Chapter 1

4994 Words
Shelter Life isn't easy for me. Noon pa man sa piling ng tiyahin ko ay hirap na hirap na ako. Ang pagkain tatlong beses sa isang araw ay isang bagay na matatawag kong swerte. Pati na rin ang salitang pagkabusog. It is so rare for me to have and feel those two. Isama pa ang mga masasakit na salita at pisikal na p*******t ng asawa ng aking tiya. I consider my life as darkness. And education is the glimpse of light. Para sa amin ng aking tiyahin ay iyon ang munting ilaw na magdadala sa amin sa liwanag. So I keep grasping on it, I keep fighting for it, believing that one day, darkness would end. Ngunit nang mawala ang aking tiyahin ay mas lalong nagdilim ang paningin ko sa buhay. Hindi ko alam ang direksyon na tatahakin. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi ko alam kung paano ipagpapatuloy ang buhay. Lalo na at kami na lang ni Maella ang natitira. Isa't isa na lamang ang aming masasandalan. Sa buong buhay ko, wala akong magawa kung hindi pilitin na maging matatag. There is no room for weakness. Hindi 'yon madali, ngunit ang katotohanan na hindi ako nag-iisa dahil nariyan ang aking tiyahin ay nakakapagpagaan ng aking kalooban. Noon 'yon. Ngayon ay hindi ko yata kakayanin. Mas mahirap ngayon sapagkat kailangan kong maging mas matapang at matatag. Dahil ngayon, ako na ang tatayong ina at ama ni Maella. I had no time to grieve for the gruesome death of my aunt. Ni isang patak ng luha ay walang umalpas mula sa aking mata dahil abala ako sa paghahanap ng paraan upang kahit papaano ay magkaroon siya ng maayos na libing. Tumulong ang mga kapitbahay. They lend some money that helped to have a decent burial. Awang-awa sila sa trahedya na nangyari sa aming pamilya. Halsey also gave money that came from her savings. Nakaabot din sa kaniyang ama ang balita kaya nagbigay rin ito. At kahit nakahihiya ay wala akong magawa kung hindi kapalan ang mukha at tanggapin ito. It is really a tragedy. Namatay ang aking tiyahin dahil sa 32 na saksak sa kaniyang dibdib. Halos mawasak na ang parteng iyon ng kaniyang katawan. Maella is traumatized. Gone her cheerful aura. Lagi na siyang tulala at walang kibo. My uncle is still on run. Malakas ang paniniwala nang marami na nasa ilalim ng impluwensiya ng droga ang aking tiyuhin kaya nagawa niyang patayin ang sariling asawa. At ang kasama niya sa pagpatay ay wala na. Natagpuan itong patay sa kabilang kanto, kinaumagahan. Hindi ko na inalam kung ano ang ikinamatay niya. I don't know if I should be happy or what upon his death. Ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. There's no room for emotions, now. Hindi muna dapat. At ang alam ng marami ay inatake ako ng hika at nawalan ng malay matapos maabutan ang nangyari sa aking tiyahin. Na ang rason kung bakit puno ng dugo ang suot kong damit ay dahil yakap ko ang aking tiyahin. But everytime I recall what really happened, hindi ako nakalapit sa pwesto ni tiya. And the reason why my cloth is full of blood is because, I was stabbed to death, too. Ngunit nagising ako noon, may mga pulis na sa crime scene. Hinang-hina ngunit buhay na buhay, nakayakap na sa aking tiyahin. Naiisip ko tuloy na baka dala lamang ng takot kaya naging malikot ang aking isipan at gumawa ng senaryo kung saan ay pinagsasaksak din ako ni tiyo. Ngunit sa tuwing haharap ako sa salamin at tinitignan ang katawan ay naroon ang mga tanda ng pagsaksak sa akin. Wala ng sugat ngunit ang mga guhit ay namumula. Tila naging peklat ito. At kung bibilangin ay umabot sa 20 ang natamo kong saksak. I know, a mysterious event happened. Patay na rin dapat ako, but I was resurrected. My wounds were gone but there are scars. At magiging ebidensya ito na may kakaiba talagang pangyayari. And I want to know how that thing happened. Who's that mysterious person who helped me? What is he? Sa dami man ng tanong sa aking isipan ay hindi ko 'yon magawang pagtuunan ng pansin dahil sa dami ng mas mahalagang dapat gawin. Matapos ang paglibing kay tiya ay pinilit ko na matapos ang junior high lalo na't dalawang buwan na lamang ang natitira. It was hard because I need to study at morning and earn money at night to feed my traumatized cousin. Mabuti na lamang at may mabuting loob na pumayag na alagaan si Maella sa umaga habang nasa eskwelahan ako. Kapag gabi naman ay pipilitin ko siyang kumain at papatulugin sa bahay saka magtitinda ng balut. Wala na akong maayos na tulog. Disente na ang apat na oras. Isa ng bagay na masasabi kong swerte. Because I need to work hard twice or even thrice while coping up with the hectic schedule of my study. But after those sleepless nights, I was able to finish my junior high school with high honor. It should be with highest honor. Ngunit sa huling parte ng aking pag-aaral ay hindi ko nagawang panatilihin ang matataas na marka. Subalit wala na 'yon para sa akin dahil ang mahalaga ay natapos ko ito. And also, no one's there to congratulate me. My aunt is already gone. Natigil ako sa pagsusuklay sa buhok ni Maella nang may sunod-sunod na katok akong narinig. Agad akong tumayo para daluhan iyon. Nabigla ako nang makita si Ate Cora na nakapameywang. Bahagya niyang tinulak ang pinto na maliit ang bukas kaya napaatras ako. "Magandang umaga po," bati ko. Tumaas ang isang kilay niya matapos ilibot ang tingin sa loob ng bahay. "Ano pang hinihintay niyo't 'di pa kayo nag-aayos ng gamit?" mataas ang boses niyang saad. Kumunot ang aking noo," Ano pong ibig niyong sabihin?" takhang tanong ko. "Tapos na ang palugit ko sa inyo rito. Dalawang taon na ang nakalilipas mula ng sinanla ko sa inyo 'to, at ngayon ang araw ng pagtatapos noon," sagot niya. "Ano po?" kinakabahan kong saad at sinulyapan si Maella na tulala pa rin at walang kibo. "Ay naku tisay, hindi mo ba alam ang tungkol doon? Ngayon alam mo na, sige na. Mag-impake na kayo at umalis na sa pamamahay ko. Pagbibigyan kita hanggang alas-kwatro ng hapon," saad niya at umambang aalis. Nanlaki ang mata ko at agad na humawak sa kaniyang braso. Sinulyapan niya ako ng iritableng tingin. "Teka lang naman po ate Cora, hindi ko po talaga alam ang tungkol doon. Nakikiusap po ako, pagbigyan niyo pa po ako ng kaunting panahon para makahanap ng lilipatan. Hindi po madali iyon sa akin lalo na't wala pa akong maayos na trabaho at narito si Maella," saad ko. Niyugyog niya ang braso upang alisin ang hawak ko roon. "Naku, hindi ko na problema 'yan. Hindi pwedeng mapatagal na naman ang pagdating sa akin ng pera dahil sa inyo. May pamilya rin akong umaasa sa makukuhang pera sa pagpapa-upa sa bahay na 'to, tisay. Hindi ako pwede maawa sayo kasi tiyan ng mga anak ko ang magiging kawawa," saad niya. "Nagmamakaawa po ako. Sige na po," pagmamakaawa ko. Umiling-iling siya. Napatayo ako nang tuwid ng may maalala, "Kami na lang po ang uupa rito. Nagtatrabaho po ako gabi-gabi. Kaya ko pong—" "Anong trabaho mo? Lako ng balut? Magkano kinikita mo ro'n gabi-gabi? Two hundred? Three hundred? Naku, tigilan mo ako tisay. Kulang na kulang 'yan para sa renta dito sa bahay kong 'to. Dalawang libo 'to kada buwan. At hindi mo 'yon kaya," saad niya. Umiling-iling ako. "Gagawa po ako ng paraan, pakiusap p—" halata na ang sobrang inis niya. Malakas niya akong tinulak dahilan para mapaupo ako at tumama ang likod ko sa pinto. "Hanggang alas-kwatro. Kapag lumampas kayo roon ay ipadadampot ko kayo sa barangay!" 'Yon ang huli kong narinig sa kaniya bago naglakad paalis. Ininda ko ang sakit ng likod at natulala sa kawalan. Narinig ko ang mahihinang boses ng mga nakikiusyuso. Sumulyap ako sa loob ng bahay at tinitigan si Maella. Ano ba ang buhay na maibibigay ko sa kaniya? Nitong mga nakaraan ay nahihirapan na ako, paano pa ngayon na wala na kaming matitirhan? Wala akong nagawa kung hindi mag-impake. Tinignan ko pa ang mga gamit na naroon ngunit wala akong maaaring maibenta. Wala kaming rice cooker dahil gumagamit kami ng uling. Ang ceiling fan na nasa kisame ay patigil-tigil na sa pag-ikot. Ang mga cabinet na narito ay built-in na sa bahay na 'to. Tanging damit lamang namin ang aking maidadala. Bago pa mag alas-kwatro ay handa na kami. Sa takot na ipadampot ng barangay ay lumabas na kami ng bahay. Suot ko sa aking likod ang malaking backpack, may nakasabit din sa balikat at hawak ang isang malaking bag sa kanan. Mahigpit ko naman na hawak sa kaliwa kong kamay si Maella. Mabigat ang loob na naglakad kami palayo. Sinulyapan ko pa ang dati naming munting bahay. Huminga ako nang malalim at pinilit na patatagin ang sarili. Hindi ako iiyak kahit ano pang mangyari. Walang oras para doon. "Maella, magiging maayos din ang lahat," saad ko kahit alam kong hindi niya ako maiintindihan. At kahit hindi ko alam kung saan kami tutungo ngayon. "Oh, saan kayo pupunta?" nakasalubong namin si Mang Lando, kung saan nagmumula ang mga ibinebenta kong balut. Ngumiti ako sa kaniya. "Umalis na po kami sa dati naming bahay dahil tapos na po ang palugit. Kaya ito po, maghahanap ng..." pinutol ko na ang sasabihin. "May mapupuntahan ba agad kayo?" Tanong niya. Nahihiya akong umiling. "Ang totoo po hindi ko alam kung may mahahanap ba kami kahit maliit lang na tirahan," saad ko at inalala ang ipon ko na limang daan pa lamang. Saglit siyang napaisip, kapagkuwan ay ngumiti sa akin. "Pwede naman kayo sa bahay ko. May mga bakante pang kwarto at wala na rin naman ang mga anak ko diyan dahil may sarili ng pamilya. Ang asawa ko ay sumakabilang-bahay na rin," he laughed at his joke. "Huh? Pero, paano ko po mababayaran iyon?" Tanong ko. Isinawalang-bahala ko na lang ang hiya na nararamdaman dahil ang kailangan ko unahin ngayon ay masiguro na may matitirhan si Maella. "Kahit hindi na. Pero kung pipilitin mo, sa mga gawaing bahay na lang, ikaw ang gagawa." Tumango-tango ako. "At magpapatuloy pa rin po ako sa pagtitinda ng balut sa gabi para po sa magagastos ninyo sa amin ni Maella," saad ko. He slightly nodded and I can see the amazement on his eyes. "Kaya hindi ko na pipilitin na tumira ka roon nang libre dahil may sarili kang paninindigan at pagkukusa. O s'ya, tara na." Sumunod kami sa kaniya patungo sa kanilang bahay. I'm not that naive to be scared and aware about some possibilities. Naririnig ko sa mga balita na may mga taong napagsasamantalahan dahil mabilis na nagtiwala. But I know Mang Lando already. He treats me as if I'm his child. Gano'n pa man ay mag-iingat pa rin ako dahil hindi mababasa ang takbo ng utak ng ibang tao. I just can't say no, especially now that I don't have a choice. Kung hindi ko tatanggapin ang alok na 'to, malaki ang posibilidad na sa kalsada kami tumira. Ito ang unang beses kong nakapasok sa kaniyang malaking bahay. Bago man tuluyan makapasok ay nakita ko sa may bakuran nila ang ilang naghahanda ng mga balut na ititinda mamayang gabi. Namangha ako sa ganda ng kaniyang bahay. It's not a grand mansion like what I saw on magazines. Ngunit para sa isang tulad ko na lumaki sa maliit at tagpi-tagping bahay ay napakarangya na nito. "May kwarto dito, meron din sa second floor at sa third floor. Saan mo gusto na mag-stay kayo?" tanong niya. Napakurap-kurap ako sa opurtunidad na binigay niya upang makapili. "A-ah, dito na lang po sa first floor. Para mas malapit na rin po ako sa sala at kusina na tiyak na madalas kong lilinisin," saad ko. Ngumiti siya at tumango saka naglakad patungo sa may dulo. Nadaanan namin ang sala at kusina bago narating ang kwarto. "Dito ang kwarto niyo," magiliw niyang saad at binuksan ang pinto. Nanlaki ang mata ko nang tumambad ang kwarto na mas malaki pa sa dati naming bahay. Mayroon do'ng kama na kasya ang tatlong tao, flat screen tv, bedside cabinet at table. Meron ding maliit na center table at maliit na couch. Napansin ko rin ang isang pinto na bahagyang bukas at nasulyapan ko ang shower doon. "W-wala na po bang mas simple dito? Nakakahiya naman p-po," saad ko. He chuckled and shook his head. "Lahat ng kwarto dito ay ganiyan, o mas malaki pa." "Kahit po maid's quarter?" tanong ko muli. "Hindi kami kumukuha ng mga katulong noon pa, dahil ang mga anak ko ang naglilinis ng mga dapat linisin. Pero ngayon na may sarili na silang pamilya at buhay, nagha-hire na lang ako kada-linggo ng mag lilinis nang buo sa bahay na 'to," sagot niya. Napatango ako. Napalunok ako nang makita ang aircon sa sulok. Nakahihiya naman gamitin 'yon dahil siguragong malaki ang hatak noon sa bayarin sa kuryente. "Huwag ka na mahiya. Wala akong kasama dito at masyadong malungkot ang mag-isa sa napakalaking bahay," aniya. Sinulyapan ko siya at bagama't nakangiti ay pansin ko ang lungkot sa kaniyang mata. "Maraming salamat po talaga," saad ko. He nodded and smiled kindly. "H'wag kang magdalawang isip na buksan ang aircon. Gamitin niyo 'yan. Pati na rin ang heater sa banyo kapag maliligo. Maaari niyong gamitin ang lahat ng nandito," aniya. Tumango ako at dahan-dahan na pumasok habang hawak si Maella. "Sige, magpahinga muna kayo. Titignan ko lang ang pag-aasikaso nila roon," saad ni Mang Lando. Sinara niya ang pinto nang umalis. Agad kong tinungo ang kama at binuhat si Maella saka siya pinaupo. Napangiti ako nang bahagya siyang lumubog dahil sa lambot noon. "Maella, 'diba ganito mga iginuguhit mo noon? Mga mararangyang gamit at bahay. Nandito ka na at maeexperience mo na," saad ko. Ngunit walang nagbago sa blangko niyang tingin. Tulala pa rin siya. Huminga ako nang malalim at hinaplos ang kaniyang pisngi. "Kapag nakaipon na si ate, ipapagamot kita. Magiging maayos din ang lahat, Maella," saad ko at niyakap siya nang mahigpit. Napapikit ako at naalala si tiya. Kahit anong hirap ng buhay niya noon ay hindi niya ako iniwan at pinabayaan. Ni hindi niya naisip na ipaampon ako kahit halos wala na siyang makain dahil ibibigay na lang sa akin. At gano'n din ang gagawin ko kay Maella. Hinding-hindi ako susuko. Aalagaan ko siya at poprotektahan sa abot ng aking makakaya. Una kong pinaliguan si Maella at sumunod ako. Kompletong-kompleto ang gamit at parang nahihiya ako gamitin ang mga bagong sabon at shampoo na naroon. Kahit wala namang gumagamit ng kwarto ay may mga stock doon.  Mag-aayos na sana ako ng gamit namin ngunit kinatok kami ni Mang Lando at sinabihan na kumain na. Agad naman kaming sumunod at tumungo sa hapagkainan. "Kayo na muna ang kumain. May inaasikaso pa kasi ako. Pasensya na hindi ako makasasabay," saad niya. "Wala pong problema!" sagot ko habang pinipilit na tumingin sa kaniya dahil hinihila ng mga pagkain sa hapag ang aking mata. . "Naisip ko na baka matagal na no'ng huli kayong nakakain n'yan kaya iyan na lang ang ipinadeliver ko. At wala rin akong oras para magluto. Isa pa, hindi ako marunong magluto. Baka hindi niyo magustuhan," tumatawang saad niya.  "Paano po 'yung mga pagkain niyo pala noon?" tanong ko. "Bumibili na lang ako ng mga luto. Wala na kasi 'yung asawa ko na nagluluto lagi pati na rin ang anak kong babae na nagmana sa kaniya. May bago na silang buhay at hindi na ako kasali roon ngayon," sagot niya. Hindi ko alam kung paano mabawasan ang lungkot niya kaya nginitian ko na lamang siya. "Ako po, marunong po ako magluto. Sabihin niyo lang po kung ano ang gusto niyo na pagkain," pagboboluntaryo ko. Tila nagliwanag ang kaniyang mukha at tumango-tango habang nakangiti. "Sige, aasahan ko 'yan ha. Sige na, kumain na kayo." Maya-maya rin ay umalis na siya. Pinagmasdan ko ang pagkain sa hapag at napatingin kay Maella. Gustong-gusto niya ito kaso sakto lamang ang pera namin lagi kaya hindi napagbibigyan. Naaalala ko no'ng matagal kong pinag-ipunan galing sa maliit na baon ang gusto niyang chickenjoy. Ngunit ninakaw lamang ng kaniyang ama ang pera kaya hindi ko siya nabilihan. "Maella oh, jabee!" saad ko at binuhat siya upang makaupo sa mataas na upuan. Tumabi ako sa kaniya at inihanda ang kaniyang pagkain. Excited kong binigay sa kaniya ang drumstick ngunit nawala ang ngiti ko nang maalala ang kaniyang kalagayan. She can't enjoy and appreciate this now. But soon, she will. Pinilit kong ngumiti at hinimay na lamang ang chickenjoy at pinakain siya. Salit-salitan ang pagkain ko at pagsubo sa kaniya ng kaniyang pagkain. Mabuti na lamang kahit tulala siya ay cooperative pa rin siya. Tiyak mamomroblema ako kung hindi siya kakain at iinom. Matapos kumain ay iniligpit ko at hinugasan ang mga pinagkainan. Nilinisan ko rin si Maella pati na rin ang sarili. Pinatulog ko na agad siya bago lumabas ng kwarto at hinanap si Mang Lando. Naabutan ko siyang pinamimigay na ang basket ng mga balut sa kaniyang mga tao. They are familliar to me already. And almost all of them are kind to me. "Narito ka pala, tisay. Narinig ko 'yung balita sa nangyari kanina," saad ng isa. Narinig ko ang mga bulong ng pagtatakha kung ano ang nangyari. Tumango na lamang ako at ngumiti. "Mang Lando, 'yung akin po," saad ko. Umiling siya. "H'wag na muna ngayon. Magpahinga ka muna. Simula ng may mangyari sa pamilya niyo, wala ka ng pahinga. Sige na," saad niya. "Pero Mang—" "Sa susunod na gabi na, tisay. Matulog ka na," aniya. "Oo nga. Magpahinga ka muna," saad ng isa. "Oh, akin ang ruta niyan ni tisay. Kailangan ko makauwi agad kasi kakapanganak lang ni Misis," nakangiting saad ni kuya Carlo. "Congratulations po," saad ko. Pinilit ko pa ngunit hindi na talaga ako pinayagan. Pinapatulog na lamang niya ako. Kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod. Pumasok ako sa kwarto at tumabi kay Maella. I stared on her and can't stop myself from thinking, paano ko siya mabibigyan ng magandang kinabukasan? Hindi ko kilala ang ibang kamag-anak ni tiya o kahit ng asawa niya. At kahit kilala ko man sila ay hindi ko ipamimigay si Maella. Ngayon ay maari na akong magsimula. May tirahan na kami na maayos. Dating gawi, mag-aaral ako nang mabuti. Maaari pala akong mag-apply muli sa scholarships dahil maganda naman ang mga grado ko. Kapansin-pansin nga lang ang malaking pagbaba noong huling grading period ngunit siguro ay impressive pa rin naman. Kung sana ay legal na ang aking edad, pwede na akong magtrabaho nang maayos. Ngunit 16 pa lamang ako. Kaya sa pagtitinda na lang talaga ng balut muna. Kinapa ko ang malambot na kama. Ramdam na ramdam ko rin ang komportableng lamig na inilalabas ng aircon. Sana nararanasan din ito ni tiya. Sana tatlo kaming nakararanas nito. Ngunit paano ngayong wala na siya? At kung buhay pa siya ay panigurado na nando'n pa rin kami sa maliit na bahay na 'yon. Pero mas pipiliin ko 'yon kung kasama ko naman siya. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa aking mata. Huminga ako nang malalim at lalong iminulat ang mata upang hindi iyon matuloy. I never shed a tear since my aunt died. Not now and never. Hindi maaari ang kahinaan hangga't hindi pa maayos ang lahat. Naalimpungatan ako pagdating ng hatinggabi. I feel like someone is staring at me but then when I opened my eyes, I saw no one. Kaya muli akong bumalik sa pagtulog. Kinabukasan ay maaga akong bumangon. Dire-diretso ako sa kusina at lumapit sa ref. I saw a sticky note and read its content. "Pwede ka magluto kung gusto mo magluto. Nagpagrocery na ako para may stocks. Kung hindi naman, bumili ka ng almusal. May pera sa ibabaw ng ref." Binuksan ko ang ref at nakitang punong-puno nga iyon. Hinalughog ko ito at kumuha ng tatlong itlog, hotdog at butter. Nagsaing ako at isinangag iyon. Matapos ihanda ang mesa ay tumungo ako sa kwarto upang gisingin sa Maella at ihanda. Nang pabalik ay natigilan ako sa may sala nang mapansin ang lalake na nakahiga sa sofa at unti-unti ng bumabangon. Napaatras ako nang mag-angat ito ng tingin at tinitigan ako. "Sino ka? Girlfriend ng tatay ko?" tanong nito. Nanlaki ang mata ko at muling napaatras. Agad akong humiling. "Hindi po!" sagot ko. Tinapunan niya ako ng nang-iinsultong tingin at tinignan ako mula ulo hanggang paa saka ngumisi. "Ilang taon ka na? 22 o 23? With a baby face?" "16 po," sagot ko. He chuckled. "You're trying to lie with that kind of body? Kung mukha ay masasabi na 16 ka pa. Pero katawan mo?" Parang gusto ko bigla yakapin ang sarili at magtago. I suddenly feel exposed because he's staring at my well-covered body. "Jared, narito ka pala?" rinig kong saad ni Mang Lando galing sa taas. Nagliwanag ang mukha nito at dali-daling lumapit sa 'anak' niya. "Really, Papa? Halos kasing edad ko lang 'tong babae mo. Ganiyan ka ba kadesperado para makaganti kay Mama?" "Anong sinasabi mo, anak? Hindi mo siya kaedad, dahil bata pa 'tong si tisay. At mas lalong hindi ko siya babae. Anong pag-iisip 'yan? Tinuturing kong anak—" "Whatever, Papa," at umalis ito patungo sa may banyo. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mang Lando at sumulyap sa akin. "Pasensya ka na sa anak ko," he apologetically said. "Anak niyo po pala. May pamilya na?" tanong ko. "Wala. Umalis lang sa puder ko no'ng naghiwalay kami ng Mama niya." Tumango ako at pilit na ngumiti sa kaniya. "Kain na po tayo. Naghanda po ako ng umagahan," saad ko. Nagluwanag muli ang mukha niya. "Hmm, matagal-tagal na no'ng huli akong nakatikim ng lutong-bahay," he joyfully said and we walked on the dining table. Masayang-masaya siya nang makita ang hapag. Nagdagdag ako ng tuyo sa almusal and he liked it lalo na hindi na siya mahilig sa mga processed food katulad ng hotdog. Pinakain ko si Maella habang kumakain at ang daming kwento ni Mang Lando. Natigilan siya nang dumaan si Jared. "Anak, kain ka!" aya niya rito. He stared at us and stood there in silence for few seconds bago lumapit at umupo sa kaharap kong upuan. Todo asikaso ang kaniyang ama sa pagbigay ng plato at kubyertos. Halos siya pa ang maglagay ng pagkain dito. "Matagal na no'ng huli akong may nakasabay na kumain sa hapag dito," halata ang saya sa boses ni Mang Lando. Napangiti ako ngunit nawala iyon nang napansin na nakatitig si Jared sa akin. Napalunok ako at tumutok sa pagkain. "Buti ay naparito ka, anak!" "Bakit, nakakaistorbo ba ako sa inyo?" sarkastiko nitong saad. "Hindi! Kahit kailan ay hindi ka istorbo, sino man sa inyo ng kapatid mo," sagot ni Mang Lando. "Dumating ako kagabi tapos pagdating ko may ibang tao na sa kwarto ko. Pinalitan na ako. Bakit hindi na lang kayo magsama sa isang kwarto?" saad niya. Nahinto ako sa pagnguya. "Jared! Huwag ka magsalita ng ganiyan," saad ni Mang Lando. "Bakit hindi!?" "Lilipat na lang po ako o aalis kung.." "Hindi kailangan, Therese. Hindi gaya ng iniisip mo ang nangyayari, anak. Pinatira ko dito ang batang ito kasama ng pinsan niya dahil wala ng matirhan—" "Dahil gusto mo siya. At sinasamantala naman niya," saad ni Jared at biglang umalis. Matagal na katahimikan ang pumainlang sa hapagkainan. Nawalan na rin ako ng gana ngunit pinilit ko ubusin ang nasa plato ko. Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ni Mang Lando. "Pasensya ka na talaga sa anak ko. Alam ko ang pinanggagalingan niya. Nadala iyon sa nangyari sa Mama niya. Gano'n kasi ang naging isyu. May hardinero kami dati, hanggang sa dito na nakitira. Sa amin naman ay wala lang 'yon at tinuring na maayos ngunit sa huli ay umalis ito dala na ang asawa ko. At doon na nagkagulo ang aming pamilya," madamdamin niyang saad.  "Mas maiintindihan ko na po ngayon dahil naikwento niyo 'yan. Kaya ko naman po mag-adjust. Pero kung patuloy po na mag-aaway kayo na ako ang dahilan, mas gugustuhin ko na lamang po umalis," saad ko. "Hindi ko po kaya na mag-aaway kayo at lalala nang dahil sa akin," dagdag ko pa. Umiling-iling siya. "Hindi. Kailangan ko lang mapaintindi sa kaniya na iba ang sitwasyon ngayon. Na hindi 'yon mauulit. Hindi ako katulad ng Mama niya at isa pa, naku, anak ang turing ko sayo. Pasensya ka na kung nakikita ka ng anak ko bilang isang isyu. Nabibigyan pa ng malisya ang pagkatao mo. Tiis lang. Hindi ko alam kung gaano siya katagal dito dahil bumukod na nga siya ngunit gugustuhin ko na dito na muli siya tumira. At sana magkasundo kayo," litanya niya. Tumango-tango ako. Lumipas ang ilang araw at gano'n pa rin ang tingin sa akin ni Jared. I know he's intimidating me, maybe to throw me away. Ngunit nakikiusap lagi si Mang Lando na intindihin na lamang. Kaya ko rin naman tiisin ang mga sinasabi niya dahil lumaki na ako sa masasakit na salita ng asawa ni tiya. Nasanay na ako at kaya kong tiisin 'yon para sa maayos na pamumuhay ni Maella. At alam ko naman sa sarili ko na hindi 'yon totoo. But then something changed one day. I was busy washing the dishes after our lunch when he interfered. Tumabi siya sa akin at inilapag ang ginamit niyang baso. "Gusto mo tulungan na kita?" tanong niya at halos mapatalon ako sa kabaitan sa boses niya. "Huh?" nag-angat ako ng tingin at tumitig sa kaniya. I saw how his eyes roamed on my face down to my neck and body. Naiilang na umiwas ako ng tingin. "Kaya ko na," sagot ko. "Totoo ba 'yung nalaman ko na nagbebenta ka ng balut noon? Na isa ka sa mga tao ni Papa sa isa niyang business?" he gently asked. Tumango naman ako bilang sagot. "Ngayon ay hindi na?" tanong niya. Nahihiya akong umiling. "Bakit?" dagdag pa niya. "Sabi ni Mang Lando no'ng una, h'wag daw muna. Kasi lagi na akong nagtatrabaho. No'ng nakaraang araw ayaw niya na ako bigyan. Tama na raw na ako ang naglilinis dito sa bahay niyo bilang kabayaran sa pagtira namin ni Maella. Hindi na raw kailangan na magtinda ako," mabagal kong sagot. "Hmm, sabagay. Maraming kwento ang mga tauhan niya na mapanganib nga raw iyon lalo na at gabing-gabi na," saad niya. Napatango-tango ako at pinunasan ang basang-basa na sink. "Ilang taon ka na ulit?" tanong niya. "16 po," saad ko. "What's your name?" he asked gently. Napayuko ako upang abutin ang basahan nang mabitawan ko 'to at sinulyapan siya. Nasa iba ang paningin niya. "Laurelia Therese," sagot ko. Saka lamang bumalik ang tingin niya sa akin. "Well, I'm Jared. For formality since we never had a formal introduction," inilahad niya ang kamay. Tinanggap ko naman iyon at medyo nabigla sa bahagya niyang pagpisil sa kamay ko. Mula noon ay lagi na siyang ngumingiti sa akin. His voice is already gentle when he's talking with me. Mang Lando noticed the changes and believed that it was a improvement on our relationship. Sabi niya ay baka ituring na akong kapatid ni Jared kaya maaari ko na siyang tawaging kuya. So I did. It seems like he's also opening conversation between us. Hindi na rin sila nag-aaway ng Papa niya kaya gumagaan na rin ang pakiramdam ko. Wala ng guilt at maayos na muli ang relasyon nila. "So bakit hindi nakakapagsalita itong pinsan mo?" tanong niya no'ng nasa sala kami. Katabi ko si Maella sa sofa at nasa tapat ko siyang sofa. Abala ako sa paghahanap ng scholarship online. Pinahiram sa akin ni Mang Lando ang kaniyang cellphone. Sa ngayon ay dito muna ako maghahanap dahil hindi pa ako makaalis basta-basta dahil nahihiya ako iwan si Maella sa kanila. "Traumatized po," tanging sagot ko. Umalog ang sofa nang pabagsak siyang umupo sa tabi ko at sinilip ang ginagawa ko sa cellphone. "Scholarship?" he asked. Tumango ako at hinayaan siyang manood sa ginagawa ko. "Bulok na 'yung cellphone ni Papa. Ang lag at late ang response sa mga pindot mo. Here, use my cellphone," saad niya at iniabot sa akin ang cellphone na alam kong mamahalin. Inagaw niya ang cp ng Papa niya at inilapag sa center table. Pumunta ako sa Google at mag-eencode na sana nang lumabas ang mga dati niyang isinearch. Uminit ang pisngi ko nang mabasa iyon. Nagmamadali niyang inagaw ang cellphone niya at kinalikot iyon. Nagkatinginan kami at napangisi siya. "Nakita mo tuloy.." he said. Pakiramdam ko ay mas lalo akong namula. Maya-maya ay iniabot niya sa akin 'yon at wala na ang mga ito. "H'wag mo bubuksan ang browser ko kung ayaw mo makakita nAg malala," he chuckled. Bahagya akong napatigil nang umakbay ang braso niya sa likod ko at mas lalo siyang dumikit sa akin. Ngunit isinawalang bahala ko na lamang iyon nang magsuggest siya ng mga alam niyang school na free ang tuition at wala halos bayaran. I can say that life is still good at me dahil may mabuting tao siyang ibinigay sa akin upang tulungan ako. Dito pa lang sa pagpapatira sa bahay ni Mang Lando ay malaki ng bagay. It is one of the human needs. Tapos ay libre pa ang pagkain at mabait pa ang pakikitungo sa amin. Ang kailangan ko gawin ay magpakasipag at mag-aral nang mabuti. Naalinpungatan ako nang marinig ang tunog ng door knob. Ngunit nang imulat ko ang mata ay wala naman kaya naisip ko na nananaginip lamang. Muli akong nakatulog. At nang muling maalimpungatan ay may mainit na bagay na dumadampi sa aking leeg. May mainit din na kamay na humahaplos sa aking tiyan. Nang magmulat ako ng mata ay nagkatitigan kami. Ngumisi siya at agad tinakpan ang aking bibig. Then I noticed that my hands are already tied. "Ssssh, huwag kang maingay. Papaligayahin kita," he whispered and kissed me on my cheeks down to my jaw. No, please, someone help me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD