First Love

1994 Words
Nag-iisang nakaupo si Ysabella sa isang mesa sa student’s lounge habang nakatuon ang atensiyon sa librong binabasa. Wari niya ay mahaba-haba na ang binabasa niya, ngunit wala pa rin siyang ni isang naintindihan sa librong kanina pa niya tinututukan. Kung bakit naman kasi nasali pa sa syllabus ng Filipino subject nila ang librong “Noli Me Tangere” ni Jose Rizal? Mahina pa naman siya sa literature. “Belle.” Napaangat siya ng tingin sa lalaking naupo sa harap niya sa mesa. It was Aiden, her childhood best friend. Bata pa lang nang ipinagkasundo sila ng mga magulang nila, dahil magkakaibigan ang mga ito. Alam naman nilang dalawa na biruan lang ang iyon ng mga magulang nila. Pero dahil doon ay naging malapit sila sa isa’t-isa. Pareho sila ng pinasukang eskwelahan noong elementary at high school. At kahit ngayong nasa college na sila, pareho pa ring unibersidad ang pinasukan nila. Pareho din ang kursong kinuha nila. Nasa ikaapat na taon na sila sa Business Management. Ilang buwan nalang ay ga-graduate na sila at pare-parehong magmamana sa negosyo ng mga magulang. “Kanina ka pa dito, ah. Hindi ka pa tapos?” tanong nito. Sumimangot siya sa kaibigan. “Wala talaga akong naiintindihan sa binabasa ko,” nakapalumbabang sabi niya dito. Napailing-iling nalang ito, saka ay napangiti. Wala sa sariling napatitig siya sa mukha nito. Her best friend was one heck of a good-looking guy. He was fair, almost pale white. His golden-brown eyes were always smiling. Maitim ang buhok nito, na siyang mas nakakapagpatingkad ng kulay ng balat nito. He was very neat, not even a single strand of hair unkempt. Kapag nakangiti ito nang ganoon, talaga lang ay mapapatanga ka nang hindi mo sinasadya. Batid niyang pinagtitinginan na sila ng mga babae doon. At kanina pa ang mga ito naiinggit sa kanya, dahil sa kanya ito nakangiti. Napatikhim siya. “Aiden Holganza, can you please stop smiling at me like that?” Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi nito. “At bakit ko naman gagawin iyan, Ysabella Marie Buena?” “Dahil kanina pa ako pinapatay ng mga babae dito sa mga isip nila,” mahinang sagot niya dito. Napahalakhak ito sa sinabi niya. “Oh my God, Aiden! Please stop.” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Hindi pa rin ito huminto sa kaka-ngiti sa kanya. Batid niyang tinutukso siya nito, because he knew she was right. Hindi na siya nakapalag nang inabot nito ang baba niya, at pinisil iyon. “You are very adorable, Belle.” Biglang sumikdo ang puso niya. “Come on, let’s get some lunch.” Napatayo ito sa kinauupuan at isa-isang nililigpit ang mga gamit niya. Habang siya ay nakatingin lang dito. Alam kaya nito? Na sa tuwing umaakto ito nang ganoon ay mas nahuhulog ang loob niya dito? Yes. She is in love with him. She, Ysabella Marie Buena, is in love with Aiden Holganza, her best friend. Hindi na niya matandaan kung kailan nag-umpisa, o paano nag-umpisang tumibok ng kakaiba ang puso niya para dito. Basta’t isang araw, nagising nalang siya at namalayang nahuhulog na pala ang loob niya sa kababata. Kaibigan lang talaga ang tingin niya kay Aiden noon. Heck, he was like a brother to her. Hindi niya lubos maisip na mamahalin niya ito nang higit pa sa kapatid. “Don’t worry. Libre ko,” nakangiting wika nito, saka ay kinuha ang kamay niya at hinila patayo. Napatingin naman siya sa magkasalikop nilang mga kamay. Lihim na nagdiwang ang kanyang puso. Habang naglalakad patungong canteen ay lihim siyang napapangiti. Noon pa man ay ganoon na sila sa isa’t-isa, pero hindi pa rin niya maiwasang kiligin sa mga pinapakita nitong ka-sweetan sa kanya. “Aiden?” “Belle?” “Kung sakaling may manligaw sa akin, payag ka ba?” she suddenly asked him. “What?” gulat na tanong nito. “Ano bang pinagsasabi mo, Ysabella?” “Kung may lalaking nagkakagusto sa akin at gusto akong ligawan, payag ka ba?” ulit niya. “Hell, no!” Lalong lumapad ang ngiti niya. “Grabe siya. Hindi ko naman sinasabing sasagutin ko siya,” tukso niya dito. “Hindi. Kabilin-bilinan sa akin ng tatay mo na hindi ka pwedeng magka-boyfriend hangga’t hindi ka pa nakakapag-graduate,” wika nito. Kumunot ang noo niya. Iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw nitong pumayag na ligawan siya? “Kaya alam mo na iyan, Belle, ha. Kung may nalalaman akong may nanligaw sa iyo, sorry nalang sila” Hindi na siya nakinig kay Aiden. Nagtatampo siya. Hindi niya nagustuhan ang naging sagot nito. “O, bakit ka nakasimangot?” kunot-noong hinarap siya nito. “Teka, don’t tell me may nanliligaw nga sa iyo?” Inirapan niya ito. “Belle?” “Naman, eh! Sana pala hindi na ako nagtanong.” She walked out. Naiinis talaga siya. Hindi iyon ang ini-expect niyang mangyari. “Ysabella, wait!” Hinila nito ang braso niya. She didn't expect it when he suddenly hugged her. “Aiden – “ “Don’t ever tell me something like that again, you understand?” “B-Bakit ba?” Humigpit ang yakap nito, na siyang nakapagpatunaw ng kanyang puso. “Ayokong may ibang lalaki ka sa buhay mo. Ako lang. Gusto kong ako lang.” Hindi na niya napigilan ang mapangiti. Gusto sana niyang sabihin dito na wala na siyang ibang lalaking mamahalin bukod dito. But she kept silent. She didn’t want to ruin the moment. Maybe she would tell him later. ** “Hey, girl! Alam mo, may nasagap na naman akong balita diyan sa kanto. Madami na naman daw mga babae kanina ang gusto kang buhusan ng asido. I wonder why?” Napatingin siya sa kaibigan niyang si Winona, na nakaupo sa tabi niyang silya sa classroom. Naging malapit na kaibigan niya ito sa unibersidad dahil naging magkaklase sila sa halos lahat ng subjects nila. Ito din ang naging confidant niya sa nararamdaman niya para kay Aiden. “Win, huwag ka nga. Baka mahalata ng ibang mga tao diyan,” saway niya dito. “Hindi ko talaga alam sa inyong dalawa ni Aiden. Obvious naman na gusto ninyo ang isa’t-isa. Bakit hindi kayo umamin at para matapos na ang mga ka-dramahan ninyo?” sabi nito. “You really think so? You think Aiden is also in love with me?” Win rolled her eyes. “You wouldn’t be that special to him kung wala siyang nararamdaman para sa iyo.” “I’ve been his best friend for so long. Baka nakasanayan lang talaga niya ang pag-aalaga sa akin.” Winona groaned. “Oh my God, Ysabella. You are the most in denial being I’ve ever met. Basta sinasabi ko sa iyo. You have to tell Aiden how you feel about him, before he gets snatched away by some random girl. Alam mo naman, madaming mga babae diyan ang may gusto kay Aiden. Baka maunahan ka pa.” “Mataas ang standards ni Aiden pagdating sa babae,” kontra niya dito. “O baka gusto mong agawin ko rin si Aiden sa iyo. First year pa lang tayo, alam mo nang type ko na iyang best friend mo,” hamon nito. She jokingly slapped her friend’s arm. “Ouch,” eksaheradang haplos nito sa braso nito. Pero napaisip naman siya sa sinabi nito. Wala sigurong mawawala kung magtatapat siya dito. They have known each other for as long as she could remember. And in that long period of time, never once did she feel that she was not special to him. Inaalagaan siya nito nang mabuti. Sinusundo at hinahatid siya nito araw-araw. Ito lang ang nakakaintindi sa mga kapritso niya. Kung hindi pagmamahal iyon, ano ang tawag doon? Natandaan naman niya ang sinabi nito sa kanya kanina. Didn’t he practically beg her not to allow another man in her life? Wasn’t that a clear signal of his feelings for her? “Ano na? Ano na? Tama ako, di ba? Naman,” nanunuksong sabi ni Winona. “Well… Paano ko ba ipagtatapat sa kanya na mahal ko siya?” “Naku, girl. Madali lang iyan. Ganito,” Pumapalakpak pa na sabi nito, saka ay iniharap siya dito. “Kailangan titigan mo siya sa mga mata - iyan. Tapos, huminga ka nang malalim – kasi alam mo na, shocking kasi iyong darating na balita na maririnig niya sa iyo, di ba? Tapos, sabihan mo siya nang… ‘Ang gwapo mo… Ang yaman mo… I love you to infinity and beyond’ – “ “Teka, teka… Parang hindi naman ako ganyan,” paghihinto niya dito. “O, di ba gusto mong magtapat? Iyon na! Ganoon ako magtatapat kay Aiden kung saka-sakali, eh. Bakit ba?” “Hay, ewan ko sa iyo, Win. Kalimutan mo nalang na humingi pa ako ng tulong sa iyo.” Sumimangot ito. “Well, bahala ka diyan. Tinutulungan na nga, nagrereklamo ka pa. Magtapat ka mag-isa mo.” Nangingiting napailing nalang siya sa kaibigan. Kahit kailan talaga. Wala na siyang matinong makukuhang advice mula dito. Pero paano nga ba niya ipagtatapat ang lahat kay Aiden? Paano ba niya sasabihin sa best friend niyang mahal niya ito nang higit pa sa best friend? ** Nag-iisang nakatayo si Belle sa tapat ng locker room ng mga lalaki at hinihintay si Aiden. Alam niyang kakatapos lang ng basketball practice nito. Aiden was their university team’s basketball captain. At dahil nalalapit na ang basketball league kasama ang iba’t-ibang university ng bansa, puspusan ang pag-eensayo ng team. Dahil dito, madalas na hindi sila sabay na umuwi sa hapon. Pinapauwi siya nito after classes para hindi na raw siya maghintay dito dahil matagal natatapos ang practice nito. Pero hindi siya umuwi nang maaga ngayon. Kasi may kailangan siyang gawin. Napatingin siya sa relos niya. It was already thirty minutes pass nine in the evening, pero hindi pa rin lumalabas si Aiden sa locker room. She wondered why. “O, Belle.” Napalingon siya kay Jason, kaklase niya at isa sa mga teammates ni Aiden. “Uy, Jason,” bati niya dito. “Anong ginagawa mo dito?” “Hinihintay ko si Aiden." Kumunot ang noo nito. “Si Aiden? Nandito siya ngayon?” Kumunot din ang noo niya. “Di ba kakatapos lang ng practice ninyo?” “What? Wala kaming practice ngayon. Hindi ba nasabi sa iyo ni Aiden?” Nagtaka siya. “Wala eh. Baka… Baka nakalimutan ko lang. Baka sinabi nga niya sa akin.” “Oh, okay,” anito. “Well, I’ll see you around.” Ningitian lang niya ito bago ito tuluyang pumasok ng locker room. She took out her phone and checked if Aiden had left her a message. Pero wala siyang text message galing kay Aiden. Napaisip siya. Wala siyang naalalang may sinabi si Aiden sa kanya na wala nga itong basketball practice ngayon. Sa pagkakaalam niya, araw-araw itong may practice. At sa araw na wala itong practice, nagsasabi ito sa kanya dahil sabay silang uuwi. She pressed the call button on Aiden’s phone ID. Naghintay siya ng tatlong ring, bago ito sumagot sa kabilang linya. “Belle?” “Aiden, nasaan ka?” “I’m home. Bakit?” “You’re home?” “Yeah. Bakit?” “Akala ko may practice ka ngayon.” “Hindi ko ba nasabi sa iyo? Why? Did you wait for me? Nasa school ka pa?” Lihim siyang napabuntong-hininga. Hearing his worried voice over the phone somehow gave her relief. Nawala iyong hindi niya maintidihan na kabang naramdaman niya kanina. “Belle? Hello?” “Nasa bahay na ako. I was just wondering if you're still at school. May naiwan kasi akong libro sa library, eh,” palusot niya. “But nevermind. I’ll just pick it up tomorrow.” “Are you sure?” “Yeah. Thanks.” “Okay. Good night, Belle.” Binaba na nito ang tawag nila. Napagpasyahan nalang niyang umuwi. Maybe she would confess to him some other time. Hindi siguro iyon ang tamang panahong inilaan sa kanya upang magtapat dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD