Chapter 3

629 Words
Chapter 3   Hindi matanggap ni Stef na sya talaga ang may mali. Naniniwala parin sya na dahil ito sa hindi maayos na pag-park ng sasakyan ng arroganteng lalaki na kausap nya ngayon. Masyadong mayabang ito para sabihin na hindi na ito makakawala sa kanya. "Fine. Magbabayad ako kahit magkano." mas lalo syang nairita ng ngumiti ito nang nakaka asar. Bakit ba may tao pang ganito sa mundo. Sabi nya sa isip nya. "You know what? May mga alam akong agency na magaling talaga sa driving lessons and they can teach you some techniques sa pag park." mas lalong nag-init ang ulo ni Stef. "How dare you questioned my driving skills" naiinis na sagot ni Stef.  Umangat ang sulok ng mga labi nya "You know what?" ginaya nya pa ang tono nito pero sa sarkastikog pamamaraan. "Shut up." sabi nito bago tumalikod at naglakad. "Stefanie!" hinabol ito ni ENZO. Nag-ienjoy syang asarin ito. Namumula na ang tenga nito sa sobrang inis sa kanya. Nalaman nito ang pangalan ng babae dahil sa license na inilabas nito kanina. "Stop the first-name basis. Hindi tayo close." sabi ni Stef ng walang lingon-lingon at patuloy sa paglalakad. Pero dahil mahahaba ang legs ni ENZO kumpara sa kanya, nasabayan parin nya ito hanggang umabot sila sa elevator. "So, we're on the same building. Bakit kaya ngayon lang kita nakita?" sabi ni ENZO. "Sabagay bago palang ako dito. By the way, I'm ENZO." hindi parin sya nito pinapansin. Para syang hangin na hindi nakikita-- but for sure nararamdaman nya ako. Hanggang sa nakalabas na ang mga ito sa elevator. "Wait, Miss Stefanie. What about the arrangement? Paano mo mababayaran--" hindi na pinatapos ni Stef si ENZO. Hinarap nya ito at sinagot. "If you want my money, I'll give it to you." natigilan si ENZO. Matalas ang bibig ng kausap nya. "Wag ka mag-alala hindi kita tatakbuhan. But for now? Please, just shut up!" sabay lakad nito papunta sa pinto ng unit nya. Binuksan ito at walang lingon-lingon na pumasok. Naiwang nakatayo si ENZO sa tapat ng unit ng babae. Nagulat sya sa mga sinabi nito. Parang ang labas tuloy mukhang pera sya. Napailing nalang si ENZO na pumasok sa unit nya na kaharap lang ng bahay ng suplada nyang kapitbahay. "Sayang, maganda pa naman. Kayalang suplada." sabi nito sa sarili. ----- INIS na inis si Stefanie ng makapasok sa unit nya. "Napaka antipatiko!" sabi nito habang inilalapag ng maayos ang mga gamit. "Akala mo kung sinong gwapo." kinakausap nya ngayon ang sarili nya habang nagbibihis. "Pero gwapo naman sya..." bulong nya sa sarili. "Pero antipatiko parin sya!" napailing nalang sya, sa ngayon talaga, hindi na sapat ang gwapo lang. Maraming gwapo na wala nang ibang maipagmamalaki. "Stef, focus, maraming importanteng bagay angd apat mong pagtuonan nang pansin." paalala nya sa sarili nya.  Hindi dapat sya nagpapaapekto sa ganitong insidente. Naghanda na syang matulog, wala pang ilang minuto, nakatulog na sya agad. RInig na rinig nya ang tawanan nang mga ka-klase nya.  Gusto nyang umiyak, gusto nyang maglaho nalang nang parang bula at kalimutan ang lahat.  Pero parang palakas nang palakas ang tawanan nang nasa paligid nya.  "Tama na please," umiyak na sabi ng batang Stefanie. "Enough please..." pero di sila tumitigil. "Tigilan nyo na sya," narinig nya ang isang lalaki. Tumahimik ang lahat, at lumapait ang matangkad na lalaki sa kanya, "Stop crying na," malambing na sabi nang gwapong lalaki na ito. "You want some eggs?" napakunot ang noo nya. "Miss -zero-sa-quiz" sabay tawa nang malakas. "ENZO!" Sigaw nyang nang magising sya.  Nararamdaman nanaman nya ang bilis ng t***k nang puso nya na may halong inis dahil naalala nanaman nya ito.  Bakit naman itong ENZO sumali na sa panaginip nya.  Kasi walang pinagkaiba si ENZO kay Dain, pareho silang bully. Yan ang bulong nya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD