(Both Suffering)
Chapter 15
Third Person Pov.
Dahil sa nangyaring resulta kanina sa ATM card ni winter, hindi nito napigilang pumunta sa mansyon ng mga falcon upang komprontahin si angelina. Hindi ito makapapayag na ganon na lamang ang gagawin sa kanila ng babaeng kinamumuhian niya ngayon.
Hindi sana nito nais humantong sa sitwasyong ito ngunit sumusobra na ang ginang at hindi na makayanan pa ni winter ang kasamaan niyang ito.
Bakit sila nilinlang ng ginang gamit ang pekeng resibo? Alam ni winter na na-isend na ang huling bayad sa account nito ngunit hindi niya iyon tingnan ng mga panahong magbayad ang mag-asawa. Tiwala naman na din kasi siya dahil noong unang bayad ay nakita nito ang resulta.
“You don't need to do this now, winter. We need to call police or attorney, maaari natin siyang sampahan ng kaso dahil sa ginawa niyang ito.” umiling ang dalaga sa sinabing iyon ni calix, nakasakay sila sa kotse ng binata habang tinatahak nila ang daan patungo sa mansyon nila philip.
“Hindi na iyon kailangan, calix. Hindi naman ako ganoon kasamang tulad niya, kakausapin ko lang ito. Ipaliliwanag ko na sa kanya ang lahat at tatapusin ko na kung anong nais niyang mangyari.” panandalian siyang nilingon ni calix dahil sa sinabi niyang iyon. Kilala nito si winter, dahil matagal silang nagkasama simula bata pa lang. Alam niyang matatag ito at malinis ang kanyang hangarin, kahit masaktan siya, kahit pumailalim ito gagawin niya para sa kanyang minamahal.
“Then, if that's what your decision. I will still support you, hindi kita iiwan Narito lang ako sa tabi mo bilang kaibigan.” bahagya siyang nginitian ng dalaga dahil alam ni winter na naiintindihan siya ni calix.
“Salamat..”
“I know this is hard for you, hindi muna iniisip ang sarili mo. You can't risk everything to get all the things better. Your putting a solution in your own problem na sana'y katuwang mo si philip, but you still choose to let go.”
Nag-iwas ng tingin si winter bago nito kagatin ang kanyang pang-ibabang labi. “Malaking hadlang sa relasyon namin si mrs angelina, hindi kami sasaya kung may pilit na sumisira sa amin. Nasasaktan ako dahil mismong magulang niya ang may ayaw sa akin, iyon ang siyang nagpapahina sa pagkatao ko. At alam kong magiging maayos ang lahat kung bibitaw na ako, alam ko namang wala na akong pinanghahawakan. Mahal ko si philip, pero may mapapala ba ang pagmamahal kong ito kung unti-unting nawawala sa amin lahat?”
Hindi nakasagot si calix sa mahabang sinabing iyon ni winter. “Alam kong, darating ang araw na maiintindihan ako ni ashong. Mauunawan nito ang desisyon ko at hindi niya ako kamumuhian.”
Tumango si calix. “Ipaunawa mo ng maayos kay philip. Mag-usap kayo, bago ka umalis.” dahil sa sinabing iyon ni calix, hindi siya nakasagot. Tila ba hindi niya kayang harapin sa ngayon si philip dahil alam niyang ang binata ang kahinaan nito. Baka lumambot lamang muli siya sa oras na magkita sila.
“H-hindi na sana ako m-magpapa-alam pa kay ashong. Uuwi ako ng hindi na siya kikitain o ano man, nag-usap na kami sa cellphone kagabi. Nakipag-hiwalay na ako sa kanya.” nangunot ang noo ni calix bago ilingan ang sinabi ng kaibigan.
“Maling mali 'yang ginawa mo, winter. Sa tingin mo ba tatahimik lamang si philip kung hindi ka man lang nito nakausap ng personal? Did you think this is enough for him? Of course he need a validated reason for his girlfriend, ipaliwanag mo. Sabihin mo ang totoo, hindi iyong tatalikuran mo na lang siya. Mahirap ang walang closure, wen. I told you.”
Napapikit si winter bago bumuntong hininga. “I-im scared, c-calix. M-mahal ko siya, h-hindi ko siya kayang saktan ng harapan. Ayos lang sakin na sarilihin ang sakit, pero ang makita siyang umiiyak ng dahil sakin, hindi ko k-kaya...”
Calix sighed heavily before he stop the car on the sidewalk of road. “You need to be strong, you need to face this. Alam kong matatag ka, your a warrior almost twenty two years from now. Hindi kita nakilalang mahina, just think the right side why are you need to break him. Para din sa inyo ito, huwag mong hahayaang magtanim ng galit sa'yo ang tao.”
“P-paano kung hindi siya pumayag?”
“The decisions is still on you, your the one who wants to set him free. Ikaw pa rin naman ang masusunod.”
“Alam ko, pero magmamatigas lang si ashong. K-kilala ko siya, h-hindi niya ako paalisin once na nag-usap kami.”
“Then hurt him, think another plan if he disagree. Alam mo, sang-ayon rin naman ako sa plano mong makipag-hiwalay na kay philip. First of all, you lost yourself. Second, philip is too defending on you. Third, everything is getting worst, hindi kayo titigalan ni mrs falcon hangga't hindi mo hinihiwalayan ang anak niya, why? Because your still down, your not yet successful.”
Tumango ang dalaga sa makatotohanang sinabi ni calix. “T-tama ka, wala sa akin ang lahat kung kaya't ayaw sa akin ng mama niya. Bakit ba kasi nagustuhan ko pa ang tulad niyang mayaman?”
“No, is not that the problem, winter. Ang mama niya ang may problema, your kind, your beautiful. Walang kulang sayo, she's just an old witch who can't contented for what they have.”
Hindi sumagot si winter, marami na siyang iniisip ngunit alam niyang desidido itong tumungo sa mansyon ng mga falcon.
“Your going now on falcon's mansion, you need to expect that philip is possible there. Fixed yourself now, we need to start this to end your suffering. Wala ng kahahantungan ang relasyon niyong sinisira mismo ng mama niya, and your both parents are still war. Masyado ng kumplikado..”
Winter sighed before nodded. Calix is have a point, para lang itong ulan na kahit tumakbo ka ay hindi mo matatakasan. Dipende na lang kung pipiliin mong sumilong. Iyon ang magandang gawin, tumigil ka na sa isang bagay na nakasasakit lamang sayo. Lumayo ka na at huwag mong pipiliin lagi na masaktan ka kung may choice ka namang umalis.
TINULOY nga nila ang pagtungo sa mansion ng mga falcon. Expect na ni winter na may lalapit na guard sa kanila dahil hindi pamilyar ang kanilang kotse. Bumaba si calix at siya ang kumausap sa guwardya, nasa loob pa rin ng kotse si winter habang nililibot niya ng tingin ang kabuuan ng bahay.
Unti-unting pumasok sa memorya niya lahat ng alaala nito sa mansion nila philil. Ang silid ng binata na pinagtulungan nilang nilinis at binigyang dekorasyon, ang kusina kung saan sabay silang kumakain. Ang sala, ang living room at ang study room.
Bumalik lamang siya sa reyalidad ng magsalita si calix sa gilid. Para bang nawala agad siya sa sarili at hindi nito namalayang naluluha na siya sa masasayang alaalang kanyang iiwan na.
“Nasa loob daw si mrs angelina..” humugot ng mahabang paghinga si winter bago tumango. Binuksan nito ang pinto ng kotse kung saan tinulungan siya ni calix na bumaba. Sinalubong sila ng guwardya at pinagbuksan ng gate, naiwan na lamang ang kotse sa harapan ng bahay dahil alam nilang hindi naman na sila magtatagal doon.
May mga bagong kasambahay na nakita si winter, maayos na rin ang kabuuan ng mansyon at ang ilang kagamitan ay parang naiba ng pwesto. May isang babae ang lumapit sa kanila matapos silang iwanan ng guwardya, hindi ito pamilyar kay winrter maging ang mayordomang nakilala nito noong una ay hindi na niya ito nakikita ngayon.
“Nasa kanyang opisina ngayon si madam, sumunod kayo sakin.” nilingon ni winter si calix upang itanong sana kung sasama ba siya o maghihintay na lamang ito sa sala. Ngunit hindi pa man nakapagtatanong si winter ng kusang lumapit si calix.
“Sasamahan kita sa itaas.”
“Siya lang ang hinihintay ni madam, hindi kayo pwedeng umakyat doon. Maghintay na lamang kayo dito.” nangunot ang noo ni calix dahil sa sinabi ng matandang kasambahay.
“Pero kas---”
“Ayos lang, calix.” pinutol na ni winter ang sasabihin sana ng binata. Ngumiti ito ng makatotohanan. “Mabilis lang ako, wala namang mangyayaring masama sakin.”
“Winter.”
“Hintayin mo na lang ako dito.” bumuntong hininga si calix at wala ng ginawa pang pag-angal. Tumalikod naman na din si winter kung saan sinundan nito ang kasambahay paakyat ng hagdan. Tumungo sila sa opisina ni angelina, nilagpasan nila ang silid ni philip ngunit nakasara iyon at hindi matukoy ni winter kung nasa loob ba ang binata.
Wala din ito sa sala, hindi nito nakikita si philip at iniisip niya ngayon kung nasaan ang binata.
Posible bang hindi pa rin siya umuuwi hangga ngayon?
Kumatok ang kasambahay sa double door kung saan sila huminto. Kusa rin niyang binuksan iyon kung saan naiwan si winter sa labas. Hindi rin naman siya nagtagal ng ilang segundong naghihintay ng muli ay lumabas ang kasambahay at tuluyan na siyang papasukin sa loob.
Pinagbuksan lamang siya ng ginang at hindi ito sumama sa loob. Mag-isa lamang siyang pumasok kung saan tuluyang tumambad sa kanya ang opisina na may abong kulay na sinamahan ng puting pinturang desenyo. Ngayon lamang din siya nakapasok dito dahil mas madalas na manatili siya sa studyroom o kaya sa silid ng binata.
Mula sa kinatatayuan nito, natagpuan niya ang ginang na prenteng nakaupo sa kanyang swivelchair. May papel itong binabasa na para bang wala lang sa kanya ang presensya ng dalaga. Maayos ang pustura niya, hindi pa rin nagbabago ang kanyang awra kundi mas lalo lang itong naging supistikada sa kanyang paningin.
“Why don't you take a seat, lady?” hindi nakatingin ang ginang sa kanya ng sabihib niya iyon. Inilapag lamang niya ang binabasang papel bago sumimsim sa tasang nasa gilid ng kanyang mesa.
Humugot ng mahabang paghinga ang dalaga bago humakbang ng tatlong beses, hindi ito tuluyang lumapit sa mesa at hindi rin ito naupo tulad ng nais ni angelina.
“Hindi naman po ako magtatagal, mrs angelina. Alam ninyo kung anong pakay ko rito, huwag na sana nating patagalin pa ang usapang 'to.” dahil sa sinabing iyon ni winter, doon na siya tiningnan ni angelina na may ngisi sa kanyang labi.
“You want a money right?”
“Pera namin ang siyang ipinunta ko dito, hindi kayo patas. Bakit ninyo kailangan gawin ang bagay na ito?”
Natawa ang ginang. “You already know what my reason is, villapania. Alam mong hindi kita gusto para sa anak ko, you know that i want you to stay away from him. Pero anong ginagawa mo? You almost reach my patience, hindi ka man lang nasindak sa sinabi ko.”
“Iyon lang ba ang nais niyo?” hindi nagpahalata si winter na apektado ito sa sinabi ni angelina. Pilit pa rin niyang pinatatag ang sarili at mas naging taas noo ito sa harapan ng ginang. “Ginawa ko na ang nais ninyo, hiniwalayan ko na si philip. Lalayuan ko na ang anak niyo gaya ng nais at sinabi ko.”
Tumaas ang kilay ng ginang. “Hindi ako kumbinsido sa sinasabi mong iyan, villapania. Ngunit titingnan ko nga, mabuti at natauhan ka na ngayon..” natawa ang ginang habang naiiling. “Dodoblehin ko ang pera ninyo, ngunit sana'y huwag mo ng ipakita ang pagmumukha mo sa aking anak, masyado ng malaki ang naging perwisyo mo sa amin!”
Mabigat ang naging paglunok ni winter dahil sa sinabing iyon ng ginang. Tila ba nilunok niya ang kanyang dignidad at lahat ng sakit na nararamdaman ngayon. Mahirap para sa kanyang sundin ang utos ni angelina, ngunit dahil nakabuo na siya ng pasya. Hindi na ito aatras pa, labag man sa loob ang harapin ngayon ang ginang ngunit hindi nito nais madismaya muli ang lola niya. Kung maaari lang sana ay huwag na niyang ipapaalam sa kanyang lola na tumungo ito ngayon sa mansyon ni angelina.
“Ito na siguro ang huling araw na makikita niyo ako, ngunit ito lang ang masasabi ko. Wala kayong kasing samang ina, hindi ninyo kayang lumigaya ang anak n'yong nag-iisa. Your a selfish mother, and you'd never treat him as your own son. Sana ngayon, iparamdam naman ninyo kay philip iyon..”
“Marahil nga na marami ng nabanggit sa'yo ang anak ko, pero huwag mo akong pangunahang babae ka. Alam ko ang ginagawa ko, at lahat ng pagpapagod ko ay para lang sa kanya. Hindi ko kailanman papayagang mapunta lang sa wala ang pinaghirapan ko! So, here's your money! And don't you ever comeback here! Bumalik ka na sa probinsya niyo at doon manirahan!”
Pabagsak na inilapag ni angelina ang sobre sa ibabaw ng mesa. Masama man ang loob ni winter, wala itong ginawa kundi lumapit upang kunin na ang sobre. Binuksan niya iyon upang silipin ang loob, isa iyong cheque ngunit hindi na niya sinuri pa kung magkano ang laman nito. Hinawakan na niya iyon ng tuluyan bago tumuwid ng tayo at isang beses pa nitong tinapunan ng tingin ang ginang bago ito tuluyang talikuran.
Mabibigat ang kanyang paghakbang maging ang kalooban nito. Sobrang sama ng loob niya at nais nitong sumbatan ang ginang ng higit pa sa ikakasama ng ugali nito. Ngunit hindi niya kaugali si angelina kaya't lahat ng pagtitimpi niya sa katawan ay inipon nito.
Sinalubong siya ni calix ng makababa ito ng hagdan. Medyo mabigat din ang awra ni winter kung kaya't mabilis na napansin iyon ng binata. Ngunit wala ng oras pa para magtanong si calix, nais na niyang ilayo ang kaibigan dito dahil alam niyang nasasaktan si winter sa ginawa niyang desisyon.
Inalalayan niya itong maglakad upang mapabilis ang paglakad niya, maging ng tuluyan silang lumabas upang tumungo sa kotse ni calix ay nakasuporta lamang ang kaibigan. Ngunit may humintong kotse sa likurang sasakyan ni calix, mabilis na bumaba roon ang binata na halos magmadaling lapitan ang dalaga.
Napadistansya si calix ng wala sa oras dahil sa biglaang pagyakap ni philip kay winter. Amoy alak pa ang binata na siyang agad napuna ng dalaga, humiwalay si philip sa pagkakayakap kay winter bago nito ikulong ang mukha ng dalaga sa dalawang palad niya.
“W-winter, n-nandito ka.. P-pinuntahan mo ba ako? N-nag-aalala ka ba sakin?”
Hindi nakasagot ang dalaga sa tanong na iyon ni philip, nag-iwas lamang siya ng tingin kung saan dumapo ang paningin nito kay calix. Tinanguan siya ng kaibigan upang iparating na mag-usap muna sila, hindi rin nagtagal sa kinatatayuan si calix dahil pumasok ito ng kotse at agad kinuha ang cellphone nito upang magreport sa abogado niya. Balak sana niyang tulungan si winter na mabawi ang bahay kay angelina ngunit hindi naman na pumayag ang dalaga sa sinabi niyang iyon.
“A-ano bang n-nangyari sa-yo? N-ngayon ka lang ba umuuwi?” ngumiti ang binata sa tanong na iyon ni winter.
“H-hindi kita m-mahanap eh, m-malapit na akong mabal!w dahil lamang sa kakahanap sayo, h-hindi pa kita matawagan. H-hindi ko na alam kung kanino pa ako l-lalapit para lang m-mahanap ka, pero ayos na ako. Your already here, magiging maayos na tayo..” nagbaba ng tingin si winter bago bumuntong hininga.
“H-hindi na tayo m-magiging maayos, ashong.. Hindi na kahit kailan, h-huwag ka ng umasang magugustuhan ako ng mga magulang mo, t-tama na...” nangunot ang noo ni philil dahil sa sinabi niyang iyon, kalaunan ay natawa siya bago umiling.
“H-hindi ko naman kailangan ng approval nila winter, ikaw ang nagmamahal sakin. Ikaw lang, b-bakit hindi ako aasa? Mahal mo ako h-hindi ba? B-bakit nagkakaganito ka?”
Kinagat ni winter ang labi bago umiling. “Nag-usap na tayo kagabi, hindi ba? Kagabi pa lang ay tinapos ko na ang relasyon natin, kailangan na nating m-maghiwalay. I'm not healthy for your future, you need to be succesfull. Kung kasama mo ako, m-mananatili ka lang na mahirap. K-kaya m-maghiwalay na tayo. K-kalimutan na natin ang lahat. B-bumalik na tayo sa pagiging stranghero, t-tulad noon...”
Hinawakan ni philip ang kamay ni winter dahil hindi niya nais pumayag sa desisyon niyang ito. “M-magiging successful naman ako eh. H-hindi naman natin kailangan maghiwalay, bakit g-ganon?”
“Dahil iyon naman na ang nakatakdang mangyari.”
Umiling ng mariin si philip. “No, winter. Your the one who only want this. H-hindi pa rin ako papayag, hindi sa ganitong paraan, hindi kung k-kailan lulong na lulong na ako sa p-pagmamahal ko s-sayo.”
Nag-iwas ng tingin ang dalaga dahil sa pamumula ng mata ni philip. Malapit na itong maiyak at iyon ang hindi niya nais masaksihan. “Ito lang ang naiisip kong solusyon, walang rason upang ipilit pa natin ang bagay na hindi na pwede, na hindi na talaga magwowork. Masasaktan na lang tayo, a-ashong...”
“B-bakit ba ikaw lang ang nagdedesisyon? P-paano naman ako? Iiwan mo lang ako ng ganon ganong lang! Sasaktan mo lang ako at kakalimutan!”
“H-hindi lang naman ikaw ang nasasaktan sa ating d-dalawa. Durog na durog na rin ako, a-ashong....” pumiyok ang boses ni winter dahil sa pagpipigil niya ng emosyon. Ngunit kusa lamang din bumagsak ang mabibigat na luha sa kanyang mata. Hindi na niya kaya pang pigilan ang sakit, sobra sobra na at halos maubos na ang sarili niyang pagkatao.
.....”Pagod na ako...” Iyon ang nagpamaang kay philip dahil sa inusal ng dalaga. Hindi ito makapaniwala na maririnig niya iyon sa dalaga dahil kahit kailan ay hindi nito narinig na nagreklamo siya at napagod. “G-gusto ko ng m-matapos lahat ng s-sakit, n-nakakapagod ng lumaban kung alam ko naman sa huli na talo lang tayo, k-kaya please. I-itigil na natin ito, t-tama na....”
“N-napagod ka ba s-sakin, winter? G-gusto mo bang b-bigyan muna kita ng space. S-sige, payag ako. P-pero hihintayin pa rin kita okay? H-hindi ako mapapagod sa'yo, d-dito lang ako....”
“H-hindi mo n-naiintindihan, a-ashong. A-ayoko na, k-kailangan mo ng h-harapin si erica bilang fiancee mo. H-huwag na ako, wag mo na a-akong hintayin pa d-dahil hindi na ako b-babalik...”
“W-winter n-naman....A-ayoko...” tumulo ang luha ni philip sa magkabila nitong pisngi, hinawakan niya ang kamay ng dalaga at mabilis na lumuhod sa harapan nito, yumuko siya sa mga kamay nito at doon ibinuhos lahat ng luha niya. “P-please winter, a-ayoko ng g-ganon. K-kaya ko naman maghintay ng matagal, i-isang taon ba? Dalawa? Tatlong t-taon? S-sabihin mo lang, i will wait for you. B-bumalik ka lang...”
“S-sorry, g-ginagawa ko ito h-hindi lang para sakin. My family needs me, pati ang sarili ko. At ikaw, b-buburahin na kita sa b-buhay ko. A-ayusin mo ng muli ang sarili mo, philip. Hindi kita nakilalang ganyan, hindi ka isang talunan, hindi ka nagmamaka-awa sa isang babaeng tulad ko, kaya tumayo ka diyan. Maawa ka naman sa sarili mo, stop begging on me for love, you deserve someone. At hindi ako iyon...”
Kinalas ni winter ang pagkakahawak ng binata sa kanyang kamay. Umiiling ang binata ngunit mabilis ng sumakay si winter sa kotse ni calix. Naroon sa loob ang kaibigan niya kung saan naghihintay lamang sa pagpasok nito.
At bago sila umalis, kinalampag pa ni philip ang bintana. Nagmamakaawa itong buksan ni winter ang pinto ngunit hindi na niya ginawa. Pinaandar na ni calix ang kotse at hinayaang maghabol si philip sa likuran.
Sa pagkakataong iyon, hinayaan na ng dalaga ang paghahabol ni philip. Hindi na niya ito tiningnan pa, ginawa na niyang bato ang kanyang sarili kung saan kusa na lamang umaagos ang luha sa kanyang magkabilang pisngi.
************
to be continued.....
Sorry for heartbreaking scene, this is part of s********e spoiler is already posted on my timeline, and some of my readers is already have an idea about this.
Btw, salamat sa pagbabasa kahit medyo pasakit na ang season 3. Inunahan ko naman na din kayo na talagang mapanakit ang last season nila ashong at wen. ??