Chapter 22

2918 Words
(The Buyer) Chapter 22 Winter Pov. Matapos ko‘ng makita si ashong sa lugar na ‘yon. Pinilit ko‘ng lumabas upang tuluyan ng takasan ang reyalidad. Hindi ko rin malaman sa sarili kung bakit nakinig pa ako sa usapan nila. Dapat umalis na ako, dapat hinayaan ko na lang sila upang hindi ko na nasaksihan ang nangyaring iyon sa loob. Bumigat lang ang pakiramdam ko dahil sa nakita. Pakiramdam ko muling nagbalik si ashong sa dati niyang ginagawa. Ngunit kahit ano man ang gawin niya ngayon. Wala na akong karapatang pagbawalan siya, labas na ako sa buhay nito dahil una pa lang ay pinagtabuyan ko na siya palayo. Hindi dapat ako nasasaktan. Kundi, nararapat lang na tanggapin ko ang nangyayaring ‘to. “Winter..” nilingon ko ang tinig ng isang lalake sa likuran ko. Dahil sa nangyari, nakalimutan ko na kung anong ginagawa ko dito. At dahil sa nakita kanina, umiiyak na naman ako ngayon. “What happen? Kanina pa kita hinahanap?” “S-si a-ashong..” bumuntong hininga si calix. Hindi na rin ito nagsalita pa, bagkus. Niyakap na lang ako nito dahil tila ba alam na niya ang nangyari. “Im sorry, hindi na dapat kita dinala dito. Gusto mo na bang umuwi?” humiwalay siya sakin matapos ko‘ng tumango. Hindi ko rin naman inaasahang makikita ko si ashong dito. Hindi ko rin alam na ganoon pala kasakit na makita siyang may iba. Siguro nga, ito na ang sign. Ito na ang oras upang tuluyan ko na siyang kalimutan. Pinagbuksan ako ng pinto ni calix, mabilis din naman siyang umikot sa driverseat upang makaalis na kami sa lugar na ‘yon. At habang minamaobra ni calix ang manubela. Natanawan ko‘ng muli ang isang lalake na siyang dahilan kung bakit nasasaktan ako ngayon. Nakita ko‘ng humugot ito ng sigarilyo sa bulsa. Sinindihan niya iyon habang nakatingin ako sa kanya sa loob ng kotse. Dahil hindi ako nito nakikita, malaya ko siyang napagmamasdan. Marami rin ang sasakyan na lumalabas kung kaya‘t natatagalan kami ni calix. Bumuga siya ng usok bago matingin sa gawi ko. Ngunit hindi rin naman niya ako nakikita, samantalang siya. Tanaw ko ang kabuuan nito, tama nga si calix. Misirable nga ang dating nito. Naiiba na siya ngayon, para bang. ibang tao na itong muli. “Alam mo ba noong naging tayo, maraming nagbago. ‘Yung pagka-kaibigan natin, parang hindi na tulad ng dati. Kaya‘t naisip ko rin noon na mas magandang nag-hiwalay tayo..” nilingon ko si calix matapos niyang sabihin ‘yon. Tama nga siya, maraming nag-bago at ang pag-sasama namin noon ay nawala. Nanatili akong tahimik habang malalim ang iniisip ko. Tuluyan na rin naman kaming nakalabas sa parking-lot kung kaya‘t wala na sa paningin ko si ashong. “Siguro tulad lamang ng nangyari sa inyo ni philip. Mas mabuti na sigurong naghiwalay kayo upang wala ng masaktan, ang maganda lang sa nangyari. May natutunan ka, alam mo na kung ano talaga ang tunay na pag-mamahal.” Bumuntong hininga ako, hindi na rin ako nabigay ng komento ukol sa sinabi niya kahit na may punto iyon. Ang nais ko ngayon, tuluyan ng burahin sa isip ko si philip. NANG gabing mangyari iyon, pinilit ko‘ng maging maayos kahit mahirap. Kinumbinsi ko ang aking sarili na magiging maayos din ang lahat sa darating na bukas. Sa tulong ng aking trabaho, nagkaroon naman ako ng oras maging abala araw-araw. Kung pwede lang ay mag-over time ako upang mas maging mataas ang sahod ko. Balak ko rin kasing mag-iipon. Pag-iipunan ko‘ng muli ang darating na exam upang matupad ng tuluyan ang pangarap ko. Nais ko rin maipatayo ang baked shop na nais ni lola bago umabot ang death anniversary nito. Kahit na wala na si lola perla, ipagpapatuloy ko pa rin ang aming pangarap. Kailangan ko lamang mag-sipag at mag-tiis ng konting panahon. “Why are you leaving your position ms villapania?” iyon ang tanong sa akin ni mr montelukas. Ang CEO ng pinag-ta-trabahuhan ko‘ng kumpanya. Ilang buwan na rin kasi ang lumipas simula ng makapag-trabaho ako dito. Nakapag-ipon na rin ako at hindi na iyon masama. Kailangan ko na kasing mag-review sa darating na exam sa susunod na buwan, kung magta-trabaho pa ako. Baka hindi ko iyon malulugaran. “Im sorry, sir. Kailangan ko po kasing mag-exam sa susunod na buwan. Sa oras na pumasa po ako, magiging guro na ako..” napabuntong hininga si mr montelukas sa sinabi ko. “Sayang naman, ikaw pa naman sana ang best employee this year. Gusto ka pa naman makilala ng anak ko dahil nasabi ko‘ng masipag ka..” “May mga ibang araw naman po siguro. Ang kaso po kasi, nagdesisyon na akong umuwi sa amin. Nagustuhan ko naman po ang pagta-trabaho dito, nag-enjoy po ako..” tumango na lamang muli si sir sa sinabi ko. Matapos iyon, binasa na nito ang resignation paper ko bago bumuntong hininga. “Hindi na siguro kita mapipigilan pa, ang dami ng naupo sa pwesto mo. Pero ikaw lang halos ang nagustuhan ko, magaling ka‘ng mag-trabaho. Napaka-linis, ngunit. Siguro nga ay namimiss mo na rin ang mga magulang mo..” “Opo, isa rin po iyon sa dahilan.” Ngumiti siya ng tipid. “I hope we‘re going to meet again. Siguro makikilala mo na noon ang anak ko..” “Sana nga po. Sana rin makahanap agad kayo ng papalit sa akin..” muli ay napabuntong hininga siya sa ikatlong pagka-kataon. “Iyon nga, ngunit kung babalik ka naman. Ayos lang, pwede kitang ilagay sa mas mataas na posisyon. You deserve that..” “Maraming salamat po..” nginitian ko si sir montelukas. Para sa akin, nakikita ko si papa sa kanya. Hindi pa naman siya gaanong katandaan, kasing-edad lang ito ni papa na nasa 50's na. Matapos ng usapan naming iyon. Muli na akong bumalik sa bahay nila calix, kaso ilang buwan ko na itong hindi nakakasama. Pumasa kasi ito sa kanyang exam. Halos sampong buwan na ng magtungo ito sa kanilang training place na halos isang taon ang gugu-gulin nila. Sila tita at tito lamang ang nakakasama ko sa bahay. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil sa pagkupkop at pagtulong nila sa akin. Kahit papaano naman ay naging maayos na ako. Hindi na ako masyadong nalulungkot sa tuwing naaalala ko si lola. Kumbaga, naghihinayang na lamang ako dahil wala na siya ngayon. “Bakit hindi ka na lamang magpahatid sa family driver natin. Para huwag ka ng magcommute pa..” ngumiti at umiling ako kay tita. Ngayon na kasi ang pag-uwi ko ng probinsya. Nasabi ko sa kanya na sasakay na lamang ako ng bus pauwi upang hindi na sila maabala pa. “Huwag na po tita, ayos lang naman Po. Mabilis lang naman po ang biyahe..” Bumuntong hininga siya. “Kailan ka ba talaga mag-eexam?” “Next month pa po, tita..” “Balitaan mo kami kung anong resulta ng exam mo, uh? Magpa-pray ako na pumasa ka, pero alam ko. Papasa ka..” tipid na ngumiti ako. “Sana nga po, ayoko ng biguin pa sila mama..” “Ayos lang naman na ang mabigo, basta. Huwag ka lang susuko, subukan mo lang. Hangga‘t makuha mo ang ninanais mo..” Dahil sa sinabing iyon ni tita, pinangiti niya ako. Malayo man ako kay mama, para na rin may pangalawa akong mama kay tita leonore. Mahilig din siyang magbigay ng payo sa akin at kadalasan ay pinapalakas pa nito ang loob ko. Malaki ang pasasalamat ko kay tita kaya‘t medyo natagalan pa ng umalis ako. Halos mainit na ang sinag ng araw nang makarating ako sa probinsya. Sumakay pa ako ng tricycle upang maka-uwi ng bahay. Dahil nga ngayon na ang aking pag-uwi, naghihintay na sila mama at papa sa labas ng bahay. Nais pa nga nila akong sunduin ngunit hindi na ako pumayag pa. Sinabi ko ay maghintay na lamang sila sa bahay upang hindi na sila mapagod pa. “Bakit ngayon ka lang? Medyo traffic ba?” tumango ako kay mama matapos niyang itanong iyon. “Opo, marami po‘ng nagbi-biyahe. May mga nakaharang pa po kanina sa dinaan ng bus namin, kaya‘t eto po. Nadis-oras ako..” tumango si mama sa sinabi ko. Samantalang si papa ay ngumiti sa akin bago nito ilahad ang kamay. Ngumiti ako at lumapit, alam ko ng yayakapin niya ako kaya‘t nauna na ako. Mahigpit na yakap ang iginawad niya sakin, matapos ng ilang segundo. Humiwalay din siya bago ako tingnan. “Kumusta naman? Mukhang maayos ang trabaho doon na anak ko, uh?” nangiti ako bago tumango. “Opo, maganda po sana ‘don. Kaso, sa susunod na buwan ang exam ng LET. Gusto ko po sanang sumubok ulit.” “Oo naman, anak. Suportado ka namin sa desisyon mo. Kung saan ka sasaya..” Ngumiti ako, alam ko ng iyon ang isasagot ni papa. Kailanman ay hindi naman na siya tumutol maski si mama. “Luluwas ka pa ba o dito ka na lang mag-eexam?” nilingon ko si mama matapos niyang itanong ‘yon. “Hindi na po, dito na lang. Ayoko ng lumayo, baka dito na rin ako maghahanap ng trabaho..” “Iyon nga ang maganda, huwag ka ng lumayo pa. Namimiss ka namin ng papa mo..” “Ako rin po, namimiss ko rin kayo. Kaya ayoko ng umalis, at saka. Iyong sinabi ko sa inyong baked shop, itutuloy ko po iyon. Maghahanap pa po ako ng magandang pwesto..” tumango si mama at papa sa sinabi ko. “Maganda naman na ang balak mo, lalo na‘t bumabagsak na talaga ang flower farm. Wala na tayong masyadong costumer, baka doon na lang din ako sa ipapatayo mo‘ng shop..” hindi ako sumagot sa sinabi ni mama, nalulungkot lang din ako dahil tuluyan na ‘ngang humina ang benta ng flower farm. Halos mga kalapit na baryo na lamang namin ang sinu-supply-an namin, wala na kaming trucking para mag-deliver sa ibang lugar. Ang empleyado namin ay dalawa na lang, kung kaya‘t kulang na talaga ang kinikita nila mama. Kailangan ko ng maghanap ng malaking sweldo at ibang pagkikitaan pa. “Iyon po talaga ang gagawin ko, iyon kasi ang gusto ni lola. Para kahit papaano naman po ay matupad ko ang pangarap niya, at saka. Dalawang buwan na lang ay death anniversary na ni lola, gusto ko po. Bago dumating iyon ay matapos po ang shop..” tumango si papa sa sinabi ko. “May mga kilala akong makakatulong sa atin, tatawagan ko sila bukas para makapagpa-deliver na tayo ng materyales..” naging malaki ang aking ngiti. Si mama ay bihasa sa pag-gawa ng ano ‘mang klase ng tinapay, cake at pattries. Iyon ang namana ko sa kanya, ang pagluluto at pagba-bake. Kaya‘t sigurado akong magiging masaya iyon. Alam ko‘ng matagal ang proseso, alam ko’ng hindi papatok iyon sa simula. Ngunit kahit anong mangyari ay ipagpapatuloy ko pa rin, hindi ako susuko hangga‘t maging maayos na ng tuluyan ang lahat. MATAPOS ko‘ng makauwi ng probinsya, wala akong ginawa kundi ang mag-aral para sa exam na parating. Inaabala ko rin ang sarili sa pagtulong kay mama sa flower farm, kay papa naman ay nakahanap na ito ng mga taong magtatrabaho upang maipatayo ang shop na nais ko. Kaya‘t ang buong buwan na iyon ay naging abala para sa akin. Nakapag-exam ako matapos dumating ng isang buwan, minadali rin nila ang pagpapatayo ng baked shop kung kaya‘t nang dumating ang araw ng death anniversary ni lola perla. Natapos na iyon ngunit hindi pa tuluyang nabubuksan, ang importante para sa akin ay natapos iyon bago mag-isang taon si lola. Hindi rin naman na ako nagmamadaling magbukas, marami pa kaming dapat asikasuhin at kailangan pa naming bumili ng mga gamit. Sa ngayon ang resulta na lamang ng exam ang hinihintay ko. __________ “May meeting po kami mamaya, ma. Baka hindi po ako makaka-uwi ngayong tanghalian..” tumango si mama matapos ko‘ng sabihin ‘yon. Tinatapos ko na lamang ang aking almusal habang siya‘y naghahanda na sa pag-alis. “Wala na ‘bang nag-rereklamong magulang tungkol sa nangyaring aksidente noong nakaraang linggo?” umiling ako. Sa pinapasukan ko kasing paaralan, kung saan ako nakapag-tapos ng elementarya. Doon na ako nag-tuturo ngayon, nagkaroon ng magandang blessings sa buhay ko. At masasabi ko‘ng malaking biyaya sa akin ang pagpasa ko noon sa exam. Dahil ngayon, isa na akong lisensyadong guro. Isang grade two teacher sa iskwelahang nais ko‘ng pasukan. “Wala na po, naayos na namin ang issue. At saka, hindi na kasalanan ng teacher kung may mangyaring masama sa bata lalo‘t kasama na nito ang sundo niya. Hindi kasi sila nagka-intindihan..” napabuntong hininga si mama. May nabundol na bata kasi noong nakaraang linggo, grade three student. Lumabas iyon sa gate dahil naroon na ang sundo niya, wala na lamang kaming ideya kung paano naaksidente ang bata. Pero ang kwento ng ilang nakakita, nabundol daw ito ng dumadaang tricycle. “Kaya‘t ikaw huwag mo‘ng palalabasin ang mga bata lalo na kung wala pa silang sundo. Kung pwede lang, bantayan mo sila hangga‘t maka-uwi lahat ng studyante mo..” “Iyon nga po ang ginagawa ko, ma. Ayos lang sakin kahit oras na akong umuwi, ang importante. Maayos ang mga studyante ko..” ngumiti si mama sa sinabi ko. Dahil kapwa kami nagmamadali, hindi na nasundan pa ang pag-uusap naming iyon. Kailangan na kasi niyang tumungo ng baked shop upang tingnan kung anong sangkap ang bibilhin niya. May empleyado naman na kaming naroon na maagang nagbubukas. Mga lima silang naroon kasama na ang mga nagmamasa ng tinapay. Si mama naman na ang tumatayong owner doon, at ang pangalan ng pinatayo namin ay lola perla‘s bakery. Malapit iyon sa paaralan kung saan ako nagtuturo, hindi na rin naman na masama ang perang kinikita naman dahil maganda nga ang pwesto nito. NANG umagang ‘yon, sabay na kami ni mamang umalis. Sumakay lamang kami ng tricycle dahil wala naman na din kaming magagamit dahil na kay papa ang sasakyan namin. Nasa flower farm pa rin naman na siya, inaasikaso iyon kahit na tuluyan na siyang lumubog. Kahit na anong gawin namin, mas malakas na talaga ang ibang flower farm na nalalapit sa lugar namin. “Hindi na ako uuwi para magluto, baka didiretso din naman na ang papa mo dito. Kung gusto mo, kumain ka na lang din dito.” umiling ako kay mama. Nasa harap na kami ng bakery, ilang lakad lang naman din ang mararating na ang harapan ng iskwelahan. “Magluluto sila ngayong araw, ma. Libre ang pagkain namin. Bukas na lang tayo magluto.” “Ganun ba? Kung ganon, bukas na nga lang. Sige na, pumasok ka na..” tumango ako. Binati ko pa ang ilang katuwang ni mama na nasa loob ng bakery, nginitian nila ako at binata rin ng magandang umaga. Matapos iyon, tuluyan na nga akong tumuloy sa paaralan. Wala naman ng klase ngayon dahil nga nag-anunsyo sila ng pagpupulong. Alam ko naman na tungkol ito sa aksidenteng nangyari, may nagrereklamo ‘ding ilang magulang tungkol sa ilang sirang gusali. Ngunit magagawan naman namin iyon ng paraan, naghihintay lamang kami ng pondo mula sa tulong ng ibang opisyal. Halos kalahating araw ginanap ang pagpupulong na iyon. May nakausap rin kaming mga magulang na silang nagrereklamo tungkol sa sirang gusali. Kung hindi daw maaksyunan iyon. Baka tuluyan daw nilang i-report ang paaralan, hindi naman na kami pumayag doon. Pinaki-usapan naman namin ng maayos ang mga magulang at binigyan nila kami ng ilang buwan para maayos ang ilang sirang gusali. “Nabalitaan mo ba? May mangyayaring demolisasyon sa santa ines..” nangunot ang noo ko kay papa matapos niyang sabihin ‘yon. Madilim na ang langit ang nasa flower farm pa rin kami, tinutulungan ko siyang magligpit dahil nasa bakery pa sila mama. “Saang parte po ng santa ines? Iyong lumang bodega po ba ng mga bigasan?” “Hindi anak, iyong paaralan. Kung saan mismo ka nag-tuturo. Hindi mo ba iyon nabalitaan?” Natigilan ako saglit sa narinig. “Hindi po nila pwedeng gawin ‘yon. Sakop iyon ng gobyerno, at saka. Paaralan iyon ng mga bata.” “Ang sabi ng principal doon sakin, kanina ng masalubong ko siya. Nagbayad daw ng malaking halaga ang nakabili sa pwesto, magpapatayo sila ng paaralan muli. Iyong bago daw kasi luma na masyado ang mga gusali..” hindi agad ako nakasagot, alam ko ‘ngang may bumibili sa lupaing iyon kung saan nakatayo ang paaralan. Ngunit wala pa naman kasiguraduhan. “Sino po ba ang nakabili ng lupa?” “Wala silang sinabing pangalan, anak. Pero alam ko. Mayamang tao sila..” “Kahit sino man po sila, kahit mayaman. Hindi nila pwedeng gawin ang gusto nila, hindi kami papayag ‘don. Maraming magrereklamo...” Tumango lamang si papa, dahil sa kaisipang iyon. Hindi halos naging maayos ang pakiramdam ko, halos anim ng taon ang lumipas. Limang taon na ang nagtuturo doon, minahal ko na ang paaralan. At ang lugar na ‘yon, doon ako natuto. Kaya‚t hindi ako papayag na mawawala iyon. ****** to be continued..... Ito na ang simula ng laban, HAHAHAH charot lang po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD