TANOD'S P.O.V: GUMAPANG ang kilabot sa buong katawan ko nang sabihin ni Xochitl na kamukha ko ang kanyang namayapang asawa at nang iabot niya sa akin ang litrato, nakita ko nga ang sarili ko. "P-Paanong nangyari?" nauutal na tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ang litrato ng namayapa niyang asawa. "Akala ko ay buhay siya sa katauhan mo kaya nang makita kita rito sa hacienda kaninang umaga ay nagbakasakali ako na ikaw nga siya. Pasensya na sa ikinilos ko kanina. Ni hindi man lang ako nagtanong muna kung ikaw nga ba si Felipe at nagpadalos-dalos ako sa aking kilos." Muling sambit niya at tuluyang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Dahil doon, nakaramdam ako ng paninikip sa aking dibdib dahil nakikita ko sa kanya si Mommy kung paanong magdusa habang niloloko siya ng Daddy ko. Isa sa

