(PAGSUBOK)
Chapter 19
Winter Pov.
Ang buhay ay isang biyaya ng diyos na hindi mo matatanggihan. Sa oras na mabuhay ka, wala kang ibang gagawin kundi ang maging masaya. Ngunit hindi lahat kinakaya ang pagiging masaya, minsa'y dumadating tayo sa punto ng buhay natin na sobrang lungkot, sobrang dami ng problema at hihilingin mo na lang sa diyos na mawala ka na.
Napaka-misirable ng buhay ko ngayon, hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nangyari ito. Mapapatanong ka lang sa sarili mong, naging masama ba ako? Wala naman akong ginawang masama para pagdaanan lahat ng ito.
Hindi ko maiwasang mag-isip, sumisikip ang dibdib ko sa bawat problemang meron ako. At ngayon, parang nawala na rin ang kalahati ng katawan ko dahil sa nangyari kay lola.
Hindi ako makapaniwala na ganon lang ang mangyayari, bakit ngayon pa? Bakit siya pa? At bakit ngayon pa kung kailan kailangan ko ng mga habilin niya.
I couldn't stop my tears when lola finally arrive at home. Mas pinili namin na sa bahay na lamang iburol si lola. This is unexpected day, lola was fine this morning and i don't have any idea why she end up here. Hindi ko siya halos matingnan kung saan siya ngayon nakahiga, hindi ko tanggap. Ayokong tanggapin dahil parang ang bilis naman yata ng pangyayari.
“Condolence, hija..” tumango lang ako kay tita leonore. Walang kahit na anong ekspresyon sa aking mukha dahil pinipigilan ko ang maiyak. Hindi ko alam kung may ibubuhos pa ang aking mata matapos namin isugod si lola sa ospital kanina. But sad to say, lola perla is dead on arrival. Ang sabi ng doctor inatake ito at hindi agad naagapan, after i heard that. I'm blaiming myself for not taking care of her, for not staying on her side because i'm still busy for anyone.
“I didn't expect the news, wen. Bakit biglaan ang nangyari?” kinagat ko lamang ang pang-ibabang labi bago mag-iwas ng tingin sa tanong ni calix. Hindi ko nga rin alam ang isasagot ko, para na akong manhid. Para na akong wala sa sarili dahil sa sakit, gusto ko na lang umiyak ng umiyak hangga sa mapagod. Sobrang bigat na ng dibdib ko at parang nais ko ng sumuko.
“H-hey..” hinaplos ni calix ang balikat ko, nakatayo lamang ako sa gilid kung saan tinatanaw ko ang hinihigaan ni lola. Hindi ko kayang lumapit, ni hindi ko pa siya sinilip buhat kanina dahil para akong nanghihina. Ngayon pa lang na nasa malayo ako ay para ng sinasaksak ang dibdib ko sa sakit. Paano pa kaya kung masilayan ko na ito ng lubos.
“Y-you can cry with me, wen. I k-know this is hard for you. Your the only one grand daughter, alam kong malapit na malapit kayo ni lola..” umiling lang ako sa sinabi ni calix, humahapdi na ang aking mata ngunit pinipigilan kong umagos ang luha doon. Ayokong nakikita ni mama na mahina rin ako, alam kong masakit rin para sa kanya ang nangyari. Ayoko ng makisama pa at kung maaari ay maging matatag lamang ako sa paningin nila.
“Bakit kailangan niyang kunin ang buhay ni lola?” napatitig sa akin si calix dahil sa sinabi ko, nagbara bigla ang aking lalamunan habang diretso lamang ang paningin.
“Hindi natin alam, wen. You know, when your lolo died. Lola perla asked me that too, iyon din ang isinagot ko..”
“Hindi ko tanggap, dapat kasama ko pa sana si lola kung hindi lang ako umalis sa tabi niya. S-sana buhay pa siya hangga ngayon at hindi siya nakahiga d-diyan..” hindi sumagot si calix sa sinabi ko, bagkus. Niyakap lang niya ako dahil tiyak na nararamdaman nito ang hinanakit ko sa loob. Ngunit kahit anong gawin niya, nasasaktan pa rin ako. Nalulungkot, nangungulila at lahat lahat ng sakit ay nasa akin na.
“B-bakit hindi na lang ako ang k-kinuha nila, m-mas gugustuhin ko iyon. M-masyado ng n-nakakapagod...” humiwalay siya sakin matapos kong sabihin 'yon.
“Do you hear yourself, winter? Wala naman may gusto sa nangyari. Lola perla is finally rest peacefully, wala ng sakit, wala ng nahihirapan. Don't you think she's not suferring when she's living? Nahihirapan na din si lola, and now. No more pain with her, k-kasama na niya si lolo...” sa haba ng sinabi ni calix, pumasok lang iyon sa tenga ko at lumabas sa kabila. Kahit ni isang katiting na letra ay walang nanatili sa isip ko.
Bumuntong hininga siya. “A-alam ko ang nararamdaman mo, wen. Alam kong mahirap tanggapin, hindi naman kita pipilitin. But don't blame yourself, i know you. Sinisisi mo niyan ang sarili mo...”
“Totoo naman, calix. Kahit saang parte mo tingnan, kasalanan ko. Nagpabaya ako, kahit hindi sabihin iyon ni mama, alam kong k-kasalanan ko. A-ako ang k-kasama ni lola eh, d-dapat binabantayan ko siya...”
“No, hindi ikaw. Ngayong araw na ito, kung may babawian man ng buhay, wala tayong magagawa. If your time's end, you can't do anything to stop that. At ang nangyari kay lola, oras na niya. Hindi natin iyon mapipigilan...” kahit ano yata ang sabihin ni calix ngayon, wala pa 'ring nagbabago sa nararamdaman ko. Still more painful, hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas. I can't stand this trials, bakit ganito?
CALIX decide to stay on my side, he'd never leaves me even he have a lot of things to do. Tomorrow is their family reunion, but his family cancel it because of what happen on lola. Wala din naman akong sinabi pa, siguro nga ay kailangan ko rin si calix sa tabi ko.
“Kumain ka muna, anak..” namamaga ang mata ni mama ng lumapit siya sakin. Malalim na ang gabi at ang mga nakipag-lamay ay unti-unti ng umaalis. Ngunit hangga ngayon ay nasa upuan lang ako malapit kay lola, parang ayoko ng umalis o kumilos man. Napakabigat ng pakiramdam ko at kahit na anong gawin ko, para na lang akong lantay gulay.
“Mamaya na, ma..” paos ang aking boses ng sumagot kay mama. Tinitigan lamang niya ako habang nakatayo sa aking harapan, kalaunan ay bumuntong hininga siya bago silipin si lola. Kahit na nakabantay ako sa gilid nito, hindi ko man lang siya magawang tingnan. Nanginginig lamang ang kamay ko at baka himatayin lang ako sa oras na makita siya.
“Ang ganda ng lola mo..” iyon ang siyang inusal ni mama, sa pagkakataong iyon. Hinayaan muna kami ni calix na mag-usap doon, hindi siya nagpaalam ng umalis siya. Na kay mama lang din ang paningin ko kung saan pinapanood ko ang kanyang pag-iyak. “A-alam kong m-mahirap 'to, m-masakit ito para satin, pero. N-nandito na, n-natapos na ang misyon ni mama para sa'tin, ginawa niya ang lahat. At lahat ng i-iniwan niyang payo, alaala ay mananatili sa puso natin...”
Biglang sumikip ang dibdib ko sa sinabing iyon ni mama, alam kong wala na akong magagawa pa. Ngunit natural lang siguro na mahirap tanggapin sa una, si lola ay masyadong malapit sa akin simula nung bata pa ako. Halos lahat-lahat ay sumasariwa sa isip ko noong mga panahong malakas pa siya, ang mga bagay na itinuro niya sakin, ang mga alaala. Lahat ng 'yon ay pumapasok ng walang tigil sa isip ko.
“M-malakas ka, a-anak. K-kailangan nating m-maging matatag sa ngayon. M-maski ako, hindi ko matanggap ang pagkawala ni m-mama. P-pero, wala na anak. Namahinga na ang lola mo, iniwan niya man tayo sa ngayon. Mananatili naman siyang bantay natin, narito lang siya..” itinuro ni mama ang puso ko, tipid siyang ngumiti kahit na umiiyak. “Hindi siya aalis diyan, mananatili siyang buhay sa isip at puso natin...”
NANG gabing iyon, hindi halos ako nakatulog kahit na nakapikit ang aking mata. Hindi rin naman ako umalis sa tabi ni lola at naroon lamang ako hangga sa mag-umaga.
Dito na natulog ang pamilya ni calix, maging ang mga dating trabahador ay nanatili dito kung kaya't sobrang dami ng tao ang nakikita ko. Lahat sila'y pinapagaan ang loob ko, medyo nababawasan ang lungkot ko sa tuwing nag kukwento sila tungkol kay lola.
Ngunit sa oras na mapag-isa ako at tumahimik na. Hindi ko na maiwasang mag-isip pa, kusa na lang tutulo ang luha sa aking mata kahit pigilan ko pa.
“Coffee?” calix handed me a cup of hot coffee. Kinuha ko iyon kahit ilang kape na ang nainom ko buhat kaninang madaling araw. “Why don't you take a nap, wen? Kahit ilang oras lang. Baka ikaw naman niyan ang magkasakit..” tipid na ngumiti ako kay calix.
“Naka-idlip naman na ako kanina, cal.” he sighed while looking at me. Mataman siyang nakatitig sa akin bago ako mag-iwas ng tingin.
“Do you have a plan to tell this to him?” i face him again because of his question. Nangunot pa ang noo ko ngunit kalaunan ay naintindihan ko na kung sino ang tinutukoy niya. “Hindi ba't naging malapit naman na siya kay lola? May karapatan naman siguro siyang malaman ito..”
“Hindi na.” i firmly pointed my answered. “Kung makikita ko lang din naman si angelina, huwag na. Baka tuluyan na lang mawala ang respeto ko..”
“Kay philip lang natin ipaaalam..”
“I said no, calix...” matigas ang pagkakasabi ko nito dahilan upang matigilan siya. “Once i call him, and invited him here. Aasa na naman 'yon, icocomfort lang niya ako hangga sa malaman ng mommy niya na narito na naman siya, i don't want a chaos on my lola's funeral.”
He sighed heavily before nodding. “Nasabi ko lang naman 'yon. But if that's your decision. Wala naman akong magagawa pa, pero malalaman din naman niya hindi ba?”
“Hindi ko alam, ayoko ng isipin pa siya.”
“Im sorry, i didn't intend to mention him..”
“Wala ba kayong lakad ngayon?” i immediately change the topic, mabilis siyan umiling bago sumimsim sa hawak niyang kape.
“The family reunion is cancel, maybe we will resume it next year.”
“Kung ganon, dito ka muna?” tumangon siya.
“Of course, i wont leave you here, winter. Sa tabi mo lang ako habang nandito si lola, hindi rin naman ako aalis. Masakit rin sakin ang pagkawala ni lola, but. We can't do more anything just to accept that she's already gone. Para na rin makapagpahinga siya ng tuluyan..”
Bumuntong hininga ako sa sinabi ni calix. Alam ko namang may punto siya, ngunit hindi ko lang alam kung paano. Hindi ko alam kung ano ang gagawin para gumaan ang pakiramdam ko. Siguro nga ay hihilom din ang sugat na nasa puso ko, maglalaho din ang sakit balang araw at unti-unti kong matatanggap ang nangyari kay lola.
NANG ARAW na 'yon, sinubukan kong tingnan si lola upang tanggapin sa sarili na namat/ay na talaga ito, na wala na talaga siya at kailanman ay hindi na namin ito makakasama pa. Sa mga araw na ito, susulitin ko na lang ang oras na nakikita siyang namamahinga, mahirap man ang pagtanggap sa nangyari ngunit tama si calix at mama, wala kaming magagawa kundi tanggapin ang nangyari dahil nagwawakas talaga ang buhay ng isang tao, ang masakit lang. Nawala si lola sa hindi magandang paraan, ni hindi man lang ako nakabawi sa lahat ng ginawa niya para sa akin kaya't ang hinanakit ko ay halos sagad hangga puso.
“Ang sabi nila, pag maganda ang isang taong namatay. At maalwalas ang kanyang mukha ay tanggap nito ang nangyari sa kanya.” nilingon ko si calix ng magsalita ito sa gilid ko. Ikatlong araw na ngayon ni lola, miyerkules na at nakatakdang ilibing ito sa araw ng sabado. Kahit medyo matagal pa ang araw na 'yon, parang ayoko ng dumating ang araw ng sabado. Ayoko pang umalis si lola sa bahay at ihatid sa huling hantungan nito.
"Paano kung sadyang maalwalas lang ang mukha ni lola, pero hindi niya talaga gusto ang nangyari sa kanya? Paano iyon?” ngumiti si calix bago umiling.
“Maniwala ka sakin, winter. Totoo iyon, kaya't isipin natin na masaya na sila lola at lolo doon. Magkasama na silang muli.” Hindi ako sumagot sa sinabi ni calix, binalingan ko lang ng tingin si lola bago haplusin ang salamin ng kanyang hinihigaan. Ang ganda nga naman ni lola, maganda ang pagkakamake-up nito at maalwalas ang kanyang mukha. Sana nga ay totoo ang sinabi ni calix, sana nga magkasama na silang dalawa ni lolo doon upang hindi malungkot si lola.
Alam ko rin na nais ni lola na dito siya ilibing sa probinsya. Nasabi na niya iyon sa amin ni mama kahit pabiro lang, pero ngayon na nangyari talaga. Parang kay hirap.
“Kumain ka na 'don, imbitahan mo si tita elena. Hindi pa kayo kumakain ng maayos, tingnan mo ang katawan mo. Ang taba mo na sana kaso pumayat ka na naman.” tiningnan ko ang sarili dahil sa sinabing iyon ni calix. Hindi ko naman iyon pinapansin dahil nakafocus ako ka lola, hindi ko na rin alam na napapabayaan ko na pala ang sarili ko.
“Ayos lang naman ako, cal ”
“Si tita? Bakit hindi mo siya kumbinsihing Kumain? Pareho kayong dalawa, matigas ang ulo ninyo. Sa tingin niyo ba, gusto ni lola ang nagpapalipas kayo ng gutom?”
“Hindi naman ako nagugutom eh.”
“Tingnan mo na, ang tigas talaga ng ulo mo. Ako muna ang maiiwan dito, kumuha ka ng pagkain mo, o baka gusto mo ako na lang ang kumuha para sayo?” umiling ako sa sinabing iyon ni calix.
“Ako na, hindi pa ba kumakain si mama?”
“Hindi pa, kayong dalawa.” napabuntong hininga ako. Madalas kasi na nasa labas si mama at inaasikaso ang ilang nakikipaglamay, hindi nawawalan ng bisita si lola kung kaya't masyado ring abala si mama. Ayoko naman ng iwan si lola dito dahil sinusulit ko nga ang oras na kasama pa rin siya.
“Sige na, kumain ka na. Kung narito lang si lola, sesermonan ka 'non!” tumango na ako, tuluyan na rin akong lumisan upang puntahan si mama sa labas. Nagkasalubong pa kami ni papa na may dalang parisukat na basket.
“Kumain ka na ba, anak?” umiling ako kay papa, gaya ni calix ay niyaya rin ako ni papa kanina. Kaso tumanggi ako kaya't nagrereklamo na sila.
“Si mama po? sabay po kaming kakain.”
“Mas mabuti pa nga, hindi rin nakikinig sakin ang mama mo.” tumango ako kay papa, lumabas ako ng bahay kung saan may bisitang naroon. Hindi ko alam na nasa labas pala ang mga dating suki ni lola, naroon din ang ilang kapitbahay namin na siyang inaasikaso ni mama.
Lumapit ako sa kanila at nagmano, nginitian nila ako bago ihatid ang kanilang pakikipaglamay.
“Salamat po sa pagpunta..” muli silang ngumiti, lumapit ako kay mama dahilan upang mapalingon siya sakin.
“Hindi pa daw po kayo kumakain?”
“Mamaya na” ngumiti sa akin si mama. “Mauna ka ng kumain, alam kong hindi ka pa din nagtatanghalian.”
“Wala po kasi akong gana, ma.”
“Alam ko, ganyan din naman ang nararamdaman ko ngunit kailangan mong kumain upang may lakas kang bantayan ang lola mo”
Bumuntong hininga ako. “Kayo po?”
“Kakain din ako mamaya, sige na.” Wala akong ibang nagawa kundi tumango na lang. Nagpaalam na rin ako sa mga kaibigan ni lola na papasok muna, dumiretso ako ng kusina upang sumubo muna. Nakabantay din naman si papa at calix kay lola. Naroon din ang mga magulang ni calix habang may pinag-uusapan sila.
Samantalang sa loob ng kusina, kung saan marami namang nakahapag na pagkain ngunit ni isa'y walang nagpapadating sa aking interest.
Nalungkot lang ako, nangulilang muli bago maupo sa isang pwesto. Kahit saan yata ako tumingin, naalala ko si lola. Ang hirap, hindi ko alam kung hangga kailan ito at kung hangga saan aabot ang katatagan ko.
Ang sakit mawalan ng minamahal, lalong-lalo na ng isang mapagmahal na lola.
*******
to be continued....