(Bagong Simula)
Chapter 20
Winter Pov.
MATAPOS ang libing ni lola, nagsimula ng magbago ang buhay ko. Parang hindi na sapat sa akin ang magising ng umaga dahil wala na siya sa bahay, hindi halos ako sanay. Ang pangungulila sa sistema ko ay naroon pa rin kahit na isang linggo na ang lumipas.
Alam 'kong marami ang nagbago, dahil nasanay akong kasama araw-araw si lola. Hindi pa rin ako sanay ngayon na wala siya, hinahanap-hanap ko pa rin ang tinig niya. Ang pag-ngiti nito at madalas na pagbibigay sakin ng payo.
Hindi ko na naman maiwasang maluha habang nasa aking silid. Alas siete na ng umaga, alam ko dapat ay nakatayo na ako at tumutulong kay mama. Ngunit tila ba nakakawalang ganang bumangon, alam kong mali ang magmukmok at hayaan sila. Hindi rin lang naman ako ang nawalan, pati din sila. Pero ang sakit kasi.
“Wen?” mabilis na napunasan ko ang aking luha matapos marinig ang tinig ni mama. Kumatok siya dalawang beses dahilan upang bumangon ako para pagbuksan siya ng pinto.
Seryosong mukha ang bumungad sa akin ng makita ko si mama. Yumuko ako bago suklayin ang aking buhok.
“May bisita ka...” nag-angat rin ako ng tingin matapos marinig 'yon. Ngunit mabilis ko 'ring naalala na si calix lang naman ang madalas na bumibisita sa akin.
“M-maghihilamos lang po ako s-saglit..” bumuntong hininga si mama bago tumango. Hindi rin naman siya nagbigay imik matapos kong kumuha ng towel sa gilid ng pinto. Lumabas agad ako ng silid upang sa ibaba maghilamos, nasabi ni mama na maghihintay na lamang sila sa sala upang hindi mainip doon si calix.
Hindi na ako nag-abalang magbihis pa matapos kong maghilamos. Dumiretso ako sa sala kung saan naroon nga si calix at mama, may nakagawa ng kape para kay calix. Maayos din ang kanyang porma na para bang may pupuntahan.
Ngumiti siya sakin matapos kong maupo sa harapan niya. Nagpaalam din saglit si mama na aayusin muna ang mga almusal ng trabahador namin.
“I'm going back on manila today...” tinitigan ko lang si calix matapos niyang sabihin iyon. “Ayaw mo bang sumama sakin?”
Nangunot ang noo ko. “Wala akong gagawin sa manila, calix..”
“Pwede 'kang maghanap ng trabaho mo doon. May kilala akong naghahanap ng assistant niya.” hindi ako kumibo sa sinabing iyon ni calix. Naisip ko rin naman na iyon noon bago ilibing si lola. Nasabi ko sa sarili na kailangan kong maghanap ng paglilibangan upang hindi ko siya gaanong mamiss.
Ngunit sa manila?
Paano kung magkita kami ni ashong doon?
“Malayo ito kay philip, huwag mong isipin na magkikita ka kayo roon. Alam ko naman na hindi mo siya nais makita...” bumuntong hininga ako.
“Isang kumpanya ba iyan?” tumango si calix.
“Kilala siya ni mommy, costumer namin ito sa bar. Hiring ang company nila, maraming pwesto kang pwedeng pagpilian..”
Nagbaba ako ng tingin, nag-iisip ako kung ano ang magiging desisyon ko. Siguro nga kailangan ko ng magtrabaho upang hindi ako masyadong maging malungkot dito sa bahay. Wala naman na din akong magagawa pa, kahit anong iiyak ko dito at magkulong sa aking silid ay hindi na maibabalik pa ang buhay ni lola.
“I'm going to take the board exam tomorrow. Sasamahan rin kita sa magiging boss mo upang makapagtrabaho ka agad...” tumango ako bago tipid na ngumiti.
“Sige, payag na ako. Ngunit ayoko sa front desk. Kung pwede sana'y doon mismo ako sa opisina..”
“Wala namang problema 'yon, winter. Malaki ang company nila, pwede ka kahit saan mo gusto...” tumango ako, hindi na umimik pa. “Gusto lang kitang tulungan upang huwag kang masyadong malungkot dito. Alam kong dinaramdam mo pa ang pagkawala ni lola, pero. Ayokong magkasakit ka, kaya't naisipan kitang puntahan dito...”
Pilit na ngumiti ako sa sinabi niyang iyon. “Salamat, cal. Ganun lang siguro, masakit talaga pag sariwa pa ang nangyari, hindi ko agad makakalimutan si lola...”
“Hindi ko naman sinasabing kalimutan mo si lola. Mananatili lang siya sa isip natin, pero 'yung sarili mo. Masyado mo ng pinapabayaan, nagsumbong sa akin si tita. Hindi ka daw masyadong kumakain, lagi ka lang daw nasa kwarto mo't nakakulong...”
“W-wala naman kasi akong ibang g-gagawin eh. Pag nasa labas lang ako, n-namimiss ko lang si lola, parang mas madalas ko siyang m-maalala pag nasa labas ako. K-kaya't nagkukulong na lang ako sa kwarto...”
Napabuntong hininga si calix. “Kaya nga abalahin mo ang sarili mo, your still have a family. Kung sino na ang mga narito, sila na ang pahalagahan mo. Magsimula kang muli, magtrabaho ka. And next year, try to passed the board exam upang matupad mo ang pangarap sayo ni lola...” nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa sinabing iyon ni calix. Doon na din dumating si mama kung saan nakita nito ang pamumula ng mata ko. Napabuntong hininga siya bago maupo sa tabi ko, niyakap ako nito at hinayaan na 'ngang umiyak.
“May punto si calix, anak. Alam kong malapit ang loob mo sa lola mo, pero. Hindi naman pwedeng tumigil ka na, magsimula kang muli. Mas matutuwa ang lola mo sa gagawin mong iyon...” tumango ako kay mama habang nakayakap pa rin siya sakin.
“P-pasensya na po, m-ma. M-masyado po akong naging m-mahina, alam ko pong n-nahihirapan din kayo, s-sorry po...”
“Sshhh..” hinaplos nito ang buhok ko, pinapatahan ako sa paraang iyon. “Normal lang ang maging mahina sa ngayon, pero alam ko. Makakabangon muli tayo, matutupad mo lahat ng pangarap sayo ng lola mo...” muli ay tumango ako, dumistansya ako kay mama at doon pinunasan ko ang luhang nasa pisngi ko.
“Sasama na po muna ako kay calix, ma. May in-offer siyang trabaho sakin. Baka doon muna ako kila tita leonore...” tumango si mama, mabilis siyang pumayag at hindi na nagdalawang isip pa.
“Kung ano ang makakabuti sa'yo, doon ako. Mag-iingat ka lamang muli sa manila, tumawag ka lagi hm?” tipid akong ngumiti bago tumango. Maayos na rin naman lahat ng utang ni mama. Nabayaran niya lahat iyon matapos mailibing si lola, samantalang si calix ay hindi na nagpabayad pa. Nasabi nito kay mama na idagdag na lamang namin iyon sa pang-gastos araw-araw.
Hindi na rin naman na nagpumilit si mama dahil kilala niya na si calix. Sila tita raquel naman at trixie ay hindi nakauwi habang nakaburol si lola, mahina na kasi ang daddy ni trixie. Nakaratay na lamang siya sa higaan at hindi na nakakatayo pa dahil sa malubhang sakit. Samantalang si trixie naman ay hindi makakauwi dahil hinarangan ang passport nito. Napag-alaman namin na nabaon pala sa utang ang daddy niya, kung kaya't ang pangalan nila ay naka-banned sa airport at hindi sila maaaring lumabas ng bansang iyon.
DAHIL nga sa alok ni calix sakin, napag-desisyunan ko ng sumama muna sa kanya upang makapagtrabaho. Para nga naman din sa akin ito, upang hindi ako masyadong mag-isip at malungkot. Siguro nga ay kailangan ko ng ayusin ang buhay ko, masyado na akong bagsak. Hindi ito ang pinangarap ko sa sarili sa ganitong edad, iniisip ko dati. Sa edad kong ito ay magiging guro na ako, papasa ako sa bawat exan at mabibigyan ng lisensya.
Pero ano ako ngayon?
Lugmok at mahina.
Tama si mama, hindi magiging masaya si lola kung nakikita niya akong ganito. Kailangan kong bumangon, kailangan kong mag-umpisang muli.
“Mag-iingat ka doon, anak..” tumango ako kay papa, nasa flower farm na kami dahil magpapa-alam muna ako kay papa bago umalis.
“Opo, salamat po..” bumuntong hininga si papa.
“Pasensya na anak, kailangan mo pang tumungo roon upang magtrabaho...”
“Si papa talaga, matanda na po ako. Kaya ko ng magtrabaho, dapat po ay tumutulong na ako sa inyo...” umiling si papa.
“Hindi, huwag muna anak. Tuparin mo muna ang pangarap mo, gawin mo muna lahat ng gusto mo..”
“Ang gusto ko po ay ang makatulong sa inyo, ang maibangon ang farm at maipatayo ang nais na baked shop ni lola perla...” tipid na ngumiti si papa bago tumango. Wala din naman na siyang sinabi pa kundi niyakap lang niya ako ng mahigpit.
“K-kasalanan lahat 'to ni p-papa, k-kasalanan ko kung bakit n-nahihirapan ang a-anak ko...” humiwalay ako kay papa bago mariin na umiling.
“Wala kayong kasalanan, pa. Bakit ganyan ang iniisip niyo?”
“A-ayaw sayo ni angelina dahil sakin, nadamay pa ang relasyon ninyo ni philip. Lalong lalo na ang lola mo, k-kaya't nasa akin ang sisi anak..”
Natawa ako ng pagak bago umiling muli. “Si angelina lang ang may kasalanan pa, nasa kanya 'yon kung bakit hindi pa siya nakakalimot! Huwag po ninyong sisihin ang sarili niyo!”
Bumuntong hiningang muli si papa.
“Kahit saan mo tingnan anak, ganun iyon. Ang nais ko lang, huwag kang maging mahina. Kung darating man ang araw na magkita kayo ni philip, sana'y kayo pa rin...”
“Kung iyon ang nakatadhana pa, hindi natin iyon mababago. Kung ano ang mangyayari sa hinaharap, hindi natin kontrolado, kaya walang sisihan, papa...”
Dahil sa sinabi kong iyon, muli akong nakatanggap ng mahigpit na yakap kay papa. Humingi muli siya ng paumanhin na siyang tinanguan ko na lamang.
At bago kami tuluyang lumisan, humingi pa muna ako ng bulaklak upang ilagay iyon sa puntod ni lola. Balak naming dumaan doon ni calix bago kami tuluyang lumuwas ng manila.
Malaki din ang pasasalamat ko kay calix dahil totoo nga siyang kaibigan. Nagkaroon man kami ng relasyon noon, at hindi naging maganda ang pagwawakas namin. Nanatili pa rin siyang tapat na kaibigan sakin, hindi siya umalis at heto siya'y iniisip pa rin ang kapakanan ko.
Matapos naming makarating sa puntod ni lola. Inilapag ko na agad ang dalang bulaklak sa harapan nito bago alisin ang ilang dahon na humarang sa pangalan niya.
Napabuntong hininga ako.
Kung dati ay si lolo lang ang dinadalaw ko sa ganitong eksena, hindi ko expected na darating ang araw na ito at si lola naman ang siyang pagdadalhan ko ng bulaklak.
Nakakalungkot at sobrang nagbabara ang aking lalamunan dahil sa naiisip ko.
“A-aalis na po m-muna ako, l-la..” kahit paos ang boses ko, pinilit ko pa rin magsalita upang magpaalam na kay lola. “M-magtatrabaho po muna ako, mag-iipon po ako ng pera para sa susunod na exam ko. P-pangako po, gagawin ko na ang b-best ko para maipasa 'yon. T-tutuparin ko ang mga pangarap natin, l-lalong lalo na ang bakedshop niyo...” mapait akong ngumiti, may umagos na luha sa aking pisngi ngunit pinahid ko iyon ng mabilis.
“Sa susunod na dadalaw po ako, ipagdadala ko kayo ng paborito niyong kakanin. Pero, sa ngayon po muna. M-maiiwan ko po muna kayo d-dito, s-sana po m-masaya kayo ni l-lolo diyan, m-miss ko na po k-kayo...”
Kinagat ko ang labi, hindi ko talaga mapigilang umiyak. Ang inipon kong pagpipigil kanina ay minsanan lamang bumuhos. Naramdaman ko ang paghaplos ni calix sa likuran ko, pinilit kong huminga ng malalim bago pakalmahin ang sarili. Tumayo na rin ako at mabilis pinunasan ang mga luha sa mata.
“Tara na?” nakatingin lang sakin si calix, para pa siyang nag-aalinlangan ngunit bumuntong hininga rin ito bago tumango.
Gaya ko, nagpaalam din siya kay lola. Alam kong naging masaya naman si lola ng mga panahong magkasama kami, ang kaso lang. 'Yung saya na nais kong makita ay hindi nangyari, hindi na talaga mangyayari iyon, hindi na masisilayan ni lola ang pagtuturo na gagawin ko sa mga bata.
Napabuntong hininga ako.
Nakasakay na ako sa kotse ni calix, tahimik lang ako habang nakatingin sa bintana. Dahil sa sunod-sunod na nangyari sa buhay ko, parang nawalan ako ng pake sa paligid ko.
“Matulog ka muna, gigisingin na lamang kita sa oras na makarating tayo ng manila..” hindi ako nagbigay imik kay calix, nakasandal lang ako sa upuan. Inaantok nga ako kung kaya't ipinikit ko ang aking mga mata.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaidlip ngunit kusa lang akong nagising ng makarinig ako ng busina.
Pagmulat ko, marami ng sasakyan sa labas ng bintana at napapalibutan na kami ng matataas na gusali. Nilingon ko si calix at doon nakita ko itong nakatingin sa akin.
“Bakit hindi mo ako ginising?” ngumiti siya.
“Ginigising kaya kita, ang sarap ng tulog mo. Napuyat ka ba kagabi?” nag-iwas ako ng tingin.
“H-hindi lang ako maagang nakatulog..”
“Why don't you watch a movie before you sleep, kesa naman iyong nag-iisip ka..” hindi ako sumagot. Hindi ko rin naman na ginagamit 'yung cellphone ko, naiwan ko nga lang iyon sa bahay at bukod tanging ilang pares lang ng damit ang dinala ko.
Iyon lang, hindi na ako nagdala ng kahit ano dahil nasabi ni calix na kumpleto naman daw doon sa bahay nila. Kaya't iilan lamang ang dinala kong damit.
“Nakausap ko si mommy kanina, nabanggit kong pauwi tayo ngayon...” nilingon ko si calix. “Nasabi ko rin kay mommy na willing kang magwork bukas, ang sagot niya. Pwede ka ng mag-start bukas, doon ka sa financial officer..”
Tumango ako sa sinabing iyon ni calix. “Mataas na posisyon na rin 'yon, basta. Ayokong mapwesto sa front desk o kahit saan na makikita ako..” nangunot ang noo ni calix.
“Parte pa ba ito ng pag-iwas mo kay philip?”
“Hindi lang naman kay philip, kundi sa mommy niya. Alam ko naman na maaari kaming magkita, ayoko lang na sirain niyang muli ang mga plano ko...”
“Hindi na mangyayari 'yon, wen. Hindi na ako papayag na galawin ka pa ng mommy niya. Baka kami na ang makalaban nito...” hindi ako nakasagot sa sinabi ni calix. Masyado rin salubong ang kanyang kilay kaya't hindi na ako nagsalita pa.
ISANG oras pa bago kami makauwi sa kanila, sinalubong ako ni tita leonore at binigyan ng mahigpit na yakap. Alam kong welcome ako sa bahay nila anytime, hindi ko lang maisip na muli akong makakabalik sa village na 'to.
“Your room is next to calix room, kung may gusto. Itanong mo lang sakin o hindi naman kaya sa mga maids, hm?” tumango ako kay tita.
“Sige po, maraming salamat po. Pasensya na po sa istorbo..”
“Sus, huwag mong sabihin iyan. Anak na kita, nanay mo na ako. Kaya't huwag mong iisipin na nakakaabala ka samin..” ngumiti ako, hindi ako nakasagot dahil nahihiya pa rin naman ako. “Pumunta ka muna doon sa silid mo, magpahinga ka. Alam kong pagod ka..” tumango ako bago ngumiti, hinatid niya ako sa silid na magiging kwarto ko bago ko makita si calix na inilapag ang bag na dinala ko.
“May mga office attire diyan sa cabinet, wala namang uniform required sa company na yon...” tumango ako sa sinabi ni calix.
“Yes, those clothes are mine. Bago pa sila at hindi pa nagamit. Ibibigay ko na iyon lahat sa'yo...”
“Naku, tita. Wag na, bibili na lang po ako.”
“No, winter. Your going to use that, hindi ko rin naman na sila masusuot...” nginitian ako ni tita bago kausapin si calix. Nagpaalam na rin siya sakin dahil may dadaluhan lang daw itong lunch date ng mga kaibigan niya.
Samantalang si calix ay hinayaan rin niya akong magpahinga. Sinabihan ko rin itong magreview ngayon dahil alam kong bukas na ang magiging exam niya.
Iniisip ko rin noon ang nangyaring naging resulta sa exam ko. Alam kong nag-aral ako ng mga araw na 'yon, pero aaminin ko sa sarili na nahihirapan ako dahil iniisip ko si ashong.
Iniisip ko ang lagay niya at pagsasama ng mga magulang nila.
Siguro nga ay napaka-ganda ng desisyong ginawa kong ito. Hindi ko naman hinihiling na patawarin ako ni ashong, ang sa akin lang. Maayos na siya, muli ng magbabalik ang dating buhay niya.
At ako, muli na rin akong mag-uumpisa. Tutuparin ko lahat ng pangarap ko at gagawin lahat ang nais ng pamilya ko.
Mag-uumpisa man ako ng bagong buhay, hindi ko kakalimutan lahat ng masasayang alaalang nasa isip ko. Mananatili lang iyon sa akin kahit iniwan na ako ni lola at nawala sa akin si ashong.
*********
To be continued....
Next part, fast forward na natin. Gusto niyo bang magkita sila agad? HAHAHAHA