Chapter 4
"Lalaine may naghahanap raw sa'yo sa labas."
Kumakatok sa kanyang kuwarto ang tiyahin habang nagsasalita. Gusto pa sana niyang matulog ngunit nagising na ang kanyang diwa sa narinig. Napilitan na siyang bumangon at lumabas.. Kinusot niya pa ang kanyang mga mata na bagong dilat lang. Pumuntang lababo at nagsipilyo. Alas sais pa lang naman ng umaga. Walang pasok dahil sa isang araw na team building. Binibigay talaga ito ng management sa mga empleyado kasabay na sa anniversary week. May mga pa event din para sa empleyado at big sale big sale para sa mga customers.
"Sino po ba 'yon auntie?"
Wala siyang ideya kung bakit may naghahanap sa kanya ng ganoon ka aga. Maglaba lang, kumain at matulog ang balak niyang gawin sa maghapon.
"Hindi ko naman nakita. Basta sinabi lang ni Cheche. Patakbong umuwi 'yon galing kanto."
Sampung taong gulang na bata si Cheche. Anak ng kanilang kapitbahay. Pumupunta ito sa bakery tuwing umaga upang bibili ng pandesal.
"Ay kabayong nakapula!" bigla niya itong nasabi.
Nabigla siya ng bumungad ang binatang kay guwapo na ang suot ay simpleng t-shirt na pula.Tinakpan ni Lalaine ang kanyang bibig. Napahiya kasi siya sa kanyang nabanggit. Ang guwapo ni Mr. Stranger na siyang bumungad sa pinto. May dala pa itong rosas na pula at cake. Akmang kakatok pa sana ito sa kanilang pinto.
"Hi!"
"Huh! Paano mo naman natunton itong tinitirhan ko?" nagtataka niyang tanong.
"Nagtanong tanong lang ako dyan sa may labasan."
"May dala ka pang bulaklak at cake. Kaarawan ko ba ngayon? Manliligaw ka ba? Anong meron?"
Hindi kaagad makasagot si Rainheart. Walang kimi-kimi kasi ang tanong ni Lalaine. Hindi tuloy niya alam kung ano ang tamang isasagot sa tanong. Wala pa siyang tiyak na masabi sa kaharap kung manliligaw nga ba siya. Basta gusto lang niya itong bigyan ng bulaklak at cake. Yayain kasi niya si Lalaine na sumama sa outing.
"Anong klaseng hangin ang nagtulak sa iyo rito na ganito kaaga?"
"Ikaw naman klase ng hangin na nagtulak talaga," napangiti si Rainhearta habang nagsasalita.
"Binigla mo rin kasi ako. Wala ka namang pasabi."
"Oh! sorry. May magagalit ba?"
Biglang naalala ng binata na baka may taong magagalit sa kanyang pagpunta lalo na may dala pa siyang bulaklak at cake.
"Narito ako upang isabay na kita sa biyahe. Sigurado kasing hindi ka na sasama sa team building. Maaga akong nagtanong kanina sa driver . Ikaw raw ang wala."
'Haha! Masyado pala akong nag assume'
Gusto niya matawa sa sarili sa sagot ni Rainheart. Bakit nga ba naiisip niyang manliligaw si Mr. Stranger sa kanya.
"Ayaw ko naman kasi talagang sumama. Kaya paano 'yan nasayang pa ang mga oras mo."
"Mamili ka sa suspension o sumama ka sa akin."
"O paano namang napunta sa suspension ang hindi ko pagsama."
"Ah basta it's compulsory whether you like it or...you like it. Wala ng iba sa choices to choose basta you like or you must like it."
"Oh eh di sapilitan," nakangiti niyang sabat.
"Ganun na nga."
Aayaw ayaw kung magsalita si Lalaine. Pero bakit may kaba namamayani sa kanyang dibdib. Kinikilig siya ng palihim.
"Kaya kailangan kong piliin ang sumama na lang dahil may suspension."
"Dahil ang lahat ay naka book na. In short bayad na ng company ang inyong pagsama kaya walang karapatang tumanggi."
"Okay, kaysa naman ma suspende. Sasama na ako."
"Good," nakangiting sagot ni Rainheart.
Palihim siyang napangiti. Tumalikod muna siya sa binata para hindi makita ang kanyang mukha.
Magpapaalam na lang siya sa kanyang auntie at nang sa ganun makaalis na siya.
"So, let's go!"
May kakaibang ningning sa mga mata ni Rainheart. Napansin din ito ng auntie ni Lalaine. Kaya bumulong ito sa kanya.
"May gusto sa iyo ang tsinoy na iyan."
"Hala ka auntie. Nakakahiya naman sa balat ko."
"Anong masama? Dalaga ka at binata siya."
"Pero auntie langit siya at ...," naputol pagsasalita ni Lalaine.
"Mayaman siya at mahirap ka. Ganun ba 'yon pamangkin?"
"Sige auntie alis na po kami," ani ng dalaga.
Nakita ni Lalaine na nakapagmaneobra na ng kanyang sasakyan ang binata. Lumingon pa si Lalaline sa kanyang auntie bago hinatak ang pintuan ng kotse sa likod.
"Oh! Bakit dyan ka uupo?" tanong ng binata.
"Sa likod na ako uupo."
"No, dito ka sa harap."
Wala ding nagawa si Lalaine kundi ang sumunod para hindi na humaba ang pakiusapan. Napalingon pa siya sa kanyang auntie na mukhang din namang walang tutol.
"Bye Auntie, ihahatid ko rin po si Lalaine," paalam na sabi ng binata.
"Ingat kayo sa biyahe." Kumaway pa ito bago sila nakalayo.
Lalaine turned her face to the right. Hindi lang makapaniwala sa pagkabanggit ni Rainheart ng auntie. They looked at each other by coincidence. Kinilig si Lalaine. She couldn't understand why. Natameme siya sa kanyang kinauupuan. Nililibang niya na lang ang sarili sa librong binabasa.
"Iyan pala ang hilig mong pampalipas oras."
"Nakita ko lang ang pocketbook na ito bago ako lumabas ng bahay. Naisipan kong dalhin para may libangan sa biyahe,'' nakangiti niyang sagot.
"Mas malibang ka siguro kung kausap mo ako.''
Isinara niya ang kanyang librong binabasa. Ayaw niyang magmukhang wala pakialam. Sa kanya kasing pagkakaintindi gusto ng binata ng kausap. Parang inaantok na ito sa manibela.
"Sa palagay mo, ano naman kaya?'
"Ang alin?"
"Iyong pag-uusapan natin.''
Si Lalaine na rin ang nagbukas ng usapan. Naiinip na rin siya sa biyahe at sa mga sandaling puro ugong ng matulin na gulong ang kanyang naririnig.
"Ikaw at ako. Tayong dalawa lang naman ang magkasama," seryosong wika ni Rainheart.
May kabang siyang naramdaman sa sinabi ng binata. Ganun pa man ayaw niyang maasiwa sa usapan. Pipilitin niyang maging kumportable.
"Ah oo nga pala. Paalala ko lang na hindi na ako masuspende dahil sumama ako di ba."
Napatawa ng malakas si Rainheart. Wala naman talagang suspension ang mangyayari kahit hindi pa sumama si Lalaine. Gusto niya lang talagang sumama ito.
"Kasi para lang mapilitan akong sumama, kaya may suspension ka pang binanggit,'' reklamong sagot ni Lalaine.
Kung tutuusin naman hindi siya nagsisi. Mabuti na lang mapilit si Rainheart. Wala din pa siyang lugar na napupuntahan sa Manila. Isang buwan ang lumipas nang siya ay nakakuha kagad ng trabaho. Laking probinsya siya na nakikipagsapalaran din sa Manila. Kumuha kaagad siya ng requirements at nag-apply ng mapapasukang trabaho. Sa kabutihang palad naman nakapasa siya sa kumpanyang pagmamay-ari nila Rainheart sa W&E Bookshoppe and Group of Companies.