Chapter 2: Rampage

1881 Words
Chapter 2: Rampage "Tumapang ka ata ngayong gabi young master Sol". Sabi ng isang lalaki na nasa aking harapan. Ang lalaking ito ay anak ng isa sa mga kaaway ng Magi Clan at masasabing isa sa mga may natural na galit sa akin. "Ano ngang pangalan mo?". Sabi ko dito habang agad namang na ngitim ang mukha nito. Actually kilala ko ang lalaking nasa aking harapan pero gusto kulang makita ang galit na reaksyon ng mukha nito. "Kyle Lima ng Lima Clan". Sabi nito na may inis ang tono. Nginitian ko ito at tumango. "Young master Kyle patawad at nakalimutan ko ang pangalan mo, ganito talaga ako sa mga taong walang kwenta aking nakakalimutan". Sabi ko dito habang agad na nabalot ng apoy ang buo nitong katawan. "F**k you!". Mura nito at agad na sumugod sa akin. "Mainit ka naman agad young master Kyle". Sabi ko dito na may ngiti sa labi habang mabilis ko namang iniwasan ang paparating nitong atake. "Tatanggalin ko sa bibig mo yang ngiti mo!". Sigaw nito at isang apoy muli ang mabilis na lumipad patungo sa akin. "Slow". Sabi ko ng makita ko ang atake nito habang agad namang nabalot ng kuryente ang aking mga paa. Sa isang iglap ay agad akong nakapunta sa likod ni Kyle at sinipa ito sa likod ng kanyang ulo. *Pak!* Maririnig ang isang malakas na tunog at kasunod nito ay ang pagtilapon ng katawan ni Kyle sa isang direksyon. Makikita naman ang pagtataka sa mukha nito. 'Paanong!' Hindi pa man ito nakakabawi sa sitwasyon ay agad ko na itong sinundan ng isa pang malakas na sipa sa tiyan dahilan para bumagsak ito at mawalan ng malay. "Next". Sabi ko. Sa oras na iyon ay hindi makapaniwala ang lahat ng mga tao sa lugar, sobrang bilis ng pangyayari! Dalawang atake lang mula kay Sol ay hindi na makatayo ang young master ng Lima Clan. Imposible! Ito ang nasa isip ng bawat isa ganoon pa man ay tunay ang sitwasyon ngayon. "Next". Once na marinig ito ng lahat ay agad na bumalik sa realidad ang mga nanunood sa lugar. "Enhancing Ability! Ang paggamit ng elemental magic sa sariling katawan para ma-enhance ang katawan!". Sabi ng isa sa mga matatanda sa lugar habang narinig naman ito ng nakakarami. "That's why!". Agad na naunawaan ng lahat ang naging nangyari ganon paman ay makikita ang gulat sa mukha ng mga tao sa lugar. Kailan pa ito kayang gawin ng young master ng Magi Clan!? Ang nakakapagtaka pa dito ay isang Middle Tier Magic ang paggamit ng Enhancing Ability. "Next" Muling sabi ni Sol habang agad namang may kumuha sa katawan ng ngayon ay walang malay na young master ng Lima Clan. "Ako ang susunod". Sabi ng isang boses at napunta ang atensyon ng lahat sa isang binatang naglalakad patungo sa battle arena. "Si Gary Lim!". Sigaw ng isa sa mga tao sa lugar. "Lim? Yung isa sa mga ancient family?". Tanong naman ng nasa tabi nito. Sa oras na iyon iba't ibang usapan ang aking narinig sa lugar ganon paman ay hindi ko binigyan ito ng pansin. "Maligayang kaarawan". Sabi ng lalaking nasa aking harapan na si Gary Lim. "Salamat". Sabi ko naman dito na may kasamang pag tango. "Ilalabas ko ang lahat ng aking magic sa labang ito". Sabi nito na akin namang tinanguan. Sa oras na iyon ay isang malakas na hangin ang agad na nabuo sa lugar. 'Middle tier magic'. Agad kong ini-apply ang lightning magic sa aking mga paa upang makamit ko ang pambihirang bilis. "Hindi gagana sa akin ang enhancing technique na yan". Sabi ni Gary Lim at isang malakas na hangin na parang tornado ang agad nitong pinakawalan patungo sa akin. Sa oras na iyon ay agad kong naramdaman ang isang malakas na pwersa na humihila sa akin papunta sa umiikot na hangin. Napangiti naman ako ng makita ito. "Lightning Smash!" Aad na nabalot ng lightning magic ang buo kong katawan at mabilis ko itong inipon sa aking dalawang kamay at buong lakas na inihampas sa semento, dahilan para mawasak ang floorings ng stage at mahigop ng umiikot na hangin ang mga nag liliparang mga debris at alikabok. Dahil dito ay makikita ang paghina ng pag-ikot ng hanggin. 'Chance!'. Sabi ko sa akinh sarili. Dito muli kong binalot sa lightning magic ang aking dalawang paa at agad na sumugod kay Gary Lim pero walang kahirap-hirap din itong lumayo sa akin gamit ang kanyang wind magic. "Wind Cutter!". Sigaw nito at tatlong wind cutter spell ang agad na patungo sa aking pwesto. 'Mukhang wala na akong chance. Kung hindi ko matatalo sa bilis gamitan ng lakas!'. Decisive kung plano. Agad na nandilim ang buong paligid at isang maitim na ulap ang mabilis na namuo sa kalangitan habang iniiwasan ko naman ang Wind Cutter. Sa oras na iyon isang magic symbol ang agad na lumiraw sa aking mga paa. "Lightning Strike!". Sa isang iglap ang madilim na kalangitan ay agad na nag pakawala ng lightning strike patungo kay Gary Lim! Habang makikita naman ang gulat sa mukha nito ngunit huli na ang lahat! *CRACKLEEE!* *Boom!* Agad na nabalot ng malakas na tunog ang buong lugar habang nagliparan naman ang mga debris sa paligid. "F**ck! isang High Tier Magic!". Rinig kong sigaw ng mga tao na nasa lugar habang napangiti naman ako dito. Sinong nagsabing mahina si Sol Magi! Ang tinatawag na kahihiyan ng Magi Clan ay isang Advance Tier Mage! Ito ang nasa isipan ng lahat ng mga tao na nasa loob ng lugar. *** Hindi makapaniwala ang lahat sa kanilang nasaksihan ganon paman ay totoo ang mga pangyayari. Isang Advance Tier Mage!. Sa edad na 18 years old! Isang genius! *Whoshhh* Sa oras na iyon isang matandang lalaki mula sa Lim Family ang agad na nagtungo sa battle stage. Walang kahirap-hirap nitong tinanggal ang mga nagliliparang debris at alikabok sa paligid. "Gary". Sabi ng matanda habang agad naman itong napabuntong hininga ng makitang ligtas ang binata. Nababalot ang buong katawan ni Gary ng isang defensive spell kaya hindi nanganib ang buhay nito ganon paman ay naubosan ito ng magical energy kaya nawalan ito ng malay. Agad na kinuha ng matanda si Gary at tumingin kay Sol habang ngumiti lamang si Sol dito. "Next". Muli ay napatingin ang lahat kay Sol. "Ako ang susunod!". Sigaw ng isang lalaki sa likuran. Pero bago pa ito makatayo ay may isang babae ang agad na tumayo at naglakad patungo sa battle stage. Habang naglalakad ang babae ay makikitang naka-focus sa kanya ang mata ng lahat lalo na ang mga binata sa lugar. Dahil ang babaeng nag lalakad ay isang inner member ng Ice Phoenix Faction! Ang pinakamalaking faction sa bansa. Sikat ang faction na ito sa bansa dahil sa puro babae lamang ang tinatanggap ng faction na ito at halos lahat ng mga miyembro ng faction na ito ay magagandang babae. "Ako si Chrisza ng Ice Phoenix Faction". Sabi nito habang tinanguan naman ito ni Sol at walang ano-ano ay isang high tier magic spell ang nabuo sa harap ni Chrisza! "Ice World!" Sigaw nito at mabilis na nabalot ng yelo ang buong battle stage. 'Advance Tier Mage!'. Sabi ni Sol ng makita ito. Habang agad namang tumalon si Sol at lumayo sa kanina niyang pwesto dahil ang pwesto na kanina niyang kinalalagyan ay agad na nabalot ng yelo. "Ice Spear!". Sabi ni Chrisza. Limang mga spear na gawa naman sa yelo ang agad na pinakawalan nito sa oras na umiwas si Sol sa Ice World. Makikita naman ang gulat sa mukha ni Sol ng mga oras na iyon. 's**t!* *** "Lightning Wall!" Agad akong gumawa ng wall na gawa sa lightning para salagin ang Ice Spear ni Chrisza. Sa totoo lang hindi ako makapaniwalang ang magandang babaeng kalaban ko ngayon ay parehas ko ding isang Advance Tier Mage. Pero mas master na nito ang kanyang mga spells dahilan para mas mabilis itong mag pakawala ng mga atake. 'Mukhang wala na akong magagawa!'. Mula sa aking soul ay agad akong gumawa ng spell mark at sa oras na makonekta ko ito ay isang malaking magic spell ang lumitaw sa aking itaas. Ito ang huli kong spell at isa itong Area of Effect na spell. "Lightning Rain!" Sigaw ko. Sa isang iglap umulan ng mga lightning bolts sa loob ng battle arena. *Boom!* *Boom!* "Ice Wall!" Agad na sigaw ni Chrizsa at isang matibay at makapal na yelo ang agad na promotekta sa kanya sa Lightning Rain ko, ganon paman ay hindi pa ako tapos. "Lightning Strike!". Dito ay ginamit ko na ang lahat ng natitira kong magical erergy sa aking katawan at isang malaking Lightning Strike ang agad na tumama sa Ice Wall ni Chrisza! *c***k!* Agad na nagkameron ng malaking c***k ang ice wall ni Chrisza at mabilis itong kumalat sa buong ice wall at hindi pa nag tagal ay nawasak na ang ice wall. *Shattered!*. "Ice Armor!" Huling sigaw ni Chrisza at agad na nabalot ng armor na gawa sa yelo ang buo nitong katawan! Habang buong lakas na tumama dito ang aking Lightning Strike. "BOOM!". Katulad kanina ay nabalot ng alikabok at debris ang buong battle stage ganon paman ay agad din itong naglaho at nakita ko ang nakatayo pading si Chrisza ngunit half sa armor nito ay wasak at sira na. "Kakaiba talaga ang defense ng isang Ice Mage". Sabi ko dito habang tuloyan namang naglaho ang ice armor nito at ang kaninang walang ekspreyon na mukha ay napalitan ng kaunting ngiti. "You won this match Sol Magi". Sabi nito sa akin at umalis sa battle stage. Even though alam nitong wala na akong magical energy sa katawan ay alam ko ding ubos na din ang magical energy sa kanyang katawan. "Malaki ata ang iyong pinagbago pamangkin at hindi namin inaasahan na nagawa mong itago ang iyong tunay na lakas". Sabi ng boses na nagmumula sa head master ng Magi Clan. "Wala namang nag sabi sa akin na kailangan kong sabihin o ipakita ang aking lakas uncle". Sabi ko dito habang makikita ang ngiti sa aking labi. Sa totoo lang ang kalaban ko lang naman sa Magi Clan ay ang pamilya ng aking uncle at ang mga naka suporta dito. Maliban dito? Wala na dahil loyal ang iba sa aking ama. "Syempre hindi mo ito kailangang sabihin lalo na't ngayon ay 18 years old kana" Sabi ni uncle. "Ganoon pa man ayon sa batas ng Magi Clan ang miyembro ng Clan na walang Summoning Magic ay hindi maaring mag tagal sa loob ng Clan lalo na kong 18 years old na ito" Dagdag pa nito. Habang sa oras na sabihin ito ni uncle ay agad na maririnig ang usap-usapan sa buong paligid pero hindi ko ito pinansin. "Ang ibig mo bang sabihin uncle ay kailangan ko ng umalis Sa Magi Clan?" Tanong ko dito habang agad namang lumapit sa akin ang aking ina. "Batas ay batas". Sabi nito habang tatlo sa mga elders ng Magi Clan ang agad na tumayo. "Simula sa bagong araw na ito ikaw Sol Magi ay hindi na miyembro ng Magi Clan". Once na sabihin ito ni uncle ay agad na nagulat ang mga tao sa lugar. Isa itong malaking balita! Sa oras na iyon ay napangiti lamang ako sa sinabi ni uncle habang agad namang napahawak sa aking kamay si mom at isang matandang lalaki ang agad na lumapit din sa aming dalawa. "Kong ganon si Sol Magi anak ni Hilda Cruz Magi ay miyembro na ng Cruz Clan" Sabi ng matandang lalaki. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD