Chapter 20 "Magbigay kayo ng kapayapaan sa isa't-isa." anang pari kaya naman bumuhos ang mga salitang peace be with you sa bawat magkakatabi. "Peace tayo baby!" ngisi niya at mabilis na hinalikan ang noo ko nang humarap ako sa kanya para magsabi ng peace be with you. Alam kong nangamatis ako sa pula dahil sa inasal niya. "P-Peace be with you." halos magkandautal na sabi ko. "Tara." yakag niya noong matapos ang misa. "Saan naman? Uuwi na kaya ako, kung gusto mo magdinner ka sa amin." alok ko. Napakamot siya sa batok. "Di bale na." tanggi niya. "Labo mo, tara kina Papa para sabay-sabay na tayong umuwi." yakag ko sa kanya at lumakad papunta sa unahan ng simbahan dahil alam kong doon sila nakapwesto. Tatawagin ko na sana sila nang mapansin kong kasama nila si Vince at ang ama nito.

