Chapter 17

2892 Words
(The last Visit) Chapter 17 Winter Pov. Pasado alas nuebe ng gabi, patapos na kami sa gawaing bahay kung saan niligpit namin ang ilang kalat. Katuwang namin si calix at ang ibang trabahador ng farm upang maayos ang bagong silid ni lola, medyo pinagpapawisan ako kahit gabi na. Marami kasi akong inasikaso sa mga gamit ni lola na nais niyang nasa ibabaw ng mesa niya. Ilang linggo na rin simula ng makauwi kami, medyo maayos na ang pakiramdam ni lola at kinailangan na lamang niyang magpahinga. Kailangan rin niyang magmaintain muli ng gamot na nireseta pa sa kanya ng doctor. Ayos lang naman kahit madaming gastos, ang importante ngayon ay maayos na si lola. “Someone called earlier, pero hindi naman siya nagsasalita.” nangunot ang noo ko kay calix matapos nitong ibigay sa akin ang cellphone ko. Ilang araw na rin kasing hindi nagcharge ang cellphone ko kung kaya't naisipan niyang buksan iyon. Kailangan ko na rin palang magpalit ng simcard upang kung sakali man na tumawag sa akin si ashong ay hindi na nito ako macocontact. “Hindi ba nakasave ang number niya?” umiling si calix. “Unknown number eh, sinagot ko na baka kasi si trixie o kaya si tita raquel.” Tumango ako sa sinabi ni calix, naupo ako sa mahabang sofa bago kunin ang papel at ballpen na nasa mesa. Binuksan kong muli ang cellphone upang kunin ang ilang importanteng contact number. Matapos 'non ay tuluyan ko ng inalis ang simcard sa aking cellphone upang magpalit na ng bagong numero. “Gusto mo ba ng kape?” umiling lang si calix sa tanong ko. Nakatayo lang siya sa gilid habang nagmamasid sakin. “Snacks o kahit ano?” “Tubig na lang.” tumango ako bago tumayo, wala pa sila mama at papa dahil nasa farm pa sila. May inasikaso lang silang delivery ngayon kung kaya't ginabi sila ngayon. Ikinuha ko ng maiinom si calix, samantalang ang ilang trabahador ay tumungo na sa kanilang silid. Si lola naman ay namamahinga na sa kanyang kwarto. Medyo humina ngayon ang katawan ni lola, idagdag mo pa na biglang inubo ito kaninang umaga kahit na wala namang dahilan upang ubuhin siya. Inilapag ko sa harapan ni calix ang pitsel na may malamig na tubig. Nag-abot ako ng baso sa kanya kung saan siya na mismo ang nagsalin. Nakaupo na ito sa pwesto ko kanina kung kaya't magkatabi na kami ngayon, hindi naman na masyadong abala si calix ngayon dahil next month pa ang kanyang board exam. Samantalang ako ay sa susunod na taon muli ako susubok. “Are you okay, wen?” nangunot ang noo ko sa tanong nito, matagal bago ako makasagot ngunit nakabawi naman na. “Ayos lang naman ako, medyo pagod nga lang.” “No, i mean your heart. Yourself? Are you really okay now?” naisara ko ang bibig dahil sa tanong ni calix, kalaunan ay nag-iwas ako ng tingin bago mapilitang ngumiti. “Ano bang klaseng tanong iyan, cal? Yung puso ko, humihilom na. Ang sarili ko unti-unti ng nagiging maayos, hindi mo na kailangan pang i-open up iyon.” Bumuntong hininga siya. “I didn't see the old winter before. Parang ibang tao ka na kasi, iniisip ko na baka apektado ka pa rin sa paghihiwalay ninyo ni philip at sinasarili mo lang ang nararamdaman mo.” nilingon ko si calix bago ito ngitian. “Sinabi ko naman sayo, hindi ko na maibabalik pa ang dating ako. Masyado ng maraming nangyari, may mga karanasan na akong nagpabago mismo sa sarili ko. At hindi lang basta kasiyahan ang nagpapabuhay sa isang tao, dapat may pera ka. Dapat may ipagmamalaki ka upang tanggapin ka nila, upang mahalin ka nila. Iyon ang tumatak sa isip ko.” Hindi sumagot si calix sa sinabi ko. “Noon hindi ko iniisip iyon dahil kuntento na ako kung anong meron ako. Pero ngayon, magsisikap ako. Hindi para magustuhan nila, kundi para maipagmalaki ako ng mga taong nagmamahal sa akin.” Nangiti si calix sa haba ng lintanya ko, hinawakan nito ang aking ulo bago guluhin ang aking buhok. “I'm proud of you now, matatag ka talaga. Kahit kailan ay hindi mo ako binigo sa desisyon mo, lahat may punto. Walang pansarili lang, dahil pangkalahatan ang naging pasya mo. Sana lang, maging masaya ka. Im still supporting you, as your bestfriend..” tipid na ngumiti rin ako. “Salamat, alam kong naiintindihan mo ako. Sana lang, pati si ashong. Ganoon rin ang nasa isip niya..” napabuntong hininga ako, i've been missing him. Iyong kakulitan niya, mga tawa at ngiti niya na nagbibigay lakas sakin araw-araw. Ang mga salita niya na minsa'y walang koneksyon sa topic namin ay iyon halos ang hinahanap ko. Subalit, lahat ng 'yon ay kailangan ko na lamang itatak sa isip ko. Iwan na sa memorya at panatiliin na lamang doon, dahil sa ngayon. Hindi na talaga kami pwede, ngayon ko lang talaga napagtanto sa pag-ibig, hindi porket mahal niyo ang isa't-isa ay pwede na. Hindi pala, nararapat 'ring tanggapin nila kayong lahat upang maging buo ang relasyon ninyo. “Wala na tayong magagawa 'don kung ano man ang iniisip ni philip. Ang importante, nagiging maayos na kayo. Kesa naman sa nasasaktan kayo sa relasyong pinaglalaban n'yo.” Tumango ako, hindi na ako nagbigay imik dahil ayoko ng mag-isip pa. Tama nga naman si calix, bakit pa ba kailangan kong isipin si ashong kung sa dulo din naman ay aayawan ko siya. Ayoko ng mamoblema pa ang pamilya ko, masyadong tuso ang mommy ni ashong. Gumagawa siya ng hakbang na hindi patas sa isang tao, at kung mananatili pa ako sa relasyon namin. Masisira lang ng husto lahat ng iniingatan ko. ILANG MINUTO pa nagstay si calix sa bahay, hinintay nitong makauwi sila mama bago siya magpaalam sa aking aalis na. Hindi na rin naman niya niya muling binuksan ang pinag-uusapan namin kanina na siyang pinagpapasalamat ko. Wala din naman ng natatanong si mama kung bakit nakipaghiwalay ako kay ashong, kung ano ang naging desisyon ko. Sinuportahan lang ni mama, subalit wala pa akong nabanggit kay lola dahil alam ko naman na hindi niya nais madamay ang relasyon namin sa nangyayaring gulo sa pagitan nila angelina at mama. Sa ngayon, hahayaan ko na munang ganito ang sitwasyon. Hihintayin kong maging maayos si lola bago sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni ashong. KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising upang tulungan si mama na maghanda ng almusal. May mga ilang trabahador pa naman kami kahit na nagiging mahina na ang negosyo, mga kinse katao pa siguro sila ngayon. Hindi tulad noon na umaabot sila ng mahigit benteng trabahador. Hindi na kasi kaya ng farm na swelduhan sila, ang mga ilang natira sa trabahador namin ay iyong mga taong matindi talaga ang pangangailangan. Ngunit kung darating man muli na maging malakas ang farm, ipapasok muli ni papa at mama ang mga natanggal na empleyado, hindi man ito ginusto ng mga magulang ko ngunit wala na silang magagawa pa. “Ako na po ang magdadala niyan farm.” simpleng almusal lamang ang inihanda ni mama para sa kanila. May three wheeler din naman na sa labas at kayang-kaya kong i-bisikleta iyon patungong farm. Tumango si mama bago tuluyang ihanda ang mga dadalhin ko. Marami pa kasing gagawin si mama bago ito tuluyan tumungo ng farm. “Susunod na lang ako sa'yo, tatapusin ko muna ang listahan ngayong umaga.” tumango ako. Inabot na sa akin ni mama ang dalawang basket. Kinuha ko iyon at madali ng nagpaalam, mabilis na isinakay ko iyon sa three wheeler na gagamitin. Suot ko ang isang fitted jeans at simpleng white blouse, nakatali lang ang aking buhok at hindi na ako kumuha ng sumbrero. Maaga pa naman at hindi pa masyadong kainitan ang araw, sariwa ang hangin na humahampas sa aking katawan at iyon ang nagugustuhan ko. Sampung minuto ng marating ko ang aming farm, ipinarada ko sa gilid ang aking sinasakyan bago tawagin ang isang trabahador. “Kumain na po muna kayo.” lumapit siya sa akin at tinulungan ako sa aking mga dala. Idinala niya iyon sa silong kung saan agaran niyang tinawagan ang mga kasamahan upang mag-almusal na. Samantalang si papa ay naroon pa sa isang sulok, may kausap ito sa kanyang cellphone na para bang problemado. Nilapitan ko siya bago ito tuluyang magpaalam sa kausap niya, bumuntong hininga ito matapos niyang bumaling sa akin. “May problema po ba?” muli'y bumuntong hininga siya. “Isa na lang ang gamit nating trucking, ibinenta na ni papa ang tatlo kaya tayo may pera sa delivery kahapon.” naisara ko ang bibig dahil sa sinabing iyon ni papa, dati kasi ay lima ang aming truck. Nagdedeliver lahat iyon sa ilang lugar kaya't sobrang lakas ng flower farm namin. Ngunit hindi ko akalaing iisa na lamang ito, bakit nagkaganito? “Paano po ba naging matumal ang farm, pa? Hindi po ba ang daming kumukuha sa atin lalo na sa ibang karatig lugar?” tumango si papa sa katanungan ko. “Malakas ang farm natin dati, noong wala pang kakumpitensya. Pero, noong huling taon ay may nagpatayong farm sa bataan. Doon halos lumipat ang ilang lugar na kumukuha sa atin, ngayong taon ay masyadong pumatok iyon kung kaya't napag-iiwanang laos ang farm natin.." Nakagat ko ang pang-ibabang labi bago mag-iwas ng tingin. Tiyak na malaking problema ito kung magpapatuloy na mahina ang flower farm. “Ano po ang balak ninyo? Masyadong mahina kung iisanh trucking lang ang meron tayo, baka hindi na kayanin..” Nagbaba siya ng tingin. “Magbabawas muli ako ng tao..” “Po?” “Nasabi ko na sa kanila, sumang-ayon naman ang iba dahil alam nilang nalulugi na tayo. Hindi na nga natin kakayanin kung magpapasahod pa tayo ng maraming trabahador.” Napahilamos ako sa sariling mukha, kaya pala medyo matamlay ang mga mukha ng mga trabahador. Iyon na pala ang naging desisyon ni papa, ayoko sanang mangyari ang bagay na ito. Ngunit walang pagpipilian ang pamilya ko kung hindi iligtas ang papalubog na naming negosyo. ILANG MINUTO lang ang itinagal ko sa farm, hindi ko kayang manatili doon habang nakikitang malungkot ang mga trabahador namin. Halos ilang taon na silang naninilbihan sa amin at sobrang nakalulungkot kung unti-unti silang nababawasan, nawala na ang sigla ng farm. Ang mga dating dumadayo dito ay iilan na lamang, mabibilang mo na iyon at halos hindi pa sila satisfied sa kanilang nakikita. Pagkauwi ng bahay, itinabi ko na ang ginamit na three wheeler bago dumiretso sa kusina. Alam kong naroon pa rin si mama at may inaasikasong listahan. Hindi ko nga lang alam iyon kung para saan ang mga ginagawa niya. Pero ng makita niya akong pumasok ay nagmamadali itong iligpit ang mga papel na nasa mesa. Medyo nagtaka ako sa ikinilos niya, tumayo na rin ito at mabilis na pinaloob ang mga pinagsulatan niya sa kanyang bag bago ngumiti ng pilit sa akin. “Nakabalik ka na pala, anak..” lumapit ako ng tuluyan kay mama bago tingnan ang bag nito. “Ano po ang inyong ginagawa? Bakit po niyo tinago?" “A-ah, iyon ba? N-natapos ko na kasi, maliligo na ako. I-ikaw na lang ang magpakain sa lola mo pag nagising na ito...” wala sa sariling napatango ako, medyo kuryos talaga ako at hindi kumbinsido sa sinabi ni mama. Parang may mali, tila ba may tinatago sila na hindi nila nais ipaalam sa akin. Ngunit nirespeto ko ang bagay na iyon, hinayaan kong lumabas si mama bago ako gumawa ng gatas para kay lola. Alas siete pasado na, kadalasan kasi ay ganitong oras gumigising si lola. Napapahaba na ang tulog niya hindi tulad noong mga panahong hindi pa siya na i-sstroke. Ngunit hindi pa man ako nakakalabas ng kusina, muli ng pumasok si mama upang lapitan ako. Nagtataka ako kung bakit parang balisa siya bigla kaya't kinabahan ako. “May dumating na sasakyan sa labas..” nangunot ang noo ko sa sinabi ni mama. “Si philip..” doon na tuluyang bumilis ang t***k ng puso ko, lalo itong nagrambolan ng marinig ang tinig niyang tumatawag sa labas ng bahay. “Tao po?” boses iyon ni ashong na siyang naging dahilan upang hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bumuntong hininga si mama hangga sa siya na ang lumabas upang salubungin si ashong. Hindi ko alam kung paano sinalubong ni mama si philip. Ngunit pasimple akong sumilip sa pinto upang makita ang nangyayari, natigilan muli ako ng makita ng nakaupo si ashong sa sala. Nakatalikod ito sa akin habang na kay mama ang paningin niya, hindi ko man makita ang harapan nito. Kuntento na akong nasisilayan ang likuran niya, ngumiti si mama ng itanong ni ashong kung narito ba ako. Ngunit kalaunan ay umiling si mama na siyang ipinagpapasalamat ko. “Maagang umalis si winter, hijo. May nilakad siya, bakit ba?” Magkakrus ang kamay ni ashong habang nagsasalita si mama. Bumuntong hininga siya bago sagutin ang tanong ni mama. “Gusto ko lang po sanang makausap ang anak niyo, kahit saglit lang sana. Kung pwede po, sabihin ninyo kung n-nasaan siya...” natigilan si mama sa pakiusap na iyon ni ashong. Maging ako ay parang may nagbarang bato sa lalamunan ko. Kay hirap huminga lalo na't naririnig mong nakikiusap siyang makita ako. “H-hindi ko alam kung s-saan siya pumunta kanina, p-pero tatawagan ko ang anak ko. Sasabihan ko siyang naghihintay ka dito, pwede ba 'yon?” mabilis na tumango si ashong. “Maghihintay po ako, kahit anong oras. Basta magkausap lang po kami..” Tumango si mama bago sapilitang ngumiti kay ashong. Doon na rin ito lumakad patungo sa kinaroroonan ko. Umatras ako habang paikot-ikot sa kusina, sapo ko ang aking noo dahil hindi na kami pwedeng magkausap pa ni ashong. “Anak..” nilingon ko si mama ng marinig ang boses nito, umiling agad ako kahit wala pa man siyang sinasabi. “Hindi na po pwede ma..” ani kong panimula. “Kung magkakausap pa kami, hindi na 'yan titigil. Magiging madalas na ang pagpunta niya dito..” “Bakit hindi mo muna siya kausapin, nakakaawa naman siya. Kahit saglit lang..” muli ay umiling ako. “Hindi na ma, hindi na kailangan. Pag ginawa ko iyon, masasayang lang lahat ng sinakripisyo ko. Tapos na po kami, wala na kaming dapat pag-usapan pa dahil hindi kami pwede..” bumuntong hininga si mama sa sinabi ko. Kung magpapakita ako, hindi iyan titigil. Natitiyak ko ang pag-uugali ni ashong, at kung mangyari man ang bagay na iyon. Siguradong malalaman iyon muli ni mrs angelina at muli itong gagawa ng hakbang upang puntiryahin kami. “Sasabihin ko bang hindi kita matawagan?” Tumango ako. “Sabihin niyo, hindi mareach ang cellphone ko, sorry ma. Ayoko na pong paasahin si philip, tama na po yung una, masyado na kaming nasasaktan...” tumango si mama bago bumuntong hininga. “Kukumbinsihin ko siya, pasensya na. Masyado lang akong nadadala sa bata, naaawa ako sa sitwasyon niya, kitang kita kong mahal ka ng binatang 'to..” Hindi ako sumagot, nag-iwas lang ako ng tingin dahil alam kong ano mang oras ay bibigay ako. Ngunit hindi na, hindi na maaari dahil malalagay lang sa kumplikadong sitwasyon ang lahat. “Lalabas na ako..” tumango na lang ako bago tuluyang lumabas si mama, hindi ko alam kung paano niya kinausap si ashong at kung paano niya sinabi na hindi niya ako matawagan. Basta sa huling silip ko lamang sa pinto ay nagpapaalam na ito kay mama. “Pasensya na po sa istorbo, akala ko maaabutan ko ngayon si winter. But, she's not here. I just want to talk to her, naguguluhan lang kasi ako. But, i think. This is my last visit here, gusto ko 'pong magpasalamat sa inyo. You accept me as your daughter's boyfriend, hindi ko po makakalimutan ang kabaitan ninyo..” Ngumiti si mama bago tapikin ang balikat ni ashong. Niyakap niya rin ito na para bang pinapanatag na ang buong sistema ni ashong. “Alam kong magiging maayos ka, hijo. Huwag mong isipin na ginawa ng anak ko ito para lang sa sarili niya, kundi pa sa iyo din, para sa ating lahat. Para sa ikatatahimik natin, naging masaya kaming makasama ka. Alam kong minahal mo ang aking anak, nagpapasalamat din ako sayo..” Tumango si ashong, hindi ko makita kung anong ekspresyon nito. Ngunit nais kong alamin iyon ngunit nag-aalinlangan ako. Hangga sa tuluyan siyang lumabas ng hindi ko man lang nasisilayan ang kanyang mukha. Bumagsak ang magkabilang balikat ko, kinagat ko ang pang-ibabang labi bago bumuntong hininga. Hindi rin ako nagtagal sa kusina dahil lumabas ako upang puntahan si mama. Umiling ito ng makalapit ako. “Nakaalis na si philip, anak..” mabigat ang aking loob dahil sa sinabi ni mama, humakbang ako palabas upang tanawin ang sasakyan niyang tuluyan ng nakalayo sa harapan ng aming bahay. Masakit sa parte ko habang inaabot ko ng tingin ang paglayo niya. Wala ako sa sarili ng muli ay maglakad pabalik, ngunit natigilan din ako sa paglalakad ng may pares ng sapatos akong makita sa harapan ko. Pag-angat ko ng tingin, mukha ni ashong ang siyang bumungad sakin. ******** to be continued.... The next chapter still heartbreaking, hindi pa po sila magkakabalikan. Kasi nga, ayaw na ni winter. Hindi na niya nais ipilit pa kaya't kung ano ang desisyon nito noong una ay iyon pa rin ang paninindigan niya. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD