Enjoy Reading:) Malapit na ang pagtatapos! Ellaiza's POV Nanghihina akong napaupo sa pinakamalapit na single sofa, nakatingin sa maliit na bagay sa aking mga kamay. Hindi pwedeng buntis ako?! Hindi pwede! Gusto kong umiyak dahil sa katangahan ko! Ano bang nangyayari sa akin?! Kinakarma ba ako?! Bakkt ganito!? Hindi pwede ito! Guguluhin nito lahat lahat! Mababaliw na ako! Bakit kailangang may madamay pang walang kasalanang bata sa nabubuo sa sinapupunan ko?! Mas magiging kumplekado ang lahat dahil dito. Dalawang araw nalang ay ikakasal na kami ni James. Namove ang kasal namin ng dalawang linggo. Nagkaproblema kasi sa gown na susuutin ko at ng nga gown ng abay ko. Kapag nalaman ni Jamesna buntis ako at si Shan ang ama, masasaktan siya at baka hindi niya ako patawarin. Baka mapatay

