Prologue
"Pumayag ka na Laurese. It's my fault kung bakit inabot ka ng ganitong oras! And it's my way para makabawi sa paghelp mo sa akin sa presentation ko bukas!" patuloy pa ring pamimilit niya.
Umiling ako at nginitian siya. Sinulyapan ko ang papalubog ng araw. Tila naglalaban na ang dilim at liwanag sa kalangitan. Nag-aagawan at nagtatalo kung sino ang dapat na pumwesto sa kalawakan. Halos marinig ko na rin ang mga matatanggap na sermon mamaya.
"Hindi na, Halsey. Hindi nababagay ang kotse niyo roon at mahihirapan lang kayo palabas dahil makitid ang mga daraanan. May pera pa naman akong natira, eksakto para pamasahe ko sa pagsakay ng tricycle."
"Pero—"
"Okay lang talaga Halsey. Mag-aalala lang ako lalo, maraming masasamang tao roon."
"I have my driver s***h bodyguard. So no need to worry about me. Kaya nga ako mas nag-aalala dahil marami pala roong bad person, paano kung malagay ka sa danger!?" she pouted.
Napangiti ako muli. Sinulyapan ko ang magarang kotse nila. Sunod ay si Halsey. Hindi talaga nababagay sa isang lugar na magulo, marumi at masikip.
"Ayos lang. Sige na. Next time siguro?" saad ko. Inismiran niya ako. Ilang beses pa niyang sinubukan na kumbinsihin ako but I'm firm with my decision.
Pinanood ko ang pag-alis ng kotse nila. Ibinaba pa niya nang kaunti ang salamin nito para kumaway. I waved back and stared at it until it vanished on my sight. Napabuntong-hininga ako at nagsimulang maglakad palabas ng school.
Gustong-gusto ko tanggapin ang alok niya na isabay ako upang ihatid sa amin. Gustong-gusto ko lalo na't medyo pagod na ako at kailangan ko pa magreserba ng lakas para mamaya. Ngunit hindi pwede. Hindi siya pwede makita ng tiyo ko. Sa kotse pa lamang ay malalaman niyang marangya ang buhay ni Halsey. And he will force me to take advantage of it. That is the thing that I want to avoid. It is so rare to find a friend, lalo na sa buhay na meron ako. At ayokong sayangin iyon, kaya poprotektahan ko ito. Ilalayo ko siya sa aking tiyuhin.
Nagsinungaling ako nang sabihin ko na may pera pa ako. I sighed when I remembered my empty pocket. I gained scholarship for my junior highschool on this known prestiged school. Nasa huling taon na ako nito at hindi nakatutulong ang tambak na mga proyekto. Dahil may scholarship man ay kailangan ko pa rin talaga ng pera para panggawa sa mga kailangan ipasa. Ngunit hindi naman ako susuko dahil huling taon na ito. Sunod ay senior high na, at panibagong scholarship ang hinahabol ko. Huminga ako nang malalim at pinuno muna ng determinasyon ang napapagod kong katawan at kumakalam na sikmura.
Isang oras ang nilakad ko bago nakarating sa pamilyar na eskinita. Kada sulok ay may mga umpukan. Ang iba ay nagchi-chismisan, merong nagsusugal, nag-iinuman, at may nag-aaway pa. Tipikal na mga makikita rito. Itinuon ko na lang ang pansin sa daan na may mga butas-butas. Baka hindi ko pa mapansin, at mahulog pa ako sa kanal.
"Uy, Aling Salome, narito na pala si tisay!" saad ng isa sa tambay sa harap ng maliit na tindahan ng aking tiyahin. Gaya ng lagi nitong ayos ay hubad ang pang-itaas, suot ang malaking short na may iilang butas at may hawak na bote ng alak.
Nginitian ko siya nang bahagya bago itinulak ang sira-sirang gate ng compound na tinitirhan namin. Ilang hakbang ay ang gawa sa yero at kahoy na pinto ng aming bahay. Itinulak ko iyon at hindi na nabigla nang makita roon ang bata kong pinsan na naghihintay sa akin. Nagliwanag ang mukha nito nang makita ako.
My 4 years old cousin immediately hugged me. Napangiti ako at yumuko para yakapin siya pabalik.
"Kumusta, Maella?" I asked as I stared at her. Yumuko siya para kunin ang isang papel at ipinakita sa akin ang drawing niya. It is her and me, on a stickman figure. Maraming laruan sa paligid at pagkain. Sa likod ay may mansiyon at kotse.
"H'wag ka mag-alala, mararanasan natin 'yan. Ipaparanas ko sayo 'yan at ibibigay," I said. Bakas naman ang saya sa mukha niya. Alam kong masayang-masaya siya kahit hindi niya iyon masabi. She's deaf and mute. That is why I'm always attentive to her. At nag-aalala kapag wala ako sa tabi niya.
"Ikaw na bata ka! Kanina ka pa dapat nakauwi, anong oras na, ha!?" napatayo ako nang maayos nang magsimula na sa pagsermon si Tiya Salome. Sinulyapan ko ang lumang orasan at napagtanto na alas-siyete na. "Saan ka pa pumunta, ha? Ikaw ba ay may boypren na?!" dagdag pa niya.
"Wala po, tiya. Wala po sa isip ko 'yon. Pasensya na, gumawa pa po kasi ako ng report para bukas."
"Oh siya, magsaing ka na roon. Ayusin mo lang ang pag-aaral, naku ka Laurelia! 'Yan na lang ang pag-asa ko para kay Maella, alam mo 'yan!" saad niya at binuhat ang anak. "Ikaw na lang maaasahan ko dahil iyong tiyuhin mo, alam mo kung ano ang ugali—"
"Salome!" halos mapatalon ako sa malakas na sigaw na 'yon. Napalingon ako sa pinto at nakita ang papasok kong tiyuhin. Lasing na naman ito at pulang-pula ang mata.
"Nandito na naman siya at ayan na naman. Diyos ko!" mariing bulong ni tiya.
"Narito na pala ang pamangkin mo na isa ring pabigat, Salome!" saad nito nang makita ako.
"Sino kaya ang pabigat? Iyong pamangkin ko na menor de edad ngunit nag-aaral nang mabuti o ikaw na ang tanda-tanda na at puro bisyo?" tila hindi napigilang saad ni tiya. Pinanlakihan ko siya ng mata at inilingan.
"Ano 'yon, Salome!?" he shouted loudly. Nakaramdam ako nang labis na kaba nang makita ang namumuong galit sa mukha nito.
"Wala, Fernan," saad ni tiya na halata na rin ang kaba sa mukha. Halata pa nga ang pasa niya sa pisngi, nakatatakot na baka madagdagan pa ito.
"Ikaw!" sigaw ni tiyo at hinila ako. Napadaimg ako sa higpit ng hawak niya sa braso ko. Kinulong ng isa niyang kamay ang ibabang bahagi ng aking mukha at hinigpitan ang hawak roon.
"Bitiwan mo nga siya, Fernan! Ano ba?" nahihintatakutang saad ni tiya Salome. Sinulyapan ko siya at inilingan. Kahit nanginginig ako sa kaba ay sinenyasan ko siya. I don't want to trigger this man because he will hurt us.
Ilang beses na niya kaming sinaktan lalo na ang mag-ina niya. Wala kaming matatakbuhan kaya hindi kami makalayas. Mahirap ang buhay rito sa Maynila. Lahat ay gagastusan ng pera. Kung aalis kami rito ay wala kaming matitirhan. Kaya ngayon ay nag-iipon kami ni tiya nang patago upang makaalis na. Hindi ito basta-basta at kailangan paghandaan dahil kung hindi ay baka sa kalsada lamang kami mamatay.
"Bigyan mo ako ng makakain at lumayas ka na sa harap ko! Ang arte-arte mo. Kung pumayag ka lang na bilhin ka ng boss ko, e'di sana may pera na kami at hindi naghihirap. O 'di kaya makipagkaibigan ka sa mayaman at huthutan mo. Pero wala! Palamunin ka nga lang dito," he shouted at my face. Halos pabato niya akong binitiwan. Hindi ko na lamang pinakinggan ang sinabi niya at dumiretso sa maliit naming kusina.
Sinulyapan ko sila tiya Salome at Maella na ngayon ay tahimik na nakaupo sa may sulok ng tindahan. Dumaldal pa si tiyo bago ito humiga at natulog. Muli kong sinulyapan ang dalawa at mas umigting ang determinasyon sa kalooban ko na mag-aral nang mabuti at gawin ang lahat upang magkaroon ng maayos na buhay.
Dumating ang alas-nuwebe. Tapos na kami kumain. Kaunti lang ang nakain naming tatlo dahil halos ubusin ni tiyo Fernan ang pagkain. Sinigurado na lang namin ni tiya na mabusog si Maella.
Naghanda na rin ako para sa pag-alis. Bago umalis ay inabutan ako ni tiya Salome ng screw driver na ibinalot niya sa panyo. Self-defense ko raw kung sakali. Pinasalamatan ko siya at tumungo sa kapitbahay.
"Kanina pa kita hinihintay. Ito ang iyo, oh." Iniabot sa akin ni Mang Lando ang isang basket ng balut. Nakasabit sa hawakan nito ang ilang piraso ng nakabalot na chicharon at malaking plastic bottle na may laman na suka.
"Salamat po! Babalik ako rito, ubos po ito," saad ko. Napatawa siya, kapagkuwan ay may awa ang mga mata na tumitig sa akin.
"Mag-ingat ka, ha? Lagi ako nag-aalala sayo dahil sa pagtitinda mo ng balut. Gabing-gabi na at kung saan-saang eskinita ka pa susuot. Kaso ito lang talaga ang makakaya kong tulong. Na ang 3/4 ng tubo ay sayo mapupunta," saad niya.
"Ayos lang po ako, at mag-iingat ako palagi. Huwag po kayo mag-alala. Ang tagal-tagal ko na itong ginagawa," saad ko.
"Basta't mag-ingat ka. Bata ka pa naman at babae. Hay naku. Pero isa lang sigurado ko, malayo ang mararating mo," aniya. Napangiti ako. Nagpaalam na ako at umalis doon.
May mga suki naman na ako. Madalas talaga ay napapaubos ko ang isang basket. Ito kasi ang negosyo ni Mang Lando. May mga tauhan siya na pagbebentahin ng balut. Kaya naisipan ko na maging isa sa kanila. Sakto rin ito dahil nag-aaral ako sa umaga. Kulang nga lang ang tulog ko lalo na kung maraming proyekto o 'di kaya asignatura. Pagkatapos kasi ng paglalako ay saka ko iyon tatapusin. Ngunit ang mahalaga ay kumikita ako at nakatutulong sa gastusin kahit papaano. Nadadagdagan din ang ipon ko.
Magdadalawang oras na akong naglibot at ubos na ang balut. Ang chicharon ay dalawang balot na lang. Natigilan ako nang makita ang karinderya na 24 hours na bukas. Lumapit ako roon at tinignan ang mga pagkain. Gutom na ako lalo na at ilang subo lamang ng kanin ang nakain ko kanina. Bumawi lang ako sa tubig. Napangiti ako nang makita ang pansit bihon na paubos na.
"Ano sayo, ganda?" tanong ng tindera.
"Isang balot nga po nitong pansit bihon," saad ko.
"Oh, sayo na lang 'to lahat kahit kaya pa ang isa pang order. Reward mo. Ang sipag-sipag mo eh. Gabi-gabi kitang napapansin sa paglalako mo," aniya.
"Talaga po? Salamat!" tuwang-tuwa na saad ko. Pinanood ko ang paglagay niya ng pansit bihon sa plastic labo. Ang dami noon. Tamang-tama dahil hahatian ko si tiya. Alam kong gutom din iyon dahil kumpara sa akin, mas kaunti pa ang nakain niya.
Ang saya-saya ko habang naglalakad pauwi. Kumakanta-kanta pa ako. Ngunit natigil iyon nang may humila sa akin at kumaladkad patungo sa madilim na sulok ng eskinita. Ang kalabog ng puso ko ay napakalas at halos masuka ako sa kaba. Nanlalamig na ang aking katawan at batok. Napapikit ako nang itulak ako sa pader at tinutukan ng patalim sa leeg.
"Akin na ang lahat ng pera mo," bulong ng masamang lalake. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang nangyayari.
"H-huwag naman po. Kailangan ko rin 'to," pinilit kong sabihin kahit takot na takot na ako.
"Eh ang buhay, mo kailangan mo ba? Ibibigay mo sa akin o papatayin kita!?" mas naging desperado ang boses niya.
Napapikit ako nang mas bumaon pa ang kutsilyo sa aking leeg. May hapdi na rin akong naramdaman at sigurado akong may hiwa na ako. Nasasakop na ako ng takot ngunit nasa isip ko pa rin ang pagmamatigas na huwag ibigay ang pera. Para ito sa amin. Para kay Maella.
"Akin na sabi!" mariin niyang bulong at hinila sa akin ang basket. Hinigpitan ko ang hawak at nag-agawan kami roon hanggang sa bumaliktad ito at nabuhos ang pera.
Malakas na kumalansing ang mga barya. Siguradong nahulog na rin ang mga papel na pera at ang pansit. Napaiyak ako nang tuluyan dahil may kasama pa pala siya. Habang hawak ako ay kinuha ng isa ang pera. Hindi ko alam kung may matitira pa sa akin.
At nang nagtagumpay sila ay umalis na tangay ang pinaghirapan ko. Napahikbi ako at agad na lumuhod. Dahil madilim ang paligid ay hindi ko makita ang nasa lupa. Kinapa ko na lamang iyon at napahagulhol habang pinulot isa-isa ang mga barya. Napaiyak ako lalo nang mahawakan ang pansit bihon na nagkalat na sa lupa. Nabutas ang plastic at ngayon ay hindi na ito mapapakinabangan.
Hindi ko maintindihan bakit kailangan nila gawin iyon. Ako nga ay naghihirap para doon? Ang halos limangdaan na benta ng balut ay tinangay nila. Siguradong ang natira sa akin na barya ay hindi man lang aabot ng isangdaan.
Pinilit ko ang sarili na kumalma, dahil baka atakihin pa ako ng hika. Hindi ko alam kung paano na ito ngayon. Wala na nga akong kikitain, wala pa akong maibabalik sa puhunan ni Mang Lando. Nakahihiya.
I am still composing myself. Puno pa rin ako ng takot, lungkot at sama ng loob. Ngunit kailangan ko ng umuwi. Patayo na sana ako nang makita ang isang pigura ng lalake sa harap ko. Binalot muli ako nang sobrang takot at kaba. I started to cry again.
"W-wala na po akong pera. Please, h'wag ako. Tama na. Nakuha niyo na sa akin lahat. Pakiusap, nagmamakaawa ako," saad ko.
"Here," a low baritone voice said. Natigilan ako at napamaang.
I heard him sigh. Inabot ng kamay niya ang aking palad at ibinuka iyon. I shivered when I felt his hand. It is so cold. Natulala ako nang ilapag niya sa aking palad ang malalapad at magagaspang na papel.
"I-ito ba ang p-pera na kinita ko? Paano?" I asked. Ngunit wala siyang kibo. Hindi na muli nagsalita.
Patayo na ako nang magsimula siyang maglakad paalis.
"T-teka lang po!" I shouted. Ngunit dire-diretso siya. Kaya naman tumakbo ako palabas ng madilim na eskinita na 'yon, umaasang maaabutan pa siya ngunit wala na. Pero imposible naman. Siguro ay nagtatago na siya.
Sa kabila ng takot at kaba ay napangiti ako.
"Salamat," bulong ko habang nakatitig sa pera ko na ngayon ay kompleto na muli. "Salamat!" ulit ko ngunit pasigaw na at umaasang marinig niya.
Sa dami ng emosyon na naramdaman ko kanina lang ay namayani ang saya habang naglalakad ako pauwi bitbit ang basket na walang laman at kompletong pera. Ibinigay ko kay Mang Lando ang kita at ibinigay niya sa akin ang parte ko. Hindi ko na ikinwento ang nangyari dahil baka hindi niya na ako payagan. Mabuti na lang at natakpan ng buhok ko ang ngayon ay mahapding sugat sa aking leeg.
Patakbo akong umuwi sa bahay, dala ang tinapay na binili ko. Nang kumatok ako at bumukas iyon ay patay ang ilaw. Kaya naman agad kong pinindot ang switch ng ilaw. At halos mawala ako sa katinunan nang makita ang kagimbal-gimbal na eksena.
My Aunt Salome is now lying on the floor with her own blood. Punong-puno ng saksak ang katawan. Si Maella ay tulala na at puno ng luha ang mga mata, namumula ang ilang parte ng katawan, tanda ng p*******t sa kaniya. I inhaled sharply. My breathing became uneven and hard. Nilibot ko ang tingin habang naghahabol ng hininga at naabutan si tiyo na may hawak na kutsilyo pati na rin ang lalake na kasama niya, na ayon sa pagkakatanda ko ay kaibigan niya.
"Tiyo...." gulat na gulat kong saad. "A-anong g-ginawa mo?" halos mawala na ang boses ko habang naghahabol ng hininga. Nagdidilim na rin ang paningin ko dahil sa kakulangan sa hangin.
"Papatayin kita!" he shouted.
Sinugod niya ako at direktang sinaksak sa dibdib, sa tapat ng puso. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang pagkapunit ng balat at laman. Natumba ako at nabitawan ang dalang pera at pagkain. Rinig na rinig ko ang kalansing ng pera. I saw how the other guy immediately get the money that fell from my hand. Habang ang aking tiyuhin ay abala sa paulit-ulit na pagsaksak sa aking dibdib.
Nabingi na ako at lalong nanlabo ang paningin. Nakita ko na lamang ang dalawang lalake na pumapatay sa amin ay tila mga baliw na nagsasaya sa kukurampot na perang dala ko.
Ganito ba talaga ang buhay? Bakit sa akin 'to nangyari? Paano na si Maella ngayong mawawala na kami ni tiya Salome?
My life flashback in front of my eyes. And it is still short. Dull and boring. Ngunit marami pa sanang maaabot. Marami pang makakamit. Marami pang mararanasan. Ngunit bakit tatapusin na agad ngayon?
Napapikit ako nang mariin. Kanina ay punong-puno ng sakit ang katawan ko dahil sa mga saksak na natanggap. Ngunit ngayon ay manhid na ito. Hindi ko na maigalaw ang mga kamay. Wala na akong pang-amoy. At ngayon, ang paningin ay wala na rin. Paalis na ang buhay sa aking katawan. Unti-unti na ring humihina ang aking pandinig. Mawawala na rin ito.
Ngunit bago iyon nangyari ay nakarinig ako ng sigaw. Sunod ay ang pabagsak na bukas ng pinto at takbo palayo. Then silence filled my ear. Akala ko nga ay nawalan na ako ng pandinig.
Not until I felt something entered my body through my mouth. Slowly, my senses came back. And I felt it. A cold lips is on mine, and that warm air-like that is entering my body is coming from it. It's like his breath is resurrecting my dying body.
Pinilit kong magmulat. And all I can see is the faint color of eyes. Red.
At iyon ang tumatak sa akin. The kiss from the owner of that very cold lips and red eyes.
Then I began to believe that supernaturals do exist. That we are not alone in this world.
I'll look for my savior. I'll look for him.
I'll look for that vampire.