TANOD'S P.O.V: NAKABALIK NA kami ni Lawrence sa palengke at tanghali na nang marating namin ang lugar. Sabay kaming bumaba at sinalubong kami ni Peter at Vince. "Naideliver ba ng maayos?" ani ni Peter kay Lawrence. "Oo naman. Para namang ipapahamak kita sa negosyo mo? Ito nga binigay ni Mang Bruno," ani ni Lawrence at pinakita niya pa ang limang libo na hawak niya at ngumiti si Peter at tinapik sa balikat si Lawrence. "Maasahan ka talaga. Sa inyo na 'yan at babalik na kami sa Maynila. Salamat sa tulong, Tanod," baling nito sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. "Walang problema, pare. Basta si Lawrence ang magbigay ng trabaho sa akin tiyak na sigurado." "Siya, maiiwan na namin kayo." "Mag-iingat kayo at salamat ulit." Tumango na lamang si Peter sa amin ni Lawrence at saka sila sumampa

