Chapter 21 Samantha Palabas ako ng bahay para pumunta sa bayan at bayaran ang mga tarpaulin at mga posters na pinaprint para sa kandidatura ni Papa. Sa isang linggo na kasi ang simula ng campaign kaya naman pursigido na ang kampo ni Papa at siyempre pa tutulong ako. Napagpasiyahan kong magcommute dahil hindi ko pa gamay magmaneho. Iyon nga ang naging dahilan nang muli naming pagkikita ni Gian noong mabangga ko ang kotse niya sa Manila. Speaking of mokong medyo nakakamiss siya. May ilang araw na yata siyang hindi nagpapakita. Marahil ay busy doon sa plantation niya. "Ay kabayo!" hiyaw ko at napaigtad nang may biglang bumusina ng malakas sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko ang hinayupak na si Gian Lee na tawa nang tawa habang nakasakay sa motorsiklo niya. "Haha! Pwedeng pang funni

