“What’s her name?”
“Ah… C – Cris? Crisine? No. Cristy?”
“Cristy?”
Tumango siya. “Yeah. I think it’s Cristy.”
Napatingin siya kay Winona na nakakunot ang noo. Nasabi na niya dito ang lahat ng nangyari noong isang araw. And it was the first time in their friendship that she witnessed a serious Winona. She didn’t even give one small snide comment while listening to her.
“Cristy… Cristy… Cristy?”
“Oo. Cristy.”
"Madaming Cristy sa school. Naalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”
“Hmm… She was petite, and she had long, straight black hair. Iyon lang ang natandaan ko, eh. Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya.”
"Mas matangkad ba siya sa iyo?"
"I think so." She tried to remember. "She has a good body build."
“Teka,” anito habang nakatuon na ang atensiyon sa cellphone nito at parang may hinahanap.
“Ano ba ang ginagawa mo?” tanong niya dito.
Busy na busy ito sa pagso-scroll sa cellphone nito. Ilang minuto ang lumipas at mukhang natagpuan naman nito ang hinahanap. Agad na ipinakita nito sa kanya ang isang picture ng babaeng nakangiti.
“Is this her?” tanong nito sa kanya.
Napatutok siya sa picture. And then vaguely remembered the face of the girl Aiden kissed. Kumirot na naman ang puso niya.
“Is it her?” ulit nito.
Mahinang napatango siya. “Yeah. I think so.”
“Oh… So, siya pala ang babaeng pinagpala ng lahat?” anito habang tinututukan ang picture ng babae sa cellphone nito. “Mai-stalk ko nga ang IG. Let’s see how pretty she really is.”
“Win, hindi ba siya familiar sa iyo? Parang familiar kasi siya sa akin, eh. Hindi ko lang ma-point out.”
Umikot ang mga mata nito. “Girl, siyempre familiar talaga. She’s the daughter of Victor Mendoza.”
“Victor Mendoza? The actor?”
“Uh… yeah! She’s basically a celebrity around here,” sabi nito habang nakatutok pa rin sa cellphone nito. “Oh, at siya ang bagong endorser ng Cream Silk, ha. Taray.”
Mabigat ang pakiramdam na nakapanglumbaba siya. It’s clear as crystal to her. She’s no match for this girl.
“Lamang lang siya ng konting paligo sa iyo. But you’re still prettier.” Narinig niyang sabi ni Winona.
Napatingin siya dito. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. At alam niyang pinapagaan nito ang kalooban niya.
“I'm out of her league,” malungkot na wika niya.
“Oh, no no no no no. You’re never out of her league,” kontra ni Winona. “For your information, Belle, you are very pretty. Pasalamat ka sa parents mo at maganda ang genes nila. Nagbunga sila ng isang magandang dilag. Lamang lang si Cristy ng mga one fourth ng shower dahil anak siya ng isang sikat na artista. Pero mas maganda ka pa rin sa kanya, hello!”
She laughed at Winona incredulously. “You need to get your eyes checked.”
“Honey, 20-20 ang vision ko. I don’t need eyeglasses. Maybe you need to get your eyes checked. Para makita mo din ang kagandahan mo,” saway nito.
Napailing-iling siya. “Whatever, Winona.”
Napaikot ang mga mata nito. “My God, Belle. Iyang iniakto mo… alam mo, that’s so last year ha. Hindi na uso ngayon ang pa-martir-martir. Naku, girl, kung ako sa iyo, gawan mo ng paraan para ma-realize ng Aiden na iyan kung sino talaga ang mahal niya sa inyong dalawa, no.”
“Win, I’m not that selfish, you know.”
“So, ano? Hahayaan mo nalang na ganoon? You're just going to let him and his girlfirend be? Kaya mo bang maging spectator sa love life ni Aiden? Kahit na ganyang nasasaktan ka? And why? Dahil mahal mo siya?”
“Well, if it is his happiness, why not? I support him all the way. At masaya ako para sa kanya.”
“O, tingnan mo, tingnan mo,” wika nito habang tinuturo-turo pa ang mukha niya. “Labas sa ilong iyang sinasabi mong masaya ka para sa kanya, eh.”
“Win,” saway niya dito. “It is true. I am happy for him. I always am. Kahit ba na hindi ako ang rason ng kaligayahan niya. Basta’t masaya siya, masaya na rin ako.”
Hindi na maipinta ang mukha ni Winona. “Alam mo, ewan ko sa iyo. Wala akong kaibigang tanga. At lalo na iyong martir. Gosh! I hate those kinds of people.”
Hindi siya nakasagot dito. Dahil hindi rin niya akalaing magiging tanga siya sa pag-ibig. In fact, she hates those kinds of people too. Pero sasali naman pala siya sa bandwagons of martyrs. Ano ba ang nangyayari sa kanya?
“Ano ba ang nangyayari sa iyo? Where’s the feisty Ysabella Marie Buena that I know? Iyong hindi hinahayaan ang sarlinig magiging tanga. Iyong ipinaglalaban ang karapatan niya,” wika ni Winona.
“Win, what do you want me to do? Break them up to have my happy ending? I am not that selfish, Win,” sagot niya dito. “Oo, tanga na kung tanga. Martyr na kung martyr. Pero hindi ako kontrabida, Win. It is not my place to decide who Aiden should love.”
Natahimik naman si Winona. Kasi alam nitong tama siya.
“Look, I know you are just making me feel good about it. At pinapatatag mo ang loob ko. And I really do appreciate it. Pero wala na akong magagawa, Win. Kung mahal ni Aiden si Cristy, at si Cristy ang makakapagbigay ng kasiyahan niya, ayoko namang kunin iyon sa kanya. I’d rather be hurt than hurt him, Win.”
Winona just nodded her head. “Okay, okay. I am sorry. I admit, I am out of line. I shouldn’t have said that. And I understand you. Ang sinasabi ko lang, hindi din naman siguro masama kung susubukan mong ilaban din ang kaligayahan mo. For now, it may seem like Aiden really likes Cristy... Or loves Cristy. But we really don’t know for sure. Kung magtatapat ka kay Aiden, malay natin kung ikaw ba talaga ang pipiliin niya. I’m just saying, let’s not go down without putting up a fight.”
“So, ano nga? What do you want me to do? You want me to scheme in breaking them up? Do you think, kaya iyon ng konsensiya ko? Win naman. I am a fighter, but I fight fair. You know that.“
“Look, I’m just saying, Belle. Okay? Pero it’s still up to you. Kung sa tingin mo, mas nakakabuti ang ilihim nalang ang nararamdaman mo, then it’s up to you. I can give you a thousand or million advices, but that's all I can do. I can't decide for you. Alam mo naman na sa huli, desisyon mo pa rin ang importante. And most importantly, your happiness,” wika nito. "And whatever your decision will be, you know that I am always here to support you. Kahit ba na kabaliktaran doon ang totoo kong nararamdaman.
Nilapitan siya ni Winona at niyakap. She didn’t know she needed that comfort. Kasi hindi niya namalayang napaiyak na siya sa yakap nito. Mahinang hinagod-hagod lang ni Winona ang likod niya.
Alam naman niyang tama si Winona, pero para sa kanya ngayon, mas importante ang nararamdaman ni Aiden kesa sa iniisip niyang tama. Aiden has always got her back since day one. At ngayon, gusto niya itong suklian sa klase ng pagmamahal at pag-aalagang binibigay nito sa kanya, kahit na batid niyang pang-kaibigan lang iyon. So now, she would also repay his love and kindness, as a friend. Dahil iyon ang importante. Dahil iyon ang tama. If Cristy is the one that can make Aiden happy, then what right does she have to steal it away from him? His happiness is her utmost priority. Her happiness can wait. It will wait.