Chapter 24: Dual Cultivation

1516 Words
Hindi ko lubos maisip kong paano nangyari ang bagay na iyon pero ramdam ko ang pag breakthrough ng dalawa kong summoned. Kahit ang Queen Ant ay may nakuha din sa gintong liwanag! Ganon paman bakit sila lang bakit hindi ako kasama! Haysss.. Napunta ang aking atensyon sa mini world at para itong tunay na planeta. Meron itong kalupaan at katubigan pero more on land, seguro ay mga 70 percent ang lupa kumpara sa tubig. Agad kong natuntun si Yin at Yang na sa mga oras na iyon ay nasa mataas na bundok. Tawag na bundok na ito ang malawak na kapatagan sa kaliwa habang isang malaking lake naman sa likuran. Mapapansin din ang pagkabuo nang mga ulap sa paligid ng bundok dahilan para maalala ko ang lugar nang pinagkuhanan ko kay Yin at Yang. Tiningnan ko ang mga kaalamang aking nakuha tungkol sa World Summoner Cultivation Technique. Tinatawag na Summoning World ang maliit na mundo sa aking soul sea at nasa unang phase palamang ito. Tiny World Phase. Masasabing ang Phase ay ang equivalent ng cultivation base. May limang klase ng phase sa World Summoner Cultivation. Tiny World Phase, Medium World Phase, Large World Phase, Galaxy Phase at panghuli ay ang Universe Phase. Bawat phase ay muling nahahati sa tatlong rank! Katulad ngayon ang aking phase ay Early Rank Tiny World Phase. Sumunod dito ay ang Middle Rank at panghuli ay ang Late Rank. Ngayong naunawaan ko na ito, mukhang iba ang ranking na ginagamit ng mga dating Mages ng mundo. Nalaman ko ding ang World Summoner ay hindi nag babase sa energy star kaya naman segurado akong magiging pulubi ako nang wala sa oras. Ganon paman hindi ko na kailangan ng resources dahil may tinatawag na Magical Energy sa mundo na pwede kong makuha sa pamamagitan ng pag cultivate! Ngayon ay segurado akong sa sobrang pagkawasak nang Human Civilization nang panahon na iyon ay tuloyan ng naglaho ang tungkol sa bagay na ito! How great is that method! Kailangan mulang mag cultivate para makuha ang magical energy sa mundo at hindi sa pamamagitan ng mga beast crystals or magical fruits. Ikaw na mismo. Ang katawan muna mismo ang gagawa nang paraan para makakolekta ng magical energy sa mundo. Hindi ko lubos maisip ang pinag daanan ng mga tao sa panahong iyon. Nabago ang system nang pag cucultivate dahil sa nangyaring war. Habang madami sa mga lumang techniques ang naglaho dahilan para gumawa ng bagong techniques ang mga bagong Human Mages na ginagamit na sa mundo ngayon. Gusto ko na itong subukan ngunit alam kong hindi ito ang tamang lugar kaya hindi ko muna ito pinansin. Mukhang totoo nga ang sinabi ni Rain Cruz na pinakamalakas na nilalang na nakita niya ang pinagmulan ng cultivation technique na ito. World Summoner Cultivation Technique gamit ang cultivation technique na ito kahit na isa palamang akong Early Rank, Tiny World Phase ay pwede na akong mag summon ng limang nilalang. Ibig sabihin bawat phase ay meron limang bagong slot na nabubuksan. How powerful is that! Sabayan pa nang blood contract! Sa oras na iyon ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Mukhang nauunawaan ko na kong bakit ang may-ari nang cultivation technique na ito ang tinaguriang pinakamalakas. Imagine isa kang Emperor Tier Mage nang old era means meron kang 45 total na summoned beast or hero! At ngayon ay nasakamay ko na ang cultivation technique na ito. Meron segurong paraan para ma-convert ko ang energy star at mapunta sa Tiny World. Maganda ang cultivation system sa panahon ngayon pero mas malakas ang cultivation ng dating civilization. Sunod kong tiningnan ang White Lightning Dragon Cultivation Technique. Katulad ng una ko itong nakita isa lamang itong maliit na dragon lightning symbol sa aking soul sea. Sinubukan ko itong hawakan ngunit mabilis itong nakatakas, sinubukan ko din itong tawagin ngunit hindi naman ako nito pinapansin. Mukhang mahirap ang isang ito. Binasa ko pa ang ibang mga librong sa tingin ko ay merong halaga. Halos lahat ng mga librong makikita dito ay mula sa mga dating leader at elder ng Cruz Clan. Isa sa mga libro na ito ay tungkol sa life tree sa labas. Ayon sa nagsulat nang libro isang malaking white lightning ang tumama sa lugar at ng lapitan niya ito ay nakita niya si Rain Cruz. Duguan at walang malay dahil dito tinulungan nang normal na tao si Rain Cruz isang babae ang nagsulat nang libro. Mababasa dito kong paano na inlove ang dalawa sa isa't-isa dahilan para mabuo ang Cruz Clan sa lugar hangang sa pumanaw si Rain Cruz. *** "Nakuha mo" Sabi ng elder ng old temple sa paglabas ko sa lugar. Tinanguan ko ito dahilan para mapangiti siya. "Hindi na ako magtatanong pa basta ang hiling ko lang ay maging malakas ka." Dagdag nito at pumasok sa old temple. Agad akong nagtungo sa aking kwarto at dito ay makikita si Mizuki. "Anong nangyari?" Tanong nito habang ikwenento ko naman dito ang nangyari. "Sol sa tingin mo ang planetang pinanggalingan ko ay dating colony ng Human Race." Sabi ni Mizuki. May malaking porsyento na ganon nga iyon. Dahil kong tama ang pagkakaintindi ko ang Human Race ay nagmula sa maliit na mundong ito. "Mag cucultivate ako" Sabi ko dito habang tumango lang ito at pumasok sa aking Summoner World. Alam kong gusto nitong makita ang maliit na mundo sa aking soul sea. Umupo ako nang lotus position at sinimulang mag cultivate gamit ang World Summoner Cultivation Technique. Sinunod ko ang breathing technique nito at naramdaman ko ang mabilis na pagdaloy ng Magical Energy sa buo kong katawan. Pumasok ito sa lahat ng mga butas sa aking katawan at agad na nag circulate sa buo kong katawan patungo sa aking Tiny World. Ramdam ko sa mga oras na iyon ang paglakas ng aking Summoner World ngunit napansin ko ang biglang pag galaw ng White Lightning Dragon at biglang nahati ang magical energy! Nagtungo sa White Lightning Dragon ang kalahati sa magical energy at naramdaman ko kong gaano ito ka excited na parang bata. Hindi ko alam kong paano iyon nangyari pero mas convenient ito para sa akin dahil hindi ko na kailangan pang i cultivate ang White Lightning Dragon dahil siya na mismo ang gumagawa ng paraan. *** Limang araw ang lumipas at wala akong ibang ginawa kong hindi mag cultivate at mag cultivate. Sa mga araw na iyon ay nangailangan ako ng madaming resources dahil nalaman kong malaki ding naitutulong ang mga ito sa aking cultivation. Sa huli ang aking Early Rank, Tiny World Phase ay naging Middle Rank, Tiny World Phase. Ibig sabihin meron na akong 10 slots para sa aking summoned. Sa ngayon ay meron akong 2 occupied slots. Plano kong mag summoned ngayong araw bago umalis sa lugar. Kaya muli akong nag request kay Mom ng lugar na pwede kong magamit at ilang sandali pa ay nasa lugar na ako. Isa pading cultivation cave ang lugar na itinuro ni Mom. Ganon paman ay mas maliit ito compare sa dati. Hindi katulad dati na kailangan ko pang gumawa ng marka sa aking kinatatayuan ngayon ay gagawa lamang ako ng spell sa aking harapan at makakagawa na ako ng Summoning Portal. Sa isang iglap ay agad akong nakagawa ng Summoning Portal at ipinasok ang aking soul dito. Pansin kong may kakaibang energy ang nag proprotekta sa aking soul na sa tingin ko ay dahil sa World Summoner Cultivation. Katulad dati ay inisip ko ang gusto kong maging summoned beast o hero at lumitaw sa aking harapan ang isang mundo. Puno ng mga lumilipad na mga bagay ang mundong ito at masasabing para itong lugar na makikita sa mga science fiction movie ganon paman mas advance. Agad akong pumasok sa loob ng planeta at napadpad ako sa lugar na sa tingin ko ay isang basurahan. Napakunot ang noo ko sa mga oras na iyon dahil hindi ko inaasahan na mapupunta ako sa lugar na ganon. Puno ang lugar ng mga maliliit na bagay na mga gumagalaw hanggang sa mapansin ko ang isang maingay na parte ng lugar. Lumapit ako dito at nakita ang isang maliit na nilalang na parang sinasamba ng lahat ng mga maliliit na bagay sa bundok bundok na basura. "Ako si Great Mind ang magiging hari ng universe tandaan niyo yan!" Sigaw nito ganon paman biglang nabalot ng liwanag ang katawan nito. "Ikaw" *** "Nasan ako!" Sabi ng isang maliit na boses habang tinitigan ito. Sa totoo lang para itong isang maliit na doll na gawa sa kakaibang materyal. Kayang maging liquid o solid ng nilalang na ito. "Nasa lugar kita" Sabi ko dito habang agad ako nitong napansin. "Terra Race? Hindi mas maliit ka at iba din ang kulay ng katawan...." Sabi ng nilalang at mukhang nag iisip. "Human Race!" Sabi nito na aking ikinagulat. Mukhang tama nga ang nakuha ko, dahil ang inisip ko sa bago kong summoned ay isa sa pinakamatalinong nilalang sa kalawakan. "Hindi ko inaakala na makakatagpo ako ng isang Human Race sa buhay ko at kong hindi ako nagkakamali ang spell at portal sa likod at harap ko ay mga palatandaan ng isang Summoner." "I Great Mind will serve you!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD