Chapter 25: Great Mind

1671 Words
"This is a no no." "Ito mali ito." "Bakit ganito ang lugar na ito." "AHHH! Fix this fix that!." Napa-upo nalamang ako ng marinig ko ang pagwawala ni Great Mind sa loob ng Intergalactic Hive. Pinapagalitan nito ang AI na sa mga oras na iyon ay parang bata sa harap ng matanda. Successful ko namang naging pangatlong Summoned si Great Mind at sa oras na malaman nito ang tungkol sa Hive ay agad itong nagtatalon. Ayon dito ang Hive ay isang kamanghamanghang bagay sa buong universe. Isa itong divine structure na masasabing technically and scientifically impossible. Nagmula sa tinatawag na Idiofyia Race si Great Mind ang race nila ang masasabing isa sa pinakamatatalinong race sa buong universe. Maliit lamang ito kasing liit ng isang ruler, itim ang buo nitong katawan at sa unang tingin ay para itong jelly fish. Sa totoo lang para talaga siyang isang jelly fish. May dalawa itong mga mata na parang black hole na sa unang tingin ay alam ang lahat ng mga pangyayari sa mundo. Sa katotal ang creepy ng summoned kong ito. Ganon paman ang creepy na nilalang na ito ay pinapagalitan ang AI na parang batang may gustong ipabili na hindi binili ng kanyang magulang. "Madaming kailangang mabago sa hive, master bigyan mo ako ng oras at magagawan ko ito ng paraan." "AI! Hindi mo man lang mabago ang lugar na ito at dahil diyan i-uupgrade kita! Masyado kanang outdated!" Pumayag naman ako sa gustong mangayari ni Great Mind at umalis na sa soul sea. Sa totoo lang kaya ginusto kong mag summoned ng isang katulad ni Great Mind dahil kailangan ko ng isang capable na mag isip sa ano mang situation na aking kakaharapin sa future. Ganon paman pinabayaan ko nalang ito at agad na nagtungo sa kwarto ni Mom habang nasa likod ko si Mizuki at Angela. "You guys are going back?" Tanong ni Mom ng makita niya kami sa labas ng pintuan. Tumango ako dito at yinakap ito "Kailangan na naming bumalik mom." Sabi ko dito na kanya namang naunawaan. Hinatid kami nito sa labasan kasama si Lolo at agad na sumakay sa aming sasakyan. *** "Na contact niyo na Papa ang mga magulang ni Angela?" Tanong ng mom ni Sol na tinanguan naman ng matanda. "Madali lang mahanap ang mga ito ganon paman hindi ko inaakala na isa palang Ancient Family ang mga ito ngunit on decline na kaya si Angela nalamang ang huli nilang pag-asa." Tumango dito ang mom ni Sol at muling tiningnan ang lugar na kanina ay kinalalagyan ng kotse. "Magiging malaking tulong ang batang iyon kay Sol kaya kailangan din nating tulongan ang kanilang pamilya." *** Habang nag dradrive ay agad kong naramdaman ang pag tawag sa akin ni Great Mind sa aking tiny world. "May problema ba?" Tanong ko dito habang agad naman itong tumango. "That idiot AI, master na upgrade ko na ang main system ng AI at nagawa ko na din lahat ng mga kailangang mabago sa Hive." "Sa ngayon ay kailangan nalang nating mag hintay bago matapos ang pag upgrade ng AI once na matapos ito ay maari munang magamit ang Hive kahit hindi ka pa Emperor Tier." Paliwanag ni Great Mind na aking ikinagulat. Sobrang bilis! "Master gusto ko sanang makita ang labas." Sabi nito na akin namang pinayagan. Kailangan din itong makilala ng iba. Ipinarada ko sa tabi ng daan ang kotse at sinummon si Great Mind. Agad itong lumutang na parang jelly fish sa dagat. "Guys ito si Great Mind ang bago kong summon." Pakilala ko sa dalawang babae habang tiningnan lang ito saglit ni Mizuki habang may pagtataka naman sa itsura ni Angela. "Interesting ganito pala ang mundo mo master." Sabi ni Great Mind habang nakatingin sa labas. Sa ngayon ay makikita ang luntiang paligid sa buong lugar kaya kakaiba ito para kay Great Mind na nabuhay sa mundo ng mga bundok ng basura. "Great Mind maliban sa 'Absolute Intelligent' mo ano pang kakayahan ang meron ka." Tanong ko dito habang lumutang ito sa dashboard ng kotse. "Ang Idiofyia race ay race na masasabing isang parasite species. Kaya naming makontrol ang isang nilalang kong gugustohin namin. May kakayahan din akong mag ibang anyo." Sabi nito habang ang isa sa mga mahaba nitong galamay ay nakapatong sa aking smartphone. "Master pwede ko bang mahiram saglit ang bagay na ito?" Tanong nito sa akin na aking pinayagan. Sa isang iglap naging isang jelly si Great Mind at binalot ang buong smartphone habang mapapansin ang pagliwanag nito. Ilang segundo pa ay nawala ang liwanag muling bumalik sa dating anyo niya si Great Mind. "Madami akong nakuhang impormasyon tungkol sa mundong ito master. Mukhang malaki ang naging adjustment ng mundong ito." "Adjustment?" Tanong ko dito. "Hindi ko alam kong alam mo na ito master pero ang mundong ito ay dating isang nagtataglay ng malakas na technology na kalahati sa technology na meron kami. Pero ngayon ay parang naglaho ang mga ito." Sabi nito na aking tinanguan. "May nangyaring malaking digmaan sa pagitan ng tao at ng isang superior race." Sabi ko dito habang agad naman niya itong naunawaan. "Kong hindi ako nagkamamali ito ay ang war na naganap noong 1000+ years. War sa pagitan ng rising civilization kalaban ang God Race!" Sabi nito habang namangha naman ako ng marinig ito. "Paano mo nalaman?" Tanong ko dito "Lahat ng nangyayari sa mundo ay meron kaming data. Ang mundo namin ay gawa sa isang malaking super computer na pwede naming tingnan hanggat meron kaming access." Paliwanag nito na aking ikinagulat. Mukhang hindi lang simpleng race ang Idiofyia. "Great Mind kaya mong mag change ng katawan diba? Kahit ba gaano ka liit or kalaki ay kaya mong gawin?" Tanong ko dito habang tumango ito at umiling. "Sa ngayon ay kaya kong maging maliit habang kabaliktaran naman kong malaki dahil sa constrained ng aking cultivation base." Sagot nito na aking naunawaan. "Mag change ka sa isang simpleng hikaw para nasa tabi kita palagi. Kakailanganin ko ang kakayahan mo." Sabi ko dito habang agad naman itong naging isang silver na simpleng hikaw. Habang may malaking black na diamond sa gitna which is actually isa sa mga mata ni Great Mind. Walang butas ang aking tainga pero hindi iyon problema. Agad akong gumawa ng butas gamit ang aking Golden Black Lightning at isinuot ang hikaw. Wala namang bigat ang hikaw kahit nasa tainga ko ito parang wala akong suot na hikaw. "Master gusto mo bang ako nalang ang mag drive?" Tanong nito na aking ikinagulat. "Marunong ka?" "Easy! Actually kaya kong i modify ang buong kotseng ito" Sa oras na sabihin ito ni Great Mind ay isang mahabang bagay na parang kanyang galamay ang nag kontrol sa manobela ng kotse at sa isang iglap agad na nabalot ang buong kotse at naging isang super car! "Sobrang dali walang wala ang technology ng current era na ito sa mundong pinagmulan ko master." *** Hindi ko alam pero sobrang bilis naming nakarating sa bahay, para akong naka auto drive noong si Great Mind na ang may hawak sa sasakyan. Alam na alam din nito ang daan at kong saan mas mabilis ang byahe. Sa totoo lang para talagang isang buhay na super computer si Great Mind. Pagdating namin sa bahay ay agad nagpakawala ng mga tentacles like si Great Mind at lumipad ang mga ito sa sulok-sulok ng bahay at sa mga katabing bahay. "Tinatawag ko silang Air Seeds bawat isa sa mga ito ay konektado sa akin at nakokontrol ko sila. Master ako na ang bahala sa security ng lugar, nasa access ko ang mga security cameras sa buong lugar kaya wala kayong dapat ipagalala." Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kakayahan ni Great Mind. Sobrang praktikal nito ngayon ay hindi ko na kailangan pang mangamba kong may gustong maghigante sa akin. Agad akong nagtungo sa aking kwarto habang pansin ko namang nawala ang kinang sa aking hikaw dahil pumasok si Great Mind muli sa aking soul sea. Sa oras na iyon ay bigla akong namangha sa malaking lumulutang na bagay sa aking harapan! Hindi na ito isang hive. Para na itong isang malaking spaceship. "Master tinatawag ko itong Intergalactic Ship gamit ang technology ng aking mundo mabilis kong nabago ang structure ng buong hive." "Sa umpisa akala ko ay magiging mahirap ang pagbago nito dahil sa hindi naman gawa sa technology ang Intergalactic Hive kong hindi gawa ito sa magical rune ganon paman masasabing bata palang ang hive kaya walang kahirap-hirap kong na reset ang framework nito!" "Ngayon ang malaking bagay na yan ay gawa sa pinagsamang magical rune at technology!" Proud na proud na sabi ni Great Mind na aking tinanguan mukhang tama talaga ang pag summoned ko kay Great Mind. Pumasok kami agad sa loob at hindi katulad dati na parang primitive ang buong lugar ngayon ay high-tech na ito. Isang babae naman na may helmet sa ulo ang agad na simalubong sa amin. "Commander welcome back." Sabi nito habang nakatayo lang ito na parang statue. "Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko dito. Habang lumapit naman dito si Great Mind at hinawakan ang helmet "Isang buhay na bagay ang Intergalactic Hive at ang framework nito ay may natutulog na consciousness sa oras na lumakas ang buong hive magigising din ang consciousness at alam kong consciousness ito ng isang bug species kaya winasak ko ito." "Ngayon safe na ang buong Intergalactic Ship at kompletong nasa kamay mo na master." Buti nalang at nalaman ito ni Great Mind kong hindi ay seguradong tapos ako! "By the way Great Mind may magagawa kaba sa cultivation technique?" Tanong ko dito. "Anong ibig mong sabihin master." "Gusto ko sanang gumawa ng bagong uri ng cultivation technique na katulad sa dating mundo." Sabi ko dito habang agad niya naman itong naunawaan. "Mahirap master dahil ang mga nakakagawa lang nito ay mga nilalang na may hawak sa law ng mundo. Ganon paman kailangan ko lang ng mga impormasyon tungkol sa dating mundo at seguradong magagawan ko ng paraan para ma resurrect ang mga ito." Mukhang may bago na akong pagkakaabalahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD