Chapter 3: Ordinary Summoner

1344 Words
Chapter 3: Ordinary Summoner? It's been a week simula noong nangyari ang birthday ko at halos mag isang linggo ding nasa internet, tv news at papers ang pangalang Sol Magi. Ganon paman ay hindi ko ito binigyan ng pansin at sa mga araw na iyon ay unti-unti kong hinila ang Summoning Magic sa aking katawan patungo sa aking soul at sa araw na ito ay nagawa ko na din ito sa wakas. Sa oras na magawa kong makakonekta sa summoning magic sa aking soul ay agad na nabuo ang isang magic mark sa aking kaliwang kamay patunay lamang na isa na akong tunay na Summoner. 'Kailangan ko nang mag pahinga'. Sabi ko sa aking sarili. Agad akong tumayo mula sa aking pagkakaupo habang aking binuksan ang kurtina ng aking kwarto. Hindi katulad ng dati kong kwarto sa Magi Clan ay mas maliit ang bago kong kwarto ganon paman ay hindi maikukumpara ang view na aking natatanaw sa bagong lugar na ito. Matatagpuan sa Tagaytay City ang Cruz Clan, hindi ito kasing sikat ng Magi Clan ngunit kilala ang Clan na ito sa Lightning Magic at ito din ang pamilyang pinagmulan ni mom. Dahil na din sa galing ko sa Lightning Magic ay walang kahirap-hirap akong tinanggap ng Cruz Clan, isama pang anak ako ni Hilda Cruz ang dating princess ng Cruz Clan. 100 percent na may lugar ako sa lugar na ito. Sa mga araw na lumipas ay pinag-aralan kong mabuti ang Law of Summoning, ayon sa memorya ng dating Sol ang isang summoner ay kayang bumuo ng kontrata sa isang nilalang sa ibang dimension o lugar. Ganon paman ang isang normal na summoner ay laging nabubuksan ang dimension ng Magical Beast Realm isang realm kong saan ang mundo ay pinaghaharian ng mga Magical Beast. Pero ayon sa lumang librong na nakuha ko gamit ang koneksyon ni Mom, ang isang summoners ay pwedeng gumawa ng kontrata sa nilalang ng ibang dimension! Ibig sabihin hindi lang sa realm ng Magical Beast. Pwede din sa iba pang lugar! Subalit hindi paden ako sigurado dito pero kailangan ko pading subukan para aking malaman. Bilang isang Advance Tier Mage ay mas malaking enerhiya ang maari kong maibigay sa oras na buksan ko ang Summoning Portal. Ganoon pa man ay kailangan ko munang makasigurado na nasa ligtas akong lugar at walang masisira o maabalang iba. Kaya naman agad akong nag request kay mom ng lugar na kong saan ay pwede akong mag cultivate at pumayag naman ito agad-agad. Dinala ako ni mom sa isa sa mga kwebang nasa pamamahala ng Cruz Clan at ng makita ko ang lugar ay agad akong natuwa dahil perpekto ito sa gagawin kong plano. "Maraming salamat mom" Sabi ko dito habang agad naman itong ngumiti sa akin. "Kung nandito lang ang papa mo ay seguradong matutuwa siyang makita kang ganito". Sabi ni mom. "Sige na anak aalis na ako para makapagsimula kana, mag ingat ka" Dagdag pa nito at agad na umalis sa lugar. *** Ilang minuto ang lumipas walang kahirap-hirap akong nakagawa ng Summoning Mark sa lupa gamit ang isang stick. Sa oras na masigurado kong walang problema sa Summoning Mark ay agad ko itong pinatakan ng aking dugo. 'Magsimula na tayo' Sabi ko. Noong oras na dumampi ang aking dugo sa Summoning Mark ay agad na nagliwanag ito habang kinokontrol ko naman ang enerhiya sa aking katawan patungo sa nagliliwanag na Summoning Mark. Sa isang iglap ang kaninang liwanag ay naging isang portal! Agad akong umupo nang lotus position at nag concentrate sa summoning portal. Tila ay hinigop ang aking kaluluwa ng portal at sa oras na buksan ko ang aking mga mata ay agad kong nasaksihan ang isang pambihirang tanawin. Sa aking harapan ay makikita ang Universe! Namangha ako ng makita ito at sigurado akong wala sa libro o sa memorya ng dating Sol ang nararanasan ko ngayon. Kung ganon ay tama nga ang hinala ko, agad akong na excite ng mga oras na iyon ngunit agad ko ding kinontrol ang aking nararamdaman at tiningnan ang mga planeta sa aking paligid. 'Kailangan kong mag madali bago maubos ang aking magic energy!'  Aking inisip ang isang dimensions na puno ng mga lightnings, sa isang iglap ay napadpad ako sa lugar na nababalot ng mga lightnings! Sunod ko namang inisip ang planetang may civilization ng mga tao at agad na tumambad sa aking harapan ang tatlong planeta. Ang planeta sa aking harapan ay nababalot ng tila ay sumasayaw na bughaw na lightnings habang ang kasunod nito ay planetang nababalot ng purple lightnings. Ganoon pa man ang mas nakakuha sa aking atensyon ay ang planetang nababalot ng Golden Black na lightnings! 'Ikaw!' Naglaho ang dalawang planeta at ang natira nalamang ay ang planetang nababalot ng tila ay mga dragon na gawa sa Golden Black Lightnings. "Summoning Bridge!" Nang sabihin ko ito ay agad akong nakapasok sa planeta at napadpad sa hindi ko alam na lugar. Gayunpaman sa aking harapan ay makikita ang isang lumang templo! Hindi ko alam kung anong nakasulat sa taas ng templo ngunit ang Lightning Magic ko sa mga oras na iyon ay hindi mapakali. "Sinong nandiyan!" Sabi ng isang boses mula sa lumang templo, sa isang saglit ay lumabas dito ang isang babae. Sa aking tingin ay kasing edad ko lamang ang babae, itim ang buhok nito na may halong kaunting dilaw habang maikokompara ang mukha nito sa isang magandang Japanese na dalaga sa dati kong mundo. Ngunit nakakuha ng atensyon ko ay ang hawak nitong espada. Isang long katana! "Sinong nandiyan" Muli nitong sabi habang agad akong nag desisyon sa mga oras na iyon. 'Siya!' Sabi ko sa aking sarili. Ilang saglit pa ay isang puting lubid ang agad na pumaikot sa katawan ng babae habang agad naman akong bumalik sa akong tunay na katawan. "Summon!" Nang sabihin ko ito ay agad na lumitaw sa portal ang babae habang makikita ang pagtataka sa mukha nito. Ngunit agad ding naglaho ang pagtataka sa mukha nito at galit na tumingin sa akin. 'f**k!' "Raitoningu" Sa oras na sabihin ito ng babae ay agad na nabalot ng Golden Black Lightning ang buong kweba! Ganon paman ay isang shield ang agad na bumalot sa aking katawan. Akin namang naunawaan na ang shield na ito ay ang summoners shield kung saan prinoprotektahan ng Summoning Magic ang kanyang host sa Summoned Creature o Summoned Beast. "Pakawalan mo ako!" Sigaw ng babae habang nabasa naman ng pawis ang aking likuran ng mga oras na iyon. Mukhang mali ata ang ginawa kong pag pili sa babaeng ito. Ganoon pa man ay paubos na ang aking magical energy kaya kailangan ko na ito agad matapos! "Summoned Contract!" Sa oras na iyon, isang marka ang agad na pumasok sa katawan ng babae at maya-maya pa ay makikita ang gulat sa mukha nito at pagtataka ngunit naging kalmado din ito at napa-upo sa kanyang pwesto. Sa isang iglap agad na nabalot ng liwanag ang buong katawan ng babae habang makikita ang tuwa sa mukha nito. "Haitia!!!" Sabi nito at agad na yumakap sa akin, hindi ko alam kung anong iisipin sa pagkakataong iyon ngunit ang alam ko lamang ay success ang Summoning Magic ko at kasunod nito ay ang pagkawala ng aking malay. *** "Weak-o weak-o" Sabi ng isang tinig habang may humahampas sa aking ulo. "Aray!" Buong lakas kahit wala akong lakas na tumayo mula sa pagkahiga. Aking namang natandaan ang mga pangyayari. "Success!" Sabi ko habang nakatingin sa Japanese na babae. "Anong success pinagsasabi mo! Saan ka nakakuha ng lakas ng loob na gawing contracted Summoned ang isang ōjo na katulad ko!" Sigaw nito habang hindi ko maintindihan ang sinasabi nito. "Isa kang prinsesa?" Tanong ko dito habang agad namang makikita ang ngiti sa labi nito na may halong haughtiness. "Ang kireina sa iyong harapan ay ang 3rd Princess ng Golden Lightning Sword Temple! Princess Mizuki Katana! Ngayon kailangan mong mag bigay galang!" Sabi nito habang nakatutok sa aking mukha ang long katana sa kamay nito. Napabuntong hininga lamang ako dito. "Return!" Sa oras na sabihin ko ito ay agad na nabalot ng puting liwanag ang buong katawan ni Mizuki at bumalik na ang katahimikan sa kweba. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD