Chapter 21: Intramuros Danger Zone

1634 Words
Nang mabuo ang blood contract sa pagitan namin ng Ant Queen ay hindi ko na ginamit ang master collar at ibinalik ito sa dati nitong lugar. Binigyan ko naman ng freedom ang mga Underground Ants at inilagay ang puzzle chamber katabi ng hive entrance para mabilis makalabas ang mga ito. Sa oras na maging contracted beast ko ang Queen Ant ay ang oras na ding kontrolado ko na ang buong Ant Colony. Hindi ko alam kong paano iyon nangyari ngunit ramdam kong may kakayahan akong kontrolin ang buong colony. Dahil na din seguro ito sa Queen Ant mark sa aking Summoning Temple. Ngayon ang gustong kong malaman ay kong paano ito nangyari dahil isang marka lamang ang nakuha ko sa Queen Ant pero hindi ko pwedeng ipasok ito sa aking sea soul. Ganon paman as long as malapit sa akin ang Queen Ant ay mabilis ko itong natatawag. "AI may iba kapa bang alam tungkol sa blood contract?" Tanong ko dito habang agad itong umiling. "Ang mga sinabi ko sayo kanina commander ay ang tanging naka program lamang sa akin." Sabi nito na ikina dismaya ko. "How about this may alam ka ba dito?" Muli kong tanong sa AI habang ipinakita dito ang maliit na bilog na mukhang holen na orb. Isang ilaw ang agad na nag scan sa orb. "Isa itong Magical Fountain Heart ganon paman isa lamang itong low tier." Sabi ng AI na aking tinanguan. "May magagawa ba tayo dito? Tsaka meron ding rank ang bagay na ito" Tanong ko dito habang nagtataka mukhang may ibang set of ranking ang civilization sa labas ng earth. "Gamit ang energy core ng Intergalactic Hive ay maari nating i-nourish ang heart para maging isang high tier at kailangan lamang itong ilagay sa isang open space para makapaglikha ng magical fountain." Paliwanag ng AI na aking ikinatuwa at ibinigay dito ang heart. Ngayon ang problema nalamang ay ang source ng pagkain ng mga Underground Ants habang naisip ko naman ang tungkol sa Intramuros. *** "Are sure gagawin mo?" Excited na sabi ni Ava sa kabilang linya, habang nakikipag video call ako dito gamit ang smartphone ni Mizuki. "Well oo pero sa isang kondisyon." Sabi ko dito tumango naman ito. "Anong kondisyon? As long papayag ka ay gagawin namin ang lahat." Sabi ni Ava. "I want the whole place. Dapat walang sino man ang makakapasok sa lugar." Sabi ko dito na kanyang ikinagulat. "Anong ibig mong sabihin? Wala kahit isang mages na pwedeng pumasok o pumunta sa lugar?" Sabi nito na aking tinanguan. "Well kailangan ko munang kausapin ang mga elders at tatawag ako agad." Naghintay lamang ako ng limang minuto at muling tumawag si Ava. "Pumayag sila pero magagawa lang ito ng Padilla Clan ng limang oras." Sabi ni Ava. Limang oras... Sakto na ang oras na iyon para sa akin. "Ok deal pupunta ako mamayang alas singko ng hapon." Tumango si Ava sa akin at nagpasalamat. Habang sinabihan ko naman si Mizuki at Angela tungkol dito. Nagpalipas kami ng oras sa bahay hanggang sa maging alas singko. Filipino time, within 5:30 pm ay nasa Intramuros na kami. Malaki ang Maharlika branch na nagbabantay sa entrance ng lugar at masasabing may iilang mga lord tier mages ang nasa loob nito. "Bakit hindi kami pwedeng pumasok!" Sigaw ng isa sa mga mages sa lugar habang agad namang nagpaliwanag ang personnel ng Maharlika. "May gagawing search and rescue sa Danger Zone kaya naman walang makakapasok sa lugar sa loob ng limang oras." Paliwanag ng personnel habang wala namang nagawa ang mga galit na mages kong hindi ang umalis or maghintay. Nang makita ako ni Ava ay agad itong lumapit sa amin at ipinakilala ako sa isang matandang lalaki. Hindi ko alam kong bakit pero may kakaibang danger akong nararamdaman sa matandang ito. Hindi ko din maramdaman ang cultivation base nito! "Sol ito si Elder Bavel isa sa elder ng aming Clan." Pakilala ni Ava na akin namang naunawaan. "Sol Magi" Sabi ko dito habang tinitigan ako ng matanda. "Kong ganon ikaw si Sol Magi" Sabi nito at hinawakan ang aking nakataas na kamay. "Hindi nagkamali ang young Ava namin sa sinabi niya tungkol sayo." Sabi nito habang umubo naman si Ava at agad na pumagitan sa amin. "Sol katulad ng pinag-usapan meron kang 5 hours para malocate ang tito ko buhay man o patay." Sabi ni Ava na aking naunawaan. Agad kaming nagtungo sa entrance ng lugar at pumasok dito habang nagpaiwan naman si Ava para seguradong walang makakapasok sa lugar. Pag pasok namin sa danger zone ang bumungad sa amin ay tela isang haunted town. May mga lumang bahay sa buong paligid at makikita mo dito ang lumang pamumuhay ng mga tao. Nakakabighani ang buong lugar ganon paman hindi kami napunta dito para mag sightseeing. Agad kong inilabas ang Hive at tinawag ang Queen Ant nagulat naman si Mizuki at lalo na si Angela sa aking ginawa ganon paman ay agad kong ipinaliwanag ang sitwasyon. "Queen may limang oras kayo para mag hunt ng pagkain at hanapin ang taong ito." Sabi ko sa Queen Ant habang ipinakita naman dito ang litrato ng tito ni Ava. Naunawaan naman ng Queen Ant ang aking tinutukoy at itinaas nito ang kanyang antenna habang kasunod nito ay ang paglabas ng daang-daang mga underground ants! "Scheee!" Sa isang iglap napuno ang buong lugar ng mga underground ants na nagtungo sa iba't ibang direksyon. Habang naglakad naman kaming apat patungo sa Dimensions c***k. Habang naglalakad ay tinitingnan namin ang mga lugar at hindi ko talaga maiwasang hindi mamangha sa ganda ng lugar. Ngayon ay naalala ko ang dati kong mundo ganitong ganito ang mga building noong spanish colonial days. Kong hindi lang dahil sa mga malalakas na spooky scream na maririnig sa buong lugar dahil sa pag hunt ng mga underground ants ay seguradong perfect ang lugar para maging pasyalan. Napangiwi nalamang ako sa mga oras na iyon habang isa isang binubuhat ng mga underground ants ang katawan ng kanilang biktima pabalik sa hive na sa ngayon ay buhat ng isang daang mga underground ants. Hindi ko alam ngunit segurado akong sa limang oras na ito ay mauubos ang mga beast sa loob ng Danger Zone. Ilang minuto pang paglalakad ay nasa harapan na kami ng Danger c***k. Tiningnan ko ang dalawang babae at tumango dito. Habang isang lord tier beast underground ant ang pumasok sa c***k at agad na bumalik kasunod nito ay ang pagpasok ng daan-daang pang mga underground ants! Pumasok kami sa Dimension Cracks at napadpad kami isang plain na lugar. Sobrang lawag ng kapatagan ng lugar na ito at madami ding mga dimensionsal beast sa lugar. Naramdaman ko naman ang excitement ng Queen Ant at agad ko itong naunawaan. Mas pinalaki ko pa ang Hive at mas madaming mga underground ants ang lumabas dito at sa isang iglap ang buong colony ng underground ants ay nag umpisa sa kanilang pag stack ng pagkain!. Makikita ang gulat sa mukha ni Angela habang wala namang pake si Mizuki. Dahil sa underground ants ay wala kaming nakaharap na kahit isang dimensionsal beast. Ganon paman lahat ng mga beast crystal ay napunta sa akin. Sa Underground Ants colony ang mahalaga lamang ay ang Queen. As long as lumalakas ang Queen mas malalakas din ang mga itlog na sinisilang nito! Hoarding ito lamang ang nasa isip ko dahil sa sobrang daming mga beast crystal sa isang pwesto sa aking hive. Hindi ko muna ito binigyan ng pansin dahil nasa harap na kami ng kastilyo ng lugar. Maririnig ang labang nagaganap sa loob ng kastilyo habang mas marami pang underground ants ang pumapasok dito. Ilang minuto pang lumipas at isang malaking green na nilalang ang buhat buhat ng mga green ants patungo sa hive at hindi ko namang maiwasang hindi mapangiwi sa mga oras na iyon. Ang green na nilalang na dala nila ay ang Dimensionsal Lord ng lugar habang sa isang kwarto sa kastilyo ay makikita ang mga nakakulong na sampung mga tao. Isa sa mga taong ito ay ang tito ni Ava. Tiningnan ko ang mga ito at napansin ko ang isang patay na katawan sa loob ng lugar. "Dan Padilla?" Tanong ko habang napatingin sa akin ang mga nakakulong na tao. Makikita ang gulat at pagtataka sa mukha ng mga ito. "Paano ka nakapasok dito?" Sabi ni Dan sa akin ngunit hindi ako nagpaliwanag dito at tinuro ang patay na katawan. "Anong nangyari sa kanya" Sabi ko dito habang isang kamay ang nag tangkang humila sa akin. "Bata pakawalan mo kami dito!" Sigaw nito habang may dugo ito sa kanyang kamay at pati na sa kanyang bibig. Mukhang naunawaan ko na ang nangyari. Tiningnan ko si Mizuki at inilabas nito ang kanyang Katana at sa isang iglap ito ay naglaho "Aghhh!" Isang ulo ang agad na tumilapon sa lugar dahilan para matakot ang mga tao sa loob. "Dan Padilla?" Sabi ko ulit at tumango sa akin ang lalaki. Binuksan ko ang kulongan at pinakawalan ito. "How about them?" Tanong ko, umiling naman dito si Dan "Sila ay mga taohan ng isang organisation na inatasan para patayin ako." Sabi nito habang ikwenento ang nangyari. Nagtungo si Dan Padilla sa lugar para mag breakthrough sa kanyang Lord Tier rank at maging isang King Tier Mage! Ganon paman habang nasa Danger Zone ay inatake siya ng isang grupo at wala siyang nagawa kong hindi ang pumasok sa Danger Zone hanggang sa mahuli sila ng Dimensionsal Lord. Isang keeper ang Dimensionsal Lord ng lugar, bawat araw ay isa lamang na tao ang pinapatay nito kaya hanggang ngayon ay buhay padin siya. Umalis naman kami agad sa lugar at bumalik sa throne room. Doon ay ibinigay sa akin ng isang ant ang lord crystal ng lugar at balak ko itong sirain. Ngayon kailangan nalang namin maghintay hanggang sa matapos ang limang oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD