LEIGH’S POV:
Maaga pa naman kaya naisipan ko munang dumaan sa ospital para dalawin si Maxine bago ako pumasok. Bumili ako ng mga prutas para ipasalubong sa kaniya at tiyak akong matutuwa siya.
Nakarating na ako sa ospital at bitbit ang isang basket ng mga prutas. Malapit na ako sa kuwarto ni Maxine ng marinig ko ang isang iyak ng bata. Nanggagaling iyon sa kuwarto niya kaya dali-dali akong naglakad papunta roon. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang marinig ko ang sinabi niya na nagpadurog ng puso ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa seradura ng pintuan at nanatili lang akong nakatayo.
“Mommy, I can’t take it anymore! It really hurts. I want to go home, I want to go home mommy!” iyak siya nang iyak habang nagmamakaawa siya sa kaniyang ina.
Hindi ko maiwasang maalala si mommy. Ganito rin ako noong aalis na siya ng bahay at nagmamakaawa akong huwag niya kaming iwan. Pero sa kasamaang palad ay mas pinili niya ang lalaking iyon kaysa sa sarili niyang pamilya.
Hindi na muna ako pumasok sa loob at naghintay na lang ako sa labas. Ilang minuto rin ang lumipas at lumabas na ang doctor at kasunod naman niya ang dalawang nurse. Hinarap ko sila para kumustahin si Maxine pero malungkot nila akong tinitigan.
“Doc, may pag-asa pa po ba siyang gumaling?” Nagyuko lang ang doctor at mahinang nagpakawala ng buntong hininga.
I immediately thought of Maxx. I knew he would be the one most heartbroken if Maxine’s gone. I witnessed his love for his cousin, whom he cherished as if she were his own sister.
Bagsak ang balikat kong napasandal na lang sa pader at mahigpit kong nahawakan ang basket. Ewan ko ba pero kahit na ngayon ko pa lang nakilala si Maxine ay magaan na kaagad ang loob ko sa kaniya dahil siguro ay hindi ako nagkaroon ng kapatid.
Napaayos lang ako ng tayo ng biglang lumabas ang mommy ni Maxine. Nang mapatingin ako sa kaniya ay mugto ang mga mata niya at pinilit lang niyang ngumiti sa’kin.
“Hija, kanina ka pa ba riyan?”
“H-hindi naman po. Kakarating ko lang po,” pagsisinungaling ko at pilit din akong ngumiti sa kaniya. “Si Maxine po kumusta siya?”
“Sa ngayon okay na siya. Pero…” Gumaralgal ang boses niya at halatang pinipigilan lang niyang muling maiyak.
Nayakap ko na lang siya at hindi ko alam kung bakit basta ko na lang naisipan iyon. Narinig ko na lang ang munting paghikbi niya at hinagod ko naman ang kaniyang likod para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman niya.
Niyaya na niya akong pumasok sa loob at nakita ko si Maxine na nakahiga at himbing na sa kaniyang pagtulog. Inilapag ko ang basket na may lamang prutas at naupo sa kaniyang gilid. I saw the bruises on her arm, and I couldn't help but felt hurt by what I was seeing. If she’s feeling this much pain, how much more to her parents, and especially Maxx?
Hinawakan ko ang kamay niya at marahang hinimas ito. Masasabi kong matapang siyang bata dahil nakayanan niya ang lahat ng sakit sa murang edad niya.
“A-ate L-leigh, my d-darling.” Marahan siyang nagmulat at sumilay ang mga ngiti niya sa labi.
“Maxine, how do you feel? May masakit pa ba sa’yo?” Umiling lang siya at kita ko ang panghihina niya. “May dala akong prutas para sa’yo gusto mong kumain?” Tumango siya at kumuha ako ng apple at ipinagbalat siya.
Habang pinagbabalat ko siya ay hindi ko mapigilang maluha. Napahinto ako sa ginagawa ko at kunwa’y nabitawan ko ang hawak kong kutsilyo at pinulot ito para lang punasan ko ang luhang dumaloy sa aking pisngi.
Nang matapos ko na siyang ipagbalat ay ang mommy na niya ang nag-upo sa kaniya at binigay ko sa kaniya ang apple. Medyo maputla na rin ang labi niya pero maganda pa rin siya.
“Ate, mahal mo ba ang kuya ko?” biglang tanong niya na ikinagulat namin pareho ng mommy niya.
“Ano ka ba, anak. Syempre mahal ng Ate Leigh mo si Kuya Maxx mo, hindi ba hija?” baling naman sa’kin ng mommy ni Maxine.
“H-ha? Ahhmm, Maxine. Ano bang kuwento ni Kuya Maxx mo tungkol sa’kin?” Pag-iiba ko na lang ng usapan.
Parang hindi ko kayang magsinungaling sa bata dahil sa nakikita kong kalagayan niya pero gusto ko siyang mapasaya kahit papaano at alam kong nag-aalala rin siya sa kuya niya tulad ng pag-aalala ni Maxx para sa kaniya.
“He told me that you’re the most beautiful girl in the world and he loved you the most. You’re so kind and lovable that’s why he fell in love with you.” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya at marahan ko na lang nakagat ang ibabang labi ko.
Maniniwala ba ako sa mga sinasabi ni Maxx kay Maxine? O baka naman alibi lang niya ito para lang sa kapakanan ni Maxine? Wala akong tiwala sa mga lalaki at kailanman ay hinding-hindi ako magtitiwala. Hindi ko alam kung paano magmahal dahil hindi ko pa naman ‘yon naranasan dahil simula nang iwan kami ni mommy ay kasabay noon ang pagsara ng puso kong magmahal.
“I want my kuya to be happy and to be loved by the one he love. Can you do that for me Ate Leigh?” Sandali akong hindi nakasagot at napalingon na lang ako sa mommy niya na matamang nakikinig sa amin.
Tumango naman ang mommy niya na para bang ang ibig niyang sabihin ay sumang-ayon na lang ako kay Maxine kahit alam niyang pawang kasinungalingan lang pala iyon.
Marahan din akong tumango at hinimas ko naman ang maliit niyang kamay. Biglang nagliwanag ang mukha niya at alam kong labis siyang natuwa pero may guilt akong nararamdaman sa sarili ko.
Nagtagal pa ako roon at pinagpahinga na muna namin si Maxine. Nagpaalam na rin ako dahil may klase pa ako. Hindi ko na namalayan pa ang oras at hindi na rin ako nakapasok sa unang subject ko at mabuti na lang ay hindi Literature ang subject ko ngayong araw dahil kung hindi ay malamang malalaman iyon ni daddy na hindi ako nakapasok.
Palabas na ako ng ospital nang mamataan ko si Maxx na may hawak na teddy bear. Napahinto ako sa paglalakad at tumingin din siya sa’kin na tila nagtataka.
“What are you doing here? Hindi ba may klase ka pa?” Hindi ko siya sinagot at basta lang akong nakatingin sa kaniya.
It’s weird. Hindi naman ganito ang tingin ko sa kaniya pero bakit parang ang tino niya sa paningin ko? Ang weird ko na ba?
“Hey.” Pumitik pa siya sa ere kaya doon lang ako nagbalik sa huwisyo.
“H-ha? Aahm, ano, dinalaw ko kasi si Maxine. Nag-aalala kasi ako sa kaniya kaya dumeretso na ako rito. Para ba sa kaniya ‘yan?” Tukoy ko sa teddy bear na hawak niya.
“Yeah, it’s her favorite toy. Hindi kasi siya nakakatulog kapag hindi niya ‘to katabi eh”
“Ah, kaya pala hirap siyang makatulog kanina”
Sandaling katahimikan ang namutawi sa’min at niyaya naman niya ako sa coffee shop malapit dito sa ospital. Pansin ko sa mukha niya na parang pinipilit lang niyang maging okay pero ang totoo ay tinatago niya lang ang tunay niyang nararamdaman.
“Ikaw, wala ka bang klase ngayon?” tanong ko naman sa kaniya.
Umiling siya ng nakatitig sa’kin kaya bigla akong nailang. Humigop ako ng kape at nakalimutan kong mainit nga pala iyon kaya napaso ang labi ko. He immediately came over to me and gently wiped my burned lip. I was surprised when he blew on it. I could only stare at him, dumbfounded, as he did so, and I felt my heart begin to pound.
Nang dumako ang tingin niya sa’kin ay napaiwas na lang ako nang tingin sa kaniya at lumayo ng kaunti. Iyong mabilis na pagtibok ng puso ko ay hindi pa rin tumitigil siguro ay dahil kinakabahan ako lalo na noong malapit siya sa mukha ko.
“You should be careful next time,” aniya.
“Totoo ba ang sinabi ni Maxine?” walang paligoy-ligoy kong tanong sa kaniya.
“Ang alin?”
“Why do you love me that much? Why me? There are many others who deserve your love more than I do. I'm incapable of loving and have no plans to be in a relationship.” Binalingan ko siya pero nakatingin lang siya sa’kin.
Bumuntong hininga ako at umikot pa ako paharap sa kaniya. I want to experience how to love and be love by someone you really love. But I’m afraid. Takot ako na iwan din ako at lokohin sa bandang huli. I was traumatized by my mom kaya sinarado ko ng tuluyan ang puso ko.
“Maxx, hindi ako ang babaeng para sa’yo. Tinanggap ko ang alok mo it’s because of Maxine,” mahinahong paliwanag ko sa kaniya.
“I know, I know Leigh. But why don’t you give me a chance? Alam kong hindi ako ang lalaking pinapangarap mo pero kaya kong magpakatino para sa’yo. If this relationship doesn’t work after a month ot maybe 2-3 months, ako na mismo ang lalayo sa’yo at hindi na kita guguluhin pa. Just give me a chance, Leigh. I won’t promise anything pero ipaparamdam ko sa’yo kung gaano kita kamahal.” Napalunok na lang ako sa sinabi niya at hindi na ako nagprotesta pa nang yakapin niya ako.
Maybe he’s right. Why am I holding back of giving him a chance to prove himself? Is love truly as sweet as everyone says? They say it's inevitably painful, but you'd still choose to love because pain is intertwined with love. You're supposedly not really in love if you don't get hurt, and that's precisely what I’m afraid of.
Hinatid niya ako sa school dahil may dalawang subject pa ako na dapat pasukan. Wala sa klase ang atensyon ko kun’di sa mga sinabi sa’kin ni Maxx. Nakapagdesisyon na ‘ko. I will give him a chance at tulad ng sinabi niya if this relationship doesn’t work, hindi na niya ako gagambalain pa.
Tapos na ang klase ko at pauwi na sana ako nang magring ang telepono ko. Kinuha ko ito sa aking bag at nabasa ko kaagad ang pangalan ni Professor Kiefer. Umikot pa ang mata ko sa ere bago ito sagutin.
“Hello?” walang gana kong sagot sa kabilang linya.
“Come to my office now at exactly 6 P.M and I don’t want you to be late.” Sasagot pa sana ako ng bigla na niyang binaba ang telepono.
Inis akong napatingin sa telepono ko at nakita kong five minutes na lang bago mag six o’ clock. Kailangan ko pang tumakbo papunta sa office niya dahil medyo malayo ‘yon mula rito sa building namin.
Napamura na lang ako at babalewalain ko na lang sana ‘yon pero baka tuluyan na niya akong ibagsak kapag hindi ko siya sinunod. Nagtatakbo ako papunta sa opisina niya at kahit na hinihingal na ako ay nagpatuloy pa rin ako hanggang sa makarating na ako. Sapo ko ang dibdib ko at akmang kakatok na ako ng may boses akong narinig sa loob. Boses ng isang babae ‘yon at dahil sa kuryosidad ko ay bigla ko na lang binuksan ang pintuan. Maliit lang ang awang noon at kita ko mula sa kinatatayuan ko ang babaeng nakatalikod at nakaharap naman sa kaniya si Professor Kiefer at ito siguro marahil ang girlfriend niya.
“Hindi ka ba masaya na pinuntahan kita rito?” May halong lambing na boses ng babae sa kaniya.
“I told you that I’m busy”
“But that’s not what I saw. Nakatingin ka lang diyan sa cellphone mo na parang may hinihintay kang tawag. Babae ba ‘yan?”
Napanganga na lang ako at hindi makapaniwala sa aking narinig. So, he's cheating and his girlfriend already suspects him? I think he was some a decent guy, but it turns out he's a cheater.
“Stop accusing me because I'm not who you think I am. May hinihintay akong estudyante na kailangan ko pang turuan, so you may leave and I’ll call you afterwards”
Ako ba ‘yon? s**t naloko na! Baka mapagbintangan pa akong babae ng manloloko niyang boyfriend.
Dahil sa pagkataranta ko ay naisara ko ng malakas ang pintuan at napatakbo na lang ako sa kabilang opisina. Naghanap ako ng matataguan at nakita ko ang isang malaking cabinet na alam kong kasya ako kaya doon ako nagtago.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at napatakip na lang ako sa aking bibig. Dahil medyo masikip ang loob ay panay naman ang tulo ng pawis ko sa aking noo at pati na rin sa aking leeg. Habol ko ang aking paghinga dahil nauubusan na rin ako ng hangin at walang butas ang cabinet.
Nang muli kong marinig ang paglapat ng pintuan ay tinulak ko ang pintuan ng cabinet para sana lumabas na pero hindi ko ito mabuksan. Sinubukan ko itong itulak ng malakas pero mukhang na-lock ako sa loob. Sunud-sunod ang pagkatok ko pero walang nakakarinig sa’kin hanggang sa hindi na ako makahinga. Napahawak na lang ako sa aking dibdib at unti-unti na rin akong nahihilo.
Ilang segundo pa ang lumipas ay biglang bumukas ang cabinet at naaninag ko ang bulto ng isang lalaki. Dahil sa pagkahilo ko ay nawalan na lang ako ng malay at hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. Nang hindi pamilyar sa’kin ang lugar ay napabalikwas ako at nasapo ko na lang ang aking ulo dahil sa matinding kirot nito.
“Finally you’re awake.” Napatingin ako sa kaliwang bahagi ko at nakita ko si Professor Kiefer na nakatayo at nakasandal sa pader.
“Where am I? And what am I doing here?” Kunot-noo kong tanong sa kaniya.
“You collapsed. And what are you doing in that tiny cabinet?” Napalunok ako at naalala ko ang nakita ko.
Napatingin ako sa aking sarili at nagtaka ako dahil iba na ang suot ko. Naka suot ako ng long sleeve white polo na wari ko’y sa kaniya at kinapa ko pa ang dibdib ko.
Tang-ina! Bakit wala akong bra?!
Gulat akong napatingin sa kaniya at prente lang siyang nakamasid sa’kin.
“Anong ginawa mo sa’kin?! Did you..did you just change my clothes and you saw it?” Kagat ko ang ibabang labi ko habang hinihintay ko ang sagot niya.
Tumango siya at napanganga na lang ako at gusto ko siyang pagbabatuhin dahil sa kalapastanganan niya.
“But why did you do that? Sinong may sabi sa’yong palitan mo ‘ko ng damit? You’re a f*****g pervert,” mahinang sabi ko.
“Am I? Your clothes were soaked with sweat, and you might get pneumonia, so I changed your clothes”
“But you already saw it! Sana hindi mo na lang ako binihisan,” inis kong sigaw sa kaniya.
“I never saw it, and I never touch your__” Natigilan siya sa kaniyang sasabihin at saka tumikhim. “My eyes we’re closed when I’m taking off your clothes”
Napatayo ako sa kama at saka ko naman siya hinarap. Akmang lalapitan ko siya nang makita kong umiwas siya nang tingin sa’kin. Dahan-dahan akong nagbaba ng aking tingin at mariin akong napapikit ng muli kong maalala na wala akong suot na bra at naka polo lang ako na sobrang ikli sa’kin.
“I've already sent your clothes to the laundry and it may takes 30 mins to be washed. Eat first before I drive you home.” Masama ang tingin ko sa kaniya habang siya ay nakatingin sa ibang direksyon.
Humalukipkip ako at tinaasan ko siya ng kilay.
“Hindi ako naniniwala sa’yo. At bakit mo ‘ko dinala rito sa bahay mo kung kasama mo naman ang girlfriend mo. Hindi ba’t kabastusan para sa kaniya na iwan mo na lang siya?”
Nilingon niya ako ng walang emosyon ang itsura. Unti-unti siyang lumapit sa’kin at ako naman ay umaatras palayo sa kaniya. Tumingin pa ako sa likuran ko at wala na akong maaatrasan pa. Napasinghap ako ng bigla na lang niya akong hapitin sa aking baywang at inilapit sa kaniya. Nakatitig kami sa isa’t-isa at pigil naman ang aking paghinga.
“Should I kiss you?” Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya at hindi ako nakasagot. “Mukhang hindi ko na yata kailangan ng sagot mo”
Tinulak ko siya pero mahigpit ang kapit niya sa baywang ko. Nginisian niya lang ako at dahil sa inis ko ay kinagat ko siya sa kaniyang braso para bitawan niya ako. Pero hindi ‘yon nangyari. Imbes ay naramdaman ko ang mahigpit pa niyang kapit sa aking baywang at alam kong nasaktan siya sa ginawa ko.
Napatingin ako sa kaniya at nakapikit naman siya. Nagmulat siya ng mga mata at nagtama ang paningin namin. I was caught off guard when he pushed me against the wall and his face so close to mine. I noticed his jaw clenching a sign of his anger towards me because of what I did.
“Stop acting like a kid and stop making me wait anymore co’z I hate it.” Lumayo na siya sa’kin at salubong ang kilay kong nakatingin sa kaniya.
I arrived at the right time earlier. However, I saw him and his girlfriend in the middle of an argument, so I decided not to disturb them.
“Follow me downstairs and eat something first before I take you home.” Nauna na siyang lumabas ng kuwarto at napabuntong hininga na lang ako.
“Buwisit talaga siya! Napaka bastos! Paano ba ‘ko makakawala sa pesteng Professor na ‘yon? Even my dad didn't agree with what I wanted, which is why I'm having such a hard time.” Naisuklay ko na lang ang daliri ko sa mahabang buhok ko at padabog akong lumabas ng kuwarto.