“DEN sigurado ka ba diyan sa iniisip mo na iyan? Kapag nahalata ng senyor ang balak mo… matatanggalan ka ng trabaho,” usal ng isa sa mga kasamahan ni Denise habang inaabot sa kan’ya ang mga karton na kaniyang hiningi sa mga ito.
Tipid naman siyang ngumiti sa babae at marahan na kinuha ang mga karton. Hindi niya rin talaga sigurado kung gagana ang plano niya pero gusto niyang subukan dahil alam niyang ipapatingin ng senyor ang gitara kung nasa basurahan ba.
“Ako na ang bahala rito. Salamat ha,” tugon niya sa babaeng kasamahan na tinanguan lamang siya.
Marahan niyang isinara ang pintuan ng kwarto at agad na ibinaba ang mga karton na kayang hiningi. Agad siyang kumuha ng panulat at gunting– kinuha na rin niya ang gitarang inilagay niya sa ilalim ng kama niya at inilapat sa mga karton.
Nagbabalak siyang ihulma ang gitara sa karton at iyon ang papalabasin niyang gitara na itatapon. Naisip niya na ang gusto lang naman ng senyor ay ang makita na wasak ito at nasa basurahan.
Patuloy niyang hinulma ang gitara kahit pa alam niyang masyado ng gabi ay kailangan niya pang gumising ng maaga para sa trabaho niya.
Hindi naman nagtagal ay natapos din niya ang ginagawa kaya naman dali-dali niya iyong pinutol na kunwari ay isang parte ng gitara. Nang matapos niyang putulin ang mga iyon ay agad siyang kumuha ng plastic at doon inilagay ang basura habang ang totoong gitara ay muli niyang ibinallik sa ilalim ng kan’yang kama.
Marahan siyang lumabas ng kwarto at naglakad palabas ng bahay para matapon na agad niya ang kunwari ay gitarang karton na kan’yang ginawa.
Ngumiti lamang siya sa gwardiya na nakaduty doon bago siya nagpaalam na lalabas para magtapon ng basura.
Sakto naman na ilalagay na niya ang dala-dalang basura nang may isang kotse ang huminto sa tapat mismo ng kinatatayuan niya.
Ang kunot na noo niya ay agad na nawala nang makita niyang bumaba ang kanilang senyorito.
“What are you doing here? It's already late,” usal nito sa seryosong paraan pero kahit paano ay mahihimigan ito ng kakalmahan.
Napakagat naman ng labi si Denise at agad na tinago sa likuran ang hawak-hawak na plastic. Parang gusto niya tumakbo papasok at kunin ang gitara nitong itinatago niya.
“Magtatapon lang ho sana ako ng basura,” tugon niya dito bago muling marahan na naglakad papunta sa basurahan.
Marahan niyang nilagpasan ang lalaki na nakatingin lamang sa kan’ya. Kung sa kan’ya ay hindi siya komportable sa pananatili nito kasama siya lalo pa at may itinatago siyang lihim.
Nakahinga siya ng maluwag nang makalagpas siya sa lalaki ngunit agad din siya nitong pinigilan.
“What in the plastic?” tanong nito na ikinakaba ng dibdib ni Denise.
Marahan niyang hinarap ang senyorito niya at tipid na ngumiti ngunit sa loob-loob niya para na siyang aatakihin sa puso.
“Ah! Senyorito, ano lang po ito… ah! Mga gamit na itatapon na,” usal niya sabay kagat ng labi muli.
Kita naman niya ang paniningkit ng mata nito bago muling tumingin sa malaking plastic na dala niya.
“May I see those trash?” tanong nito sabay lahad ng kamay niya. “I want to see those trash,” pag-uulit niya na mas ikinakaba ng dibdib ko.
“Ay hindi na ho, senyorito! Madumi po ang mga ito, madudumihan pa po ang kamay ninyo,” pagtanggi niya.
Muli siyang tumalikod at akmang maglalakad siyang muli nang bigla may humatak ng plastic na dala niya kaya naman mabilis niyang nilingon ang lalaki habang nanlalaki ang mata.
Kita niya sa mukha ng kan’yang binatang amo ang pagtataka at pagkunot sa noo nito lalo na nang hawakan nito ang plastic.
Nanlaki naman ang mata ni Denise nang akmang bubuksan ng binata ang plastic kung saan nandoon ang mga pekeng parte ng gitara nito!
Gusto rin naman niyang sabihin sa binata na peke lang ang mga iyon o kaya naman ay nasa kwarto niya ang gitara ng among binata ngunit gusto muna niya na hindi mahalata ng senyor na peke lamang ang itinapon niya.
Hindi niya rin alam kung pakikinggan ba siya ng binata dahil alam niyang hindi maganda ang timpla ng aura nito.
Wala naman siyang nagawa nang tuluyang mabuksan ng binata ang plastic. Napapikit na lamang siya nang makita niya ang pagtaas ng kilay nito habang pinagmamasdan ang mga nasa loob ng plastic.
Agad siyang napadilat at napaigtad nang makarinig siya ng paghampas sa lapag. Napaawang ang labi niya nang makita niyang hinampas ng binata ang plastic na kanina lang ay hawak niya.
“Senyorito…” may kaba niyang tawag dito kaya naman huminto ito at nakangiting tumingin sa kan’ya.
Dahil sa pagngiti na iyon, kahit paano ay nabawasan ang kaba sa dibdib ni Denise. Para sa kan’ya ay masaya siyang nakuha ng kan’yang senyorito ang nais niyang gawin.
“Nasa kwarto ko po yung totoong gitara ninyo,” saad niya kahit pa hindi ito nagtatanong. “Balak ko ho sanang ilagay doon sa stock room kung saan nandoon lahat ng ala-ala at gamit ng mommy ninyo kaya po pineke ko iyan baka po kasi biglang maghanap si senyor ng pruweba,” paliwanag niya na mas ikinangiti ng binata.
Hindi naman niya maintindihan ang puso dahil biglang mas lumakas ang kabog ng dibdib niya. Para bang nabuhay ang kakaibang pakiramdam na lagi niyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya ang among binata.
Agad siyang yumuko nang maramdaman niya ang pag-iinit bigla ng mukha niya. Alam niyang mali ang nararamdaman niya dahil magkaiba ang estado nila, mali ang mahulog ang damdamin niya sa binatang amo, mali ang mahulog sa lalaking tingin ng lahat ay langit– habang sa kan’ya ay isang putik.
“Thank you, Denise. I owe you one,” usal ng amo kaya naman agad na umangat ang ulo niya at tinignan ang amo na nakahandang ihagis ang plastic kaya naman agad niya itong pinigilan.
“Teka! Senyorito, baka po mas makahalata si senyor na peke iyan kapag ibinato lang ninyo, ako na ho ang maglalagay doon,” marahan niyang pigil dito na sinamahan pa ng kamay.
Agad din naman tumigil ang binata at tumango tango bago ibinaba ang hawak na plastic at inilagay sa harap ni Denise na mukhang nakahinga na ng maluwag dahil sa ginawa ng binata.
“Okay, go now. It's too late,” usal nito na maharan niyang tinanguan sabay yuko at mabilis na kinuha ang plastic.
Mabilis siyang tumalikod para maitapon ang plastic at inilagay sa pinakailalim ng mga nandoon.
Marahan niyang nilingon ang senyorito at nahuli niya itong nakatingin rin pala sa kan’ya habang may mumunting ngiti.
“Let's go,” usal nito na tinanguan naman niya kaya mabilis siyang bumalik doon sa pwesto niya kanina. “You go first, since I have a car to park. Thanks again, Denise,” usap nito.
“Wala pong anuman, senyorito…” mahihiya niyang saad bago muling yumuko at nagpaalam sa binata.
Mabilis siyang naglakad papasok ng mansyon at hindi man lang lumingon sa binata na pinagmamasdan lamang siya.
“WHERE have you been last night, Nicholas? After you insult your mother in front of us you walk away?!”
Ayan ang bumungad kay Nicholas nang makababa siya mula sa ikalawang palapag. His father and his dad's second wife are there in their common room, they are having their coffee.
All he wants is to get back to his room and lock himself there. But he knows if he does that, his father will not be happy! His dad will keep on bugging him!
“Just somewhere with Joshua,” mahina at tamad niyang usal bago nagpatuloy sa paglalakad papuntang kusina.
Hindi na niya pinansin ang mga salita pa nito dahil sawa na siyang makipagsagutan sa kan’yang ama bukod doon ay masama pa talaga ang loob niya sa kan’yang ama dahil sa ginawa nito.
Malaki na lamang ang pasasalamat niya dahil marunong gumawa ng diskarte ang isa sa mga katulong nila na si Denise.
Nang maalala niya ang bagong dalagang katulong ay agad siyang napalingon lingon para makita ang presensya nito. Nakita niya ang ibang mga katulong nila na kadalasan ay nakikita niyang kasama ng dalaga ngunit hindi niya makita ang dalaga kaya naman nagtuloy na siya sa pagpunta sa kusina.
Nang makarating siya doon, hindi niya malaman sa sarili dahil may kung ano sa kan’yang gustong ngumiti dahil nakita niya doon si Denise na kausap ang dalawa sa kasamahan.
Marahan siyang naglakad papasok ng tuluyan sa kusina at pilit na tinago ang ngiti niya. Hindi naman nagtagal ay mukhang nakuha niya ang atensyon ng isa sa mga kausap ng dalaga at aga na yumuko kaya naman napatingin din ang dalawa pa na bahagyang nagulat dahil nandoon siya. Mabilis na yumuko ang mga ito.
Gusto niya mang hulihin ang tingin ng dalaga ngunit hindi siya nito tinitignan at ang nakapagpagulat pa sa kan’ya ay mabilis itong nagpaalam at agad na umalis sa kusina.
Sinundan niya lamang ng tingin iyon habangay nakasilay na seryosong ekspresyon sa kan’yang mukha.
Naisip niya na kagabi lamang ay maayos silang nagpaalamanan sa isa’t-isa ngunit bakit ngayon ay umiiwas na ito sa kan’ya.
---------------------