Chapter 3
Kampanteng hinintay ni Lalaine ang kanyang numero. Pangatlo siyang kakanta. Wala siyang pakialam kung manalo o hindi. Basta ang importante kumanta siya. Napabigyan niya ang pakiusap ng kanilang supervisor. Nasa likuran silang mga nakapila na kalahok sa pagkanta.
"From our Bookshop Department, Miss Lalaine Tala."
Anunsiyong sabi ng host sa mikropono. Mabilis siyang pumasok sa entablado mula sa likod. Nakatayo na siya sa gitna at inihanda ang sarili sa pagkanta. Habang nagsimulang tumugtog ang kanyang piyesa inikot muna niya ang kanyang tingin sa paligid. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Kabilang sa mga hurado si Mr. Stranger.
'Rainheart! Isa pala siya sa mga judges' bulong niya sarili.
Hindi na naman siya makapaniwala. Sa una wala siyang pakialam manalo o matalo pero hindi na sa mga sandaling iyon. Pinagsisihan niya na hindi niya masyadong pinghahandaan ang kanyang kakantahin. Kung alam lang niya sana pinagbuti niya ang pag-ensayo. Ganun pa man gagawin niya ang lahat huwag lang siyang mapahiya. Bigla siyang nagkaroon ng kaba noong nakita si Mr. Stranger. Mabuti na lang naisipan niyang magpalit ng song na kakantahin. Last minute na ng ipinalista niya ang kanyang kakantahin. Masterpiece niya naman ang kanta. Sa katunayan naipanalo niya ito noong siya ay nasa Junior High School. Sobrang naging challenge sa kanya ang mga sandaling iyon dahil last Category ang kanyang ginagampanan. Pagka siya ay maging champion sa Tagalog Category sila na ang champion sa buong Intramurals Event.
???
Minsan ang buhay parang musika
Puro tunog, damdamin ay wala
Pag iyong naririnig, may hinahanap pa
Wala nang buhay, may kulang pa rin.
Ito ang nadama ng mawala ka
At sa haba ng gabi, nasanay din ako
Napatunayan kong kahit nag-iisa
Tuloy ang buhay, kahit wala ka na.
???
Nasa pangalawang stanza na siya nang naramdaman niya ang panginig ng kanyang kamay. Hindi niya makontrol ang kanyang kanang kamay. Pero noong nasulyapan niya si Mr. Stranger doon sa pwesto ng mga hurado bigla niyang naalala ang 20k na premyo. Kaya hanggang sa huli maayos niyang nakanta ant Kahit Wala Ka na ni Sharon Cuneta.
"Congratulation in advance," masayang sabi ng kanilang supervisor.
"Naku sir wala pa namang judgement eh."
Ramdam ni Lalaine ang paghanga nito sa kanyang boses. Hindi niya maitagong nag blush ang kanyang pisngi.
"Pero manalo o matalo ka may swimming ang team natin."
"Ay talaga sir."
Hindi makapaniwala si Lalaine na may pa swimming pa sa kanila ang kanilang supervisor.
"Pero behave ang lahat dahil kasama sa team natin si Mr. Uy."
"Sinong Mr. Uy," nagtatakang tanong ni Lalaine.
"Oh hindi mo pa ba alam kung sino siya?"
"Hindi po eh."
"Siya 'yong nag-iisang lalaking hurado. At siya lang din naman ang nag-iisang anak na lalaki ng ating big boss."
Na ang ibig sabihin isa sa mga anak ng may-ari si Rainheart. W@E Group of Companies. Hindi lang lahing mayaman si Mr. Stranger kundi superyaman. Bukod kasi sa mga kumpanyang pagmamay-ari ng kanilang angkanay mga ari-arian pa silang malalawak land properties. Iyan ay ayon sa kuwento sa kanya ng kanilang supervisor. Matagal na ito sa kumpanya. Alam din ito ang mga ups and down ng mga Uy.
"Bakit ka naman nanahimik dyan sa isang tabi," nakangiting tanong sa kanya ng kanilang supervisor.
"Wala po ini re-relax ko lang tong dalawa kung binti. Nakakangawit kasi sa takon ng sapatos. Hindi na ako sanay."
Napatingin ito pababa. Kaya napansin hubad ng kanyang kaharap hubad na pala ang kanyang sapatos. Nakatapak na siya sa sahig. Balewala kay Lalaine dahil nasa backstage naman siya. Alam naman niyang wala ng pupuna sa kanya.
"Bookshop Dept. Miss Lalaine Tala."
Malakas naman ang pagkakaanunsiyo pero sadyang sa bandang Bookshop Dept. lang at name ang kanyang narinig. Siya ang inanunsiyong nagwagi.
"Oh di ba Lalaine. Congrats! Mabuti na lang napilit kita," natutuwang nitong sabi sa kanya.
Ang kanyang supervisor ang unang bumati sa kanya. Hindi rin niya masyadong inasahan ang kanyang pagka panalo.
"Thank you sir," pasalamat niyang sagot.
Gabi ng natapos ang event. Dahil mag-isa siyang uuwi binilisan niya ang pagbaba papunta sa locker. Tumambad sa kanyang paningin ang red rose at maliit na stationary paper.
Miss Red Lips,
'I parked here. I was hoping to see your lips wearing red lipstick. I missed your sweet smile.
Red Car
Lumingon siya sa likuran. Wala ng mga nakaparadang kahit anong sasakyan. Itinulak niya pasara ang locker at lumapit sa guwardiyang naka duty. Ilang hakbang lang ito mula sa kanyang locker.
"Manong guard, may nakita po ba kayong pulang kotse na nakapark dyan kanina?
Napansin ni Lalaine na bago ang naka duty na guwardiya. Kaya tiyak niyang wala itong maisagot kung tatanungin niya ang pagkakilanlan ng may-ari.
"Meron. Kaaalis lang."
"Ah okay manong, salamat."
Wala na siyang itinanong sa guwardiya. Naglakad na lang siya pabalik sa locker. Bigla niyang naalala uli na gabi na nga pala. Alas dose na pasado nang tiningnan niya ang oras sa kanyang relo de pulso.
"Ano ba," nairita niyang sabi.
Sinilip niya ang lalaking nagmamaneho sa kotse na nasa kanyang harapan. Dahil kasi sa paghinto nito sa kanyang harapan nilagpasan siya ng jeep. Pinara niya na ito pero dumeritso na lang ito nang makita ng mamang tsuper ang paghinto sa kanya ng kotse.
"Can I take you home?"
Natigilan siya sa nakita. Inisip niyang sanay hindi na narinig ang kanyang sinabi. Si Mr. Stranger kasi ang kanyang nakita.
"Ha, eeh!"
Nauutal siya ng mga sandaling iyon. Gusto niya naman talagang sabihin na Oo. Wala namang nakakatakot kung pumayag siyang magpahatid. Kung noong una nga ay sumakay siya sa kay Mr. Stranger. Hindi niya pa ito kilala.
"Please," nakiusap pa ito sa kanya.
"Ah sige."
Pumayag na rin siya. Baka nga naman matagal pang masundan ang dumaang jeep. Madilim na sa sa lugar na kanyang kinatatayuan dahil pondedo rin ang ilaw na nasa taas ng poste.
"Mabuti naman pumayag ka."
'Ano pa nga ba tiyak kong matagalan pa akong makasakay. Kung hindi ka ba naman sana huminto sa harap ko'
Mga ganoong linyahan sana ang nais sabihin. Ngunit nagpigil siya ihahatid naman siya. Ano pa nga ba ang masama? Sumakay na si Lalaine sa harapan ding upuan ng kotse dahil doon ang siya gustong pauupuin.
"Kasama bukas di ba," tanong ni Rainheart.
"Hindi ako sure," mabilis niyang sagot sa binata.
Ayaw niya talagang sumama. Pero sa ganoong paraan siya sumagot kay Mr. Stranger. Para nga namang hindi halata na hindi siya makakarating. Pahabol na tanong iyon ng binata bago siya bumaba ng kotse. Hanggang sa kanilang kanto lang siya naghatid.
"Hoping na sasama ka."
Iyon na ang huling sinabi ni Rainheart bago sumara ang bintana ng kanyang kotse. Naglalakad si Lalaine na nag-iisip kung sasama nga ba siya o hindi.