Chapter 26: Fire Spirit

1606 Words
Pagdating namin sa Blue Eagle University ay agad naming nakuha ang atensyon ng lahat, kahit sa daan ay agaw pansin ang sports car na sinasakyan namin. Kaya seguro may lokoloko sa likod ko ngayon. Pagpasok palang namin sa campus ay meron nang isang bagong sports car ng kilalang kompanya sa Italy ang nabuntot sa amin. Hindi ko naman ito pinansin at nag hanap ng parking slot. Nakahanap naman ako at nag park dito, habang nag park din sa tabi ng kotse ko ang bagong nabontot na sports car sa amin. "What kind of sports car is this?" Tanong ng isang boses habang isang binata ang lumabas sa kabilang sport car at nakaturo sa aking sasakyan. Tiningnan ko lang ito ng ilang segundo at umalis na habang kasunod ko naman ang dalawang babae. "Oi! I'm talking to you" Sigaw ulit ng lalaki ngunit ang atensyon ko ay nakay Great Mind. "Hawak ko na ang lahat ng mga security camera sa buong campus master." Sabi nito na aking tinanguan. Habang iniisip kong anong maaring mangyari dahil ito na din ang araw kong saan namin makukuha ang aming University Mage Title. "Ngayon palang sinasabi ko sa sayo wag mo akong hahawakan" Bigla namang napahinto ang kanina pang maingay na lalaki habang nakataas ang kamay nito sa aking direksyon. "Bakit sino ka ba para hindi pwedeng hawakan?" Arrogant nitong pagkasabi habang napunta naman ang atensyon nito sa dalawa kong kasamang babae. "Wow tama ang hinala ko hot chix nga kayong dalawa." Sabi nito habang may malaking ngiti sa kanyang labi. "By the way I'm Leonard Magi bagong transfer sa university." Dagdag nito habang kanyang itinaas ang kanyang kamay kay Mizuki na tela ay gustong makipag-handshake. Magi Clan? Tiningnan ko ng maigi ang lalaki at may kaunti nga itong pagkakamukha sa ibang Magi Clan na kilala ko. Pero hindi ko ito kilala. "Magi Clan?" Tanong ko dito habang mapapansin naman na mas lumaki ang ngiti nito habang may yabang ang mga mata. "I'm the second son of the Magi Clan leader. Na transfer lang ako dito galing ibang bansa." Mayabang nitong sabi Kong hindi ako nagkakamali isa lamang ang anak ng uncle ko at halos limang taon ang agwat ng edad namin. Sino naman ito? Anak sa labas? "Ano ka bastard son?" Tanong ko dito ng walang pakialam habang naramdaman ko naman ang pag iba ng aura nito. Nakangiti pa din ito ngunit nababalot ng killing intent ang aura nito. "Ulitin mo nga ang sinabi mo!" Sabi nito habang may pag sigaw dahilan para mas madami ang tumingin ng mga estudyante sa aming direksyon. Wala naman akong pake sa mga ito at mukhang tama nga ang sinabi ko after all hindi magiging ganito ang kanyang reaksyon kong hindi ako tama. "Mag sorry ka" Sabi nito na aking nginitian, interesting. "At kong ayaw ko" Sabi ko dito na may ngiti sa mga labi. "Magbabayad ka." Sabi nito "Magi Clan right?" Sabi ko dito at unti-unting lumapit dito habang napakunot naman ang mga noo nito. "Alam mo bang may dalawa akong kinamumuhian sa mundong ito?" Tanong ko dito habang harap harapan itong tinitigan. "Una mga katulad mo at pangalawa ang Magi Clan." Sabi ko dito habang tumalon ito palayo sa akin at isang Summoning Spell ang lumabas sa harap nito. "Segurado ka na ba diyan?" Tanong ko dito habang makikita ang pagbabago sa ekspreyon ng mukha nito. "Bakit natatakot ka naba?" Sabi nito at lumitaw sa Summoning Spell nito ang isang Fire Spirit. Ikinagulat ng lahat ng mga estudyante ng makita nila ang Fire Spirit dahil isang rare na creature ang mga spirit at masasabing iba ang lakas ng mga ito compare sa normal na beast type. Ang Fire Spirit na ito ay isang Lord Tier Fire Spirit at mukhang malapit na itong maging isang King Tier. Mukhang importante ang lalaking ito kay Uncle. "Alam mo bang ang Fire Spirit na ito ay iniwan ng dating leader ng Magi Clan para sa kanyang anak pero sinong mag aakala na walang Summoning Magic ang anak nito?" Sabi nito habang tumatawa. Nabigla naman ako ng marinig ito. "Ganon ba? May iba pa bang iniwan ang dating leader ng Magi Clan para sana sa kanyang anak?" Tanong ko dito habang tumatawa padin ito. "Oo naman actually madami nga eh. Cultivation Technique, Multiple Resources na segurong pag na ubos mo ay magiging isa kang King Tier Mage sa loob ng tatlong taon at ito ang Fire Spirit." Sabi nito, habang may galit na nabuo sa aking kaloob-looban. "Master sayo naman pala talaga dapat ang Fire Spirit why not kunin mo ito." Sabi ni Great Mind sa akin na aking ikinabigla. "Pwede iyon?" Tanong ko dito "Kong hindi ako nagkakamali para maiwan sa isang bagay ang isang summoned ay kailangan nito ng dugo." "Para mabuhay ang Fire Spirit na ito hanggang mapunta sayo ay kailangan nito ng dugo ng Summoner at ng magiging master nito." "So in theory may dugo mo sa Fire Spirit nito." Paliwanag ni Great Mind na aking naunawaan. "Takot ka naba? Mag sorry ka!" Sigaw ng lalaki sa akin habang tiningnan ko lang ito na parang nakatingin sa isang idiot na tao. "Tanong ko lang, bastard son ka diba hindi mo ba namukhaan ang anak ng dating leader ng Magi Clan?" Sabi ko dito habang mas nagalit ito. "Wala akong pakialam sa kanya! Fire Spirit attack!" Sigaw nito, inaasahan ko namang aatake ang Fire Spirit ngunit nakatayo lang ito. "Anong ginagawa mo sinabi ko atakehin mo ang lalaking iyon!" Sigaw ulit ng bastard son. "Master hindi stable ang connection nilang dalawa dahil hindi sila compatible. In the first place hindi naman talaga sa kanya ang Fire Spirit at mukhang may ginamit silang method para ma bind ang Fire Spirit sa lalaking ito." Agad na paliwanag ni Great Mind na aking ikinatuwa. "Well sad to say pero mukhang hindi nakikinig sayo ang Fire Spirit mo." Sabi ko dito habang isang Summoning Spell ang nabuo sa aking harapan na ikinagulat ng lahat kahit na ang bastard son. "Summoning Magic! Sino ka!" Sigaw nito na aking nginitian. "Alam mo dapat lagi mong kilala ang mga magiging kalaban mo." Sabi ko dito habang kompleto na ang Summoning Spell. Itinapat ko ito sa Fire Spirit at ginamit ang World Summoner Cultivation Technique. "I Sol Magi commanding you to comeback to your rightful master." Sa oras na sabihin ko ito agad na nagliwanag ang aking spell at ang katawan ng Fire Spirit. "Roar!!!" Makikita namang excited ang Fire Spirit sa liwanag at sa isang iglap naglaho ito habang ramdam kong nasa loob na ng tiny world ko ang Fire Spirit. 'It works!' "Ahhh!" Isa namang Summoning Magic backlash ang nakuha ng bastard son habang sa mga oras na iyon ay hindi makapaniwalang nakaturo sa akin. "I'm Sol Magi salamat sa pag sa uli ng aking Fire Spirit. Btw sinong nagsabing hindi ako isang Summoner?" Sabi ko dito at sinuntok ito sa mukha dahilan para tumilapon ito at mawalan ng malay. *** Agad namang kumalat sa buong unibersidad ang tungkol dito at hindi makapaniwala ang lahat dahil ang Devil ng campus ay isa din palang Summoner. Ibig sabihin isang Dual Magic Mage si Sol! Isa itong malaking balita. Agad namang kumalat sa social media ang nangyaring harapan dahil merong nakakuha ng video dito at inupload sa internet. Sa isang iglap ang atensyon ng lahat ay muling napunta kay Sol Magi habang walang pumapansin sa bastard son ng current leader ng Magi Clan. "How low hindi ko inaasahan na ganito pala ang Magi Clan." "Ang dapat na sa anak ng dati nilang leader ay hindi ibinigay sa tama nitong may-ari." "Pero ang cool! Isang dual magic mage. Ilang taon na ba simula nung makita ito ng mundo." "Seguradong malaking panghihinayang ang nangyaring ito para sa Magi Clan." *** Habang nangyayari ang mga diskasyon sa internet sa isang malaking hall naman ay makikita ang isang meeting. Sa harap ng lahat ay ang leader ng Magi Clan habang sa paligid nito ay ang mga elders at may mga posisyon sa Magi Clan. "Anong ibig sabihin nito." Sabi ng isang elder habang alam naman ng lahat ang kanyang tinutukoy. "Walang Summoning Magic ang batang iyon kaya hindi namin ibinigay ang mga pamana ng kanyang ama. Walang kwenta ito kong ibibigay lang natin ito sa isang mage na walang Summoning Magic!" Sabi naman ng isang elder na katabi ng leader. "Walang Summoning Magic! Ano itong kumakalat sa internet, segurado namang napanood niyo lahat. Isang Summoner si Sol" Sabi ulit ng isang matanda. "Ngunit hindi natin ito alam sa umpisa" Sabi pa ng isang tinig na mula sa likuran. "Paano kong isang late bloomer si Sol at makaylan lang nabuksan ang kanyang Summoning Magic." "Maari iyong nangyari." "Ganon paman wala ba kayong respeto sa dating leader! Kaya nasa posisyon natin tayo ngayon ay dahil sa kanyang mga ginawa at ngayon ganito ang gagawin niyo!" Sigaw ulit nung naunang elder habang tinuturo ang kabilang mga elder. "At ano itong bastardo mong anak? Hindi ako nagsalita ng malaman ko ang tungkol dito ganon paman malaking kahihiyan sa Magi Clan ang bastardo na ito" Dagdag pa nito habang makikita naman ang galit sa mukha ng ibang elder lalo na ang current leader. Sa pag uusap palamang na ito ay mapapansin na ng kahit na sino na may pagkakaiba sa grupo ng mga elder. "Kailangan nating ibalik si Sol Magi dahil ito ang nararapat." Sabi ng isang tinig mula sa likuran habang isang malakas na kalabog naman ang narinig ng lahat at nagmumula ito sa labas ng Magi Clan. "Magi Clan! Ako si Sol Magi kong hindi ko mawawasak ang Clan na ito hindi Sol Magi ang pangalan ko!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD