Chapter 21 ILANG buwan din ang hinintay ko bago ako magkaroon ng donor para sa eyes transplant ko. Limang buwan to be exact. Nasa ospital ako ngayon. Hinahanda para sa operasyon ko. Gusto ko nang makakita talaga. Hawak ko ang kamay ni Clyde. Magkatabi kami ngayon sa kama ko dito sa hospital. Panay halik din ito sa aking kamay. "Masaya ako kasi girlfriend na kita," sabi nito sa akin. "Sasabi ko na sa mga tao na akin ka na talaga." Alam kong masaya ito. Masaya din naman ako, at may karapatan na ako sa kanya. Hinayaan ko siya sa gusto niya. Pero gusto ko pa rin na manatiling lihim ang aming relasyon. Gusto kong manatiling pribado ang relasyon namin. "Ayaw kong gawin ito Clyde. Pwede bang ilihim natin ang relasyon natin," saad ko dito. "Gusto ko na iilan lang ang makakaalam." "Bakit na

