Chapter 22: New Generation

1556 Words
"Time's Up!" Sigaw ng isang lord tier mage na kanina pa naghihintay. Agad itong nagtungo sa personnel ng Maharlika at nagsabi dito na tapos na ang 5 hours. Wala namang nagawa ang personnel ng Maharlika at nagtungo sa kinalalagyan nang elder ng Padilla Clan. "Sir tapos na po ang oras na palugit." Sabi nito habang tumango naman dito ang elder. "Elder baka pwede pa tayong mag extend" Agad na sabi ni Ava gustohin man ito ng elder ay alam niyang wala na siyang magagawa sa bagay na ito. Malaking resources ang kanilang ginastos para lamang sa limang oras na iyon! Kong ibang clan o pamilya ang nag request nang ganitong bagay ay seguradong hindi papayag ang Maharlika. Isang malaking pagbibigay mukha ang ginawa ng Maharlika para bigyan sila ng limang oras. "Tsk! Limang oras lamang ang nasayang at hindi niyo nagawang mahanap ang hinahanap niyo." Sabi ng isa sa mga lord tier mage sa lugar habang galit namang tumingin dito si Ava. "Bakit totoo naman ah" Dagdag pa nito habang may ngiti sa kanyang labi. "Anong sabi mo?" Sabi ng isang tinig at napunta ang atensyon ng lahat sa pinanggalingan ng tinig. Mula sa entrance/exit ng lugar ay makikita ang isang grupo na binubuo ng apat na tao at sa gitna nito ay isang middle age man. "Tito!" Agad na sigaw ni Ava at tumakbo dito. Napabuntong hininga naman ang elder ng makita ang lalaki. 'Ngayon ay wala na kaming problema' Sabi ng elder sa kanyang isip. Tiningnan nito agad ang kaninang lord tier mage na nagsalita at pinakawalan ang kaunti niyang aura patungo sa lalaki. "Ah!" Sigaw ng lalaki habang nangingig ang buo niyang katawan. "Bawal ang kagulohan sa loob ng Maharlika Building." Agad na sabi ng isa sa mga personnel ng Maharlika. Agad din namang nawala ang aura "Mag iingat ka sa mga sinasabi mo" Sabi ng elder sa lord tier mage. Tumango tango naman dito agad ang lord tier mage at humingi nang tawad. "Well ayos na ang lahat mauuna na kami. Ava ang reward ko kukunin ko nalang bukas sa unibersidad." Sabi ni Sol at kasama ang dalawang babae ay agad silang umalis sa lugar. *** Nagpapahinga nang mga oras na iyon ang leader ng Intramuros Maharlika Branch ganon paman isang tawag ang gumising sa maganda nitong tulog. "Fuckers! Papatayin kita kapag hindi importante ang sasabihin mo!" Sigaw nito sa kanyang kausap. "L-leader! May emergency tayo!" Sabi naman ng boses sa kabilang linya. Nawala ang antok at galit sa mukha ng leader at tinanong nang maayos ang kanyang taohan. "What! Paano nangyari iyon!" Sigaw ng leader at agad na nagbihis "Papunta na ako!". Sa oras na iyon ang buong Intramuros Maharlika Branch ay nababalot ng mga reporter dahil may nakapagsabing ang buong Intramuros Danger Zone ay nalinis! Ayon sa mga mages na pumasok sa lugar sa kahit isang beast ay walang makikita sa lugar! Isa itong malaking balita! Maya-maya pa ay dumating na ang leader ng Maharlika branch at kasama nito ang isang matandang lalaki. Dali-daling pumasok ang dalawa sa lugar hanggang sa entrance ng danger zone. Mula sa entrance isang grupo ng mga Maharlika Mages ang agad na sumama sa dalawa at inikot ang buong lugar ng Intramuros. Sa buong pag-iikot nila ay wala silang nakita kahit isang beast! Sunod na nagtungo ang grupo sa Dimension c***k at nagulat ang mga ito sa kanilang nakita. Ang dating malaking Dimension c***k ay unti-unting lumiliit! Hindi makapaniwala ang lahat ng mga nasa lugar ganon paman totoo ang kanilang nakikita. "Deputy! Bago nangyari ang bagay na ito may napansin ba kayong kakaiba?" Tanong ng leader sa katabi nitong lalaki. "Meron leader, hiniram ng Padilla Clan ang buong lugar para sa isang search and rescue sa loob ng limang oras." Sabi ng deputy habang nagkatinginan naman ang leader at matanda. "Ako na ang bahalang kumausap sa Padilla Clan ngayon ay kailangan nating maseguradong cleared ang buong Intramuros. Nauunawaan mo ba ang sinasabi ko?" "Nabawi natin sa kamay ng mga beast ang buong lugar ng Intramuros!" *** Isang malaking balita na parang nuclear bomb ang gumising sa mga tao ng Pilipinas. Ang Intramuros ang kilalang walled city na nakuha ng mga beast ay nabawi na ng mga tao! Isa lamang ang kahulugan nito isang safe place! Ang Intramuros Walled City ay muling magbubukas para sa mga normal na tao at mages. Ikinatuwa ito nang lahat habang madaming gustong malaman kung paano ito nangyari hanggang sa lumabas ang ginawa ng Padilla Clan na paghiram sa lugar sa loob ng limang oras. Dahil dito ang atensyon ng lahat ay nasa Padilla Clan. Ganon paman hindi alam ng lahat ang tunay na may gawa nito ay mahimbing na nag cucultivate. *** Padilla Clan Manor Matatagpuan ang territory ng Padilla Clan sa Makati City isa sa mga advance city sa Pilipinas. Sa oras na iyon madaming reporter na makikita sa labas ng kanilang entrance ngunit wala kahit isa sa mga ito ang pinapapasok. "Gusto lang naming malaman ang tungkol sa Intramuros!" Sigaw ng isa sa mga reporter sa lugar Habang galit namang itinulak ito ng guardsmen ng lugar. "Hindi nga pwedeng pumasok dahil may mahalagang nangyayari sa loob." Sabi ng guardsmen. "Importanting nangyayari?" Tanong ng reporter na tinanguan ng guardsmen. "Ngayong nakabalik na si sir Dan Padilla ay masasabing meron nang tagapag-mana ang Padilla Clan." Sabi ng guardsmen habang sa oras na marinig ng mga reporter ang sinabi ng guardsmen ay nagliwanag ang mga mata ng mga ito. "Mas kailangan naming makapasok!" Sigaw ng isa at muli ay mas lumakas ang mga reporter at nagtangkang pumasok sa lugar. Meanwhile habang nagkakagulo sa labas masasabi namang ang lahat ng mga miyembro ng Padilla Clan ay nasa main hall ng manor. "Natutuwa akong naipasa ko na sayo ang head position." Sabi ng lalaki habang ngumiti naman dito si Dan "Uncle maraming salamat sa lahat-lahat at sayo din maganda kong Ava." Sabi ni Dan habang yinakap naman ni Ava ang kanyang papa na sa oras na iyon ay ang retired head leader ng Padilla Clan. "Well oras na para kausapin ang mga reporter." Sabi ni Dan at pinayagang makapasok ang mga reportes sa lugar. Dahil sa mga miyembro ng Padilla Clan sa lugar ay agad na naging tahimik ang mga reporter at maayos na pumasok sa lugar. Pumwesto ang mga ito at inayos ang kanilang mga kamera. Ilang minuto pa at naayos na nang mga ito ang lahat. "Alam kong madami kayong katanungan tungkol sa Walled City 'Intramuros'." "Alam naman seguro ng lahat ang tungkol sa Dimension c***k, ang Dimension c***k ay isang lugar na nag kokonekta sa isa pang lugar." "Sa loob ng lugar na iyon ay may tinatawag na dimensionsal lord. Ang Dimensionsal Lord ang may pakana kong bakit may mga dimensionsal beast sa lugar at nakakalabas sa Dimension Crack." "Nakulong ako sa loob ng Dimension c***k at dahil sa ginawang search and rescue nang aking pamilya ay nahanap nila ang aking kinalalagyan." "Alam nang lahat na nagtungo ako sa Intramuros para mag breakthrough at sa oras na ma rescue ako sa lugar ay agad akong nag breakthrough at bilang King Tier Mage ay nagawa naming matalo ang Dimensionsal Lord at mawasak ang crystal nito." "Once na matalo ng kahit na sino ang Dimensionsal Lord at mawasak ang crystal nito ay normal lamang na maglaho ang Dimension c***k. Ngayon ay nakuha niyo na ang gusto niyong malaman" Sabi ni Dan at agad na umalis habang sumunod naman dito agad ang dalawang elder at ang papa ni Ava. "Elder gusto kong mawala sa ating pamilya ang mga ahas" Sabi ni Dan habang may killing intent sa kanyang mga mata. Agad na tumango ang elder at umalis, naiwan nalamang ang elder na si Bavel at ang papa ni Ava. "Yun ba talaga ang nangyari?" Tanong ng papa ni Ava habang umiling dito si Dan. "Hindi, nangyari ang nangyari sa Intramuros dahil kay Sol Magi. Hindi ko inaasahan na ganon ka lakas ang binata na iyon" "Isang malaking pagkakamali para sa Magi Clan ang patalsikin ang binatang iyon. Elder gusto kong mas maging close ang Clan natin sa Cruz Clan." "Sooner or later may malaking mangyayari na magbabago sa buong Pilipinas. Btw 19 na si Ava diba? Uncle makakayanan mo nabang pakawalan ang prinsesa mo? " Sabi ni Dan na pinagtaka ng papa ni Ava "A new generation is here." *** "May pupuntahan kayo?" Tanong ni Angela sa akin na aking tinanguan. Nakuha ko lamang ang isang tawag mula sa aking mom at pinapauwi ako nito sa Cruz Clan. "Uuwi kami sa Cruz Clan gusto mo bang sumama?" Tanong ko dito habang hindi naman siya segurado sa mga oras na iyon. "No worries wala namang problema kong sasama ka." Sabi ko dito at agad siyang sumama. Habang nasa daan ay nalaman ko ang tungkol sa Intramuros sa totoo lang wala akong pakialam sa bagay na ito dahil nakuha ko naman ang kailangan ko. With all the beast bodies and carcasses sa hive ay aabotin ng isang buwan bago maubusan nang pagkain ang Ants Colony. Nalaman ko ding number 1 priority ng Maharlika na maayos ang buong Intramuros para agad itong mabuksan sa publiko. At nalaman ko din ang tungkol sa pagbabago ng Clan leader ng Padilla Clan. Ngayon ay naunawaan ko na kong bakit sobrang importante ni Dan. Well hindi ko muna ito inisip at nagdrive habang nakikinig sa magandang tugtugin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD