at ininguso niya si Professor Kiefer na nagsusulat na ngayon sa whiteboard. “Nagalit ba siya sa’yo?” bulong niya. Umiling ako at napabuntong hininga. “E anong sabi niya sa’yo? Para kasing wala siya sa mood kanina no’ng pumasok siya rito” “Baka nag-away lang sila ng girlfriend niya,” sagot ko naman. “May girlfriend na siya?” Malakas na bulalas naman ni Thea. Napatingin pa sa amin ang ilang estudyante na naririto at ganoon din si Professor Kiefer na huminto sa kaniyang pagsusulat. Napapikit na lang ako at napatapik sa aking noo at sinamaan ko naman nang tingin si Thea at nagpeace sign lang siya sa’kin. “What’s going on there? If you are not interested in my class, you may leave. But don't expect to participate in the graduation day.” Mas lalong napadiin ang pagkakapikit ko nang sabihin ‘yon ng bwisit na prof na ‘yon. Lagi na lang iyon ang panakot niya at hindi naman tama na gawin niya ‘yon kung maganda naman ang grades namin. Nakakaasar lang dahil hindi man lang ako napagbigyan ni daddy sa kagustuhan kong ipatanggal ang mayabang na si Kiefer Victorino! Muli siyang tumalikod at pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Halos mabali naman ang hawak kong ballpen dahil sa mahigpit kong pagkakahawak doon habang masama ang titig ko kay Professor Kiefer. Kung nakamamatay lang ang masamang titig ko ay kanina pa siya nakahandusay. Nang matapos na ang klase namin ay sabay-sabay na kaming lumabas nila Thea at Rein. Hindi ko na nilingon pa ang bwisit na prof na ‘yon dahil baka lalo lang mag-init ang ulo ko sa kaniya at baka kung ano na naman ang masabi ko sa mayabang na ‘yon. “Tara kain muna tayo bago umuwi kanina pa kasi ako nagugutom. Nagwawala na ‘yong mga dragon ko sa tiyan,” nakangusong turan ni Rein habang naglalakad kami palabas ng building namin. “May chika pala ako sa inyo.” Dinig kong sabi ng isang estudyante sa likuran namin. Napalingon pa kaming tatlo na akala namin ay kami ang kausap niya. May kasama siyang dalawang kaibigan at bumati pa sila sa amin at pagkatapos ay nginitian ko naman sila. Nagpatuloy kami sa paglalakad at narinig kong muli ang sinabi niya na nagpakaba sa’kin. “May girlfriend na pala si Prof. Kiefer. Pumunta nga siya rito kanina eh, at ang usapan pa may ibang babae raw siya.” Hindi ko na sana papansinin ang usapan nila nang hinarap naman sila ni Thea. “Talaga?! How come? Saka baka naman tsismis lang ‘yan ah!” Hindi makapaniwalang wika ni Thea sa tatlong estudyante. Hinawakan ko si Thea sa kaliwang braso niya para hilahin na sana ng biglang magsalita ang isa niyang kasama. “Hindi ah, ‘yon nga ang usap-usapan sa faculty ngayon. Nag-away daw sila ng girlfriend niya kanina at narinig pa raw ng iba na magpapakasal na dapat sila ngayong taon pero parang nakita daw yata ni Prof. Kiefer ‘yong babaeng gustong-gusto niya dati pa.” Natigilan ako at hindi makapaniwala sa aking narinig. Mariin akong napalunok at napaatras ako ng isang beses. That's what happened to my dad. My mom left us for her own happiness and went away with her former lover. Mas pinili niya ‘yon kaysa sa amin at hindi niya naisip ang nararamdaman ko. “Ha? E babaero naman pala ‘yang professor na ‘yan eh. Sana pala kung gano’n hindi na lang niya jinowa ‘yong jowa niya kung may iba pala siyang mahal. Ginamit lang niya ‘yong kaguwapohan niya para manloko ng iba,” galit na saad naman ni Rein. “M-mauuna na ‘ko sa inyo.” Mabilis akong naglakad palayo at hindi ko na sila nilingon ng ilang beses nila akong tinawag. Nagmamadali akong nagtungo sa parking lot at mabilis kong kinapa ang susi ng sasakyan ko sa loob ng bag habang naglalakad ako. Nang hindi ko ito makapa ay huminto ako at hinalungkat ang loob ng bag ko. Nang makita ko na ito at maglalakad na sana ako ng bigla akong matigilan pagkakita ko sa hindi ko inaasahang makita. Nakasandal siya sa puwetan ng sasakyan ko at nakapamulsa ang isang kamay at ang isa naman ay hawak ang paper bag at nakamasid sa’kin. Humakbang siya ng dalawang beses at napaatras naman ako. Nang mapansin niya ‘yon ay huminto siya sa paglapit at habol ko naman ang aking paghinga na tila ba’y kinakabahan ako sa susunod niyang gagawin. “You forgot this,” sabay abot niya sa’kin sa paper bag. Kinuha ko ‘yon sa kaniya at tiningnan ang loob noon. Napamulagat ako at kinuha ‘yon mula sa loob ng paper bag. “Ano ‘to? Saka hindi sa’kin ang panty na ‘to.” Inis kong binalik ‘yon mula sa loob at inabot sa kaniya. “I brought that for you, wala ka kasing panty that time nakalimutan ko lang ibigay sa’yo ‘yan no’ng pinalaundry ko ‘yong mga damit mo” “E bakit kasi tinanggalan mo pa ‘ko ng panty?! Manyak ka talaga!” Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya at isinaksak ko naman sa dibdib niya ang paper bag. “Ibigay mo ‘yan sa girlfriend mo at hindi sa’kin. Masyadong malaki ang panty na ‘yan at small size lang ako” Bwisit talaga! Anong akala niya sa kiffy ko matambok? Malaki ‘yon sa’kin at baka size ng girlfriend niya ‘yon o ‘di kaya ng kabit niya! “But this fits for you. I don’t think you’re a small size.” Pinandilatan ko siya at nagtagis ang ngipin ko sa sobrang inis sa kaniya. “Excuse me? Kahit kailan hindi ako naging medium size” Nagulat na lang ako nang hilahin niya ako palayo at isakay sa kotse niya. Hindi na ako nakapagprotesta pa nang ikabit niya ang seatbelt at tumingin pa sa’kin. Natahimik ako at nagbaba na lang nang tingin para lang hindi ko salubungin ang mga titig niya. Umikot na siya papunta sa driver seat at saka naman niya pinaandar ang sasakyan. “Sa’n mo naman ako balak dalhin?” tanong ko habang traffic pa. “You didn’t attend my class last time and you have to do me a favor.” Napalingon ako sa kaniya at nakatuon ang atensyon niya sa harap. “What kind of favor is that?” “You’ll know when we got there.” Hindi na ako nagtanong pa at tumingin na lang sa labas ng bintana. Ilang minuto lang ang tinahak namin ay huminto kami sa isang restaurant. The area was well-lit, and only a few people were dining. He opened the car door for me, then entered the restaurant ahead of me. Sa ‘di kalayuan ay may babaeng kumaway sa kaniya at malapad ang mga ngiti niya. Naningas akong bigla at napahinto sa paglalakad. Mukhang siya yata ang girlfriend niya at bakit niya pa ako sinama rito? Nilingon ako ni Prof. Kiefer ng maramdaman niya siguro na hindi na ako nakasunod sa kaniya. Nangunot ang noo niyang nakatitig sa’kin at akmang lalapitan ako ng lumapit sa kaniya ang babaeng kumaway sa kaniya kanina. She looked elegant and seemed to be about my age. She was wearing a spaghetti-strap white dress paired with white half doll shoes. “Professor, sino siya? Estudyante mo rin?” Nakangiting tanong niya. She means professor? Hindi siya ang girlfriend niya? So, siya ba ang tinutukoy nila na matagal ng gusto nitong babaerong professor na ‘to? Sunud-sunod na tanong ko sa isipan ko. Lumapit sa’kin si Professor Kiefer at napasinghap ako nang ipulupot niya ang kaliwang braso niya sa bewang ko. Tiningala ko siya pero ang tingin niya ay nasa babaeng kaharap namin. “Mayumi, I want you to meet my fiancé.” Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya at nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. “W-what? Nagbibiro ka lang professor ‘di ba?” “I’m not.” Tiningan niya ako at pagkuwan at hinawakan ang pisngi ko. Hindi ako aware sa sunod niyang ginawa nang ilapat na lang niya ang labi niya sa labi ko. Sinubukan ko siyang itulak pero mas lalong naging agresibo ang mga halik niya at hinawakan niya pa ako sa aking batok. Siya na ang kumalas at napansin kong wala na sa harapan namin ang babae na mukhang may gusto sa kaniya. Hindi ako nagdalawang isip na sampalin siya at kahit na may ibang tao pang nakakita. “What’s wrong with you?! Anong akala mo sa’kin na puwede mong gamitin ano mang oras? Para pa rin ba sa grades ko ‘to?! Wala akong panahong makipaglokohan sa’yo at hindi ako ang babaeng kaya mong mabilog at isama sa mga koleksyon mo!” Pansin ko ang pagkunot ng noo niya sa sinabi kong ‘yon. Iniwan ko na siya at malalaki ang hakbang kong lumabas ng restaurant. Nang may makita akong taxi ay kaagad ko ‘yong pinara at mabilis akong sumakay. Nakita ko pa siyang humabol at mabuti na lang ay umandar na kaagad ang taxi. I hate him. I’m f*****g hate him even more! I'm not the type of woman he can easily fool like the women he has deceived. I feel sorry for his girlfriend because of the foolish things her boyfriend is doing. Kung hindi naman pala niya gusto ‘yong babaeng ‘yon pwede naman niyang sabihin ng hindi nanggagamit ng ibang tao. At ako pa talaga! Anong akala niya sa’kin kaladkaring babae? Naisipan ko namang tawagan si Maxx pero nakakailang ring na ay hindi pa rin niya sinasagot ang telepono niya. Akmang ibababa ko na ang tawag nang marinig ko na ang boses niya sa kabilang linya. “Leigh, are you still there?” Hindi ako kaagad nakasagot at hinahagilap ko naman ang sasabihin ko sa kaniya. “Maxx, can we meet?” “What’s wrong, my darling? Where are you? Pupuntahan kita.” Umiling ako na animo’y nakikita niya. “Ako ang pupunta sa’yo.” Wala akong narinig na sagot niya kaya muli akong nagsallita. “Can I?” “S-sure, nasa condo lang ako itetext ko sa’yo ang address ko.” Ibinaba ko na ang tawag pagkatapos naming mag-usap. Ewan ko ba, parang wala ako sa sarili ko ngayon at nagawa ko pang puntahan si Maxx sa bahay niya. He’s not like Professor Kiefer at alam kong malaki ang pagkakaiba nilang dalawa. That nerdy professor is arrogant and rude! At hindi ko matagalan ang bastos na ‘yon. Nasa tapat na ako ng pintuan niya at pinindot ang doorbell. Pagbukas niya ng pintuan ay walang pasabing niyakap niya ako ng mahigpit. “I was worried about you, what happened?” Nayakap ko na rin siya at sinubsob ang mukha ko sa malapad niyang dibdib. I suddenly felt safe in his arms, and I could clearly hear his heart beating fast. Why shouldn't I try to open my heart to him? Ilang beses ko na siyang tinanggihan pero hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin niya akong kinukulit at hanggang ngayon ay gusto pa rin niya ako. “Can I stay here for a while?” Nakapikit kong wika sa kaniya. “It's okay, even if you stay here forever.” Humigpit ang pagkakayakap niya sa’kin na para bang ayaw na niya akong bitawan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD