Naglalakad na siya palabas ng university ground nang napadaan siya sa library. Late nagsasara ang library nila dahil madami pang mga estudyanteng tumatambay doon hanggang alas-onse ng gabi para mag-aral. Since nandoon naman siya, napagpasyahan niyang manghiram nalang ulit ng “Noli Me Tangere” na libro para pag-aralan sa bahay.
Papasok na sana siya ng library nang may narinig siyang nagtatawanan sa may gilid ng library building. Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanyang silipin ang narinig niyang ingay. Pero gusto na niyang murahin ang kung sinong espiritung nag-utos sa kanyang gawin iyon, dahil sa pagkagulat sa kanyang nakita.
It was Aiden, and some girl that she didn’t know. The girl was leaning against the wall, while Aiden was leaning towards her.
Nang makita niyang hinalikan ni Aiden ang babae ay lihim siyang napasinghap. Wala sa sariling natutop niya ang kanyang bibig.
“Aiden, baka may makakita sa atin.” Inilayo ng babae si Aiden mula sa pagkakahalik dito.
“Cristy, walang tao dito,” tutol ni Aiden.
“Kahit na. Di ba napag-usapan nating sikreto muna itong relasyon natin?”
Narinig niyang nagbuntong-hininga si Aiden. “Bakit kasi gusto mong ilihim iyong totoong relasyon natin? Gusto kong ipagmalaki sa mundo na girlfriend kita.”
Mas hindi makapaniwala si Belle sa kanyang narinig. May girlfriend si Aiden?
“Aiden… Now is not the right time, okay? Hindi pwedeng malaman ni Daddy na may boyfriend na ako,” ang sabi ng babae habang hinahaplos pa ang pisngi ng bestfriend niya. “And besides, masasaktan lang si Belle kung malalaman niyang may relasyon tayo.”
Nagulat siya nang marinig ang pangalan niya.
“Oh, come on, Cristy. You know Belle’s just my bestfriend.”
Parang sinaksak ng one thousand times ang puso niya.
“Oh, yeah? But you just told her you love her.”
“Cristy…”
“O, sige. Ganito. Sino ang mas mahal mo? Siya? O ako?”
“Magkaiba naman iyon. I love Belle like a sister, and nothing more. Siyempre ikaw… Ikaw lang ang mahal ko.”
Ayaw na niyang marinig pa ang pag-uusap ng mga ito. Kaya ay napagpasyahan niyang umalis na doon. Umalis na at lumayo mula sa mga ito… lumayo sa lalaking mahal na mahal niya.
Nag-uunahan na sa pagpatak ang kanyang mga luha na para bang isang umaagos na talon. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan.
Her frail and innocent heart was broken into a million pieces… by the only guy she trusted her heart to. Akala niya ay mahalaga siya para kay Aiden. Akala niya ay mahal din siya ni Aiden. Pero mali ang akala niya. Because he only loved her like a sister. And nothing more. Nothing more.
**
“O, girl? Anong nangyari sa iyo?”
Nagkibit-balikat siya, at ibinalik ang atensiyon sa nadurog na piraso ng karne sa plato niya.
“Girl? Para kang multo. Ano bang nangyari? Sleepless night?”
Nagbuntong-hininga siya. “Win, pwede ba? Wala ako sa mood.”
Kumunot ang noo nito. Saka ay inilapit ang upuan nito sa kanya. Napatingin ito sa paligid ng canteen, bago humarap sa kanya.
“Come on, Belle. Spill it.”
Tiningnan niya ang kaibigan. Paano ba niya sasabihin dito ang lahat ng nangyari kahapon nang hindi umiiyak? Iniisip pa lang niya, eh gusto na niyang ngumawa sa sakit.
“Hey. Belle. Ano ba kasi ang nangyari?”
Alam niyang nahahalata nito ang sakit at pighati sa mukha niya. Pero hindi niya talaga alam kung paano magsisimula.
“Hi, Belle!”
Nagulat siya nang may yumakap sa kanya mula sa likuran niya. Hindi na niya kailangan pang lumingon para malaman kung sino iyon. Nararamdaman niyang nagbabadya na naman ang mga luha niya sa pagpatak.
Wala sa sariling napatayo siya, na ikinagulat naman ni Aiden at Winona. Dali-dali niyang kinuha ang bag niya sa upuan.
“I – I have to go.”
Narinig pa niya ang pagtawag ni Aiden sa pangalan niya. Pero hindi na niya nilingon ito. Dahil ayaw niyang makita nito ang mga luhang dumadaloy na sa kanyang mga pisngi.
**
“Belle? Belle?”
Narinig niya ang sunod-sunod na katok sa pintuan niya. Alam niyang si Aiden iyon, pero ayaw niyang pagbuksan ito ng pinto.
“Belle?” Sinubukan nitong buksan ang pinto niya. Pero ini-lock niya iyon. “May problema ka ba?”
Hindi pa rin siya kumikibo mula sa pagkakahiga niya sa kama niya.
“Hay, naku. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagkakaganyan ang batang iyan,” narinig niya ang pag-aalalang wika ng mama niya.
“May nangyari ba sa school, hijo?” tanong naman ng papa niya.
“I’m sorry, Tito, Tita. Pero wala din po akong alam, eh. Hindi ko din alam kung anong nangyari kay Belle,” sagot ni Aiden.
“May nakaaway ba siya?”
“Wala po, Tita. Hindi naman si Belle iyong tipong may kaaway.”
“Or baka nag-away sila ng boyfriend niya. Kaya nagkakaganyan si Belle?”
“Tito, bantay sarado po si Belle sa akin sa school. Walang lalaking nagkakamaling lumapit sa kanya.”
“Oh, that’s great to hear, son. Good job – “
Hindi na niya kaya pang makinig sa mga pinag-uusapan ng mga ito. Kaya ay napagpasyahan niyang buksan nalang ang pinto.
“Guys, come on. What does a girl have to do to get her privacy around here?” naiinis na bungad niya sa mga magulang at kay Aiden.
“Belle.”
“Anak.”
“Hija.”
Napabuntong-hininga siya. “Ma, Pa, okay lang po ako, okay? Nakatulog lang ako kaya hindi ko agad nabuksan ang pinto. Hindi ko din namalayan na nai-lock ko pala ang pinto. Sorry.”
Her parents still look bothered.
“Are you really sure, anak?” nag-aalalang tanong ng mama niya.
“You know you can always tell us if you have any problems, right?” dugtong naman ng papa niya.
She smiled at them. Sana ay maikumbinsi na ng ngiti niyang iyon ang mga magulang niya para hindi na ito mag-alala. “I’m one hundred percent sure. Napuyat lang ako dahil sa “Noli Me Tangere” na iyan.”
Mukhang nakumbinsi niya naman ang mga ito.
“Oh, mukhang hindi ka pala namin matutulungan diyan, anak,” pabirong wika ng papa niya, na nasapak naman ng mama niya. “Aw, honey.”
Inirapan ito ng mama niya, bago ito bumaling sa kanya. “Okay, alright. You get some rest. Namamaga pa iyang mga mata mo sa puyat.”
Iniwan na siya ng mga magulang niya. Which left her and Aiden alone at the entrance of her doorway.
“O, umalis ka na. Okay lang ako,” baling niya kay Aiden.
Walang salitang hinila siya nito papasok sa kwarto niya. Saka nito isinara ang pinto at hinarap siya.
“Hindi ako naniniwala,” umiiling na sagot nito.
“What? Napuyat nga lang ako dahil sa lintik na “Noli Me Tangere” na iyan.”
“Umiyak ka ba?”
May nahimigan siyang pag-aalala sa tinig nito. Feeling niya ay maiiyak na naman siya.
Damn it.
“Kung ang mga magulang mo ay madali mong mapaniwala, puwes, ako hindi. Alam kong umiyak ka, eh.”
Kailangan na nitong umalis. Kung hindi ito aalis, baka ay hindi na niya mapigilan ang maiyak. At ayaw niyang umiyak sa harap nito.
“Belle, please… Please, tell me what’s wrong. Alam kong may problema ka.”
Umurong siya nang humakbang ito palapit sa kanya. Nakita niyang nagulat ito sa ginawa niya.
“Ako ba, Belle? Ako ba ang dahilan kung bakit ka nagkaka-ganyan?” tanong nito. Evident sa boses nito na nasaktan ito sa iniakto niya.
“Aiden, please. Just go home. Wala ako sa mood,” pagtataboy niya dito.
Please, why don’t you just go home? Paulit-ulit na sambit ng isip niya.
“Belle…” Tuluyan na itong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Tell me. Ano ang nagawa ko sa iyo? Paano kita nasaktan?”
Hindi na niya kaya. Hindi na niya napigilan ang maiyak sa harap nito.
Shit. Mahinang napahikbi siya. Dali-daling pinahid niya ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi.
“Oh, Belle.” Kinabig siya nito at niyakap. “I’m sorry. I’m sorry.”
Tuluyan na siyang napahagulhol sa yakap nito. Paano ba? Paano ba ang magawang magalit dito kung ganoon kalambot ang puso niya para dito? Dahil sa mga yakap nito, feeling niya ay siya na ang pinakamahalagang tao sa buong mundo.
“Sinasabi ko na nga ba. Dahil ba ito kahapon?”
Napatingin siya dito sa naluluhang mga mata. “Alam mo?”
“Jason told me. Hinintay mo raw ako sa labas ng locker room kahapon.”
Teka, ito ba ang alam nito?
“I’m sorry hindi ko nasabi sa iyo na walang practice kahapon. I’m sorry. Hindi ko aakalaing hihintayin mo ako. Akala ko umuwi ka na. Kaya hindi na ako nag-abala pa. I’m sorry, Belle. Hinding-hindi na iyon mauulit. Promise. Kapag walang practice, sasabihan kita agad. Para hindi ka na maghintay. Para sabay na tayong umuwi,” walang pakundangang sorry nito.
“Aiden – “
“I’m sorry, Belle. Please, huwag ka nang magalit sa akin. Huwag ka nang magtampo. Alam mo namang hindi ko kayang nagagalit ka sa akin, di ba?”
“Aiden…”
Hinigpitan pa nito ang yakap sa kanya. “Please, Belle. Huwag mo akong iwan. I love you, Belle. You know that, right?”
See? Iyon lang ang kailangang gawin nito. Okay na ang lahat. Nawala na ang lahat ng galit niya para dito. Wala, eh. Marupok siya. Dahil mahal niya ang best friend niya.
NIyakap niya ito at hinagod-hagod ang likod nito. “Aiden, hindi naman kita iiwan, eh.”
“Belle, hindi ko kaya ang mawala ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita. Alam mo iyon, di ba?”
Mahinang napatango siya. “Alam ko.”
“That’s good to hear.”
“Ako lang kasi ang nakakatiis sa iyo.”
“Well… totoo naman iyon.”
Pilit na kumawala siya sa yakap nito. Pero hindi siya nito binitawan. Lihim na napangiti siya. Kahit na batid niya ay wala naman itong malisya. May girlfriend na ito, hindi ba?
“Let’s just stay this way, Belle,” mahinang sabi nito. “Na-miss ko ang bango mo.”
Lihim siyang napabuntong-hininga. Kung sa ibang pagkakataon pa iyon, nagtata-talon na ang puso niya sa kilig. Pero ngayong nalaman niya na may girlfriend na ito, kumikirot ang puso niya sa iniakto nito sa kanya ngayon.
So, this how a heartbreak feels like.
It feels like s**t.