(The old Philip)
Chapter 21
Third Person Pov.
K I N A B U K A S A N....
MAAGANG nagising si winter para sa kanyang interview. Bukod tanging resume lamang ang dala niya na ginawa pa nito kagabi, kahit naman na kilala nila calix ang company owner. Kailangan pa rin niyang dumaan sa prosesong iyon upang maging patas sa kapwa niya empleyado.
Bago siya umalis, nag-almusal muna ito kasabay ng pamilya ni calix. Hindi naman masyadong naiilang si winter, pinaparamdam naman ng magulang ni calix na talagang welcome siya sa bahay. Hindi na rin ito gaanong nag-isip ng gabing iyon, kumportable naman na din siya sa kanyang silid kung kaya't naging maayos ang tulog niya.
“Goodluck sa exam mo..” ngumiti ang binata sa sinabing iyon ng dalaga. Nakasakay na sila ng kotse, patungo na sila sa kumpanya kung saan magtatrabaho si winter.
“Yes, thankyou. Sana makapasa, para makapag-training agad..”
“Isang taon ba ang training na 'yon?” tumango si calix.
“Oo, baka sa pampanga pa. Iniisip ko na nga 'yon eh, feeling ko mahohomesick ako...”
“Mabilis lang naman ang araw, cal. Pagkatapos naman ng training magiging pulis ka na, finally..” naging maganda ang ngiti ni calix sa sinabing iyon ni winter.
“Oo nga, noong bata tayo. Baril lang na laruan ang nilalaro ko, naaalala mo pa 'yon?” mabilis na tumango ang dalaga.
“Wala naman akong nakakalimutan sa nakaraan natin eh, ang saya 'ngang balikan 'yon. Yung halos naglalaro lang tayo, wala tayong ibang iniisip kung paano palilipasin ang inip natin sa paglalaro...” bumuntong hininga si calix bago tumango. Kahit na nakangiti ang dalaga, malungkot pa rin ang tinig nito. Tiyak na naaalala naman nito ang lola niya.
“Mas masaya naman ngayong malaki na tayo, yung mga pangarap kasi natin. Matutupad na..”
“May punto ka..”
“Yung sayo, nahuli lang. Pero alam ko, magiging successful ka rin, malakas ka eh, magaling at nakakayanan mo lahat...”
Ngumiti si winter sa kaibigan. “Salamat, calix. Alam mo ba? Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayon sakin kung wala akong kaibigan na nagpapalakas ng loob ko, nagpapasalamat ako sayo..”
Natawa si calix. “Sus, winter. Hindi naman ako umalis sa tabi mo eh, lagi lang akong mananatili sa tabi mo. Magkaibigan tayo...”
“Alam ko, kaya nagpapasalamat ako sa'yo..”
Tumango si calix. Alam niyang pinipilit nitong maging maayos siya, kilala niya ang kaibigan nitong si winter. Matatag siya, kung may darating man siyang problema ay makakayanan niya iyon.
Ngunit itong nangyari sa kanya, sobra-sobra. Kung kaya't kahit anong mangyari ay pinipilit ni calix na manatili sa tabi niya upang damayan siya.
ALAS OTSO pasado ng marating nila ang company trade na papasukan ni winter. Isa iyong company about sa mga clothing brand, mga dresses at high jeans na nagpoproduce sa iba't-ibang bansa o kaya sa iba't ibang botique at mall.
Malaki nga iyon base sa paningin ni winter. Maraming empleyado at karamihan ay napaka-ayos ng kanilang kasuotan, ganoon rin naman na ang dalaga. Naka-office attire siya at katamtamang taas ng black shoes na may heels. Ang buhok niya'y nakatali ngayon habang simple lamang ang kanyang ayos. Hindi naman na talaga nakasanayan ni winter ang pag-aayos sa sarili, kung ano siya noon. Hangga ngayon ay iyon pa rin ang dating ng panlabas niya.
“Excuse me, nasa office na ba si mr montelukas?” si calix na ang nagtanong sa front desk habang nililibot naman na winter ang paningin niya sa kabuuan ng gusali.
“Nasa opisina na po si sir, may appointment po ba kayo?”
“Yes, may interview ngayon ang kaibigan ko.”
Tumango ang babae bago i-check ang computer niya. “Si Ms Winter Villapania po ba?”
“Yes, ako ang anak ni leonore montemayor..”
“Oh, sorry sir. Tatawagin ko lang ang secretary ni sir...” madaling kumilos ang babae upang tawagan sa telepono ang secretary ng boss nila. Sumagot naman na iyon agad at sinabing umakyat na sila sa 16th floor kung nasaan ang opisina ni mr. montelukas.
Matapos ng pag-uusap nila, pinaakyat na nga sila ng babae sa 16th floor. Nasabi nito na naghihintay doon ang secretary ni mr montelukas upang igaya sila sa opisina nito.
Halos magtagal ng limang minuto ang pag-akyat nila sa 16th floor. Mataas ang gusaling kinaroroonan nila, maraming palapag iyon at tiyak na malulula ka sa taas ng kinaroroonan mo kung titingin ka sa bintana.
“Goodmorning, are you ms villapania?” tumango si winter, nasa tabi lang naman niya si calix at hinayaan na nito ang kaibigan na siya ang makipag-usap sa sekretarya. Alam naman niyang hindi na siya makakapasok sa loob dahil nga sa interview ng kaibigan niya.
“Mr Montelukas is waiting inside..” iginaya siya ng secretary patungo sa opisina. Samantalang si calix ay naupo na lamang sa waiting area, tumagal ng bente minutos ang interview. Mabait naman na ang ginoo na nag-interview kay winter, agad siyang in-asign sa nasabing pwesto ni calix. May isang empleyado na sinamahan siya sa pwesto matapos magpaalam ni calix na aalis na siya.
Hindi rin naman na masyadong kinakabahan si winter kundi nakakaramdam pa ito ng excitement. First time niyang magtrabaho, at kung tutuusin ay maalam naman na siya sa financial at computer. Doon siya na-asign, tinuruan siya ng isang head officer nila kung anong gagawin. Hindi naman na nahirapan si winter kundi nalibang ito, nagustuhan niya ang kanyang posisyon dahil na rin hindi naman na nakakapagod iyon.
Lumipas ang araw na 'yon na naging palagay na si winter sa lahat ng katrabaho niya. Natapos rin ni calix ang exam nito at lalabas ang resulta sa susunod na buwan, bawat araw na dumadaan ay hinahatid siya ni calix at susunduin niya ang dalaga sa oras ng uwian niya.
Nine hours lamang ang duty ni winter. Umaga lang ang trabaho nito ngunit hindi sila libre ng pagkain, may sariling canteen ang kumpanya at doon tumutungo si winter kung oras na ng kanilang breaktime.
“Ayos lang ba ang trabaho niyo?” tumango si winter sa tanong na iyon ni calix. Isang buwan na siyang nagtatrabaho ngayon, at ngayong gabi ang ikalawang sweldo niya. Kinsenas katapusan ang sahuran doon kaya't hindi naman na nahihirap si winter sa budget niya.
“Nag-eenjoy naman na ako...” tumango si calix.
“Malalaman ko na ang resulta bukas, baka kung pumasa ako. Next week na kami pupunta ng pampanga..”
“Kung ganon, mag-iingat ka 'don. Galingan mo..”
“Kung gusto mo, gamitin mo na lang ang kotse ko.” natawa si winter.
“Hindi ako marunong magmaneho, cal. Kaya ko naman ng magcommute.”
“Tsk, communte? May driver naman sa bahay, ipahahatid at ipasusundo kita sa kanila..” makailang beses muling umiling ang dalaga.
“Hindi na, gusto ko naman 'yon. Isang sakayan lang naman eh..” bumuntong hininga si calix sa sinabing iyon ng dalaga. Wala naman na din siyang mapapala kung makipagtatalo pa ito tungkol sa service niya. Kilala nito ang kaibigan, ayaw lamang niyang mag-abala pa ng ibang tao para lamang ihatid siya sa trabaho.
“May pupuntahan pa pala ako bago tayo umuwi.” tumango si winter.
“Sige, ayos lang. Saan ba?”
“Doon sa friend ni mama, pinabibigay niya 'yung mga bag na dala ko.” itinuro ni calix ang mga paperbag na nasa likuran ng sasakyan. Nakita nga iyon ni winter at nasa mga tatlong paperbag ang naroon. “Birthday niya kahapon, regalo daw niya..”
“Si tita ba?”
“Busy siya ngayong gabi eh, kung sabagay. Gabi-gabi naman, iniisip ko nga kung paano sila pag nagtraining na ako...”
“Pwede naman na akong tumulong sa kanila pag gabi. Kahit hanggang alas nuebe lang..”
“Sus!” nalukot ang mukha ni calix. “Huwag mong gagawin 'yon! Your working too, naiintindihan ka naman na ni mommy!”
“Wala din naman akong gagawin pag gabi eh.”
“Pumupunta si philip doon, pati yung mga kaibigan niya. What if magkita kayo? Sa tingin mo ba papayag siyang naroon ka?”
“Okay naman na siguro si philip ngayon eh..”
“Okay? Isang buwan pa lang winter. Kung alam mo lang madalas na pumupunta doon si philip, and he look's misirable..” hindi nagbigay imik ang dalaga. Sa totoo lang, pinakawalan na niya ng husto si philip. Although 'yung feelings niya ay naroon pa rin ngunit hindi na kasi pwede.
Para sa kanya, ang nangyaring pagmamahalan nila ni philip ay isang magandang alaala para sa kanya. At ang nakaraan nila ay mananatili na lamang iyon sa nakaraan, hangga doon na lamang 'yon.
“Wala naman ng mangyayari pa kung magkita man kami ulit. Kung ano na ang naging desisyon ko, yun na 'yon. Tapos na kami, at wala na akong dapat ikabahala pa...” bumuntong hininga si calix. Mabilisan lamang niyang tiningnan ang kaibigan bago muling magfocus sa pagmamaneho. Hindi na rin naman siya nagbigay ng imik pa, hinayaan na lamang nitong manahimik ang dalaga hangga sa marating nila ang bar ng kaibigan nang mommy niya.
Nais sanang maiwan ni winter sa loob ng kotse upang hintayin na lamang si calix doon. Ngunit dahil baka matagalan daw ang binata sa loob, pinilit na niya itong sumama upang hindi na siya mag-alala pa kay winter.
ISANG sikat na bar rin iyon. Ang nagmamay-ari dito ay kaibigan ng mommy niya na may kaarawan kahapon. Dahil busy masyado si leonore, si calix na lamang ang inutusan niya upang ipadala ang regalo nito.
Medyo maingay sa loob kahit alas siete pa lang ng gabi. Ganito kasi ang oras ng labas ni winter, papasok siya ng alas diyes ng umaga at lalabas ito ng alas siete.
“Nasa itaas si tita..” hawak ni calix ang kamay ni winter dahil marami na 'ring costumer sa loob. Umakyat sila ng hagdan upang tumungo ng second floor. Sa bar counter sa itaas, naroon ang nasabing kaibigan ng mommy niya. Mabilis nitong nakita si calix kaya't lumabas siya roon at niyakap ang binata.
“Bakit hindi kayo nag-attend kahapon?” pilit na ngumiti si calix sa tanong ng ginang.
“Masyado po kasing busy eh, pinapasbi po ni mommy na pasensya na. May pinabibigay po siya sa inyo..”
Inabot ni calix ang regalo para sa ginang. “Naku, ang mommy mo. Nanunuyo dahil alam na galit ako. Halika, maupo muna kayo. Gusto mo ba ng maiinom?”
“No, tita. I'm with my friend po.” nilingon ni calix si winter na ngayo'y nasa gilid niya. Nginitian ito ng ginang bago batiin.
“Hi, kaibigan ka lang ba talaga ni calix?” natawa si calix sa tanong na iyon ng ginang, samantalang si winter ay hindi nakasagot dahil hindi nito alam ang sasabihin.
“Magkaibigan lang po kami, tita..”
“Sus, ikaw bata ka. Ang ganda ng babaeng ito at kaibigan mo lang?”
“Opo, maganda po talaga siya. Pero magkaibigan lang po talaga kami..” umiling ang ginang, tila ba hindi siya kumbinsido sa sinabi ni calix ngunit hindi na rin naman na siya nangulit pa. Nagtawag na lamang ito ng waiter at naghingi ng juice para sa dalawa.
“Alam kong hindi umiinom ang kaibigan mo, kaya mag juice muna kayo. Gusto niyo ba ng pagkain?” umiling si calix.
“No, tita. We're going home na later, may kailangan pa po akong puntahan..”
“Oh sige, pakisabi kay leonore salamat sa regalo niya. Pero dapat pumunta na siya this tuesday sa lakad namin, sabihin mo yun, hm?” tumango si calix nakangiti. Bago pa humaba muli ang usapan nila, nagtanong si winter kung nasaan ang banyo ng mga pagbabae. Itinuro iyon ni calix at balak sana siyang samahan ngunit umayaw na ang dalaga.
“Ako na, kaya ko. Hintayin mo na lang ako diyan..” walang nagawa si calix kundi ang maupong muli. Nasa dulo pa ang banyo kung saan madadaanan ni winter ang ilang lamesang may nag-iinuman. Wala din naman na siyang pakialam pa sa ibang costumer. Nakayuko lang ito at diretsong naglakad patungong comfort room.
Halos limang minuto lang ang itinagal niya sa loob. Hinugasan niya muna ang kanyang kamay bago tuluyang lumabas ng banyo, sa paglabas nito may mga nakasalubong pa siyang babae na nagsisitawanan. Umiwas siya at idinikit ang sarili sa pader, amoy alak ang mga babae na hinaluan ng mababagsik na amoy. May pinag-uusapan sila tungkol sa isang lalake na umagaw ng kanyang atensyon.
“Lumipat sila giovanni dito sa itaas, pwede na natin silang lapitan..” hindi man sigurado si winter kung ang giovanni na tinutukoy nila ay ang kaibigan ni philip. Ngunit ang kaba sa kanyang dibdib ay mabilis na nabuhay, para bang kabayong tumatakbo ngayon ang puso niya sa sobrang bilis ng pagtibok nito.
“Ang sungit naman na kasi ng kasama niya. Hindi malapitan ng ibang babae, baka deadmahin lang tayo..”
“Naku, hindi yan. Mag-apply ka ulit ng lipstick mo!”
Pinilit ni winter na ayusin ang sarili. Kung ganon may kasama si philip, hindi niya malaman kung paano pa hahakbang upang silipin ang daraanan niya. Ngunit hindi niya inaasahang matatanawan nito ang pwesto nila giovanni malapit sa kanyang pinagtataguan.
Napalunok siya.
Si giovanni lang naman ang nakikita niya at ang kasama nito'y nakatalikod at hindi niya nakikita ang mukha. Ngunit gayun man, hindi niya maaaring itanggi na si philip ang lalakeng nakatalikod na iyon. Kahit ano yatang ayos at suot ng binata, hindi niya ito makakalimutan. Kahit na nakatalikod o nakatagilid ang pwesto niya ay tiyak na makikilala niya ito.
“Ang sungit mo naman!” iyon ang narinig niyang sinabi ni giovanni. Hindi kumibo si philip sa kabilang banda, iwas lamang ang kanyang tingin habang pinaglalaruan ang yelo sa baso niya. “Hindi ganon ang tamang pagtrato sa mga babae, philip. Pinapaligaya ang mga 'yan!”
“Will you please stop saying nonsense?” natawa si giovanni sa sinabing iyon ng kaibigan. Lumagok pa ng isang beses si philip at tuluyan ngang inubos ang laman ng baso niya. Maaga pa lang ay nandito na sila, wala ng inatupag ang binata kundi ang pagrebelde. Kung saan-saang bar na lamang siya natatagpuan, marami din siyang bisyo na muli ay binalika niya. Muli itong bumalik sa pagkakarera, paninigarilyo at paglalasing. Ngunit ang pagba-babae ay hindi niya inaatupag, iniisip niya na baka pag ginawa niya iyon ay para siyang nagtataksil kahit na libre naman na siya.
“Don't tell me, ganyan ka na lang? Ikaw na nga mismo ang nagsabi na isa ka lang karanasan para kay winter! Edi kalimutan mo na siya, dvmn philip. There's a lot of hot girls here! Makakakita ka pa ng mas higit sa kanya!”
“Yeah, i know..” iyon ang sagot ni philip. “But, i can't just forget our memories. Ang laki ng impact niya sakin, para na akong masisiraan!”
“I told you. Umpisahan mo ng maghanap ng iba, tingnan mo. Gagana iyon, sure ako!” uminom si giovanni sa baso niya bago sumandal si philip. Kinuha rin ni giovanni ang cellphone nito upang sana'y maghanap ng babae sa messenger niya. Ngunit nakita nito ang profile ni calix, actually. Noong isang araw ay nakita niya nga na nag-update ito ng itim na larawan sa f*******:, iniisip niya nga kung sino ang namatay kung gayong buhay naman na ang mga magulang niya.
“Bakit kaya black ang profile picture ni calix?” sumimangot lang si philip sa tanong ni giovanni.
“Why are you asking me? Malay ko! Bakit hindi ang lalakeng iyon ang tanungin mo!”
“Tsk, daig mo pa ang may dalaw. Hindi ba't sign ito na may pumanaw na relatives niya? Sino ang namatay?”
“Bingi ka ba? Bakit ka sakin nagtatanong?”
Nangiwi si giovanni sabay bulsa sa phone nito. May nakita na kasi siyang dalawang babae na ngayo'y palapit sa kanilang pwesto. Huminto sila sa kanilang gilid dahilan upang mapangisi si giovanni, samantalang si philip ay nagsalin lamang ng alak sa baso niya.
“Can we join us?” tumango si giovanni, tiningnan si philip sabay kindat sa kaibigan. Umismid lang ang binata bago kumuha ni sigarilyo sa bulsa nito. Habang sinisindihan ni philip ang kanyang sigarilyo, naupo naman na ang isang babae sa tabi niya. Saktong pagharap ni philip sa dalaga, ay siya namang pagbuga ng usok nito sa mukha.
Imbes na magalit ang dalaga, nangiti lamang ito sabay kuha sa yosi na nasa labi ni philip. “I like smooking too..” aniyang sabi sabay tikim sa sigarilyong kinuha niya kay philip.
“Gusto mo ba sa lalake ang naninigarilyo?” hindi alam ni philip kung bakit naitanong niya iyon. Ngunit hindi sumagot ang babae, kundi. Hinawakan lamang niya ang pisngi ni philip at mabilis na hinalikan ito.
Dahil sa nangyaring iyon, ang dalaga na nanunuod sa dulong pwesto na si winter, unti-unting nilamon ng sakit ang puso niya. Dahil sa naramdaman niya, hindi na nito napigilang tumakbo upang umalis na sa lugar na 'yon. Hindi na niya inisip pa kung makikita siya ni philip o giovanni. Ang importante ngayon sa kanya ay ang makaalis na sa lugar na 'yon.
Matapos halikan ng babae si philip, doon lamang nagmulat ang binata. But philip was dissapointed. Si winter lang din naman ang iniisip niyang humalik sa kanya.
“I don't like your taste..” kumento ni philip dahilan upang maglaho ang kasabikan sa dalaga.
....“Ang babaeng gusto ko, iyong hindi naninigarilyo. Iyong itatapon ang yosing iyan sa harapan ko...”
Matapos sabihin iyon ni philip, tumayo na siya. Iniwan na niya ang mga taong kasama nito kahit nais niya pang magbabad sana sa alak.
*********
to be continued....
Sa tingin niyo, magkikita pa ba sila winter oh lilipas muna ang mahabang taon bago muling magkrus ang landas nila?