CLAIM 13: ⚠️⚠️⚠️

1265 Words

XOCHITL'S P.O.V: "ANONG kasunduan?" takang tanong ko kay Tanod. "Kasunduan na sasamahan kita kahit saan o kailan mo gugustuhin. Magiging tagapagsalita mo rin ako sa lahat ng nais mong sabihin sa mga taong nakapaligid sa'yo," aniya nang hindi nagbabago ang pagiging seryoso ng kanyang mukha. "At ang kapalit?" muling tanong ko sa kanya. Ibinaling ni Tanod ang kanyang tingin palayo sa akin at isinandal ang kanyang ulo sa pader na tila nag-iisip sa maaari niyang isagot sa akin. "Ang puntahan ka rito sa'yong silid kahit kailan ko gugustuhin nang walang humaharang sa akin. Iyon ang kapalit." Nahigit ko ang sarili kong hininga at tila nakaramdam ako ng kakaibang init kahit na malamig naman ang simoy ng hangin na siyang pumapasok sa aking silid. "Sige, pumapayag na ako." Mabilis na wika ko a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD