XOCHITL'S P.O.V: "AYOKONG IPAHAMAK ka, Senyorita kaya mawalang-galang na at ako ay aalis na lamang." Magalang na wika ni Tanod at saka niya ako tinalikuran at lumabas na siya ng balkonahe kaya napabuga na lamang ako ng hangin at mukhang hindi ko na siya mapipilit na manatili sa aking silid. "Kung iyan ang desisyon mo ay ikaw ang bahala." Bumalik na lang ako sa aking kama at muling kinuha ang litrato ni Felipe at ibinalik iyon sa kanyang picture frame at itinabi ko ito sa bed side table. Akala ko talaga ay buhay si Felipe nang makita ko si Tanod na nakatingin sa akin nang unang gabi ko rito sa hacienda. Halos hindi ako makatulog dahil doon sa pag-aakalang minumulto niya ako ngunit nang makaharap ko si Tanod kanina ay doon ko lang napatunayan na ibang tao siya. Parang gusto kong sakalin

