Chapter 23: Ancestor

1617 Words
Mag iisang oras na byahe at nakarating na kami sa Cruz Clan. Agad kaming sinalubong ni mom at ni lolo. "Apo you really make us proud." Sabi nito at hinawakan ako sa braso habang yinakap naman ako ni mom. "Sobrang bilis ng paglaki mo anak." Sabi nito at yinakap din ito. Ilang segundo pa at pinakawalan na ako nito habang kinausap niya ang dalawang babae. "Apo hindi ko lubos akalaing magiging ganito ka kalakas sa maliit na panahon." "Alam na lahat ng miyembro ng Cruz Clan ang kakayahan mo kaya naman nag pasya ang lahat na gawin kang son of heaven ng Cruz Clan. Simula sa araw na ito lahat ng kailangan mo ay ibibigay ng Cruz Clan." "Apo nasa likod mo ang suporta ng Cruz Clan." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni lolo ganon paman mukhang hindi ito nagbibiro. Ang Son of Heaven na tinutukoy ni lolo ay isang title na ibinibigay sa isang miyembro nang pamilya. Kasagaran itong ibinibigay sa pinakamalakas at may malaking potensyal na younger generation. Kong hindi ako nagkakamali sa kabatan ni mom ay siya ang daughter of heaven nang Cruz Clan at natangal ito sa kanya simula noong ikasal siya kay Dad. "Ngunit lolo hindi ko gustong matali sa titolo na ito." Sabi ko dito na kanyang ikinatawa. "Inaasahan ko nang sasabihin mo iyan. Wag ka mag alala apo, ang iyong ina ang bahala sa lahat. After all siya naman talaga dapat ang namamahala na sa ngayon ng Clan." Sabi ni lolo na ikinatuwa ko. "Siyempre apo bilang Son of Heaven kailangan mo munang malaman ang tungkol sa ating Clan Legacy." Sa oras na sabihin niya ito ay agad na napunta ang aking atensyon dito. "Sumunod ka sa akin. Hilda ikaw na ang bahala sa dalawang dalaga." Sabi ni lolo habang agad kaming umalis sa lugar. Nagtungo kami sa isang lumang templo sa likuran ng lugar at makikita sa paligid ang iba't ibang uri ng mga halaman. Kapansin-pansin din ang malaking puno ng kahoy na may malaking biyak sa gitna. Sa tingin ko ay gawa ito sa isang lightning strike mula sa kalangitan. Hindi ko alam kong bakit pero sa oras na makalapit ako nang ilang metro ay bigla akong napahinto sa takot! "Naramdaman mo ba apo." Sabi ni lolo habang nakangiti, tumango ako dito at itinuro ang biyak sa malaking puno. "Tinatawag na life tree ang punong kahoy na iyon, kahit na tinamaan ito ng malakas na kidlat ay nabubuhay padin ito. Malalaman mo din ang tungkol dito sa oras na pumasok ka sa loob ng Lightning Temple." Paliwanag ni lolo habang may mga katanongan sa aking isipan ngunit mukhang hindi ko na ito matatanong. "Old Leader siya na ba?" Tanong ng isang boses at mula sa loob ng temple ay lumabas ang isang matanda. Sa unang tingin ay masasabing isa lamang itong mabait na matanda ngunit alam kong hindi lamang ito isang simpleng matanda. "Head elder ito ang apo ko at ang son of heaven nasi Sol Magi." Sabi ng lolo ko dito habang tumango tango naman ang matanda. "Good seed" Ito lamang ang sinabi nito at itinuro ang loob ng temple. "Pwede kanang pumasok malalaman mo sa loob ang lahat ng kailangan mong malaman mula sa ating mga nino. Bilang Son of Heaven kailangan mong matutunan ang lahat." "Nasasayo kong may makukuha ka sa loob." *** Pagpasok na pagpasok ko sa lugar ay agad kong napansin ang isang malaking lightning symbol sa isang lumang bandera. Sobrang luma na ng bandera ganon paman ay maayos itong naka preserba sa isang malaking lalagyan. Nakasabit ito sa pinaka gitna ng lugar habang sa ilalim nito ay makikita ang isang lumang itim na libro. Tiningnan ko ang buong lugar at puno ng mga kakaibang bagay ang buong old temple ganon paman mas madaming mga libro sa paligid. Lumapit ako sa librong nasa ilalim ng malaking bander at walang mapapansing kakaiba dito maliban lamang sa luma na ito at naninilaw na mga papel. "Ako si Rain Cruz ang huling nabubuhay na Emperor Tier Mage nang Golden Exploration Era." "Sa aking magiging descendants gusto kong malaman niyo ang nangyari sa aking panahon at sa maari niyong kaharapin sa hinaharap." "Nabuhay ako sa tinatawag na Golden Exploration Era ito ang era kong saan masasabing nasa high stage na ang Magic at Technology." "Planet to planet, race to race, war to war..." "Ang dating maliliit na mga tao ay naging hari ng Milky Way Galaxy at nang iba pang kalapit nitong Galaxy." "Sa era na ito lahat ng mga resources na kakailanganin mo ay mabilis mong makukuha dahilan para mas lumakas pa ang Human Race." "Day 435 isang signal ang nasagap ng isang human patrolling fleet sa isa sa mga planetang hawak ng Human Race ganon paman sa oras na makarating ang patrolling fleet ay wala nang nabubuhay sa buong planet." "Day 436 muling nakasagap nang isang mayday message ang human patrolling fleet at katulad ng unang araw wala na ding buhay sa planeta." "Day 500 ang buong intergalactic planets and bases ng Human Race ay biglang naglaho nang parang bola at dun nalang naming namalayan na ang hawak nalang namin ay ang Milky Way Galaxy." "Day 501 nalaman na namin ang sanhi ng mga pangyayaring ito. Gawa ito ng isang superior race, mas malakas ang mga ito at tela hindi nauubosan ng magical energy." "Ginawa namin ang lahat nang aming makakaya upang ma depensahan ang Milky Way Galaxy ngunit sa harap ng superior race na ito ay para lang kaming mga bata." "Hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi ng nakalaban ko ng mga panahong iyon." 'Walang karapatan ang lowly race na tulad niyo na mag advance sa Higher Dimension' "Sa oras na iyon ay hindi ko alam kong anong tinutukoy nito ngunit isang malaking sugat ang nakuha ko sa kamay nito." "Nakipag-usap ang presidente ng Human Race sa superior race upang itigil na ang labanang nagaganap." "Halos maubos na ang lahat ng mga kilala kong tao. Maging ang aking pamilya ay hindi ko alam kong may nabubuhay pa." "Ganon paman mas mabuti pang mamatay sa laban kaysa pumayag sa gustong kasunduan ng superior race." "Gusto ng mga ito na gawin kaming mga slaves at bilang mga Human ay hindi kami pumayag dito." "Muli ang huling mga mandirigma ng Human Race ay nakipaglaban hanggang sa ako nalamang ang matirang Emperor Tier Mage." "Alam kong hindi na tatagal ang aking buhay kaya ginawa ko ang libro na ito. Pinatay lahat ng superior race ang mga Mages ng Human Race hanggang sa ang mga natira nalamang ay mga normal na tao." "Sinira at binura nang mga ito ang lahat ng mga gamit na may kaugnayan sa Golden Exploration Era." "Alam kong sa mga susunod na panahon ay babalik sa parang stone age ang mundo ganon paman hinihiling ko na sana ay maging malakas ang Human Race at muling makabangon." "Isinulat ko dito ang isang Cultivation Technique maari lamang ito sa isang Lightning Mage nakarapatdapat. Habang isinulat ko din dito ang isang kamanghamanghang cultivation base na nakuha ko sa pinakamalakas na tao na nabuhay sa panahon ko." "Descendants ito lamang ang masasabi ko may naghihintay sa inyo sa labas ng mundo. Ganon paman alam kong magagawa niyo itong matalo." "Tandaan niyo ang ang kalaban niyo." "Ang God Race" *** "White Lightning Dragon Cultivation Technique." "World Summoner Cultivation Technique" Hindi ako makapaniwala nang makita ko ang dalawang cultivation technique. Base palamang sa pangalan ng mga ito ay segurado akong hindi normal ang mga ito. Ganon paman matagal nang nakatago sa lugar ang dalawang cultivation technique na ito segurado namang may nagtangkang matutunann ito. Nag isip ako sa mga oras na iyon at agad kong natandaan ang sinabi ng matandang nagbabantay ng temple. Nasasaakin kong may makukuha ako sa temple. Ibig sabihin hindi lang kong sino-sino ang maaring matutunan ang dalawang cultivation technique na ito. Agad kong binasa ang White Lightning Dragon Cultivation Technique at sa isang iglap ang aking Golden Black Lightning God Cultivation Technique cultivation base ay biglang parang natakot! Habang isang liwanag naman ang agad na pumasok sa aking soul sea at napansin ko ang isang puting dragon na gawa sa puting lightning. Maliit lamang ito kasing liit ng dalari ganon paman parang isang natutulog na dragon ang bagay na ito! Napansin ko ding ang kakaibang memorya sa aking isipan na aking ikinagulat. Ito ay ang White Lightning Dragon Cultivation Technique! Alam ko na itong gamitin! Habang nangyayari ito ay hindi ko namang napansin na isa muling liwanag ang pumasok sa aking soul sea at ang buong Summoning Temple ay biglang nabalot ng gintong liwanag! Ilang saglit pa ang aking Summoning Temple ay naging isang mundo! What the f**k! *** Hindi kalayuan sa lumang temple si Mizuki na kausap ang mom ni Sol at ni Angela ay biglang napatayo at isang gintong liwanag ang bumalot dito! Kasunod nito ay ang paglabas ng isang malakas na aura na agad na bumalot sa buong Cruz Clan! Lahat ng mga tao sa Cruz Clan ay naramdaman ito habang makikita ang takot sa mukha ng mga mahihina ang cultivation base. "Sinong nagtangkang pumasok sa aming lugar!" Sigaw ng isang boses at isang malakas na aura ang biglang lumaban sa naunang araw. Ganon paman sa isang iglap agad na nagulat ang matandang ito dahil ang kanyang aura ay unti unting tinutulak nang naunang aura! Habang sa loob naman ng kwarto ng mom ni Sol ay hindi makapaniwala ang dalawa ng masaksihan nila ang pagliwanag ni Mizuki. "K-king Tier Mage!" Sigaw ng mom ni Sol habang nakaturo kay Mizuki Sa loob naman ng Summoning Temple si Yin Yang ay nabalot din ng gintong liwanag at sa isang iglap isang malaking itim na pagong at puting ahas ang lumitaw! King Tier Mythical Beast!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD