Chapter 27: The Truth

1647 Words
"Great Mind tingnan natin kong anong klaseng method ang ginamit nila para ma kontrol ang Fire Spirit." Sabi ko habang isang air seed ang agad na pumasok sa walang malay na si Leonard. Maliban sa pag invade ng iba't ibang bagay tulad ng security camera. May kakayahan din si Great Mind na makontrol ang utak ng mas mahina sa kanya. After all ang Idiofyia Race ay isang parasite species kaya normal na sa kanila ang ganitong kakayahan. Once na makapasok ang Air Seed ni Great Mind sa kanyang biktima ay magagawa niyang mabasa ang memory nito. Ilang segundo pa ay tapos na si Great Mind sa pag kolekta ng memorya nito. "Master kakailanganin ko ng oras bago maayos ang memory na nakuha ko." Sabi ni Great Mind na aking tinanguan habang agad naman kaming umalis sa lugar. Nagtungo kami sa office ng University Mages na makikita lamang sa tabi ng Head Dean Office. Walang tao sa loob maliban sa isang natutulog na middle age man habang nakasulat naman sa lamesa nito ang kanyang pangalan. "University Mages Instructor: Charles Erwin" "Ahem." "Ano sino saan bakit!" Sigaw ng instructor ng bigla itong magising at mahulog mula sa kanyang pagkatulog. "Ok kalang po ba instructor." Sabi ni Angela habang tinulungan itong tumayo. "Ok lang ako, ok lang ako" Sabi naman nito habang agad na tumayo at inayos ang kanyang suot. "May maitutulong ba ako sa inyo?" "Nandito po kami dahil na approved na po ang aming application for the University Mages." Sabi ni Angela na ikinagulat ng instructor. "Wait hindi ba sobrang bata niyo pa para maging isang University Mages?" Tanong nito ganon paman ay tiningnan niya padin ang kanyang record at biglang nanlaki ang mga mata nito. "Totoo nga! Wow hindi ko inaasahan na mga lord tier mages na kayo." "Well kailangan ko munang ipaliwanag ang pagiging isang University Mages at kong ano ang magiging responsibilidad ninyo." Sabi nito habang ini abot sa amin ang tatlong mga papel. Umupo kami at tiningnan ito. University Mages History. "Magsimula tayo sa History alam ko namang alam niyong napapalibutan ang ating mundo ng mga danger zone dahil sa Dimension Crack." "Ang unang panlaban ng Human Mages sa mga ito ay ang tinatawag na Battle Mage." "Ang mga Battle Mage ang promoproktekta sa atin at sila din ang mga nasa frontline. Ngayon anong kinalaman ng University Mages sa Battle Mages." "Ginawa ang University Mages dahil sa isang kadahilanan maging reserve. Ang University Mages ay mga reserba ng Battle Mages lalo na kong may malaking laban sa frontline." "Alam niyo naman seguro kong gaano ka delikado ang frontline." Tinaas naman ni Angela ang kanyang kamay "Ibig po bang sabihin kailangan din naming pumunta sa frontline?" Tanong niya dito. "Syempre hindi, kaayo ay mga reserba lamang at masasabing Battle Mage in training." "Ang program na ito ay ginawa para maidentify ang mga kabataang may malaking potensyal." "Hindi nilala hahayaang ang mga tulad niyo na mamatay sa frontline kaya naman papasok dito ang inyong responsibilidad at mga gagawin." "Responsibilidad niyong protektahan ang mamamayan yun lang ang dali lang diba." Sabi nito habang nakangiti. "Ibig sabihin para kaming mga police?" Sabi ulit ni Angela. "Tama at mali, mas mataas pa ang posisyon niyo sa mga police at kailangan niyo lang kumilos kong hindi ito kaya ng mga ito." "Well segurado namang hindi niyo kakailanganin iyon. Mapunta naman tayo sa inyong misyon." "May dalawa kayong pagpipilian. Una gawin ang limang misyon at grumaduate sa unibersidad na ito. Pangalawa grumaduate at maging isang tunay na Battle Mage." *** Paglabas namin sa lugar ay hindi ko alam kong matatawa ako o ano pero hinaayaan ko nalang ito at tiningnan ang isang card sa aming kamay. Ang card na ito ay tinatawag na University Mages ID card patunay na pagiging University Mages namin. Dito din namin makukuha ang 'sweldo' namin mula sa Maharlika. Maharlika ang may hawak sa National Battle Mages ng bansa, natural. Makikita naman ang mission ng mga University Mages sa kahit na anong Maharlika Branch sa bansa. Sa oras na iyon ay masasabing hindi na kami estudyante. "Master nagawa ko ng maayos ang memory na nakolekta ko." Sabi ni Great Mind habang inutusan ko itong ipasok sa aking utak ang memory. Para flash drive files ang memorya na pumasok sa aking isipan at ang kailangan ko nalang gawin ay buksan ang bawat file at mapapanood ko na ang memorya. Hinanap ko agad ang memory kong saan ibinigay kay Leonard ang Fire Spirit at agad itong pinanuod. Sa umpisa ay normal lamang ang pangyayari at makikita dito si Leonard, ang aking uncle at dalawang elder na laging nakasunod kay uncle. "Isa itong vessel na naglalaman ng Fire Spirit." Sabi ni uncle Fast forward... "Anak ginawa ko ang lahat para makuha ang mga bagay na meron ka ngayon. Prinotektahan ko kayo ng mama mo kahit kapalit nito ang buhay ng kapatid ko." Sa oras na marinig ko ito ay agad na nagdilim ang aking paligid... *** "Magi Clan! Ako si Sol Magi kong hindi ko mawawasak ang Clan na ito hindi Sol Magi ang pangalan ko!" Sigaw ni Sol sa labas ng Magi Clan habang apat na guardiya ang napigil sa pagpasok nito. "Hindi kana miyembro ng Magi Clan kaya umalis kana kong ayaw mong masaktan." Sabi ng isa sa mga guard habang tinitigan ito ni Sol. "Kong ayaw niyong madamay umalis kayo." Sabi ni Sol dito habang hindi naman napigilan ng isa sa mga ito ang mapaluhod sa takot. Sa mga oras na iyon isang malakas at sobrang bigat na aura ang bumalot sa buong katawan ni Sol. "Umalis kayo!" Sigaw ni Sol dahilan para magtakbuhan ang apat na guard. Mabilis na nakapasok si Sol sa lugar. Makikita sa kanyang harapan ang mga miyembro ng Magi Clan. Iba sa mga ito ay pamilyar sa kanya habang ang iba naman ay hindi. Ganon paman wala siyang pakialam dito at ang kailangan niya lang ay ang kasagutan sa kanyang uncle. "Sol! Anong ginagawa mo gusto mo bang mamatay!" Sigaw ng isa sa mga lalaki sa lugar habang lumapit ito kay Sol ganon paman isang malaking Summoning Spell ang lumitaw sa likod ni Sol at lumabas dito ang Fire Spirit. "Nandito lang ako para sa isang kasagutan" Sabi ni Sol habang nabalot naman ang buong kinatatayuan ni Sol ng galit na apoy. "Sol! Baka nakakalimutan mo kong sino ang nagpalaki sayo!" Sigaw ulit ng lalaki na nginitian lang ni Sol. "Pinalaki ako ng aking Mom hindi na Clan na ito!" Sabi ni Sol dito. "Ungrateful!" Isang Summoning Spell ang lumutang sa harap nito ngunit bago pa man ito makapag-summon lumitaw sa harap nito ang Fire Spirit. "Roar!" Sa isang iglap linamon ang lalaki ng Fire Spirit. "Sol nasisiraan ka naba!" Sigaw ng isang babae habang hindi ito binigyan ng pansin ni Sol "Lahat ng gustong mamatay lumapit, sa totoo lang ang leader lang naman ang habol ko." Sabi ni Sol habang makikita ang galit sa mukha ng mga ito. "I summoned thy!" "Tinatawag kita!" "Summoning you!" Sa isang iglap lumitaw ang iba't ibang uri ng mga Summoned. "Fire Domain!" Sabi ni Sol at nagpakawala ng malaking apoy ang Fire Spirit na bumalot sa buong lugar. "Mukhang gusto niyong mamatay lahat, kong ganon pagbibigyan ko kayong lahat!" Sa oras na sabihin ito ni Sol biglang lumutang ang Fire Spirit sa kalangitan at nabalot ito ng liwanag isang saglit pa isang malaking apoy ang pabagsak sa lugar! "Heaven Fire!" Lumaki ang mga mata ng nasa lugar habang ang iba sa mga ito sa sobrang takot ay hindi na gumalaw! Habang sa oras na iyon sampung mga aura ang mabilis na patungo sa lugar. "Master may papalapit King tier ang pinakamalakas." Sabi ni Great Mind Habang isang malaking nilalang ang biglang lumipad sa kalangitan at walang kahirap-hirap na sinalag ang atake ng Fire Spirit. Naging seryoso ng mga oras na iyon si Sol at tumingin sa isang direksyon. Sa harap ng mga ito ay ang kanyang sinadya habang nakasunod dito ang mga core elders at kilalang individual sa Clan. "Sol" Sabi ng isa sa mga matanda at lumapit kay Sol. Kilala ito ni Sol at masasabing malapit siya dito dahil ito ang elder na laging katulong ng kanyang ama. "Anong nangyayari? Sol dahil ba ito sa ginawa ng anak ng iyong Uncle?" Tanong ng elder habang lumitaw sa likod ni Sol ang Fire Spirit. Sa oras na iyon ay nakita na ng lahat kong gaano kalakas at ka devastating ang isang Fire Spirit! "Elder Jin wala akong pakialam sa labas niyang anak. Gusto ko lang malaman ang totoo." Sabi ni Sol habang natuon ang atensyon ng lahat kay Sol. Itinuro ni Sol ang kanyang uncle "Sabihin mo uncle ikaw ang may gawa kaya namatay ang ama ko." Sa oras na sabihin ko ito agad na makikita ang pagtataka sa mukha ng lahat ng tao sa lugar. "Anong ibig mong sabihin Sol?" Tanong ni Elder Jin "Alam ko ang totoo, nakuha ko ito sa bastardo niyang anak mismo. 10 years ago sa Mayon Volcano Danger Zone nagawang makuha ng aking ama ang Fire Spirit na ito." "Sa Danger Zone na iyon nakilala ni Uncle ang ina ng bastardong anak. May ginawang masama ang babae na iyon kay Ama at plano itong parusahan ni ama ganon paman bigla itong naglaho at naiwan nalang ang isang letter." "Ang linalaman ng letter ay ang lugar kong saan matatagpuan ang babae dahil dito pumunta ang aking ama sa lugar na sinasabi sa letter ngunit hindi niya alam na ang lugar na iyon ay isa palang ambush." "Ambush na ginawa ng walang kwentang iyan at ng kanyang kabit!" Galit na sabi ni Sol habang mas lumaki ang Fire Spirit sa likod nito dahilan para uminit pa lalo ang buong lugar. Wala namang makikitang reaksyon sa mukha ng uncle ni Sol ganon paman ang malaking nilalang kanina sa kalangitan ay agad na sumugod kay Sol dahilan para ikagulat ito ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD