Chapter 2
Maaga pang dumating si Lalaine. Katulad ng kanyang araw-araw na ginagawa, ang maglinis ng kanyang puwesto ay ang una niyang hinarap gawin.
"Hi Lalaine!
'Hmm himala nasa magandang mood si visor' bulong niya sa sarili.
"Hello sir! Good morning."
"Kasi may activity tayo next month. Singing contest lahat ng department. Since ikaw 'yong may boses tao rito sa atin. Kaya ikaw ang kakanta."
Nakangiti pa ang kanyang supervisor habang nagsasalita. Tila ba alam na kumakanta siya. Kinaiinisan niya na ang pagkanta sa entablado. Ayaw niya ng gawin ito.
"Sir naman grabe ka naman sa salitang ako lang ang may boses tao rito," natatawang sagot niya sa kanilang supervisor.
"Ay mga boses palaka kami. Siyempre kabilang ako. Kantahan ang pa contest. Hindi kukokak na parang palakak sa stage."
May kasunod pang hagalpak na tawa ito matapos magsalita. Masinsinan pangungumbinsi talaga ang sinasabi sa kanya.
"Hindi ako marunong Sir," umaayaw niya pa ring sagot.
"Ay 'wag kang magkaila. Sabi ko nga ikaw ang may boses tao rito. Naririnig kitang kumakanta sa locker. At sigurado ako na maganda ang boses mo."
Parang wala na nga yata siyang magawa. Naririnig na nga siya ng kanyang visor tuwing breaktime na nasa locker siya. Hilig niya kasing sabayan ang tugtog sa fm station sa nakabukas na radyo ng kanilang guwardiya.
'Desisyon ka sir ha. Parang hindi talaga ako pwede tumanggi' umaangal na sabi ng kanyang isipan.
"Kasi sir--"
"No hindi pwede ang kasi kasi," hirit kaagad nito sa kanya.
Hindi pa man din siya nakatapos sa kanyang sasabihin. Humirit na kaagad ito. At parang sapilitan talagang kakanta siya sa ayaw o sa gusto niya.
"Ah o-kay sige kakanta na ako," napilitang sabi ni Lalaine.
"Wala naman kasing ibang choice eh kundi ikaw lang. Kaya please na ikaw na ang kumanta," nakiusap nitong wika sa kanya.
'Ay marunong ka palang makiusap. Kaya pwede na rin dahil nakiusap ka. Siguro naman mula ngayon mabait ka na sa akin' gigil na bulong niya sa isip.
Tapos na ang usapan siya na nga 'yong kakanta para sa kanilang department. Manalo matalo wala siyang pakialam basta kakanta siya. Hindi niya kailangan bigyan ng effort ang mag practice. Binuksan niya na ang kanyang counter dahil alam niyang marami ng pumasok na customer. Mahabang pila at ang maingay na intercom ay siyang pinagsasabay niyang gampanang gawin. Dumagdag pa ang pag-absent ng nasa baggage section kaya naging tatlo pa ang kanyang trabaho.
"Hello W@E Bookshoppe, good morning!"
Sinasagot niya ang kumulingling na intercom. Nasa kanang gilid lang ito ng kanyang Cash Register Machine. Hindi niya gaano maintindihan ang pangalang binabanggit ng tumatawag dulo na lang ang malinaw sa kanya.
"Wait sir, I'll transfer your call to line 3," naguguluhan niyang sagot sa kausap.
"No, no. I am looking for Miss Lalaine Tala. And I think this is you, right."
Tila sigurado na kaagad ang kausap. Siya nga talaga pala ang hinahanap. Ipinagtataka niya kung paano nalaman nito kung saan siya tatawagan. At alam pa ang tamang linya kung saan siya hahanapin. Napahinto si Lalaine sa kanyang ginagawa. Kasabay din kasi niyang binibilang ang sukling ibibigay sa customer na nagbabayad. Tinitigan niya ang mouthpiece ng telepono.
"Miss baka pwedeng iabot mo muna sa akin ang sukli ko. Ayan hawak mo na at nabilang mo na rin 'yan."
Medyo naiinip na rin pala ang customer sa paghihintay kaya pinuna na siya habang kumukunot ang kanyang noo. Kaya mabilis niyang naiabot ang hawak pang sukli. Bumalik sa tama ang naliligaw niyang isip. Hindi niya mahulaan kasi ang boses ng tumawag pero alam niyang pamilyar ito sa kanya.
"Isa kasi ako sa mga magiging hurado sa singing contest na activity niyo next month. Nakikita kong mahaba ang pila mo kaya goodluck ha galingan mo. The grand Prize is 20k."
Nanlaki ang mata ni Lalaine. Dahil 20k pala ang grand prize hindi ito mapupulot sa daan. Saglit lang niya itong gagawin. Konting practice at self confidence lang ang kanyang ipupuhunan.
"Miss mahaba pa ang pila mo," naiinis na sabi ng isang customer sa pila.
Nagpaalam na si Lalaine sa kausap. Hindi niya ito maintindihan bakit pa ito tumawag at sabihin lang ang ganoon. Para lang sa importanteng pag-uusap ang intercom. At bakit ba tila pamilyar sa kanya ito kung paano magsalita. Lalo pang naging tensyonado si Lalaine noong makahawak ng pekeng pera. May nagbayad sa kanya ng limang daang buo. Peke ito sa kanyang pakiramdam.
"Miss ano ba bakit mo ba tinititigan ang pera ko. Ano sa palagay mo peke yan?"
Galit pa ang may-ari ng pera. Parang gusto pa siyang lalong lituhin. Nagmamadaling magpasukli.
"O clerk tulungan mo 'yong kahera. Kunin mo kaagad sa treasury department ang ultra violet rays."
Napalingon si Lalaine sa pinanggalingan ng boses. Si Mr. Stranger pala ang nagsalita. Mabuti na lang kaagad iniwanan ngv isang salesclerk ang pagpupunas ng bookshelf. Kaagad itong nakabalik na dala na ang ipinakukuha ni Mr. Stranger.
"Sir sorry po, peke po talaga 'yong limang daan niyo," kalmadong sabi ni Lalaine sa customer.
"Ay ganun ba, pero isinukli lang sa akin yan sa baba ah," pagdadahilan nitong sabi.
Malimit na ang ganoong senaryo para sa mga kahera. Pero unang beses itong nangyari kay Lalaine sa loob ng isang taon niyang pagtatrabaho bilang kahera. At ang laki ng kanyang pasasalamat kay Mr. Stranger.
"Dapat kasi meron ka niyan dyan sa counter mo."
"Oo nga po sir," magalang niyang sagot kay Mr. Stranger.
Tunutukoy nito ang pagkakaroon dapat ng Ultra Voilet Rays Scanner sa kanyang counter. Napapaisip si Lalaine kung bakit ba naroon na naman ito sa bookshop na pinagtatrabahuan niya. Gusto niyang isipin na sinusundan siya ng binata. Pero nahihiya siya sa sariling isipin iyon. Guwapo kasi ito kaya imposibleng siya lang ang tipo ng babaeng sundan nito. Bukod na sa guwapo halatang mayaman ito. Makikita sa pormang suot at sa kinis ng balat. Maputi kasi ito na halatang babad sa lamig ng aircon.
"May naging problema ka daw dito Lalaine."
Huli na nang dumating ang kanyang supervisor na masungit. Tinanong siya kung ano ang nangyari.
"Okay na po sir." Mabilis niyamg naipaliwanag ang lahat.
"Ah sige okay ka na dyan ha."
"Yes sir," kinakabahang sagot niya sa supervisor.
Tumalikod na rin ito kaagad at nagmadaling pumasok sa kanyang opisina. Ipinagpatuloy niya ng pagkakaha dahil meron pang mga konting nakapila. Lumingon siya sandali, hinanap ng kanyang mata si Mr. Stranger pero wala na ito. Binibilisan niya ang ginagawa upang makapag break time. Nagutom siya sa nangyari. Tiyak niyang marami siyang kakainin sa kanyang lunch break.