Chapter 18

3112 Words
(Warning: Tragic Part) Chapter 18 Third Person Pov. Hindi mapangalan ng dalaga ang kanyang nararamdaman ngayon, hindi nito inaasahang makikita pa rin niya ang binata sa kabila ng paglisan nitong sinasakyan niya. Buong akala nito'y tuluyang lumisan na ang binata. Hindi niya ito napaghandaan kaya ang mga mata niya'y nagiging balisa habang diretsong nakatingin sa kanya si philip. “My instinct is right, your really here.” naisara ni winter ang bibig dahil sa naitamong gulat. Hindi rin ito makakalap ng sasabihin dahil tila ba umatras ang dila niya sa gulat. “Why are you hiding yourself, winter? Ganoon mo ba talaga ako kaayaw makausap?” bumuntong hininga ang dalaga, kalaunan ay nag-iwas ito ng tingin bago basain ang kanyang labi. “Ano pa ba ang kailangan natin pag-usapan, ashong?” matagal na napatitig ang binata kay winter matapos niyang itanong iyon. Kalaunan ay nangiti si philip bago humakbang palapit sa dalaga, ngunit umatras lamang si winter dahilan upang magkaroon muli ng distansya sa pagitan nila. “Namiss kong tinatawag mo ako sa pangalang iyan, pati ikaw..” Muli napaiwas na lamang ng tingin si winter. “Tungkol saan ba ang sasabihin mo at narito ka?” Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang dalaga. Nais na niyang wakasan ang lahat ng kung ano 'mang meron sila, masyado lamang siyang nadala ng emosyon kanina kung kaya't napalabas ito ng bahay nang wala sa oras. “Bakit mo ba minamadali ang lahat? Hindi ba muna pwedeng patuluyin mong muli ako sa loob at doon na tayo mag-usap?” mariing umiling ang dalaga. “Masyado akong maraming gagawin, ayokong naaabala ang oras ko. Kaya't bibigyan kita ng sampong minuto upang sabihin ang pakay mo.” Natigilan si philip, hindi nito nilubayan ang mukha ng dalaga kahit na parang kutsilyong tumutusok sa dibdib ang bawat katagang kanyang binibitawan. Nais niya itong yakapin ngunit alam niyang papalag lamang ito, nais niyang lumuhod, magmakaawa na muli'y bumalik na ang dalaga sa piling niya. “I just want to know the truth, about the buyer in lola perla's house..” nangunot ang noo ni winter sa tanong niyang iyon. Ngunit wala naman ng balak pa siyang itago ang totoo, wala naman din siyang mapapala pa. “Ang mommy mo ang buyer ng bahay.” natigilan si philip sa tugon ng dalaga. Akala niya ay iba ang kanyang maririnig, iniisip nito na hindi totoo ang sinabi ng mommy niya ngunit ngayon, tila ba binagsakan siya ng kawalaang pag-asa. “Bakit si mommy pa?” natawa si winter. “Malaki kasi ang offer ng mommy mo eh. Tinanggap ko na para makauwi kami dito, lalong lalo na at kailangan namin ng pera..” nangunot ang noo ng binata. “Why don't you told me about that winter? Matutulungan naman na kita!” “Matutulungan?” ngumisi ang dalaga. “Ni kotse nga ay wala ka, paano mo pa ako matutulungan. Wala kang trabaho, umaasa ka lamang sa kaibigan mo kaya't nagpasya na akong lumapit na sa mommy mo!” maka-ilang beses na umiling si philip. Hindi ito naniniwala dahil tiyak na gumagawa lamang ng daan ang dalaga upang itaboy siya. “Sa tingin mo ba maniniwala ako? Sino bang niloloko mo! Bakit kailangan mong sabihin ang mga bagay na 'yan!” napapikit si winter bago mapahilamos sa sarili nitong mukha. “Bakit ba ang kulit mo? Nakakainis ka na! Iyon naman talaga ang totoo, tinanggap ko ang alok na pera ni mrs angelina kapalit ng paglayo ko, ibang usapan na lamang ang bahay!” “Nagsisinungaling ka! Ginagawa mo lamang 'yan para umalis na ako!” “Eh ano ngayon! Bakit hindi ka na nga lang umalis pa! Naiinis na ako sa kakulitan mo! Ayoko na sayo!” Kinagat ng binata ang labi habang nakatingin sa dalaga. Tila ba naging manhid na lamang siya sa sakit dahil sa lahat ng nangyari. “Hindi ako naniniwalang ayaw mo na sakin, ramdam ko pa rin na mahal mo ako. Sinasabi mo lang yan dahil para sa kapakanan natin, pero bakit kailangan mong magbalat kayo?” “Ganito talaga ako, masama talaga akong tao. Maniwala ka sa mommy mo, ang mga tulad ko ay madali lang masilaw sa pera. Hindi ka dapat nagtiwala sakin.” muli ay umiling ang binata. Hinuli nito ang kamay ng dalaga at mahigpit iyong hinawakan. “P-please naman winter, h-huwag ka naman ganito. B-bigyan mo naman ako ng assurance upang hintayin ka. H-hindi iyong binabasura mo na lang ako!” Nag-iwas ng tingin si winter bago matawa, marahas rin nitong binawi ang kamay at masamang tiningnan ang binata. “Wala ka ng mapapala pa sa akin, philip! Tigilan mo na ako! Mahiya ka naman sa sarili mo, nakakaawa ka! Bakit ba naglilimos ka ng atensyon at pagmamahal, masyado mong binababa ang sarili mo!” Nawalan ng emosyon ang binata habang nakatingin na ngayon kay winter. Totoong iba ang dating ngayon ng dalaga dahil tinatapangan lamang nito ang sarili. Hindi niya nais maging marahas kay philip ngunit wala itong magagawang iba kung hindi ang pagsalitaan siya ng masasakit. .....“Masaya ka namang karelasyon eh. Akala ko magiging boring ka, pero. Napaka-ganda mong experience para sa isang tulad ko, ngunit nakakasuka kayong mga falcon...” aniyang karagdagan na mas lalong nagpakirot sa puso ng binata. Tuluyan ng naglaho ang lahat ng nararamdaman ni philip. Binalot ng maitim na awra ang buong pagkatao niya at tila ba'y bumalik ito sa dati. “It's that your way to hurt me? You make me a black stone, why your so harsh?” “Umalis ka na lang, huwag ka ng babalik pa!” Nilagpasan na siya ng dalaga. Ngunit bago siya tuluyang makapasok sa loob ay narinig pa nito ang huling sinabi ng binata. “I'd never regret that i falled for you.." natigilan ang dalaga ngunit nanatili lamang itong nakatalikod gaya ni philip. ....“I know it's just an accident to fall in love with a woman without class. But, you are the best chapter that happen in my life. Maybe, this is the end of our story, a very sad ending...” Hindi na nagbigay pa ng tugon ang dalaga. Pinagpatuloy nito ang paglalakad at mabilis na pumasok sa loob ng bahay, sinara nito ang pinto at doon tuluyan ng nanlambot. Napaupo siya bigla kung saan agad siyang dinaluhan ng kanyang ina Nawala lahat ng lakas niya, naglaho ang tapang nito at para bang bahang umagos ang luha sa kanyang mata. Tahimik itong umiyak kung saan yakap siya ng kanyang ina. Hinahaplos ni elena ang likuran ng dalaga upang pakalmahin ito “Ayos lang iyan, anak. Umiyak ka lang, mas mabuti itong nag-usap kayo..” pinunasan ng dalaga ang kanyang pisngi, humarap ito kay elena bago umiling na lumuluha. “N-nagsinungaling po ako kay philip m-ma, s-sinaktan ko na naman siya...” umiiyak ang dalaga habang sinasabi niya iyon. “M-mahal na mahal ko po si philip, m-ma...” bumuntong hininga ang ginang bago nito muling hagkan ang anak. “Kung nasasaktan na lang kayo, mas mainam ng ginawa mo ito. Darating din ang araw na hihilom ang sugat ng nakaraan sa mga puso ninyo, magiging maayos ka rin anak. ” tumango na lamang ang dalaga. Kahit na mahal nito ang binata. Hindi iyon sapat upang ipaglaban pa niya ito, hindi na tamang lumaban kung masasawi lang ang lahat sa huli. Siguro nga ay hindi talaga sila para sa isa't-isa. MAKALIPAS ng isang buwan matapos mangyari ang pag-uusap nila winter at philip. Hindi na muling nagparamdam pa ang binata, masakit man sa parte ni winter ang nangyari. Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi magpatuloy sa buhay. Nasa sala ito ng kanilang bahay, naglilinis siya habang wala ang kanyang mga magulang. Si lola ay nananatili sa kanyang silid dahil tuluyan na lamang humina ang katawan nito dahil sa nangyari. Namimiss na ni winter ang dating sigla ng lola niya, ngunit hindi naman na niya ito mapipilit tumayo dahil nga makakasama lamang iyon sa matanda. Sa pagtatapos nitong maglinis, nasa puntong paupo na siya sa sofa ng biglang sumulpot si calix sa kanilang pintuan. Nakabukas lamang iyon kung kaya't malaya na makakapasok ang kahit sino. Maganda ang kanyang ngiti habang maayos ang kasuotan, may dala din itong pasalubong na nagmula pa sa pinanggalingan niya. “Calix..” muli ay umayos sa pagkakatayo si winter. Sinalubong nito ang kaibigan dahil nitong nakaraang linggo ay tumungo siya ng manila. Ngayon lamang ito umuuwi dahil nagtake na siya ng board exam. Si calix na mismo ang yumakap sa kaibigan bago niya i-abot ang nabiling pasalubong. Mga pagkain lamang iyon na alam niyang magugustuhan ng dalaga, dito talaga siya dumiretso dahil sa oras na makapasa ito sa board. Kailangan na niyang magtraining at tiyak ng hindi na sila magkikita pa ng kaibigan dahil 'don. “Kumusta naman na ang lakad mo?” ngumiti si calix bago sabayan sa pag-upo ang dalaga. “It's okay, hindi naman na gaanong mahirap ang exam. Excited na akong malaman ang resulta..” tipid lamang na ngumiti si winter, ganito rin ang nararamdaman niya noong hindi pa nito nalalaman ang resulta ng exam. Ngunit dahil nga nabigo siya, hindi niya halos masakyan ang kasiyahan ng kaibigan. “Ikaw lang ba, nasaan si tita?” “May inasikaso ito, si lola lang ang kasama ko. Nasa kwarto..” tumango si calix. “Kumusta na si lola? Hindi na yata siya madalas lumalabas ng kwarto?” umiling si winter. “Mas gusto niya ang nakahiga, madalas na matulog ito buong araw. Namimis ko na nga si lola..” “Baka kailangan pa niyang magpalakas ng lubos, hayaan mo munang magpahinga si lola..” tumango lamang ang dalaga. “Nga pala, may open for work ang company dito sa metro. Baka gusto mong mamasukan?” naisara ni winter ang bibig dahil sa ibinalita ni calix. Nais sana niyang magtrabaho ngunit, walang magbabantay sa lola niya. Hindi naman na mahaharapan ng mga magulang niya ang pagbabantay dahil abala din sila sa pag-aayos ng farm. “Gusto ko rin sana, ang kaso lang. Paano naman na si lola?” Bumuntong hininga si calix. “Sayang naman kasi ang oppurtunity, matatanggap ka naman doon dahil college graduate ka..” “Alam ko, ang problema nga lang ay ang pagbabantay kay lola. Alam mo naman na ang farm, masyado ng nagiging mahina. Hindi ito pwedeng pabayaan nila mama at papa, baka lalo lang maging malungkot si lola sa oras na tuluyan itong bumagsak..” Tumango si calix at hindi na umangal sa desisyon ng dalaga. Nais naman niyang maghatid ng tulong ngunit panay lamang ang pagtanggi ng dalaga. Nakikita nito kung paano nga nawawala ang sigla ng farm, kung dati rati ay dinadayo nga ito. Ngunit ngayon, tila ba nilangay na lamang ang kanilang negosyo. Sa kalagitnaan ng kanilang katahimikan, biglang may umagaw na boses sa kanilang atensyon. Tinig iyon ng isang babae na tinatawag ang pangalan ni elena, halos mag-ingay ito sa labas ng bahay. Kung hindi lamang lumabas sila winter at calix ay hindi titigil ang ginang sa kasisigaw. “Ano pong kailangan ninyo?” kilala ni winter ang babaeng nasa harapan ngayon. May malaking negosyo ito sa palengke at nagbibigay ito ng pautang, nagtataka lamang siya kung bakit narito ngayon ang ginang at nag-iingay. “Nasaan na ba ang nanay mo! Aba't lumagpas na ang katapusan ay hindi pa rin niya ako pinupuntahan sa pwesto!” madaling nagsalubong ang kilay ni winter dahil sa sinabi nito. “Wala po si mama, may inasikaso po ito. Tungkol saan po ba ang pag-uusapan ninyo?” Natawa ang ginang sa tanong na iyon ni winter. “Wala ka bang alam? Halos isang taon ng may utang sa akin si elena! Ang laki-laki na ng interest nito dahil madalas siyang nahuhuli sa pagbabayad, at nitong katapusan. Dapat maghuhulog ito sa akin ng bente pursyento sa utang niya ngunit hindi niya ako sinipot!” Natigilan si winter dahil sa narinig, hindi nito alam na may pinagkaka-utangan pala ang mama niya. Wala naman na kasi itong nababanggit kahit na ano, hindi niya inaasahang may taong lulusob dito para lamang maningin ng utang. “Hindi na pwede itong ginagawa ng nanay mo! Pinagbibigyan ko naman na siya pero masyado siyang abusado! Huwag lang niyang hahayaan na umapak pa kami sa barangay para lamang magbayad siya!” hindi halos malaman ni winter kung paano pakakalmahin ang ginang, mabuti na lamang at kasama niya si calix at ito na ang nakipag-usap sa babae. “Magkano po ba ang kabuuang utang ni tita?” kumibot ang labi ng ginang bago hawakan ang kanyang bag. Kinuha nito ang maliit na notebook doon na parang hinahanap ang listahan ni elena. “Mahigit 160k na ang utang ni elena, noong huling taon. Buwan-buwan siyang kumukuha sa akin at nag-iiwan ng pangako na magbabayad din, pero lumaki na ng ganito ang utang niya't hindi pa siya nakapagbabawas!” Para bang biglaang nanghina si winter dahil sa narinig. Sa estado ngayon ng negosyo at buhay nila ay hindi nila iyon kayang bayaran. Ngunit tumango si calix bago kunin ang wallet sa bulsa. “Magbibigay ako ng pera ngayon..” aniyang sabi na agad bumunot ng ilang libo sa pitaka. Binilang niya iyon at halos umabot iyon ng sampong libo. Inabot niya iyon sa ginang na agad nitong kinuha ng walang pag-aalinlangan. “Pupuntahan ko kayo mamaya sa pwesto niyo, babawasan ko ng kalahati ang utang ni tita ngunit. Hindi ko na gustong ginugulo niyo sila ng ganito..” Umirap ang ginang. “Natural lamang na maningil ako, pera ko 'yon. Pero ayos na 'to, hihintayin kita mamaya sa pwesto!” Tuluyan ng lumisan ang ginang matapos makuha ang pakay niya. Sumakay na ito sa sasakyang naghihintay sa kanya at mabilis na silang lumisan. Doon lang nakabawi si winter kung saan hinarap nito si calix. “B-bakit mo g-ginawa iyon, c-calix? Bakit hindi natin hinintay si mama?” ngumiti lang ang binata sa tanong ng kaibigan. “Sinabi ko naman na sayo, i'm willing to help you. Lagi mo na lang tinatanggihan ang tulong ko..” “P-pero, masyadong malaki ang inilabas mong pera. W-wala pa akong maipagbabayad sayo sa ngayon...” “Hindi naman na kita sinisingil, hayaan muna lang na tulungan ko kayo. Alam kong gipit kayo ngayon, saka ninyo na lamang ako bayaran sa oras na makaluwag kayo..” kinagat ni winter ang labi dahil nahihiya ito sa kaibigan. Idagdag mo pa na wala siyang trabaho kaya't paano siya makakabayad. Iniisip nito na masyado lamang siyang naging pabigat sa pamilya nila. Sinisisi rin nito ang sarili dahil tiyak na siya ang may kasalanan kung bakit buwang-buwan may utang doon ang mama niya. Malamang na umuutang ang mama nito ng pera upang maipadala sa pag-aaral niya at gastusin. Ngunit binigo lamang niya ito, magiging pabigat pa rin siya hangga ngayon. “S-saan ba ang metro na sinasabi mo, calix?” nangunot ang noo ni calix sa tanong ng dalaga. “Akala ko ba hindi ka pwede?” “Kailangan ko na kasi ng trabaho, siguro naman ay maaasikaso naman ni mama si lola, baka kasi sobrang nahihirapan na si mama sa mga gastusin.” Bumuntong hininga si calix. “Matutulungan naman kita, wen. Hayaan mo munang pumarito ka kung walang magtitingin kay lola..” umiling si winter. “Hindi naman buong araw 'yon hindi ba? Eight hours lang ba? Pwede na 'yon..” “Mas mabuting mag-usap muna kayo ni tita, nabanggit ko lang kasi iyon sayo kanina dahil akala ko hindi masyadong busy si tita..” “Sayang naman nga kasi ang opurtunidad, kaya ko ng kumita ng pera. Hindi na dapat ako nakasandal sa mga magulang ko dahil tapos na ako sa pag-aaral..” “Wala ka naman ibang masasandalan kung hindi ang pamilya mo, winter. Naiintindihan naman na nila ang sitwasyon mo, kilala ko sila tita at tito henry..” Nagbaba ng tingin si winter, hindi na rin ito sumagot dahil binalot na ng matinding pag-iisip ang sistema niya. Sobra na ang pangyayaring ito, parang ngayon siya sinusubok ng tadhana upang maging matatag at matalino. Ngunit ngayon, tila nawawala siya sa tamang tiempo kung ano ang tamang desisyon na gagawin niya. Sa kalagitnaan ng katahimikan, may natanggap na tawag si calix mula sa kanyang ina. Ang sabi nito ay baka makakauwi sila ngayon sa probinsya dahil may gaganapin silang family reunion. Ipinaalam ni calix na nakauwi na ito ng probinsya at maghihintay na lamang siya sa bahay. Nagpaalam na rin ito sa kanyang ina upang muling kausapin ang kaibigan niyang natulala sa pag-iisip. “Uuwi muna ako sa bahay, babalik ako mamaya..” bumuntong hininga ang dalaga. “Baka abala ka na masyado ngayon, hindi mo naman na kailangang tumungo dito, calix..” Umiling si calix bago guluhin ang buhok ng kaibigan. “Sasamahan mo akong tumungo sa pwesto mamaya, sabihan mo rin si tita tungkol sa pagpunta ng babaeng iyon dito. Para hindi na siya mag-isip pa..” Tumango na lamang ang dalaga dahil wala na din naman siyang magagawa pa. “Salamat, calix...” “Sus, parang ibang tao ka naman sakin, wen. Mauuna na ako, see you later..” nagpaalam muli si calix bago tuluyang sumakay sa kanyang kotse. Muling napag-isa ang dalaga kung saan sunod-sunod na pumasok sa isip nito lahat ng problema. Para na siyang mababal/iw kung hindi lamang niya tinatatagan ang sarili. Nilalaban rin nito ang lungkot dahil kailangan niyang maging malakas para sa pamilya niya. Bago ito magpatuloy sa gawaing bahay, ginawan niya muna ng maiinom na gatas si lola perla upang makainom ng ikalawang gamot. Mga tatlong gamot kasi ang iniinom nito at naiiba lahat iyon, ang gamot na iinumin niya ngayon ay panghuli na sa umagang 'to. Inilapag niya ang gatas sa gilid ng mesa katabi ng ginawa niyang sandwich. Nakita nitong natutulog pa rin ang matanda habang diretso ang pwesto nito sa kanyang kinahihigaan. Naupo ito sa gilid bago haplusin ang noo ng matanda. Ngunit natigilan din ang dalaga ng maramdaman niyang kakaiba ang timpla ng lola niya. Hinawakan niya ang kamay nitong may kalambutan ngunit tila ba'y bahagyang nilalamig. Malakas ang pagtambol ng dibdib nito dahil ng tawagin at gising niya si lola perla ay tila hindi na siya naririnig ng matanda. “L-lola, u-uminom na ho k-kayo ng gatos ninyo...” nanginginig ang tinig niya habang pilit na kinakausap ang matanda. Ngunit ni wala itong naging ano mang kilos, maging ang buong katawan niya'y walang aksyon. Hindi sana nais kumpirmahin ni winter ang lagay ng lola niya dahil sa kaba, ngunit hindi nito natiis na yakapin ang matanda kung saan sumabay bumagsak ang kanyang mga luha. Doon nito napatunayang huli na ang lahat para makausap pa nito ang minamahal niyang lola. ********* to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD