CLAIM 6: 🚛🍀🍶

1648 Words
TANOD'S P.O.V: DUMATING ANG TRUCK ng gatas na siyang hinihintay namin ni Lawrence nang sumapit ang alas sais ng umaga at hindi ko inaasahan na maraming gatas ang dadalhin sa mansyon ng mga Xaria. "Lawrence, nandito na ang deliver," ani ng pahinante ng truck nang makababa ito mula sa sasakyan at lumapit siya sa amin kasama ang kanyang driver. "Siya ba ang sinasabi mong makakatulong mo?" "Oo, si Tanod," pakilala ni Lawrence sa akin. " Siya naman si Peter at ito si Vince, Tanod. Galing silang Maynila." "Magandang umaga, pare," bati ko sa kanilang dalawa. "Magandang umaga rin. Kayo na ang bahala sa idedeliver na gatas, ha? Hihintayin na lang namin kayo rito sa palengke," wika nito sa amin. "Hindi ba kayo sasama?" usisa ko. "Hindi naman kami pwedeng pumasok sa hacienda para ihatid itong mga gatas dahil si Lawrence lang naman ang pinayagan kaya maghihintay na lang kami rito." Sagot naman ni Vince sa akin. "Sobrang higpit ng patakaran sa hacienda, Tanod, kaya swerte na lang natin na makakapasok tayo sa loob. Marunong ka bang magmaneho?" baling sa akin ni Lawrence. "Marunong naman. Aalis na ba tayo?" sagot ko. "Oo para maaga tayong makabalik agad o baka aabutin tayo ng tanghali sa dami ng gatas na dadalhin natin." "Sige, tara na." Nagpaalam kaming dalawa ni Lawrence kay Peter at Vince at saka kami sumampa sa truck at ako ang nagmaneho samantalang nasa tabi ko naman si Lawrence. Agad kong pinasibad ang truck patungo sa baryo Xaria at halos pinagtitinginan kami ng tao dahil bibihira lang namang may pumasok na sasakyan dito. "Hindi ko alam na marunong ka palang magmaneho ng ganitong sasakyan? Mabuti na lang at ikaw ang isinama ko," natutuwang wika ni Lawrence sa akin kaya bahagya ko siyang nilingon ngunit mabilis ko ring ibinalik ang atensyon ko sa kalsada. "Dati naman akong nagtrabaho bilang taxi driver sa Maynila kaya mabilis lang sa akin ang humawak ng manibela. Unang beses mo bang makasakay sa ganitong sasakyan?" usisa ko kay Lawrence. "Hindi naman. Alam mo namang lumaki na ako sa palengke at iba't-ibang sasakyan na ang nakita at nasakyan ko pero ito ang unang beses na papasok tayo sa hacienda. Nahihiwagaan kasi ako kung ano ba talaga ang itsura ng loob ng mansyon na iyon sa tagal ko nang naninirahan rito sa baryo Xaria." Kahit naman sino ay gustong masilayan ang mansyon dahil sa labas pa lang ng itsura nito ay mapapamangha ka na dahil nanatili ang ganda ng mansyon. Makalipas lamang ang ilang sandali, narating na namin ang malaking tarangkahan ng mansyon at bumaba si Lawrence para kausapin ang bantay sa tarangkahan. Tahimik na iginala ko ang tingin ko sa loob ng maliit na siwang sa loob ng tarangkahan ngunit hindi ko gaanong makita ang loob niyon at saka ko iniangat ang aking ulo papunta sa balkonahe kung saan ko nakita si Xochitl ngunit wala ito doon. Hanggang sa makabalik si Lawrence sa loob, muli kong naibaling ang tingin sa kanya. "Anong sabi?" usisa ko habang inaayos nito ang kanyang pag-upo sa loob ng truck. "Ipasok na raw natin sa loob. Hintayin na lang natin ang pagbukas ng malaking tarangkahan." "Ganoon ba? Ang laki nga ng tarangkahan na ito na para bang isang mataas na pader ang nasa harapan ko." Pagak na tumawa si Lawrence. "Pakiramdam ko nga isang malaking pader ang babanggain ko dahil diyan na para bang may gagawin akong masama sa loob ng mansyon." Natawa na lang din ako sa kanyang tinuran at nang bumukas ang malaking tarangkahan, mabilis kong pinaandar ang truck at saka tuluyang ipinasok ang sasakyan at halos malaglag ang aking panga nang masilayan ang loob ng hacienda. "Woah! Nasa paraiso ba tayo?" bulalas ni Lawrence. Sumalubong kasi sa amin ang kakahuyan at isang malaking fountain sa gitna niyon. Napapaligiran din ng pulang rosas ang entrada ng mansyon at amoy na amoy ko ang halimuyak nito. May kalayuan pa pala ang mansyon mula sa tarangkahan kaya mabilis ko itong dinala sa harapan niyon at nang ihinto ko ang makina, si Aleng Lorna ang sumalubong sa amin nang makababa kami ni Lawrence ng sasakyan. "O, Tanod at Lawrence, kayo pala. Buti nakapasok kayo?" usisa ni Aleng Lorna sa amin. "Raket po namin, Aleng Lorna. Saan po ba namin ibaba itong karga namin?" ani ni Lawrence habang ako ay tahimik lang. Parang gusto kong ihakbang ang aking mga paa papunta sa loob ng mansyon at hanapin si Xochitl ngunit pinipigilan ko lamang ang aking sarili. "Dadalhin 'yan doon sa bodega. Sandali nga at tatawagin ko si Bruno at siya na ang bahala para samahan kayo kung saan dadalhin ang mga 'yan." Iniwan kami ni Aleng Lorna at nagkatinginan kami ni Lawrence at nagkibit-balikat siya sa akin bago ibaling ang tingin sa harapan naming dalawa. "Grabe, parang paraiso pala ito kaya siguro mahigpit sila sa pagpapasok ng mga tao mula sa labas," aniya habang ang mata nito ay nakatuon sa malaking fountain. "Oo nga eh. Pakiramdam ko nasa ibang dimensyon ako dahil dito. Para bang isang maharlika ang makikita ko oras na pumasok ako rito sa loob." "At least nasilayan natin ang loob di ba? Kahit hindi na diyan sa loob ng mansyon--" "Senyorita!" Sabay kaming napalingon ni Lawrence sa loob ng mansyon ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang may yumakap sa akin at halos mapaatras ako kung hindi ko lang naibalanse agad ang sarili ko, baka tumimbwang na ako pahiga sa lupa kasama ang babaeng nakayakap sa akin. "¡Estás vivo!" wika nito gamit ang mahinhing boses at nahihimigan ko ang panginginig ng kanyang tinig. Nilingon ko ang kasambahay na nakasunod sa babaeng nakayakap sa akin at kunot ang aking noo sa kanya na tila nagtatanong kung ano ang nangyayari. "S-Senyorita, pakiusap, bumalik na po tayo sa loob," ani ng kasambahay at hindi niya alam kung hahawakan niya ba ang babaeng nakayakap sa akin. "¿Por qué me dejaste? ¡No deberías dejarme solo así en el infierno!" (Why did you leave me? You shouldn't leave me in hell like this alone!) muling sambit nito na para bang matagal kaming hindi nagkita. "Señorita, solo un momento. ¿Qué quiere decir?" (Miss, just a moment. What do you mean?) Napatingin si Lawrence sa akin at ang kasambahay nang sagutin ko ang wika ng babaeng nakayakap sa akin at hinawakan ko ang braso nito bago siya bahagyang inilayo sa akin. Ang mga mata nito na walang buhay ang sumalubong sa akin at ang maninipis nitong labi ay bahagyang nakaawang at ang suot nitong pantulog na napapatungan ng bathrobe ang siyang aking nasilayan. Siya nga si Xochitl. "Nagkakaintindihan kayo?" usisa ni Lawrence sa akin kaya ibinaling ko ang tingin sa kanya. "Marunong akong magsalita ng Espanyol ngunit kaunti lang." Maikling sagot ko. "Naku, Senyorita! Tanod, bakit hawak-hawak mo siya?" natatarantang wika ni Aleng Lorna nang makabalik siya kasama si Mang Bruno at ilan pang mga kalalakihan na sa tingin ko ay siyang makakatulong sa amin sa pagdidiskarga ng mga gatas. "Maria, bakit nasa labas si Senyorita?" "Bigla na lang po siyang kumaripas ng takbo mula sa kanyang kwarto, Aleng Lorna kaya sinundan ko siya at hindi ko inaasahan na si Tanod ang lalapitan niya at naiintindihan niya ang wika ng Senyorita," sagot ni Maria dahilan para maibaling ni Aleng Lorna ang tingin nito papunta sa akin na ngayon ay hawak-hawak ko pa rin sa magkabilang braso ang kanilang pinagsisilbihan. "Tanod, totoo ba ang sinabi ni Maria na nauunawaan mo ang kanyang wika?" "Kaunti lang ang alam ko sa salitang Espanyol, Aleng Lorna," sagot ko. Napabuga ng hangin si Aleng Lorna at nilapitan nito ang babaeng hawak ko at inilayo siya sa akin. "Senyorita, pumasok na po tayo sa loob," pakiusap ni Aleng Lorna. "¡No! ¡No volveré a mi habitación hasta que hable con él sobre por qué me dejó!" (No! I won't go back inside my room until I talk to him why did he leave me!) pagmamatigas naman nito kaya napabuga ako ng hangin at hinarap ang babae. "Disculpe, Señorita, pero no soy la persona con la que usted quiere hablar sobre ese asunto. No la conozco, así que, si es posible, por favor, entre a la mansión antes de que cometamos un crimen." (Excuse me, Señorita, but I'm not the person you want to talk to about that matter. I don't know you, so if possible, please go inside the mansion before we commit a crime.) "P-Pero--" "Senyorita, tara na po," pamimilit ni Aleng Lorna kaya walang nagawa ang babae kundi ang sumama sa dalawang kasambahay niya at ibinalik siya sa loob ng mansyon. Napabuga na lamang ako ng hangin. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko dahil sa kaba na dulot ng kanyang presensya. "Pasensya na, Tanod. Hindi namin inaasahan na lalabas si Senyorita sa kanyang kwarto pero ano ang sinabi mo sa kanya?" usisa ni Mang Bruno kaya napatingin ako sa kanya. "Humihingi po siya ng paliwanag sa akin kung bakit ko raw po siya iniwan eh hindi nga po kami magkakilala kaya ang sabi ko po ay nagkakamali siya ng taong kinakausap." "Naku, ganoon ba? Ang totoo niyan, nahihirapan kaming pakisamahan ang Senyorita dahil nga sa hindi namin maunawaan ang kanyang sinasabi noong dumating siya rito. Mabuti na lang at marunong ka pala sa salita niya?" Sa pagkakaalam ko ay hindi naman gaanong nagsasalita ang Senyorita ngunit hindi na ako nagsalita pa tungkol doon dahil wala naman akong ideya sa nangyayari rito sa loob ng mansion. "Limitado lang po ang alam kong salita ng Senyorita, Mang Bruno," sagot ko na lamang. "Ang mabuti pa, simulan na nating magdiskarga bago pa tayo abutin ng tanghali rito." Sabat ni Lawrence at bahagyan pa akong tinapik sa aking balikat at nauna na itong pumunta sa likod ng truck upang buksan ang pintuan. Napailing na lamang ako at saka sumunod kila Lawrence at nagulat ako nang makita ang naglalakihang banga na halos umabot yata ng sampu ang bilang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD