Chapter 2

4027 Words
(The Gift) Winter Pov. Sa bahay nanatili si ashong buong maghapon, tinulungan niya kami sa pagluluto maging sa ilang decoration kahit wala namang bisita. Masaya ang araw ko dahil kasama ko siya, kahit may iniisip ako tungkol sa relasyon namin. Mas pinili ko pa rin sulitin ang oras na kasama siya. Kahit alam ko namang hindi ako gusto ng mommy niya. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa susunod na araw, kung kaya't kahit mabigat ang loob ko dahil sa mga nalaman tungkol sa problema niya. Pinakisamahan ko pa rin siya ng maayos. ”Merry christmas.” ngumiti ako sa pagbati ni ashong. Alas onse pa lang ng gabi ngunit heto siya at binabati na ako, gising pa rin kami dahil naghihintay kami sa oras ng noche buena. Hindi ito ang unang beses na makasama ko si ashong sa gabi ng pasko, naalala ko pa noon ng makasama ko siya habang may relasyon pa kami ni calix. Iyon din ang panahon na may gusto na pala siya sa akin at wala na itong nararamdaman pa para kay trixie. ”Wala pa naman alas dose.” anas ko na bahagyang nakangiti. ”But it's still christmas, ano yung mga inilabas mo kanina?” nag-iwas ako ng tingin nang mabanggit niya ang tungkol roon. May regalo kasi ako kay lola at sa kanya, ito ang unang beses na bibigyan ko siya ng regalo maging ang magbigay ng materyal na bagay sa isang lalake. ”R-regalo l-lang.” iwas pa rin ang aking tingin maging ng sumagot ako. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya, ngunit nilingon ko rin ito upang tingnan ang reaksyon niya. "Para sakin ba 'yon?” ”O-oo, naisip ko lang na bigyan kita ng regalo dahil pasko naman. Hindi pa kasi kita nabibigyan.” ”Sus.” bahagya niyang kinurot ang aking pisngi. ”Kahit wag mo na akong bigyan, masaya na ako.” ”Hindi ko na ibibigay?” ”Huh? Bakit hindi? I thought that gift is for me.” ”Akala ko masaya ka na kahit hindi kita bigyan, kung ganon. Hindi ko na ibibigay.” Umikot ang mata nito sa sinabi ko. ”Hindi sa ganon, im happy with or without gift's. Ang sakin lang, nag-abala ka pa.” ”Hindi naman ako naabala, gumamit lang ako ng online app para orderin iyon.” kinagat niya ang labi na para bang nagpipigil ng ngiti, heto na naman ang side niyang kinikilig na hindi talaga niya mapigilan. ”What did you order for me?” ”Gusto mo ng makita?” tumango siya. Nakangiti pa rin talaga at maging ang kislap ng mata niya ay nakikita ko. Napailing ako, ang babaw lang talaga ng kaligayahan. Sa totoo lang, I can't decide what gift that i should give him. Ashong has a lot of things. I know that even though i bought him a cheap gift tonight, he will be happy. Masaya iyan kahit maliit na bagay lang, dapat lang na maging masaya siya dahil nagsearch pa ako online kung anong magandang iregalo sa mga lalake. ”Kukunin ko lang, hintayin mo ako.” tumayo ako mula sa pagkakaupo, nasa sala kami. Tumungo ako sa maliit na christmas tree at doon kinuha ang isang regalo para kay ashong. Sakto rin ang paglabas ni lola na kakabihis lang nito, nginitian ko ito bago i-abot rin ang regalo para sa kanya. ”Merry christmas po.” malapad ang ngiti ni lola sa inabot ko. Simple lamang ang regalong ibinigay ko dahil hindi pa naman ako napapadalhan ni papa ng pera, nagpadala lang si tita raquel kay lola kung kaya't may nabili kaming pang noche buena ngayon. ”Salamat, apo.” umupo si lola sa harapan ni ashong, doon rin ako lumapit sa kanya at tuluyan ng inabot ang regalo ko. Sinilip pa niya iyon kahit hindi niya makikita ang nasa loob, hindi naman mahirap ang pagkakabalot nito. Nasa kahon pa rin ang regalo at binalutan ko lang siya ng kulay pulang gift wrap. ”Anong laman nito sa loob?” naupo ako sa tabi niya habang umiiling. ”Secret, kailangan mo munang buksan. Hindi ko sasabihin dahil gusto kong makita ang reaksyon mo.” Ngumuso siya. ”Grabe ka naman, kinakabahan ako. Baka singsing rin ito ha?” ”Tch.” umirap ako, daig pa ang babae kung magpakipot na buksan ang regalo. Mabuti pa si lola, nabuksan na ang kanya. Isa iyong pares ng sandals para sa kanyang pagsisimba, madalas kasing magsimba si lola at iyong paborito niyang sandals ay hindi na napalitan ng bago. Kaya naisipan kong bilhan siya upang may kasalitan na iyong sandals niya. ”Maganda ang kulay na napili mo.” ngumiti ako sa komento ni lola. Mababasa ang galak sa kanyang mukha at kitang kita doon na talagang nagustuhan nito ang ibinigay ko. Nag-angat siya ng tingin at tumitig kay ashong. ”Hindi mo pa ba bubuksan iyang sa'yo?” ”Excited po ako, la. Kinakabahan ako, baka himatayin kasi ako dito.” natawa si lola sa isinagot ni ashong, kahit kailan isisingit pa talaga niya ang kilig nito. ”Buksan mo na.” pamimilit ni lola dahil mukhang nais rin niyang makita ang nasa loob nito. Kinagat ni ashong ang pang-ibabang labi, nagpipigil na naman ng ngiti. ”Huwag na po.” Napabuntong hininga ako. ”Kung ganon, i-uwi mo na lang yan at sa bahay n'yo na lang buksan.” lumabi ito sa sinabi ko. ”I'm just kidding, gusto ko rin naman itanong kung bakit ito ang ibinigay mo sakin. I'm going to open it, sigurado kang hindi singsing ito uh?” ”Buksan mo na lang, ashong. Ang dami mong alam.” ”Tch, panira talaga ng moment.” Gaya ng sinabi ko, binuksan niya nga iyon na halos nag-iingat siya sa bawat pagkalas ng tape. Hindi man lang sinira iyong gift wrap at talaga namang hindi iyon napunit ng tuluyang lumabas ang kahon na naglalaman ng regalo. Dahil nakita na nito ang kahon, nalaman na niya agad kung anong laman nito sa loob. Isa iyong relo, kulay black at puti ang mga numero nito. Halos itim kasi ang kulay ng mga relos ni ashong, kaya naisipan kong bigyan rin siya ng itim dahil baka mas gusto niya ang kulay black na relo. Malaki ang ngiti niya, bahagya pang nakabukas ang bibig nito ng unti-unti niyang buksan ang kahon. Tumambad nga sa kanya ang relo na inorder ko pa online, hindi naman iyon gaanong mahal. Mas mahal pa nga iyong sandals ni lola kesa dito sa regalo ko kay ashong. ”Magkano mo nabili ito?” naglapat ang aking labi dahil iyon ang unang tanong niya. Itatanong ba niya lahat ng detalye kung magkano at saan ko ito mismo nabili? ”Kailangan mo bang malaman?” ”It's look like expensive, baka wala ka ng allowance.” ngumuso ako. ”Meron pa naman ako, atsaka. Matagal ko ng nabili iyan, hindi ko lang talaga naibibigay sayo kaya't naisipan ko na lang na iregalo sayo ngayong pasko.” ”How about you? Did you have one? Bumili ka ba para sa sarili mo?” ”Bakit mo pa ba tinatanong? Ayaw mo ba diyan sa ibinigay ko?” ”No, winter. Hindi sa ganon, gustong gusto ko nga ito. Para nga akong nakalutang sa ere dahil binigyan mo ako ng regalo, akala ko makakasama lang kita. Hindi ko expect na may ganito, yung puso ko. Nagsasaya sa loob, pero iniisip kita. Ang mahal yata ng bili mo dito, marami pa naman akong relos.” Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Alam ko naman na marami siya. Nakita ko na lahat ng gamit nito sa bahay, halos kumpleto siya. Pero iyon kasi ang top one na best gift sa mga lalake, sumunod naman ay sapatos ngunit hindi ko alam kung anong size ni ashong kaya't yung relo na lamang ang siyang pinili ko. ”But this one, i will surely use this. Baka maging paborito ko ito, hindi na naman ako makakatulog niyan ngayon.” Ginulo nito ang buhok ko, hindi ko tuloy maiwasang mangiti dahil akala ko hindi niya iyon nagustuhan. Pero isinuot na niya agad iyon matapos niyang hubarin ang suot nitong relo kanina, maging iyong gift wrap na ginamit kong pambalot ay ibinulsa niya pa. ”Bakit hindi mo pa itapon iyan?” kumunot ang noo niya. ”Itapon? Bakit ko naman itatapon? Parte ito ng regalong ibinigay mo sakin, ilalagay ko ito sa malaking libro doon sa kwarto ko.” nangiwi ako. ”Ang dami mo talagang alam.” ngumisi siya bago tumingin kay lola na nakamasid lang sa amin. ”Ito pong apo niyo, masyadong panira ng moment. Hindi ba po tama lang na itago ko iyon?” tumango si lola. ”Kung anong nais mo, iyon ang gawin mo.” ”Opo, i'm going to treasure everything what she give's me. Kahit papel pa iyan, basta galing sa kanya. Itatago ko.” Napailing na nangiti ako, marami talagang alam ang ashong na ito kung paano niya huliin ang pag ngiti ng isang babae. At sa bawat kilos at salita nito, napapangiti ako. Ang nararamdaman ko ay mas lalong nag-iiba, hindi ko mapigilan ang mas lalong pag usbong at paglago ng pag-ibig na nararamdaman ko para sa kanya. MATAPOS nang hinihintay naming noche buena nagpaalam na si lolang magpapahinga na sa kwarto. Hindi naman ako gaanong kumain dahil halos pagkain lang ang inatupag ko habang hinihintay ang alas dose. Ngunit dahil pasado ala una na, kailangan ng matulog ni lola. Pinatay ko na rin ang ilaw ng christmas tree dahil itatabi ko na iyon sa aking kwarto. ”Saan mo iyan dadalhin?” nilingon ko si ashong na ngayo'y may dalang baso ng ice tea. Inilapag niya iyon sa gilid ng mesa bago tuluyang kunin ang christmas tree na dala ko, maliit lang naman iyon. Sakto lang siyang pagdekorasyon sa maliit na bahay. "Itatabi ko na sana sa kwarto.” ”Why didn't you ask some help, bubuhatin mo pa ito? Ang bigat kaya.” lumakad siya palagpas sakin. Dahil palagay naman na si ashong sa bahay, nauna pa siyang umakyat sa hagdan. Nailing akong sinundan siya, hindi na nito ako hinintay dahil nauna na iyang pumasok sa kwarto ko. Nakita kong inilapag niya iyon sa sulok kung saan malapit sa cabinet. Isinara pa nito ang bintanang nakabukas dahil madilim na roon. Kalaunan ay umupo ito sa kama habang inililbot ang tingin sa kwarto ko. ”Kumpara sa kwarto mo sa probinsya, mas maliit ito. Pero ang cute niya.” Naupo rin ako sa kabilang gilid, magkabilaan kami habang nakatingin sa mga poster sa haligi ng kwarto. May mga emoji kasing nakadikit roon, sa tapat naman ng kama ko ay may mga tulips na sticker. Sa kisame, may mga glow in the dark na stars. Talagang inayos ko ang kwartong ito dahil bago ako lumipat rito ay napabayaan talaga ni lola ang paglilinis. Kaya't heto at minahal ko ang silid at inayusan ng palamuti. ”I didn't like stickers, pero ang ganda pala. I'm planning to buy some stickers too, tulungan mo akong ayusin ang kwarto ko.” natawa ako. ”Sige, basta ba lagyan din natin ng stars ang kisame mo.” ”How can we put stars? Masyadong mataas ang kisame ng kwarto, pwede naman siguro kahit malapit lang sa kama ko.” Napanguso ako, hindi pala kagaya ng bahay namin ang tinitirhan nila. Parang mga matataas na tao ang naroon dahil sa taas ng kisame at ceiling ng bahay nila. Bumuntong hininga ako, hindi na lang ako nagbigay ng suhestyon pero humirit pa siya ng isang beses. ”Gusto ko rin magpa-print ng mga picture mo, ididkit ko rin iyon sa kwarto ko para kahit pag gising ko. Ikaw ang una kong makikita.” Natawa ako. ”Paano naman ang mommy? Baka ipasunog na lang niya bigla ang kwarto mo dahil sa pagmumukha ko.” "Tch, why are you still thinking about that? I will keep my room locked. Ako lang ang makakapasok doon maging ikaw.” ”P-pero, hindi naman pwede iyon di 'ba?” nag-iwas ako ng tingin. Bakit kailangan pati litrato ko ay ilagay pa niya sa kwarto niya? Dami talagang alam. "Iyon ang gusto ko, huwag mo na lang akong pigilan. Okay?” ”Nakakahiya pag nakita ni Mrs Angelina.” ”Bakit ka mahihiya? Sa ganda mong 'yan. Dapat maging confident ka.” Alam kong todo kung ipamukha sakin ni ashong na maganda ako. Madalas niyang sabihin iyon, hindi niya kailanman pinaparamdaman sakin na hindi ako perpekto. Tinuturing niya akong kakaiba, higit pa sa inaakala ko. ”Nga pala, yung regalo ko para sayo naiwan ko sa bahay.” nilingon ko siya. Interesado ako dahil akala ko ay wala siyang regalo para sakin. ”May regalo ako?” ”Syempre, bawat espesyal na araw naman binibigyan kita hindi ba? Wala akong pinapalagpas, at kahit anong araw iyan. Bibigyan talaga kita ng regalo.” Kumibot ang labi ko. ”Bakit parang dinidiinan mo pa ang sinasabi mo ha? Alam ko naman na ngayon pa lang kita binigyan, kaya pasensya na.” ”What?” natawa siya. ”Ayos lang naman sakin 'yon, and besides. Hindi ako nagpaparinig, basta mahal mo ako at sa akin ka. Iyon pa lang malaki ng regalo iyon na natanggap ko para sayo.” ”Hindi ka ba nagbibiro?” Tumayo siya, lumakad ito papuntang pwesto ko at umupo siya sa tabi ko. ”Madalas man akong magbiro, pero pagdating sa usapang relasyon. Seryoso ako, kaya huwag mo ng isipin pa ang pagbibigay ng regalo para sakin, huwag mo na akong bigyan. Alam kong magastos ang pag-aaral mo, next month na ang graduation hindi ba? Nakapag bayad ka na ba?” Umiling ako. ”Hinihintay ko pa ang padala ni papa, baka sa susunod na linggo o first week ng january.” ”Ako na ang magbabayad ng graduation fee mo.” Ilang beses akong umiling dahil sa sinabi niya. ”Ayoko, makapagbabayad naman ako.” ”Tsk, no. I will call your adviser tomorrow. Huwag mo na akong tanggihan.” ”Ashong.” tumayo siya, hindi na ako pinansin at tumungo na ito sa gilid kung saan naroon ang maliit kong side table. Pinagmamasdan lang niya ang litrato ko na kuha pa noong nag-aaral ako sa probinsya. Kasama ko ang buong pamilya maging si lolo noong buhay pa siya. ”Dito ako matutulog.” aniyang turan ng hindi nakatingin sakin, napakurap ako. ”H-hindi ka ba pagagalitan ng mommy mo? B-baka pumunta siya dito at magalit na naman sakin.” nilingon niya ako kunot ang noo. ”I can protect you from mommy. Magalit na siya sakin, huwag lang sayo. Atsaka, ayokong umuwi ng bahay. Naroon lang sila tita yolanda at erica.” ”S-si erica?” ”Hm.” tumango siya. ”Kaya nga umalis ako, dahil doon sila magpapalipas ng pasko.” ”N-nakausap mo ba si erica kanina?” matagal na napatitig siya sakin sa tanong ko. Para bang binabalanse nito ang emosyon ko kung ayos lang ba sakin na pag-usapan namin ang tungkol sa magiging fiancee niya sana. ”Kung ano iyong narinig mo kanina, hangga doon lang ang napag-usapan namin. Hindi kami nag-uusap.” napalunok ako. Kahit iyon ang sinabi niya, hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib kop dahil sa kaisipang mas boto pa ang mommy niya kay erica at hindi sa akin. ”B-bakit nga pala ang aga niyang naroon?” umupo ito sa tabi ko, hindi inaalis ang tingin sakin. ”Madalas siyang pumunta sa bahay, pero hindi ko naman siya nilalabasan. Nasa kwarto lang ako, umaalis rin naman siya agad pag wala si mommy. Dahil alam niyang hindi ko siya kakausapin.” ”Ang sabi mo, naging kababata mo ito. Parang kami lang ni calix, ayos lang din naman kung kausapin mo siya. Kung naiintindihan niyang may karelasyon ka na.” ”Ayoko pa rin, alam ko yung feeling pag kinakausap mo ang iba. Tulad ng pagkakaroon niyo ng conversation ni calix noon, kahit alam kong tayo na. Ayoko pa rin na nag-uusap kayong dalawa, hindi ko pa rin maiwasang magselos. Kaya iyon ang hindi ko gustong maramdaman mo, dahil alam kong masakit..” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko rito. Masasabi ko nga na minsan ay may pagkaisip bata si ashong, ngunit pagdating sa relasyon. Tila ba daig pa nito ang professional. ”Kung ganon, hindi mo talaga kakausapin si erica?” matagal bago siya hindi nakasagot. Nag-iwas siya ng tingin bago niya basain ang kanyang labi. ”Kung hindi naman importante, babalewalain ko lang siya. Hindi ko rin ito kakausapin ng kusa, pero hindi naman magiging masama ang pagtrato ko sa kanya, naging mabuting kaibigan rin naman siya sakin noong bata kami. Lagi niya akong tinutulungan noon, nakikipaglaro pa siya ng bola sakin kahit madalas na gusto niyang maglutuan kami. Nililigtas rin niya ako sa mga bully noon, siya yung nagtulak sakin na lumaban sa mga nag-aapi sa akin. Kaya ayun, ako na ngayon ang matapang.” Nakangiti siya hangga sa matapos nito ang kwento niya. Alam ko ang pakiramdam ng may nakalakihan kang kababata, tulad lamang ni calix. Bata pa lang kami ay magkasama na, umaga pa lang ay nakabantay na siya sa pintuan namin para sabay kaming mag almusal, kung anong naranasan ko noon. Paniguradong naranasan rin ni ashong iyon sa piling ni erica. ”Pero, hindi ako nagkaroon ng espesyal na feelings kay erica. Hindi gaya mo, nagkagusto ka kay calix hindi ba?” ”B-bakit ba napasa sakin?” tumayo ako. ”Nakaraan na iyon, ang importante ngayon ay kung ano na ang nasa kasalukuyan.” Ngumiti siya, tumatango. ”Gusto ko lang malaman mo yung side ko, yung totoong nararamdaman ko kay erica. She's just an old friend, at yung nangyari sa nakaraan namin. Mananatili na lang doon, hindi na iyon maibabalik kahit bumalik siya.” ”Alam ko, may tiwala ako sayo. Kung ano iyong sinabi mo, iyon ang itatatak ko saking isip.” tumaas ang sulok ng labi niya, para bang hindi pa siya naniniwala sa sinabi ko. ”Pero si calix hindi mo talaga siya maiwasan hindi ba?” ”Hindi, ashong. Kung si erica childhood friend mo lang, si calix mula bata hangga ngayon nakasama ko siya. Noong dumating ka, nandiyan na siya. Hindi ko na siya maiiwasan, para ko na rin siyang pamilya.” ”Yeah, i understand. Hindi na rin naman na ako magseselos kasi sa akin ka na, girlfriend na kita. Kulang na lang talaga ay kasal para masabing akin ka na ng buo. Sa papel, sa mata ng karamihan at sa mata ng diyos.” ”Bakit ba kasal na agad? Ang bata pa natin, we're just starting on 20's. Isipin muna natin ang future.” ”Alam ko, pero para sakin. Sigurado na ang future mo.” umirap ako, hindi ko maiwasang matawa dahil yung kilay niya kasi ay nagtataas baba na puno ng kalokohan. Ibang klase talaga. ”Dito ka nga muna.” tinapik nito ang hita niya, tinasaan ko ito ng kilay dahil sa inuutos niya. ”Bakit ba?” sinira nito ang bibig at binagsak niya ang kanyang balikat. Kalaunan ay nag-iwas ito ng tingin kasabay ng pagbuntong hininga. Ngunit ilang segundo rin ng tumayo siya at biglaan na lang hinila ang kamay ko. Pinaupo ako nito sa kandungan niya, napamaang ako dahil nagmumukha akong bata dahil sa ginawa niya. ”Ang sabi ko, maupo ka rito para mayakap kita.” nawalan ako ng imik, nakatagilid na nakaupo ako sa kanya. Ang mga paa ko ay nakakulong sa dalawang hita nito habang nasa balikat ko na ang ulo niya. ”Ayoko ng umuwi sa bahay, mas gugustuhin ko na lang talagang mag-asawa at makasama ka. Iyon na lang ang naiisip ko, sa oras na magkaroon ako ng sariling pamilya. Tiyak na hindi na ako pakikialaman pa ni mommy.” Marahan na napalunok ako. "H-hindi pa rin solusyon iyon sa problema, ashong. Siguradong lalo lang magagalit ang mga magulang mo pag ginawa natin iyon, mas masarap sa pakiramdam na may basbas tayo sa iyong ina.” ”Pero, nakakainis talaga.” ”Bata pa kasi tayo, natural lamang na pakialaman pa nila ang buhay natin. Ngunit may magagawa naman tayo, ipakita lang natin na talagang nagmamahalan tayo. Malay mo, isang araw maging maayos rin ang lahat.” Humiwalay siya matapos kong sabihin iyon, seryoso siya. Nakatingin ito sa aking mga mata na halos ikalunod ng aking paningin. Hinaplos niya ang pisngi ko kalaunan bago nito halikan ang noo ko. ”Thankyou.” he whispered after that. Ipinagdikit niya ang mga noo namin kaya't wala akong ibang magawa kundi pumikit lang. ”Masyado mong naiintindihan ang lahat, ang lawak ng pag-unawa mo. Paano ba maging tulad mo?” Hindi ako sumagot, ngumiti lang ako dahil simula noon pa ay ganoon na ako. Mas pinipili kong intindihin ang lahat ng bagay kesa magalit, kesa humusga at gumawa ng daan para masaktan rin sila. Hindi ganon ang itinuro sa akin ni mama, napalaki niya ako ng maayos kung kaya't ganito ako. Binalot kami ng katahimikan nang hindi na ako sumagot pa. Humiwalay rin ang noo niya kaya iminulat ko na ang aking mata. Sa lapit ng distansya namin sa isa't isa, halos maduling ako sa pagtitig sa kanya. Patuloy nitong hinahaplos ang pisngi ko hangga sa hagurin ng daliri niya ang aking labi. Bahagyang umawang ang bibig niyang kay pula habang nakatingin roon, hindi maialis ng mata ko ang titig sa gwapo niyang mukha dahil kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Pinagpala nga ako ng husto dahil meron akong tulad niya, ang isang tulad ni ashong ay tila biyaya na hindi ko kailanman matanggihan. Na kahit may problema kami sa relasyon namin ngayon, hindi ko naisip na bumitaw. Dahil mahal ko nga siya. ”I love you.” ashong voice was so husky, kakaiba ang mapupungay niyang mata ngayon. Everything was different, and i like the way how he touch my face. It's full of gentle, care and desire. ”I love you too.” sagot ko, puno ng sensiridad at pagmamahal. He smiled like a happy man tonight, he slowly move closer to capture my lips. Marahan ang halik nito na hindi binibitawan ang aking pisngi, i response to his kiss. I follow the movements of his smooth lips, the smell of him is slowly taking all my sanity. Wala akong magawa kundi sumunod, kundi tanggapin ng malugod ang halik niya dahil mahal ko nga siya. He put me on the side of bed while our kisses didn't cut. He was really gentle, yung kilos niya ay maingat pa sa may kalong na sangol. Ang haplos niya ay tila ba babasagin akong pinahahalagahan niya. Ang halik nito ay nagdadala sa akin sa ibang demensyon, dama ko ang init ng kanyang palad. Ang labi nito ay mas nagiging bihasa na nagpapakapos sa aking hininga. Akala ko'y hindi ako nito hayaang makakuha ng hangin, ngunit humiwalay siya. Hindi nga lang tumigil sa kanyang ginagawa dahil ang labi niya ay binaybay ang aking leeg, sinara ko ang bibig dahil sa dulot ng ginawa niya. Hindi ko alam kung ano iyon, ngunit kakaiba talaga. Nakukuha nito ang siyang tinatago kong kiliti, para bang alam niya kung saan ang kahinaan ko. Ngunit hangga doon lang, matapos niya roon. Huminto rin siya na para bang alam niya kung hangga kailan siya titigil, na kung hangga saan lamang ang limitasyon nito dahil alam ko sa sarili kong malaki ang respeto niya sakin. ”Should i control myself next time again?” nakatitig ako habang naroon pa rin siya sa tabi ko. Nangiti siya bago tuluyang maupo, kinuha nito ang kumot at ipinatong iyon sa katawan ko. ”What's the meaning of being silent?” ”H-huh?” ”If you just say yes next time, maybe we can do a lot of things here. Hindi lang 'yon, marami talaga. Iyong siguradong magugustuhan natin.” Matapos niyang sabihin ang nakakawindang na salitang 'yon, tumungo na siya sa pinto. Hinawakan niya ang doorknob ngunit lumingon pa sakin bago siya tuluyang lumabas. ”Doon ako sa sala matutulog.” *********** To be Continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD