bc

Their Story

book_age18+
83
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
heir/heiress
drama
bxg
witty
like
intro-logo
Blurb

Ito ay pawang mga istorya na siyang pinagsama-sama ko lamang. Libre itong mababasa at walang bayad kaya naman sana ay mag-enjoy kayo. Salamat :)

Makikita ninyo dito ang mga istorya ng mga magulang ng first gen ko lalo na ang story ng parents ni Nicole na mapanakit sa damdamin :)

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - First Encounter
Isa-isang tumulo ang pawis ni Denise habang bitbit ang gamit na siyang nakalagay sa isang maleta. Pinilit niyang ipinagkasya dito ang gamit niya para lang madala ang sa tingin niya at kailangan niya. Hindi man alam nito ang gagawin at kung anong kapalaran ang maidudulot sa kan’ya ng pagpunta sa Maynila ay pilit pa rin siyang sumubok para makatulong sa mga magulang sa Pangasinan. “Marahil ito na ang mansyon na sinasabi ni Tiya Mela,” usal nito habang nakatingin sa isang malaking bahay. Tinignan muli niya ang papel na hawak bago marahang lumakad papunta sa maliit na bakal na pintuan kung saan nandoon ang mga bantay ng mansyon. “Magandang araw ho, gusto ko lamang hong magtanong kung dito ho ba ang mansyon ng mga Ferrer?” magalang natanong niya sa mga ito nang tuluyan siyang makalapit. Mabilis naman siyang ngumiti nang ngumiti ito sa kan’ya at mabilis na lumapit. “Oo, binibini. Dito nga ang mansyon ng mga Ferrer, ikaw ba si Denise na pamangkin ng isa sa mga katulong dito na si Mela?” tanong nito na siyang mabilis na ikinatango habang nakangiti ng dalaga. Bago pa siya makasagot ulit ay agad na may dumating na kotse na siyang ikinalingon nila doon ng sabay. “Ay sandali lamang, ija. Kailangan ko lang pagbuksan si senyorito,” mabilis na usal ng gwardiya na siyang ikinatango niya. Tahimik na tumayo doon ang dalaga habang nakamasid sa kotse na nakaparada sa tapat niya. Hindi niya nakikita ang nandoon dahil kulay itim naman ang salamain. Mabilis naman itong pumasok nang mabuksan ng gwardiya ang malaking balak na gate. Sinundan niya lamang iyon ng tingin hanggang sa makapasok iyon at tuluyang mawala. Nang mawala na iyon ay muli na lamang inantay ang gwardiya na siyang sumulpot din naman agad. “Ay pasensya ka na, ija. Tatawagan ko na si Manang Mela para mapuntahan ka na dito,” usal nito. Tumango lang naman ang siya sa gwardiya habang ito naman ay mabilis na kinuha ang telepono. Tahimik lang niyang pinagmamasdan ito hanggang sa marinig niya na parang nakakausap na nito ang kan’ya Tiya Mela. Nang mababa nito ang tawag ay agad itong tumingin sa kan’ya at ngumiti. “Welcome sa mansyon ng mga Ferrer, magsipag at wag mo lang silang pakialaman dito ay siguradong gagaan ang buhay mo,” saad nito sa kan’ya na siyang ikinangiti niya. “Antayin na lang natin ang tiya mo para siya na ang sasama sa iyo sa tinutuluyan ng mga katulad ditp,” habol nito sa kan’ya. Mabilis naman siyang ngumiti sa matandang gwardiya hanggang sa narinig na niya ang boses ng kan’yang tiyahin. “Halika na dito, Denise! At ipapakilala kita sa makakasama natin,” nakangiting usal nito sa kan’ya. Mabilis siya nitong tinulungan sa kan’yang gamit, nauuna pa itong maglakad papasok ng bakal na pintuan. Agad siyang namangha nang tuluyan siyang makapasok sa loob. Isang napakalaking bahay ang bumungad sa kan’ya. Sa kan’yang isip ay ito marahil ang bahay na kanilang lilinisin at aayusin sa araw-araw. Sa laki naman talaga nito ay kinakailangan na marami ang maglilinis. “Dito tayo, Den-Den,” Agad na napabalik ang tingin niya sa kan’yang tiyahin na nasa harapan lamang niya. “Oho! Nandiyan na po,” usal niya at mabilis na lumakad pasunod sa kan’yang tiya. Nang makapasok sila sa bahay na tinutuluyan ng mga katulong ay isa-isa sa kan’yang pinakakilala ang mga makakasama niya. “Basta, tatandaan mo wag mo lang susuwayin ang mga utos at hinaing ng mga amo natin ay siguradong hindi ka mahihirapan dito,” saad ng isang ginang na siyang ikinatango niya. “Opo, tatandaan ko po iyang bilin ninyo sa akin,” usal niya na siyang ikinangiti ng mga ito. “Ay sige, halika na at ipapakilala kita kila Senyor Niccolo,” yayay sa kan’ya ng kan’yang tiyahin na mabilis niyang tinanguan. Agad silang lumabas ng kanilang tinutuluyan at marahan na naglakad papunta sa malaking mansyon kung nasaan ang kanilang amo. “Basta, Den-Den. Sisipagan natin dito ha. Sa gayon makakaipon ka para abalik sa inyo ang lupa,” usal ng kan’yang tiyahin sa kan’ya. “Oho! Maraming salamat, tiya at ako ang inalog mo sa trabaho na ito,” usal ng dalaga sa kan’ya na siyang ikinailing lang ng matandang kasama niya. Nang makapasok sila sa likod ng mansyon– bumungad agad sa kan’ya malaking kusina. Ang puting pader, ang mga lutuan na siyang alam niya ay maganda ang kalidad ng pyesa. Pati na ang malawak na gagalawan sa tuwing magluluto. “Ang ganda ho ng kanilang kusina, tiya,” hindi niya maiwasang pahayag habang patuloy pa din na iniikot ang kan’yang paningin sa kusinang dinadaanan. “Malaki nga pero mahirap linisin lalo na at maselan na tao ang mga Ferrer. Ayaw nila ng marumi at mga hindi nakaayos. Gusto nila ay dapat ang mga gamit nila ay hindi nakakalat lalo na sa kusina,” usal sa kan’ya ng ginang. “At isa pa, bago ka magsalita sa kanila o sumagot sa kanila ay dapat pinag-iisipan muna ang isasagot dahil matatalinong tao ang mga Ferrer, agad silang may sagot sa mga bagay bagay. Isang bagay iyon kaya ikaw talaga ang kinuha ko dahil alam kong marunong kang makiramdam,” habol nito sa kan’ya na ikinangiti lamang niya. Sa isip niya ay alam niyang ganon nga talaga siya dahil noon pa man noong nasa paaralan siya ay iyon na ang puri sa kan’ya ng kan’yang mga guro. “Naiintindihan ko po, tatandaan ko ho ang mga bagay na iyan,” usal niya. Tumango lamang ang ginang sa kan’ya bago sila muling naglakad palabas ng kusina. Nang makalabas sila ay lalo siyang namangha nang makita ang halos kabuuhan ng mansyon. Mataas ang ceiling ng mansyon, may hagdanan sa gitna ng tanggapan at hula niya ay patungo iyon sa ikalawang palapag. Sa tanggapan ay may tatlong mahahabang upuan na kutson habang may dalawang isahang uouan na kutson. Sa gitna ng mga ito ay may babasaging maliit na lamesita. Sabay silang napatingin sa hagdanan nang may marinig silang yabag ng isang tao. “Nicholas! It’s your brother’s birthday you should help him to make a decision about his party, saan ka naman nang galing?” saad ng tao doon. Agad siyang tinignan ng kan’yang tiya at binulungan. “Yumuko ka, nandiyan sila Senyor Niccolo at Senyorito Nicholas,” usal nito na mabilis niyang ginawa. “Please, papa. He is not my brother and I just met Joshua,” balik na usal ng lalaki. “And he is all enough to make a decision for himself, he doesn’t need me,” Gusto man niyang tignan kung sino ang nagsasalita pero ngunit hindi niya magawa dahil iyon ang bilin ng kan’yang tiya. Ramdam niya na malapit na ang mga ito kaya naman bahagya siyang tumingin sa mga ito, agad naman na angtama ang mata nila ng isang lalaki na pababa kaya mabilis siya muling yumuko. Ramdam na niya ang presensya ng mga ito kaya bahagyang napapikit si Denise. Lalo na at parte sa kan’ya na kinakabahan dahil sa narinig niya ang usapan ng mga ito. “Manang Mela, what are you doing here?” rinig niya usal ng alam niya na si Senyor Niccolo. Nang makita niya na nag -angat ng ulo ang kan’yang tiya ay agad niya itong ginaya, muling nagtama ang mata nila ng binatang sa tingin niiya ay si Senyorito Nicholas. Hindi maipagkakaila ang kagwapuhang taglay nito, isama na ang mga mata nitong kakaiba kung tumingin. Para bang may malalim itong gustong sabihin pero hindi niya mawari kung ano ito. Agad siyang napabalik sa katinuan nang marinig niya ang tawag ng kan’yang tiyahin. Napangiti na lamang siya sa mga amo niya na nasa tapat nila. “Okay, if that's so– you are the one who’s incharge to her since she’s your niece,” usal ng senyor sa kanila. “Maasahan ho ninyo, senyor. Mauuna na ho kami,” paalam ng kan’yang tiyahin at humarap ito sa kan’ya. "Halika na," bulong nito na siyang mabilis niya tinanguan. Muling nagtama ang mga mata nila ng kan'yang binatang amo bago siya muling yumuko sa mga ito. Mabilis silang umalis ng kan'yang tiya sa harap ng dalawa. NAPAPIKIT na lamang si Nicholas nang muling nagsalita ang kan'yang papa ng mawala ang dalawang babae sa harap nila. Ayaw na sana niyang makinigdito ngunit ayaw niyang maging bastos sa ama. "You have time with your friend but you don't have time for your brother?!" usal nito. "Pa! Gael is not my brother! We are not blood related! And for pete sake! He has his own mind! He is old enough to make decisions for himself!" muli niyang paliwanag dito. For him, his presence isn't needed in the preparation because he knows that Gael will not listen to him. He already withdrew the helping thing to that guy. Hindi niya lang masabi iyon sa kan'yang ama dahil ayaw niyang magkaroon pa ng conflict ang ama niya pati na ang bago nitong asawa. "You know that Gael doesn't know about those things like you used to do, Nicholas," muling usal ng kan'yang ama. Agad na siyang humarap sa kan'yang ama at seryosong tumingin dito. "Pa, he can handle himself! He doesn't need my help! Besides, Aunt Melody and Monica are there to help him, if you want! Why not, ikaw na lang ang tumulong sa kanila," usal niya sa kan'yang ama. Kumunot lamang ang boo nito at alam na ng kan'yang ama na hindi na talaga siya mapipilit pa nito. "I don't know what to do to you, Nicholas! I really don't know what to do," usal ng ama niya sa kan'ya bago ito tumalikod at naglakad palabas. Inantay lamang niya na mawala nang tuluyan ang kan'yang ama bago siya huminga nang malalim at tumingin sa kusina kung saan alam niyang nandoon ang bagong katulong. Someone caught his attention and that is their new maid. The young, fresh, good looking, and gorgeous lady. He doesn't believe in the saying 'love at first sight' but the moment he laid his eyes on her, something on him awakened. He gently walked to their kitchen to see them. Hindi pa man siya nakakarating ng tuluyan sa kusina ay agad niyang narinig ang boses ng babae. Agad siyang napatigil sa paglalakad nang bigla itong kumanta. He loves music, he loves to play any instrument he likes but there's no one he can sing along with. He guesses he can sing with her sometime. He continues to walk until he reaches the kitchen and clearly hears her singing. "What's your name again?" he said while crossing his arms. HALOS mapatalon si Denise nang may biglang magsalita sa likuran niya habang tinitignan ang mga gamit sa kusina. Iyon kasi ang sinabi ng kan'yang tiyahin. Dito raw muna siya manatili habang kumukuha ng uniporme niya, sinabi rin nito na tumingin muna ito sa kusina para makabisado nito ang mga gamit. Hindi naman niya akalain na may papasok dito. At bigla na lang magsasalita. "I'm sorry to startled you, I didn't mean that," usal muli nito kaya naman mabilis niya itong nilingon at agad na yumuko nang makita niya na ang lalaking nagsalita ay ang kanilang senyorito. “A-ayos lang ho, senyorito. Pasensya na po kung hindi ko ho kayo napansin kaagad,” usal niya. Bahagya siyang napatingin dito nang marinig niya itong tumawa ng mahina, para bang meron siyang sinabi na biro dito samantala sa pagkakaalam niya ay wala naman siyang sinabi. Tumingin ito sa kan’ya at agad na tinikom ang bibig nang makita ang pagtataka sa mukha niya. Napamangha siya nang makita niya na agad nagbago ang postura nito at bumalik sa pagiging seryoso. “Sorry, anyway. I’m asking you, what’s your name again?” tanong nito sa kan’ya “Ako ho si Denise,” mabilis niyang sagot na ikinatango nito. “You have a nice name,” puri nito sa pangalan niya. Bahagyang nahiya si Denise nang sabihin iyon ni Nicholas. Para sa kan’ya ay napakasimple lang ng pangalan na iyon pero ngayon ay parang espesyal na dahil sa tinuran ng binata. “Salamat ho, senyorito,” pasasalamat niya dito. “You can call me Nicholas or Nix, with the x,” saad ng binata na ikinataka niya. Ayon kasi sa tiya niya ay hindi namin pwedeng tawagin ang amo namin sa pangalan nito dahil kabastusan iyon pero bilin din nila na dapat sundin ko ang mga iuutos at gustong ipagawa ng mga amo namin. Anong gagawin ko ngayon? “Naku! Senyorito, pasensya na po pero hindi ko ho mapagbibigyan ang kagustuhan ninyo, patawad ho,” saad nito sa binata. Akmang sasagot pa lamang ang binata nang biglang sumulpot ang kan’yang tiyahin. Bahagya itong nagulat nang makita ang binatang ano na nandoon at kinakausap ang kan’yang pamangkin. “Senyorito, may kailangan po ba kayo?” tanong ng kan’yang tiyahin habang mabilis na lumalakad papalapit sa kan’ya. Ngumiti naman ang bintang amo bago umiling. “Wala naman, manang. Gutso ko lang alamin kung ano ang pangalan niya dahil hindi ko napagtuunan ng pansin kanina. Anyway! I’ll go now,” paalam nito at umayos ng tayo bago humarap sa kan’ya. “It’s so nice to meet you, Denise. And I just want to say, you have a nice voice, I hope we can sing along sometime,” nakangiting usal nito bago marahan na naglakad palabas ng kusina. Agad na napaisip ang dalaga, narinig pala nito ang pagkanta niiya kanina dito habang tumitingin ng mga gamit. “Wag kang mag-alala. Mabait na bata iyong si senyorito kahit pa laking mayaman ay mabait iyon kaya hindi ka dapat matakot sa kan’ya. Ang totoo niyan ay ang dapat mong ilagan ay ang tatlong naging sampid dito sa mansyon,” usal ng kan’yang tiyahin. “Sino po sila, tiya?” nagtatakang tanong niya. Umikot muna ang paningin ng kan’yang tiya bago ikot lumapit sa kan’ya. “Doon natin pag-usapan sa bahay para sigurado tayong walang makakarinig, mahirap na,” usal ng kan’yang tiyahin bago siya nito nilagpasan. Tumango na lamang siya dito bago nagpahuling sulyap sa nilabasan ng lalaki kanina. Kusang napangiti ang kan’yang mga labi nang maalala niya ang mga papuri ng binata sa kan’ya. Ramdam niya ang kabaitan doon pati na ang magandang loob nito. Iniisip niya na kung sana ay lahat ng mga tao ay katulad ng binatang iyon ay nasa maayos ang lahat at walang kahit na anong gulo. -------------------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
78.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
164.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
71.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
112.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
22.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook