Happy Reading:) Ellaiza’s POV Tahimik lang ako habang nakatitig sa sarili ko sa malaking salamin tahimik ang kwarto kung nasan ako ngayon. Ito na yung araw na pinakahinihintay kong mangyari noon. Ikakasal na ako. Kay James. Pinipigilan kong umiyak dahil sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Naging emosyunan na ako sa lahat ng bagay ang dali kong mainis at malungkot. Naluluha din ako lagi lalo na pag si Shan nanaman ang papasok sa isip ko. Parang ang bilis naman masayado ang pagbabago ng mood ko nitong mga nakaraang linggo. Buntis nga ako diba. Kay Shan. Dalawang lalaki ang iniikot ko sa mundo ko ngayon. Ang sama sama kong babae 'yun ang nararamdaman ko ngayon. Ang sama sama kong babae. Ang landi landi ko. Dalawang tao ang nahihirapan ng dahil lang sa akin. Nakaayos na ako, nakas

