Chapter 1

2927 Words
Winter Pov. Naniniwala ka ba sa kasabihan na kapag mahal mo ipaglaban mo? Kapag mahal mo ang isang tao, kaya mong tiisin lahat kahit nasasaktan ka. Kahit anong pilit na ayawan ka ng mga taong nakapaligid sa kanya hindi mo magawang sukuan siya. Dahil mahal mo nga siya. Lahat ng hindi ko inaakala noon sa pagmamahal ay nararanasan ko ngayon. Buong akala ko sa pag-ibig, halos pagmamahalan lang. Na kapag nagmahal ka ay masaya at halos walang problema, kadalasan kasi ay iyon ang nakikita ko kay mama at papa. Nararamdaman ko naman ang pagmamahal sa akin ni ashong, ang pinagkaiba lang. May mga taong hadlang lang sa amin at minsan may pagsubok na dumadating. Tulad na lamang ng eksenang narinig ko kanina habang magkausap kami sa videocall. Alam kong may itinatago siyang problema sa akin, kadalasan kasi ay tahimik siya. Palaging may malalim na iniisip at kung minsa'y natutulala na lang bigla. Hindi ganon ang pagkakakilala ko kay ashong, natitiyak kong may problema siya ngunit hindi nito gustong ibahagi iyon sa akin. Alam kong nag-aalala lamang siya na baka mag-isip pa ako, ngunit dahil sa narinig ko kanina. Tila ba lahat ng katanungan tumatakbo sa isip ko ay halos tumigil na, lahat ay nabigyan iyon ng sagot ngunit ang kapalit naman nito ay ang kakaibang kirot sa puso ko. ”Oh, napano ka apo? Pagod ka na ba? Ako na ang magtutuloy niyang niluluto mo.” umiling ako kay lola, hindi ko magawang mangiti dahil narinig ko lahat ng nangyari sa kabilang linya. Maging ang boses ni erica, at lalong lalo na ang magiging papel nito sa buhay ni ashong. Naguguluhan ako, marami na naman tanong na pumapasok sa isip ko na para bang patak ng ulan na patuloy lamang sa pagbuhos. Sumakit bigla ang ulo ko kaya't tumayo ako, ngumiti na ako kay lola na tila ba nababasa na agad ang nasa isip ko. ”May problema ang apo ko, ayaw lang magsabi.” umiling muli ako, nakangiti na sa pagkakataong makukumbinsi ko siyang wala. ”Iniisip ko lang ho si mama at papa.” iyon na lamang ang dinahilan ko. "Gusto ko sana silang makasama ngayong pasko, ang kaso lang. Matumal pa ang benta sa farm.” ”Uuwi tayo bago mag bagong taon, ayoko naman na nalulungkot ang apo ko.” ”Sigurado po ba kayo? Baka napipilitan lang kayo dahil sakin.” Nangiti si lola. ”Sigurado ako apo, alam mo namang iiwan din natin itong bahay. Pag nakapag tapos ka na, handa na akong ibenta ito.” ”Ibebenta n'yo po talaga?” ”Oo, marami naman kaming alaala ng lolo mo sa photo album. Atsaka pa, matanda na ako. Alam kong bilang na lang ang araw ko rito sa mundo.” ”Lola naman!” namilog ang mata ko. ”Bakit po ba niyo sinasabi yan! Matagal pa kayong mabubuhay, tandaan po n'yo. Makikita pa ninyo ang ipapatayo kong bahay, ibibili ko rin kayo ng makinang di padyak para huwag na kayong manahi gamit ang kamay.” ”Alam ko iyan, sinasabi ko lamang kung anong posibleng mangyari.” ”Tsk, huwag na po nating pag usapan yan. Paskong pasko po.” tumango si lola, nakangiti ito sa akin kahit na nakabusangot ako. Bakit ba niya biglang sinabi iyon, iniisip ko pa lang na iiwan ako ni lola. Sumasakit na ang dibdib ko. Parang hindi ko kaya. Habang isinasalin ko ang tanghaliang iniluto ko, bigla ay may kotseng bumusina sa labas ng bahay. Hindi ako nag abalang itigil ang aking ginagawa habang si lola ay nagtatanong kung may bisita ba ako. Sa totoo lang, wala naman akong bisita. Namatay rin kasi ang videocall namin ni ashong kanina habang kausap nito si erica. Kumirot na naman ang dibdib ko kaya't natulala na lang ako sa malaking bowl, nakatitig ako sa usok na nagmumula sa sinabawang sigang na baboy ng tumalikod si lola upang tingnan kung sino iyon. Hindi ko mapigilang manghimutok kahit hindi naman dapat, hindi ko lang maiwasan na magdamdam. Iyong babaeng kasi na si erica, siya iyong nagpapasama ng pakiramdam ko. Yun pala, fiancee niya 'yon? Paano silang nagkakilala. Matagal na ba silang magkakilala? Pero ang sabi ni ashong, bago lang na studyante iyon at sa kabilang section pa siya bilang bussiness student din. ”Ang haba naman ng paa nitong batang 'to, sakto at manananghalian na kami.” napakurap ako ng marinig ko ang boses ni lola na papasok ng kusina. Ang ibig niyang sabihin, sakto ang dating ni ashong dahil papakain na kami. Hindi ba sila nag-usap ni erica? Pinatay niya kasi ang videocall kanina. ”Sakto nga ho, hindi pa ako kumain.” nag-iwas ako ng tingin matapos niyang lumapit sa akin. Kinuha ko ang bowl pero hinawakan niya iyon at siya na ang nagdala sa dining area sa labas. Wala pa rin akong emosyon matapos niya akong balikan sa kusina, kumuha ako ng plato, kutsara bago siya talikuran. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko, alam ko dapat na makinig muna ako sa sasabihin niya bago ako magdamdam. Siguradong may dahilan naman siya kaya't hindi nito agad sinabi sakin ang nangyayari at ang stado nilang dalawa ni erica. ”Hindi mo ba nasabi kay winter na darating ka?” hindi ko nilingon si ashong kahit na alam kong nakatingin siya sakin matapos kong maupo sa tabi ni lola. Pansin ko ang pag-iling niya habang kumukuha ako ng kanin. ”Gusto ko lang po siyang isurpresa.” Tumaas ang sulok ng labi ko dahil gusto ko siyang singhalan, ang pagkaka-alam ko. Mamayang gabi pa siya pupunta, at dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng mommy niya at ng erica na 'yon. Nandito siya. ”Kayo talagang mga kabataan, pero itong apo ko. Hindi naman mahalaga sa kanya kahit anong surpresa, kahit wala iyon. Pahahalagahan ka niya.” ”Alam ko po, kaya po mahal ko ang apo niyo.” ”Kumain ka na.” nakatingin na siya ngayon sakin dahil sa pagsingit ko. Nais ko man pigilan itong pagtatampo, kusa lang na nagiging marahas ang pagsasalita ko sa kanya. Siguro ito lang ang epekto ng selos, sakit at insikyuridad sa sarili. Nakakalungkot lang dahil ang babaeng iyon ang siyang gusto ng mommy niya, hindi na ako magtataka. Maganda naman talaga si erica, sa itsura pa lang mayaman na. Malinis ito at maayos sa sarili, nasabi rin sa akin ni ashong na matalino siya. ”Kakain na nga po.” iniiwas ko lang din ang tingin kahit na nakakainsulto ang ngiti niya. Hindi niya ba nakikita kung paano ako mairita? Hindi ko yata kayang pigilan ang sarili at maging maintindihin sa ngayon. Nasasaktan kasi talaga ako. HINDI naging tahimik si ashong habang kumakain kami, pag may itinatanong si lola sinasagot niya iyon na halos ilang kuda ang sinasabi niya. Minsan napakalayo ng sagot nito at halatang pinapagaan lang nito ang sitwasyon sa aming dalawa. Tiyak na kakausapin ako nito matapos naming kumain. ”May lulutuin ka pa ba mamaya?” simple lamang ang naging pagtango ko habang buhat ang mga plato patungong lababo. Naiwan si lola sa lamesa dahil kumakain pa ito ng salad na siyang ginawa ko kanina. ”Kailangan mo ba ng tulong?” ”Tutulong ka ba?” inilapag ko ang hugasin at itinapat iyon sa gripo dahil balak ko ng linisin ang mga ito. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang ilang beses niyang pagtango sa sinabi ko. ”Ofcourse, wala din naman akong gagawin. Ako na maghuhugas niyan.” dumistansya ako upang bigyan siya ng daan. Mabilis pa ito sa alas kwatro ng kunin niya ang kagamitan sa paghugas at siya na nga ang gumawa sa trabaho ko sana. Ang kaso lang, pag hindi mo talaga gawain ang pilit na ginagawa mo. Papalpak ka sa una, tulad niya. Nabitawan na nito ang baso dahil madulas ang kanyang kamay, napamura pa iyan ng makitang mabasag iyon sa sahig. ”Pasensya na, papalitan ko na lang ng bago.” Nag-iwas ako ng tingin, natural papalitan ng bago ang isang bagay pag nasira. Dahil ang isang bagay na nasira ay hindi na iyon maibabalik. Parang ang layo ng naisip ko bigla dahil sa sinabi niya. Dahil ba ito sa nangyari kanina. Yung baso naman ang papalitan niya bakit iba ang nasa isip ko. ”Naku, bakit ba kasi ang bisita mo ang siyang pinaghugas mo ng plato?” nariyan na si lola dahil narinig nito ang nabasag na baso, naiinis ako kay ashong. Iyon ang nararamdaman ko sa kanya dahil hindi niya sinabi ang tungkol sa fiancee nito. ”Nagprisinta naman ho siya, la.” ”Ikaw talaga, sa susunod huwag mo ng gagawin yan. Sandale sandale!” pinigilan nito si ashong dahil balak pa niyang pulutin ang mga nagkalat na bubog. Napabuntong hininga ako, lumakad ako paalis doon upang kumuha ng walis at dustpan. Pagbalik ko, nakatingin na sa akin si ashong na hindi halos malaman kung kukunin ba ang walis sa akin upang siya na ang gumawa. Sa huli, pinanood na lamang ako nito habang si lola na ang nagpatuloy sa hinuhugasan niya. ”Pumaroon na kayo at kumain muna kayo ng minatamis sa mesa, ako na dito.” Tumango si ashong, dahil wala ako sa kundisyon. Hinayaan ko munang hugasan iyon ni lola na ako naman madalas ang gumagawa. Nakasunod sa akin si ashong paglabas ko, hindi ako dumiretso sa lamesa dahil lumabas ako ng bahay. Tinungo ko ang puno sa gilid at doon sumandal, tahimik lang si ashong habang nakatingin sa akin. ”Magsalita ka na.” anas ko ng hindi nakatingin sa kanya, diretso ang aking paningin sa daan at kahit mainit. Ramdam ko pa rin ang panlalamig ng tinig ko sa aking salita. ”I'm sorry if i didn't tell you about my problem.” hindi ako nagbigay imik kahit marami pa sana akong gustong sabihin, nanahimik ako. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na kumalma at makinig muna. ”I know im a selfish, hindi ko sinabi sa'yo at sinarili ko lang. But is not that i don't treasure you, ayoko lang na masaktan ka kaya nilihim ko muna.” ”Sino ba talaga yang si erica?” Hinarap ko siya, medyo napaatras siya dahil alam kong matalim ang mga mata ko. Napalunok pa ito bago kagatin ang labi. ”Erica is my childhood friend, her mother is my mom best buddy before. Pero umalis sila noong mag-aaral na sa ibang bansa si erica, but i didn't notice her before. Hindi ko siya kilala.” ”Pero nagpakilala siya sayo, imposibleng hindi mo natandaan ang pangalan niya.” ”It is that imposible? Totoo namang nakalimutan ko siya, dahil wala akong pakialam that time. I'm focus with you.” Nag-iwas ako ng tingin, hindi pa rin gumagaan ang pakiramdam ko at mas para bang bumigat lang lalo. Kung ganon pala, matagal na silang magkakilala? Kaya ng makita niya si ashong, para siyang nagulat. ”Hey, hindi ko siya gusto. Huwag ka ng magalit.” hinawakan niya ang kamay ko, hindi ko iyon binawi kahit pa na tinaasan ko siya ng kilay. ”Totoo bang fiancee mo siya?” ”Were not engage, ikaw ang fiancee ko.” itinaas nito ang kamay kong hawak niya at doon itinuro nito ang singsing na ibinigay niya noong nakalipas na tatlong buwan. Ang sabi niya, hanggat suot ko ito. Palatandaan iyon na mahal ko siya. Na sa kanya lang ako at walang pwedeng mag may-ari sa aking iba. Ngunit sa oras na hubarin ko ito, nagkakahulugan lamang iyon na lahat ng pinagsamahan namin ay tinatapon ko kasabay ng paghubad ng singsing. ”Hindi pwedeng iba ang fiancee ko, winter. Ikaw lang yon. Gusto man siya ni mommy, pero ako? Ayoko, kahit bugbugin pa nila ako. Sayo pa rin naman ako babagsak.” ”Mommy mo na nag pasya, ashong. Paano kung itakwil ka niya dahil umaayaw ka?” ”Edi itakwil niya ako, hindi naman tama yata ang ganon lang? Oo anak niya ako, pero sobra naman yung siya ang mamimili kung sino ang magiging asawa ko! Hindi naman pwede 'yon!” ”Kung ganon, iyan ba ang problema mo kaya madalas na tulala ka?” ngumuso siya, ngunit tumango lang din bago magbuntong hininga. ”Ayoko kasing masaktan ka, alam kong nagseselos ka na kay patria. Lalo na madalas ko siyang nakakasama dahil kay guanzon, pero hangga doon lang. Ikaw lang ang mahal ko.” Nag-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi nito tungkol sa selos. Alam ba niya? Paano nito nalaman na nagseselos ako kay erica? ”S-sinong nagsabing n-nagseselos ako sa b-babaeng 'yon?” Umangat ang dalawa niyang kilay. "Ako.” kumibot ang labi ko sa sagot nito, nais kong depensahan ang sarili dahil ayaw tanggapin ng sistema ko na talagang nagseselos nga ako kay erica. Nakakainis. ”Hindi ako manhid, winter. Alam ko kung anong nararamdaman ng girlfriend ko, kaya kahit sinong babae ang lumalapit sa akin. Hindi ko pinapansin, dahil sayo lang nakatuon ang atensyon ko. Ikaw lang ang maganda, kaya ikaw lang ang titingnan ko.” ”Tsk.” ”Sorry na, huwag mo na akong dabugan. Iniirapan mo ako, lalo ko tuloy naaalala kung paano ako nahulog sayo.” ”Sinapak kita kaya nahulog ka sakin, ashong.” ”Sus, iniismiran mo ako. Tinatarayan mo ako 'non at madalas na barahin mo ako sa mga salita ko, bonus na lang yung sapak.” Napailing ako, umayos ako ng tayo at muli'y sumandal sa puno. ”Kung ganon, tinakasan mo na naman ang mommy mo?” ”As usual.” ”Lagi ka na lang bang tatakas? Baka itakwil ka nga nila, saan ka na lang titira?” ”Edi sa inyo, winter. Hindi naman ako palamunin, pwede akong magtrabaho. Atsaka pa, ang dami kong mayaman na kaibigan. Kahit kay jacob lang makakaraos ako.” ”Ayoko pa rin na mangyari 'yon ashong, ayokong ako ang magiging rason kung bakit malalayo ka sa magulang mo. Gusto ko rin na maging maayos ang lahat habang masaya tayo, hindi ako magiging masaya kung sa kaisipan ko. Ganon ang nangyayari sa'yo.” napabuntong hininga siya, lumapit siya sakin at bigla'y hinila nito ang kamay ko upang yakapin. Napasubsob ang mukha ko sa dibdib niya, hinahaplos nito ang buhok ko habang ang isang kamay niya ay nasa likuran ko. ”Hindi ka naman makikipag hiwalay sakin di 'ba?” Natigilan ako sa tanong niya, alam kong mahal ko talaga si ashong at ang sinasabi nitong hiwalay ay hindi iyon sumagi sa isip ko. Kung may problema, sulosyon lang ang iniisip ko at hindi katapusan ng relasyon. ”Kung iniisip mo na makipaghiwalay sakin, hindi ako papayag. Ayos lang naman sakin kung galit sila, choice nila 'yon. Bakit hindi nila ako hayaan maging masaya?” ”Hindi ako makikipaghiwalay sayo, ashong.” tumugon ako sa yakap niya matapos kong sabihin iyon, mas lalo lang niyang hinigpitan ang yakap niya ng gawin ko 'yon. ”Mabuti naman, hindi rin naman ako papayag. Itatali kita pag sinubukan mong umalis, kung makatakas ka man. Kahit saan ka pumunta, susundan kita. Kaya wala ka rin kawala sakin.” "Hindi na nga di 'ba?” ”Yes, wag mo ng subukan.” inamoy nito ang buhok ko habang pahigpit ng pahigpit ang yakap niya. Kung hindi lang may dumaang motorsiklo ay baka hindi pa siya hihiwalay sakin. ”Tsk, bakit mo ako tinulak?” ”Kota ka na.” ”Anong kota? May limitasyon pala ang pagyakap ngayon dahil galit ka?” Umismid ako. ”Hindi na ako galit.” ”Kung hindi na, bakit umiikot pa yang mata mo?” ”Ang dami mong tanong, pumasok na tayo.” ”Wait, teka lang.” hinawakan niya ang kamay ko ng tangkain ko siyang lagpasan, natigilan ako at muli ay hinarap siya. ”Ano na naman ba?” ”Parang tumataba ka?” napakurap ako habang nakatingin siya sa aking katawan, bumaba ang mata niya sa aking hita bago muling umakyat sa dibdib ko. Nag-iwas siya ng tingin bago mapakamot sa batok. Habang ako ay namumula dahil tingin ko nga ay tumaba ako, hindi naman mataba. Sakto lang kung kaya't yung mga bra ko ay hindi na kasya sa akin, parang ang laki din ng pinagbago ko. Hindi na talaga kasya yung mga bra ko kaya bumili ako ng bago. ”A-ano bang p-problema 'don?” ”Why are you using push bra?” Namilog ang mata ko. ”A-anong sabi mo!” nahampas ko ang braso niya. ”Shvt! Sabi ng huwag mo akong hahampasin, yung braso ko. Baka matanggal.” ”I-ikaw k-kasi!” ”What? I'm just asking you, why are you wearing that? are you trying to be seductivity, dvmn. Baka yan na lang tingnan ko pag kasama kita!” nahampas ko muli ang isang braso niya dahil sa sinabi nito. Wala kasi akong choice kundi bumili ng bago, at yung maliliit na sizes kasi ay hindi ko kasya. Kaya sumubok ako ng bago, hindi ko naman expect na magiging ganito ang kalalabasan niya. ”I'm going to order you another brallete, huwag lang yang mga ganyan!” ”Bakit ba pati ito?” ”Ayoko niyan, gusto ko yung normal lang sila. M-masyado.. a-ano...” ”Matatamaan ka sakin, ashong.” ”Ano? I just want to say that your dvmn bo*bs is too much attraction. I-its full of distraction, i can't explain.” tumalikod na yan matapos sabihin iyon, napahilamos pa siya ng makita kong pumasok ito sa loob. Wala sa sariling nagbaba ako ng tingin, then i realize that i'm wearing v-neck shirt. Tang*na. ************** To be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD